Chapter: Chapter 51May kumatok bago marahang bumukas ang pinto at sumilip ang isang pamilyar na lalaki na nakasuot ng itim na long sleeves. “Good evening, Ma’am,” pagbati ng bodyguard dahil siya ang unang nakita. Tumikhim si Nathan na nasa isang gilid, habang itinutuloy ang pagpapakain ng anak. Nilingon siya ng lalaki. “Good evening, Sir. Dala ko po ang mga damit ninyo.” Kumunot ang noo ni Cielo. “Nasaan si Nanay Criselda?” Kinuha muna ni Nathan ang dalawang duffle bag mula sa bodyguard bago hinarap ang nagtatanong na babae. “I told her to just rest at home. Wala siyang tutulugan dito. Baka sumama pa ang pakiramdam niya.” Tumaas ang isang kilay ni Cielo dahil may single bed naman sa silid na iyon para sa bantay ng pasyente, maliban pa sa sofa. “May kama naman dito.” Kumamot ng kanyang ulo si Nathan, na halatang nagtitimpi lang sa patuloy na pagsusungit ni Cielo sa kanya. “Hindi kami magkakasya ni Sky sa sofa.” “Eh ‘di dapat ikaw ang umuwi!” halos tumaas na ang boses ni Cielo. Pigil na pigil ng aw
Huling Na-update: 2026-06-28
Chapter: Chapter 50“In your dreams!” inis na inis na sagot ni Cielo habang itinutulak ang mukha ng lalaki palayo sa kanyang tainga.Pikon na hinawakan ni Nathan ang mga kamay ng babae at mas inilapit pa ang kanyang mukha sa mukha nito. “Yes, for fucking four years since you left, I always have wet dreams with you,” nakatiimbagang na sagot nito.“Yuck!” Umangat ang isang sulok ng labi ni Nathan. “Yuck? Maybe you want to try it again tonight. Just make sure na pangalan ko lang ang lalabas sa bibig mong iyan!”“A-Ano?” Tumaas na ang boses ni Cielo. “Hindi pa ba sapat na sinampal mo ako sa harap ng asawa mo, kaya ngayon naman ay binabastos mo pa ako?”Kumunot ang noo ni Nathan. “Sinampal kita noon dahil alam kong sinadya mong itulak si Isla at nagkukunwari kang inosente. Paano kung may nangyaring masama sa kambal?”Iniiwas ni Cielo ang tingin sa lalaki. Totoo namang sinadya niyang itulak ang babae. “H-Hindi ko naman alam na buntis siya.”Napahawak si Nathan sa kanyang ulo sa sobrang frustration. “You could
Huling Na-update: 2026-06-28
Chapter: Chapter 49“Sky, ingat sa pagtakbo, anak, baka madapa ka!” habol ni Cielo sa anak na excited na tinakbo ang open field ng parke ng isang mall sa Sta. Rosa. “Habol mo po ako, Mommy!” sigaw ni Sky na tuwang-tuwa.“Sige, maghabulan kayong mag-ina. Dito lang ako uupo,” natatawang sabi ni Criselda na nakahanap ng bakanteng bench.Napapikit si Cielo para makapagtimpi sa anak. Pumayag na nga siyang makipagkita sa kaibigan ng anak na tinatawag nitong Daddy, tapos paghahabulin pa siya nito dito sa park. Ano kayang amoy niya kapag humarap sa lalaki?Tumakbo pabalik sa kanya si Sky nang makitang nakapameywang na lang siya. “Mommy, bakit ayaw mo akong habulin?”“Ayaw kong mabasa ng pawis, anak,” katwiran niya.“Bakit po, Mommy?” tanong ulit ng bata.“Kasi ime-meet pa natin ang friend mo ng lunch, eh ‘di nakakahiya naman kung basa ako sa pawis,” paliwanag niya.“Mabango ka naman po kahit basa ng pawis, Mommy, kaya okay lang po iyon,” nakangiting pangangatwiran ni Sky.Napangiwi naman si Cielo sa sinabi ng an
Huling Na-update: 2026-06-27
Chapter: Chapter 48Napilitang pumasok si Cielo sa JNQ Motors matapos siyang makatanggap kahapon ng text message mula kay Engr. Enzo, nagloloko raw ang transmission ng prototype at ayaw nilang pakialaman ang makina nang walang approval niya. Sinabihan niya ang lalaki na ngayong araw na lamang nila tingnan ang problema ng makina dahil darating siya.Dahil hindi pa tapos ang pagpipintura niya sa kanyang sasakyan, napilitan siyang mag-commute mula sa kanilang subdivision. Tatlong sakay iyon, pero ang pinaka-challenging ay ang paglalakad mula sa gate ng JNQ hanggang sa main building. Mabuti na lamang, nagmaong at rubber shoes siya noong araw na iyon. Naisip tuloy niyang kapag binigyan siya ulit ng karagdagang 10% sa kabuuang halaga ng proyekto, bibili siya ng bagong SUV para may pamalit sa kanyang sasakyan sa ibang araw.Pagpasok niya sa kanyang opisina, bumungad sa kanya ang amoy ng kape sa buong silid. Napatingin siya sa coffee nook area kung saan may isang brown bag at mainit na kape na binili sa isang sik
Huling Na-update: 2026-06-27
Chapter: Chapter 47Nagdesisyon si Cielo na hindi muna pumunta sa JNQ Motors noong sumunod na araw upang maiwasan ang CEO. Kailangan niyang matutunang huwag pansinin at huwag nang madala sa mga pakulo ng lalaki. Pinaalalahanan niyang muli ang sarili na partners na lamang sila sa project at wala nang dapat lumampas doon. “Mommy, hindi ka po magwo-work today?” nagtatakang tanong ni Sky sa ina habang binabantayan si Cielo sa loob ng workshop garage niya.Nakahiga sa ilalim ng sasakyan si Cielo at may sinisilip sa makina. Napilitan siyang mag-slide palabas para sagutin ang anak.“May sira kasi itong car natin, kaya aayusin ko muna,” paliwanag niya. "Ano pong sira?" curious na tanong nito, habang yumuyuko pa para makita ang ilalim."May kalampag eh," sagot naman ng ina. “Mamaya hindi ka na puwede rito kasi maalikabok na.”Humaba ang nguso ni Sky. “But I want to help you, Mommy!”“You can help me kapag makina ang inaayos ko by giving the tools that I need, pero mamaya baby, sisimulan ko na ang repainting ng c
Huling Na-update: 2026-06-27
Chapter: Chapter 46Nanigas ang katawan ni Cielo. Ilang segundo ang lumipas bago siya nakabawi mula sa pagkakabigla. Buong lakas niyang itinulak ang lalaki, pero hindi man lamang natinag sa pagkakayakap sa kanya. “Mr. Quinn, let go of me, or I will file a harassment case against you,” buong tapang niyang babala.Napapikit si Nathan. Kinalma ang sarili. Pagkuwan, nanlulumo niyang binitawan si Cielo. “I’m very very sorry, Darling,” bulong niya.Bago pa makalayo si Cielo, tumayo na ang lalaki at lumabas ng opisina niya. Napabuntong-hininga ang babae, sinusubukang mawala ang mabigat na tila nakadagan sa dibdib niya.Napalingon siya sa pagkaing nakahain sa mesa at parang nag-replay sa kanya ang masasayang araw nilang magkasama ni Nathan. Ang mga pagkaing kanilang pinagsaluhan, marangya man o kahit cup noodles lang. Bumuhos ang luha mula sa kanyang mga mata at hindi na niya mapigil ang patuloy nitong pagbagsak. Pumasok siya sa banyo para maghilamos, pero patuloy pa rin ang pag-iyak ng kanyang mga mata. Nagbi
Huling Na-update: 2026-06-27

A Contract Marriage With Abe Dela Torre
Kinakaya ni Isla Aguilar ang mabigat na hamon ng buhay. Nagtatrabaho sa araw, nag-aaral sa gabi para sa pangarap na mas maayos na buhay at makatulong sa gamutan ng bunsong kapatid na may Down Syndrome at butas sa puso. Sa gitna ng kanyang pagsusumikap, ang kanyang tanging pahinga ay ang lihim na talon malapit sa likod ng kanilang bahay, kung saan isang araw ay iniligtas siya ng isang guwapo at matipunong estranghero sa pag-aakalang siya ay nagpapatiwakal.
Hindi niya inakalang ang estrangherong iyon ay si Johan Abraham Dela Torre, ang bagong CEO ng kumpanyang pinagtatrabahuhan niya na kilalang istrikto at malupit sa pamamalakad sa kumpanya, at mailap sa mga babae. Kaya’t laking gulat ni Isla nang bigla siyang alukin ng CEO ng kasal kapalit ng tulong para sa operasyon ng kanyang kapatid. May kundisyon ang kasunduan: walang pisikal na relasyon, sikreto ang kasal maliban sa pamilya ng lalaki, at isang taon lamang ang bisa.
Habang tumatakbo ang mga araw, unti-unting nahuhulog ang loob nina Isla at Abe sa isa’t isa. Dahil sa angking galing at talino, si Isla ay naging isang asset ng kumpanya, at si Abe, sa kabila ng pagkukunwaring malamig at matigas, ay palihim na sinusuportahan si Isla sa kanyang pangarap.
Ngunit paano kung may ibang babae na nagpupumilit maging parte ng buhay ni Abe at palaging minamaliit ng matapobreng ina ni Abe si Isla?
Magagawa ba nilang ipaglaban ang pag-ibig sa kabila ng takot, sakit, at mga hadlang?
Basahin
Chapter: Chapter 210Epilogue“You may now kiss the bride.”Napangiti ako at kahit ikalawang beses na naming ikinakasal, iba sa pakiramdam na napakasalan ko siya ngayon sa harap ng Diyos at sa harap ng aming mga pamilya at kaibigan.Napatitig ako sa magandang mukha ni Isla na bahagyang natatakpan ng manipis na belo. Mas lalo pa siyang gumanda ngayon. Hindi ko kailanman pagsisisihan na inalok ko siya ng kasal ng gabing iyon.Nagsimula nang maghiyawan ang lahat. Mas excited pa sila kaysa sa akin.“Kiss na raw!”“Bakit ayaw pa buksan?”Sabay kaming natawa ni Isla. Akmang iaangat ko na ang belo niya nang may humila sa pantalon ko. Sabay kaming napatingin ni Isla sa ibaba.“Daddy, ako dapat mag-kiss kay Mommy!” pasigaw na sabi ni Hans.Napangiti ako sa kakulitan ni Hans habang nagtawanan ang lahat.“Wait!” sigaw ng isa pang maliit na boses.Napalingon kami kay Anya na nagmamadaling umakyat sa kinatatayuan naming mag-asawa. “Ako rin! Gusto ko rin i-kiss si Mommy!” sigaw niya habang iniaangat ang kanyang mga br
Huling Na-update: 2026-03-01
Chapter: Chapter 209Epilogue“Johan! Napadalaw ka?” magiliw na bati ni Kuya Leo sa akin pagkababa ko pa lamang ng sasakyan ko.“Medyo maluwag schedule ko ngayon kaya naisipan kong bisitahin ka,” palusot ko.Sa totoo lang nagpunta ako rito sa kanila dahil kanina ko pa pinapahanap si Isla mula nang umalis siya sa opisina na balisang-balisa dahil sa pagkakasugod ng kapatid niya sa ospital. Base sa nakuhang impormasyon ni Kuya Des ay dito nakitang nagpahatid sa tricycle si Isla mula sa unibersidad.“Akala ko talagang hindi mo na kami naaalala bilang kamag-anak mo,” tila may tampong sabi ni Kuya Leo.Malayo silang kamag-anak ni mommy pero dito sa probinsiya basta kamag-anak ay hindi dapat kalimutan. Napakamot ako ng aking ulo. “Pasensiya na Kuya, sunud-sunod kasi ang mga nangyari at pinag-aaralan ko pa ang CNMC kaya ngayon lang kita nabisita.”Bigla kong naalala ang dala kong mamahaling alak kaya muli kong binuksan ang passenger seat para kunin ang pasalubong ko.“Huwag ka na magtampo. May pasalubong ako sa i
Huling Na-update: 2026-03-01
Chapter: Chapter 208Epilogue“Hi, Isla! Alam kong hindi mo na ako naaalala. Ako ‘yung iniligtas mo noon sa dagat. I am Johan Abraham Dela Torre, but you can call me Abe.”Napangiwi ako. “F*ck! Cringy!”Napatingin ako sa unahan ng kalsada. Malapit ko nang marating ang gate ng state university kung saan nag-aaral si Isla. Graduating na siya this semester at Valentine's Day ngayon, kaya naisip ko na ito na ang pinakatamang araw para magpakilala ako sa kanya.Siguradong magugulat siya. “What if matakot siya?”Pumarada ako sa harap ng gate ng unibersidad at saka matiyagang nag-abang. Sabado ngayon at base sa ibinigay sa akin ni Harris na schedule ni Isla ngayong semester ay hanggang alas-kuwatro lang ng hapon ang kanyang klase. Pinindot ko ang aking cellphone para tingnan ang oras at lumitaw ang wallpaper ko. “You’re so beautiful, my baby blue eyes!”It’s 3:55 already. I checked my face using the side mirror of my vehicle. Guwapo naman kahit galing sa tatlong oras na meeting sa DTM at mahigit 30 minutes na C
Huling Na-update: 2026-02-14
Chapter: Chapter 207Epilogue After a series of consultations with doctors, ipinaliwanag nila na hindi lang naman daw sa sinabi ni Mommy ang dahilan nang pagtalon ko sa bangin, kasama na rin ang pinagdaanan ko sa pagkamatay ni Daddy, sa matagal na hospitalization ni Mommy, ‘yung epekto sa akin nang pagkukulong ni mommy sa kanyang silid at biglang pag-iwan sa akin. I attended one-on-one therapy and group sessions. Dito na rin sa Manila ako nagpatuloy ng high school. “Apo, kumusta ka?” nakangiting tanong ni Mamang sa akin habang nauupo sa aking kama. Naglalaro ako ng PS4 at nakasalampak sa sahig dito sa loob ng kuwarto ko. Sa tuwing wala akong klase nakagawian ko na ang maglaro. Isinandal ko sa tuhod ni Mamang ang aking ulo. Sobra-sobra ang pagsisisi ko nang makita kong umiyak nang husto si Mamang dahil sa pagtalon ko sa bangin. I realized they do not deserve that heartbreak because even though they are grieving the death of my father, they are trying their best to take good care of me and the whole co
Huling Na-update: 2026-02-02
Chapter: Chapter 206EpilogueMy chest feels tight as I look at her, almost afraid she might disappear if I blink. Her eyes shine like the ocean itself, calm and deep, and her nose bridge looks perfect. Her curly brown hair floats around her, moving like it’s dancing in the water.I felt like someone grabbed my hand and pulled me out of the water.“Haah!” paghabol ko sa aking hininga.“Johan!” Napakunot ang noo ko sa halos sabay na pagtawag nina Papang at Mamang sa pangalan ko. Iminulat ko ang aking mga mata at puting kisame ang tumambad sa akin. Hindi nagtagal mga mukha ng lolo at lola ko ang nakita ko kasunod ng ilang doktor at mga nurse.“Apo, ano ba ang nangyari? Paano ka nahulog sa bangin?” puno nang pag-aalala na tanong ni Mamang. “Akala namin ay iiwan mo na rin kami ng Papang mo.”Napatingin ako sa kanyang mga mata at hindi ko napigilang mapaiyak. “I did something bad, Mamang.”Inamin ko ang lahat kina Mamang at Papang ang nagawa ko. Na ako ang dahilan kung bakit nagpa-abort ang mommy ko, kung bak
Huling Na-update: 2026-02-02
Chapter: Chapter 205Warning: Some scenes in this chapter touch on abortion and suicide. Please read with care.EpilogueMula nang dumating si mommy, may kasabay na ako ulit kumain sa dining room. Bihira siyang ngumiti kaya alam kong may pinagdadanan siya. Lagi ring dumadalaw ang bestfriend niyang si Tita Savannah. Madalas kasama ni Tita ang anak niyang si Brianna. Napaka-suplada, wala namang ilong at laging iniuumang ang kanyang deadly weapon na mukha.Kinakausap ko lang naman siya dahil sabi ni mommy i-entertain ko siya, tapos kung maka-ismid akala mo siya may-ari ng bahay namin. Sa school nakarating sa akin na ipinagkakalat niyang crush ko siya, mabuti na lang pinagtawanan lang siya ng mga nakarinig. Mula rin noon sa tuwing pumupunta sila sa bahay, hindi ko na siya kinakausap kung hindi kailangan.Minsan nagising ako ng gabi at uhaw na uhaw kaya lumabas ako ng kuwarto para uminom sana ng tubig sa kusina. Nagulat ako nang marinig kong umiiyak si mommy kaya pinuntahan ko siya sa kanyang kuwarto. Kakatok
Huling Na-update: 2026-02-02

The Billionaire's Rewritten Vow
Pakiramdam ni Kara Baker ay isinumpa ang kanyang buhay matapos masira ang kanyang modelling career at iwan ng lalaking minahal niya. Ngayon, hinihiling ng kanyang amang may sakit na magpakasal siya sa isang lalaking hindi niya pa nakikilala upang iligtas ang kanilang publishing company mula sa tuluyang pagkalugi.
Dahil sa sama ng loob, pumunta siya sa isang bar at uminom ng labis. Nagising siyang hubo’t hubad katabi ang isang napakagwapong lalaki sa loob ng isang five-star hotel room sa umaga ng araw na dapat niyang makilala ang kanyang fiancé. Sa dinner ng dalawang pamilya, nagulat siya nang malaman na ang lalaking kanyang naka-one night stand ay siya ring kanyang fiancé.
Si Marco De Guzman, ang CEO ng isang kumpanya ng publishing, advertising, at marketing sa US at Pilipinas, ay napilitang sumang-ayon sa hiling ng kanyang mga magulang na siya ay magpakasal sa anak ng kanilang kaibigan. Bagamat inamin niya sa kanyang sarili na nagandahan siya sa babae ng unang makita sa bar at hindi maikakaila ang kanilang pagiging compatible sa kama, hindi pa rin ito ang babaeng mahal niya.
Gaano katagal kayang manatili ni Kara sa isang pagsasama na walang pag-ibig, lalo na't ang puso ng kanyang asawa ay pag-aari ng ibang babae?
Basahin
Chapter: Chapter 184“Relax, Babe!” nakangiting paalala ni Santee kay Amari bago inabutan ng isa pang baso si Amari. “Cheers! I missed you!”“Girls, you keep on talking about their batch. We were part of the team too,” pagsabat ni Josh.“Yeah! When they graduated, our throne as the champion for all time also…” sagot ni Jenna na iniakto pa ang mga kamay na tila nagda-dive.Nagtawanan ang lahat habang napapakamot na lamang ng ulo sina Josh, Emerson at Bryan.Dumampot muli si Santee ng bagong baso sa mesa at iniangat iyon. “Let’s just enjoy the night as we welcome back, Amari!”“Yeah!” sabay-sabay na sigaw ng mga kaklase nila kasabay ng pag-angat din ng mga hawak nilang shot glass at sabay-sabay na inisang lagok ang kani-kanilang baso.Nagyayang magsayaw sa dancefloor si Santee, kaya agad na nagtayuan ang lahat. Pinauna ng mga lalaki ang mga babae sa hagdan at doon napansin ng mga lalaki ang backless na suot ni Amari at nagtinginan sila. Kilala nilang reserved ang babae at hindi nila mapormahan noon dahil sa
Huling Na-update: 2026-05-21
Chapter: Chapter 183Amari got curious about her Kuya Marco’s love life. Hindi siya makapaniwala na ganun lang kadali iniwan ni Marco si Nickelle dahil alam niya kung gaano kamahal ng kanyang kuya ang mag-ina nito, kung paano alagaan at pahalagahan mula nang iuwi ni Marco sa Palo Alto si Nick apat na taon na ang nakararaan hanggang sa magbuntis, makapanganak, at habang lumalaki ang kanyang pamangkin na si Nikolai. Hindi niya nasaksihan ang pagpapakasal ng dalawa sa US at tanging mga pictures lang ng dalawa na naka-bridal gown at tuxedo ang nakita nila sa I* ni Marco, kaya inakala niyang nagpakasal ang dalawa ilang buwan matapos maipanganak si Nikolai. Maliban sa biglaang pagbalik ng mag-anak sa Pilipinas na nakita na lamang niya sa I* ng kuya niya, wala na siyang ibang alam. Nang mangyari kasi ang pagbabalik nina Marco, Nickelle at Nikolai sa Maynila ay nasa Antique sa Pilipinas din sina Selina at Amari dahil kinailangan nilang umuwi para makasama ang ama ni Selina na may malubhang sakit. Inabot din ng i
Huling Na-update: 2026-05-21
Chapter: Chapter 182Nahigit ni Noah ang kanyang hininga sa ginawa ni Amari kasabay ng pagtitig niya sa maamong mukha ng dalaga. Kunot ang noo ng dalaga sa kanyang harapan, ngunit kahit gayun ay maganda pa rin ito. Sa hindi niya maipaliwanag na dahilan ay nagsimulang sumibol ang kaba sa kanyang dibdib. Tila huminto ang puso ni Noah sa pagtibok nang ilapit pa lalo ni Amari ang kanyang mukha sa binata na sinabayan ng paghigpit ng kamay nito sa kanyang bibig habang sinesenyasan na huwag mag-iingay. Tuluyan nang nakababa ang mabibigat na hakbang ngunit hindi pa rin tinatanggal ng babae ang kanyang kamay sa bibig ng lalaki at nakatingala lamang siya na parang nakikiramdam sa susunod na mangyayari. Nang sa tingin ni Noah ay wala nang tao sa paligid, tinanggal niya ang kamay ni Amari sa kanyang bibig na ikinagulat ng dalaga. “Are you planning to kill me?” nangingiti niyang sabi habang pisil-pisil ang maliit na kamay ng babae. Nanlaki ang mga mata ni Amari sa sinabi ni Noah. “You’re exaggerating!” Sinuklian
Huling Na-update: 2026-05-19
Chapter: Chapter 181Nakaupo si Amari sa harap ng kanyang vanity table para ayusin ang sarili. Bigla kasing nag-text si Marco kay Selina at sinabing darating ngayon. Habang naglalagay siya ng loose powder sa kanyang mukha at leeg, napatuon ang pansin niya sa suot na kuwintas. Napahawak siya sa rose pendant at naalala ang taong nagbigay sa kanya noon. Biglang maglaho ang excitement na kanina ay kanyang nararamdaman. It’s been seven years mula nang ibigay ni Noah ang kuwintas at tintatanggal lamang niya iyon kapag maliligo, pero agad na isinusuot pagkatapos. Nakaramdam siya ng pagbigat sa kanyang dibdib nang kanyang maalala na matapos ang araw na iyon, tatlong ulit na lamang niyang nakita ang lalaki dahil naging busy si Noah sa school, soccer at sa pagtulong sa negosyo ng pamilya ng lalaki. Hindi man nakalilimot bumati ang lalaki sa dalaga tuwing kanyang kaarawan, nakikita naman niya sa social media accounts ng ilang mutual friends nila ni Noah na kung sinu-sinong babae ang kasama nito sa mga party na pinu
Huling Na-update: 2026-05-19
Chapter: Chapter 180Nang mga sumunod na araw, labis na ipinagtataka ni Noah ang kapansin-pansing pag-iwas sa kanya ni Amari. Gustong-gusto niyang tanungin ang dalagita kung may nagawa ba siyang mali para iwasan ngunit hindi na niyang magawang puntahan pa ang dalagita tuwing recess dahil sadyang busy na ang batch nila dahil sa sunud-sunod na projects at exam. Idagdag mo pa ang practice nila sa nalalapit na finals ng Inter-school Soccer match at ang pagtulong niya sa kanyang lolo sa pagawaan nila ng mga armas. Nagsimula na kasi siyang i-expose ng kanyang lolo sa kanilang negosyo.Nagkakasya na lamang siya sa paminsan-minsang pagsulyap sa dalagita at sa mga ipinararating na balita sa kanya ng ilang kakilala at inutusang magbantay kay Amari. Nag-aalala kasi siya na mapagtripan na naman ang kanyang prinsesa, kaya mabuti nang mayroong siguradong proteksiyon ang dalagita. Isang Sabado bago siya dumiretso sa kanilang kumpanya, dumaan ang binata sa bahay nina Amari. Pinatuloy siya ni Selina kahit natutulog pa si
Huling Na-update: 2026-03-08
Chapter: Chapter 179Excited si Noah sa inihanda niyang surpresa para kay Amari. Ilang araw niya itong pinag-isipan at sana ay mapasaya niya ang dalagita. Titig na titig naman si Amari sa masayang mukha ni Noah na nakaakbay sa kanya at iginigiya siya patungo sa labas ng kanilang eskuwelahan. Pagkuwan ay nilingon siya ng binata at nagtama ang kanilang paningin. Kapwa lumakas ang pintig ng mga puso nila at hindi na nila magawang tanggalin ang titig sa bawat isa.“Noah!”Sabay silang napalingon sa pinanggalingan ng boses. Si Thiago ang bestfriend ni Noah. Nagsenyasan lang ang dalawang lalaki at walang naintindihan si Amari sa kung anuman ang kanilang pinag-uusapan.“Sorry about that. Let’s go!” masayang pagyaya ni Noah.Tumango lamang si Amari dahil pakiramdam niya ay nakaapak ang kanyang mga paa sa alapaap.Pinuntahan muna nila ang school bus ni Amari, kinausap ni Noah ang driver bago sila nagtungo sa lobby ng eskwelahan kung saan naghihintay na ang driver at dalawang bodyguard. Naka-park rin ang dalawang
Huling Na-update: 2025-12-01