author-banner
KristiyanongInlove
KristiyanongInlove
Author

KristiyanongInlove 的作品

Marrying My Ex-Husband's Best Friend

Marrying My Ex-Husband's Best Friend

DramaDark RomanceThird-Person POVLawyerCEODivorce
Walang maramdaming kahit na katiting si Lucilia mula sa asawa. At kinamumuhian siya ng anak niyang lalaki dahil gusto nito ng ibang nanay. Hanngang sa mapagod at mapuno na si Lucilia ay nakipaghiwalay siya sa asawa. Iniwan niya ito. Umalis siya kasama ang anak na babae. Nagpatulong siya para ma divorce sa asawa sa pinakasikat at high paid na lawyer na si Donovan, na best friend ng asawa niyang si Nolan. Matagal ng gusto ni Donovan si Lucilia pero naunahan siya ni Nolan. Pero ngayon ay hindi niya na palalampasin ang pagkakataon na mapasakanya si Lucilia. Kaya gumawa siya ng kasunduan na tutulungan niya si Lucilia na ma divorce sa asawa kung papayag itong magpakasal sa kanya pagkatapos. Papayag ba si Lucilia? Makukuha ba ni Donovan si Lucilia? Abangan ang kwento nina Donovan at Lucilia...
閱讀
Chapter: CHAPTER 141
Mabilis ang tunog ng mga gulong ng ambulansya habang humaharurot iyon sa kalsada. Sa loob, mahigpit ang hawak ni Lucil sa kamay ni Donovan habang pilit niyang pinapakalma ang sarili niya. Pero imposible. Dahil bawat patak ng dugo sa suot nitong damit ay parang unti-unting sumisira sa natitirang kontrol niya.“Sir, stay awake,” sabi ng paramedic habang inaasikaso ang tama ng bala sa balikat ni Donovan.Bahagyang napangiwi ito sa sakit pero hindi nagreklamo. Ang tingin nito nasa anak nila.“Daddy…”Nasa kabilang gilid si Lilo, umiiyak habang hawak ang maliit na stuffed rabbit nito. Namumugto na ang mata ng bata sa kakaiyak. At tuwing gagalaw si Donovan dahil sa sakit, mas lalo lang itong napapahikbi.“Hey…” mahina nitong tawag kahit hirap magsalita. “No crying, baby.”“Pero may dugo ka…”Napangiti nang mahina si Donovan kahit namumutla na.“It’s just a scratch.”“Liar,” hikbi ni Lilo.At kahit sa gitna ng takot, halos mapaluha si Lucil sa eksenang iyon. Dahil ganoon palagi si Donovan ka
最後更新: 2026-07-07
Chapter: CHAPTER 140
Hindi gumagalaw si Donovan. Nakatitig lang ito sa lalaking may hawak ng baril habang pilit kinokontrol ang galit na unti-unting sumisira sa natitira nitong pasensya.Sa likod ng lalaki, mahigpit na nakakapit si Lilo kay Liam habang umiiyak. At bawat hikbi ng anak nila parang kutsilyong paulit-ulit na tumatama sa dibdib ni Lucil.“Daddy…”Nanginginig ang boses ni Lilo. Takot na takot. At iyon ang pinakamasakit makita. Dahil matapos mawala si Leland, nangako silang dalawa ni Donovan na hinding-hindi nila hahayaang mapahamak si Lilo. Pero ngayon narito ulit sila. Nawawalan na naman ng anak.“Please…” umiiyak na sabi ni Lilo. “Take me home…”Napapikit si Lucil habang mabilis na tumulo ang luha niya. Sa tabi niya, ramdam niyang nanginginig na rin ang paghinga ni Donovan. Hindi ito umiimik. Pero kilala niya ito. At alam niyang ilang segundo na lang baka tuluyan nang sumabog ito.“Donovan,” mahina niyang tawag.Hindi ito lumingon. Nakatitig lang kay Lilo. Parang ang buong mundo nito ay umiik
最後更新: 2026-06-12
Chapter: CHAPTER 139
Mabigat ang hangin sa paligid ng abandonadong warehouse malapit sa pier. Tahimik ang gabi, pero ramdam ni Lucil ang mabilis na tibok ng puso niya habang nakatanaw sa malaking kalawangin na gusali sa harap nila. Naroon si Lilo. Kailangan naroon siya. At habang iniisip niya iyon, mas lalo siyang kinakabahan.Sa tabi niya, tahimik lang si Donovan habang kinakausap ang head of security nito. Pero kahit kalmado ang mukha nito, alam ni Lucil na galit na galit na ito. Hindi niya kailangang hulaan. Kilala niya si Donovan. Kapag tahimik ito nang ganito, mas delikado.“Sir,” sabi ng isa sa mga tauhan nito habang nakatingin sa tablet. “May movement sa loob. Dalawang lalaki ang nakita namin.”“At ang mga bata?” malamig na tanong ni Donovan.“We can’t confirm yet.”Napapikit si Lucil.God. Please.Hindi niya kayang may mangyari kay Lilo. Dahil minsan na silang nawalan ng anak. At hindi na niya kakayanin kung mangyayari ulit iyon.May bahagi ng pamilya nila na tuluyang namatay kasama ni Leland. Hin
最後更新: 2026-06-12
Chapter: CHAPTER 138
Mabigat ang katahimikan sa loob ng sasakyan habang mabilis na minamaneho ni Donovan ang itim nitong SUV sa gitna ng gabi. Nasa passenger seat si Lucil, mahigpit ang hawak sa cellphone habang paulit-ulit niyang iniisip ang note na ipinadala ng lalaking humahabol kay Daphne.“Return my son. Or next time, it won’t be a toy.”Hindi siya mapakali. May kung anong mali. At habang tumatagal, mas lumalala ang pakiramdam niya.“Hindi pa rin sumasagot si Daphne?” tanong ni Donovan habang nakatingin sa daan.Umiling siya.“No.”Tahimik ulit. Mabilis ang takbo ng sasakyan pero parang kulang pa rin iyon para habulin ang kaba sa dibdib nila.Maya-maya biglang tumunog ang phone ni Lucil.Unknown number.Agad silang parehong napatingin doon. At sa isang segundo, parang parehong huminto ang paghinga nila.“Don’t answer yet,” seryosong sabi ni Donovan.Pero bago pa man niya maibaba ang phone, muling tumawag iyon. Paulit-ulit. Parang pinipilit talaga siya.Dahan-dahang sinagot ni Lucil ang tawag.“Hello?
最後更新: 2026-06-01
Chapter: CHAPTER 137
Mahigpit ang hawak ni Lucil sa manibela habang mabilis niyang binabaybay ang daan papunta sa Ferrer Law firm. Halos hindi niya maramdaman ang sarili niyang paghinga. Paulit-ulit tumatakbo sa isip niya ang malamig na boses ng lalaking tumawag.“Tell your husband to stop hiding what belongs to me.”Nanlamig siya nang maalala iyon. At mas lalo siyang kinabahan dahil malinaw na isang bagay, kasama na si Donovan sa gulong hindi naman nito ginawa.“Damn it…”Mas diniinan niya ang silinyador. Hindi niya alam kailan nagsimula. Hindi niya alam kung anong eksaktong sandali siya tuluyang bumigay. Pero habang papunta siya kay Donovan ngayon, wala nang natitirang pagdududa sa puso niya. Hindi niya kayang mawala ito.Pagdating niya sa headquarters ng Ferrer Law firm, agad siyang bumaba ng kotse. Nagulat pa ang mga empleyado nang makita siyang halos tumatakbo papasok.“Ma’am Lucil—”“Where’s Donovan?”“Sir is in the executive meeting room—”Hindi na niya hinintay matapos ang sasabihin ng receptioni
最後更新: 2026-06-01
Chapter: CHAPTER 136
Halos hindi natulog si Lucil. Madaling-araw na pero gising pa rin siya, nakaupo sa malamig na sahig ng condo niya habang nakasandal sa sofa. Tahimik ang buong unit, pero parang hindi tumitigil ang ingay sa loob ng isip niya.Paulit-ulit bumabalik ang mukha ni Daphne. Ang pag-iyak nito. Ang pag-amin nito. At higit sa lahat, ang mukha ni Donovan noong gabing umalis siya. Basang-basa sa ulan. Humahabol sa sasakyan niya.Umiiyak habang nagsusumamo siyang makinig muna.Napapikit si Lucil habang mahigpit na napahawak sa dibdib niya.“God…”Ngayon niya lang tuluyang naiintindihan. Hindi pala siya niloko ni Donovan. At ang pinakamasakit, hindi man lang niya ito binigyan ng pagkakataong magpaliwanag.Tatlong taon. Tatlong taon niyang iniwan ang lalaking walang ginawa kundi mahalin siya.Biglang tumunog ang cellphone niya. Napatingin siya rito. At nakita niya ang pangalan ni Donovan sa screen.Nanigas siya. Matagal bago niya iyon sinagot.“Hello.”Tahimik sa kabilang linya sandali. Parang nagul
最後更新: 2026-06-01
Running Away With His Child

Running Away With His Child

Dark RomanceDramaCEOIndependentHidden IdentityRunaway with a BabySecond Chance
Pagkatapos ng limang taon na pagkawala, bumalik si Astrid Alejandro sa Pilipinas dala ang isang desisyong akala niya ay makakapagpalaya sa kanya mula sa mapait na nakaraan. Ngunit sa isang gabing puno ng alak, init, at maling pagkakataon, muli niyang nakasama ang lalaking pilit niyang tinatakasan noon, si Xavian Avanzado. Ang lalaking minsan niyang minahal… at iniwan nang walang paalam. Para kay Xavian, ang pagkawala ni Astrid ang naging dahilan ng limang taong impyerno. Limang taon ng galit, obsession, at walang katapusang paghahanap. Kaya ngayong muli niyang nahawakan ang babaeng sumira sa kanya, hindi na niya ito hahayaang makatakas pa. Ngunit paano kung may mas mabigat pang dahilan kung bakit biglang naglaho si Astrid noon? At paano kung ang pagbabalik niya ay hindi lang para harapin si Xavian… kundi para protektahan ang lihim na matagal niyang itinago? Sa muling pagtatagpo ng dalawang pusong sugatan, muling mag-aalab ang pagmamahal, galit, at pagnanasang akala nila’y matagal nang namatay. Ngunit sa mundong puno ng kapangyarihan, obsession, at mga sikreto, hanggang saan nila kayang ipaglaban ang isa’t isa? O muli na namang may tatakbo palayo… kasama ang batang bunga ng kanilang nakaraan?
閱讀
Chapter: CHAPTER 41
Ilang araw matapos ang kanilang tapat na pag-uusap tungkol sa pag-alis at pagtatago ni Astrid, tila mas gumaan ang lahat. Ngunit alam nilang ang paglalahad ng katotohanan ay hindi katapusan, ito ay simula pa lamang ng tunay na pagtanggap sa kung ano ang naging sila noon, at kung ano ang gusto nilang maging ngayon.Isang hapon, habang nagluluto sila ng hapunan nang sabay sa kusina, biglang nagsalita si Astrid.“Alam mo… minsan pa rin akong napapangiti kapag naaalala ko kung paano ko inilihim ang pagbubuntis ko. Noong una, akala ko pagtatakip lang iyon ng pagkakamali. Pero ngayon… naiintindihan ko na na iyon ang tanging paraan na alam ko noon para protektahan ang sarili ko at ang batang nasa sinapupunan ko.”Tumigil si Xavian sa paghihiwa ng gulay at tumingin sa kanya. “Hindi mo kailangang humingi ng paumanhin sa paggawa niyan. Kung ano man ang ginawa mo noon, galing ‘yan sa takot na dulot ko. At kung kailangan mong ulit-ulitin ‘yan hanggang sa mawala ang bigat sa dibdib mo, handa akong
最後更新: 2026-07-22
Chapter: CHAPTER 40
Matapos ang kanilang pag-aaway at pagkakasundo noong nakaraang araw, tila naging mas maingat sila sa bawat salitang bibitawan. Ngunit sa kabila ng pagiging maayos ng usapan, may bahagi pa rin ng nakaraan na hindi pa lubusang nasasabi, mga detalye na matagal nang itinago ni Astrid, dahil kahit sa pagbabalik niya, takot pa rin siyang husgahan nang lubusan.Isang hapon, habang nagpapahinga sila matapos ihatid at sunduin si Ashton sa paaralan, nagsalita si Xavian nang mahina.“Alam mo… minsan pa rin akong nagtataka. Paano mo nagawang magtago nang limang taon? Paano mo nagawang tiisin ang lahat nang mag-isa noong buntis ka pa lang?”Natigilan si Astrid. Tumingin siya sa malayo, sa hardin kung saan madalas silang maglaro ngayon ng anak nila. Huminga siya nang malalim bago sumagot.“Dahil takot ako, Xavian. Sobrang takot.”Lumingon siya rito, at sa unang pagkakataon ay ibinuhos niya ang lahat ng bigat na matagal nang nasa dibdib niya.“Tandaan mo noong huling gabing nagkaroon tayo ng matindi
最後更新: 2026-07-22
Chapter: CHAPTER 39
Akala nila ay tapos na ang lahat ng pagsubok. Akala nila ay matibay na ang pundasyon at hindi na muling yayanig. Ngunit ang tunay na pagkakakilala sa isa’t isa ay hindi lamang sa panahon ng katahimikan, ito ay sa oras na magkaiba ang inyong pananaw at pareho kayong ayaw magpatalo.Nagsimula ang lahat sa isang simpleng desisyon. Dumating ang alok na pamumuhunan sa ibang bansa, isang proyektong maaaring magpalawak nang husto sa kumpanya, ngunit mangangailangan ng madalas na pagbiyahe ni Xavian sa loob ng anim na buwan.“Tatanggapin ko,” sabi ni Xavian habang tinitingnan ang kontrata sa mesa. “Ito ang pagkakataon para makapagpatatag tayo nang lubusan. Kapag natapos ito, hindi na natin kailangang mag-alala pa sa hinaharap ni Ashton.”Tahimik na nakinig si Astrid. Ngunit hindi siya tumango gaya ng dati. Sa halip, nagsalita siya nang mabagal ngunit matatag.“Anim na buwan, Xavian. Halos kalahating taon. At pupunta ka pa sa ibang bansa, malayo sa atin. Bihira kang makakauwi.”“Alam ko,” sago
最後更新: 2026-07-22
Chapter: CHAPTER 38
Ilang araw na ang lumipas mula noong kausapin ni Xavian si Bea. Sa harap ng ibang empleyado ay maayos pa rin ang kanilang pakikitungo, ngunit napansin ng lahat na mas naging pormal at maikli na ang mga usapan nila. Hindi na naghihintay si Bea pagkatapos ng trabaho, hindi na rin nagpapadala ng mga mensahe sa labas ng oras ng opisina. Ngunit hindi ibig sabihin noon ay tuluyan na siyang tumigil.Isang hapon, habang naghahanda si Xavian para umuwi, dinaluhan ulit siya ni Bea sa kanyang opisina. May hawak itong dalawang tasa ng kape.“Sir Xavian, pahabol lang po sa report na pinapabalik niyo,” sabi nito sabay lapag ng folder sa mesa. “Nag-isip po ako nang mabuti sa sinabi niyo noong nakaraan. At naisip ko lang… baka hindi niyo po nakikita ang totoong kalagayan.”Tumingin si Xavian sa kanya nang seryoso. “Anong ibig mong sabihin?”Umupo si Bea sa tapat niya nang hindi hinihintay ang pahintulot. “Sinasabi ng lahat na parang hindi na kayo ang dating Xavian. Na parang binabawasan ni Ma’am Astr
最後更新: 2026-07-22
Chapter: CHAPTER 37
Lumipas ang ilang linggo nang tuluyang magpasya si Xavian na bumalik sa pamamahala ng kanyang kumpanya. Matagal na itong nakabinbin, at ngayong sigurado na siyang ligtas at maayos na ang kalagayan nina Ashton at Astrid, panahon na upang harapin muli ang kanyang mga responsibilidad.“Sigurado ka bang ayos ka lang dito?” tanong ni Xavian bago umalis ng bahay. Huminto siya sa tapat ng pinto at tinitigan si Astrid habang inaayos nito ang gamit ni Ashton. “Kung gusto mong magtrabaho ka ulit o may gusto kang gawin, sabihin mo lang. Hindi dahil pinagbabawalan kita, kundi dahil gusto kong maging komportable ka.”Lumapit si Astrid at inayos ang necktie niya. “Alam ko ‘yan. At ayos lang ako dito. Masaya akong alagaan si Ashton. At saka, gusto ko ring makita kung paano ka magtrabaho nang maayos ngayon. Walang pilitan, walang takot.”Ngumiti si Xavian at hinalikan ang noo niya. “Babalik ako nang maaga. Pangako.”Ngunit hindi inaasahan ni Xavian na sa pagbabalik niya sa opisina ay may naghihintay
最後更新: 2026-07-20
Chapter: CHAPTER 36
Isang umaga, nagising si Astrid sa kakaibang katahimikan. Walang ingay ng kaldero, walang tawanan ni Ashton, at wala ring paggalaw sa kabilang bahagi ng kama. Agad siyang bumangon, ang dating kaba ay muling gumapang sa dibdib, takot na baka panaginip lang ang lahat ng pagbabago, takot na baka bumalik na naman sa dati ang lahat.Mabilis siyang bumaba sa sala. Doon niya narinig ang boses ng mag-ama niya mula sa kusina.“Dahan-dahan lang, Daddy! Baka matapon!” paalala ni Ashton.“Alam ko, anak. Sinusubukan ko nga eh,” sagot ni Xavian, medyo hinihingal. “Pero bakit parang ang hirap ilagay ng harina sa timbangan?”Napangiti si Astrid at dahan-dahang sumilip. Nakita niya silang dalawa, nakasuot ng parehong apron, may harina sa pisngi, at parehong nakakunot ang noo habang nakatingin sa recipe book.“Magandang umaga sa inyo,” bati niya.Mabilis na lumingon si Xavian. Agad na nagbago ang mukha niya, mula sa pag-aalala ay napalitan ng ngiti.“Gising ka na pala. Akala ko matatagalan ka pa,” sabi
最後更新: 2026-07-20
I Became My Husband's Mistress

I Became My Husband's Mistress

DramaCEODivorceAffair
It's about a divorced couple who still love each other. Then the wife became her husband's mistress. Where did the faith would bring them? Let's see...
閱讀
Chapter: Chapter 158
"Vivian, please forget about Lance and choose me instead." Seryosong Saad ni Den. Hindi Naman agad nakapagsalita si Vivian. Kumurap-kurap pa ito dahil Hindi siya sure kung Tama ba ang pagkakarinig niya sa sinabi ni Den."Pero ikakasal na Ako.""Kaya nga kalimutan mo na siya at Ako nalang ang pilitin mo. Hindi pa Naman kayo kasal eh.""Pasensiya na, pero Hindi ko magagawa ang gusto mo. Mahal ko na si Lance."Gumuho ang Mundo ni Den nang marinig ang sinabi ni Vivian. Huli na siya, mahal na ni Vivian si Lance. Tumango-tango nalang si Den saka tumingin sa anak nila."Pwedi ko ba siyang madalaw araw-araw?" Pag iiba ni Den ng usapan."Oo Naman, Wala Akong balak na ipagamot siya sayo. Karapatan mo ring makasama siya dahil Ikaw ang ama niya.""Salamat. Mauna na muna ako, babalik nalang ulit Ako bukas." Paalam ni Den."Sige."Bagsak ang balikat ni Den na lumabas ng kwarto ni Vivian. Dali-dali na siyang bumaba ng hagdan saka umalis na at baka maiyak pa siya dito at Makita pa siya ng mga tao na
最後更新: 2025-07-31
Chapter: Chapter 157
Kinabukasan ay napabalikwas ng bangon si Den Lalo na Nung na-realize niya na Hindi familiar sa kanya 'yung kwarto na kinaroroonan niya."Where am I?" Tanong niya sa Sarili saka inilibot 'yong tingin sa paligid.Maya-maya ay nanlaki ang mata niya sa naisip at kinapa niya 'yong Sarili niya."Na kidnapped ba Ako? Na raped ba Ako?" Exaggerated na Ani nito.Nang masiguradong Hindi siya nagalaw ay nanghinayang pa siya."Ay Hindi Ako pinagsamantalahan? Sayang..." Nanlulumo itong nakahiga ulit sa kama.Wala na siyang pakialam kung nasaang lugar man siya."Baliw ka ba?" Natatawang Tanong ni Vivian.Napabalikwas ulit nang bangon si Den at nanlalaki ang matang tiningnan si Vivian."What are you doing here?" Tanong ni Den."Malamang dito Ako nakatira." Matapos sabihin iyon ni Vivian ay bumalik sa alaala ni Den 'yong nangyari kagabi; na pababa ng hagdan si Vivian buhat-buhat 'yong anak nito at Nung Nakita niya 'yong Mukha ng Bata ay na-confirm niya na anak niya nga ito dahil kamukhang-kamukha niya
最後更新: 2025-07-21
Chapter: Chapter 156
Gabi na pero Hindi parin makatulog si Den kakaisip sa sinabi kanina ni Vivian. Hindi niya alam kung nagbibiro lang ba ang babae o seryoso talaga 'yon na siya ang ama ng anak nito."Argh!" Sigaw ni Den saka inis na napabangon sa kama niya at ginulo 'yong buhok niya."Prank ba 'to? Nagsisinungaling lang siya 'diba?" Parang baliw na Tanong nito sa Sarili."Well, if you're really that curious...then puntahan mo siya at siguraduhin mo kung nagsasabi talaga siya ng totoo o hindi." Suggest ng ate niyang si Diana. Kakarating lang nito galing London at dumiretso na agad ito sa kanya.Pero imbis na sumunod sa suggestion ng ate niya ay nahiga ulit si Den at nagtalukbong ng kumot."Get up!" Utos ni Diana saka pilit na hinihila si Den para bumangon."I'm not going anywhere, ate." Tamad na Saad ni Den."Hindi. Bumangon ka diyan, magbihis ka, at puntahan mo na 'yong pamangkin ko." Agad Naman na nanlalaki 'yong mata ni Den na napatingin sa ate niya."What did you just say? Pamangkin mo? Hindi pa nga
最後更新: 2025-07-20
Chapter: Chapter 155
Hindi makapaniwala si Vivian sa mga salitang lumalabas sa bibig ni Den. Akala niya ay may fiance ito ayon sa balita.Pero bakit sinasabi niyang gusto niya si Lance? Bakit nanggugulo siya? Bakit nagpakita pa siya? Yan ang mga katanungan sa isipan ni Vivian."Don't look at me like that. I told you I don't owe you an explanation. Ibibigay ko sayo mismo yung Pera in cash basta magpakalayo-layo na kayo ng anak mo mula kay Lance." Saad ni Den."What if ayaw ko? Sino ka ba para pagsabihan ako kung ano ang dapat kong gawin?" Inis na Saad ni Vivian.Sa inis ni Den ay hinawakan niya sa braso si Vivian at hinigpitan ang pagkakahawak dun para masaktan si Vivian. Napangiwi naman si Vivian dahil sa sakit."Bitiwan mo ako, nasasaktan ako!" Sigaw ni Vivian."Talagang masasaktan ka kung hindi kayo aalis sa buhay ni Lance." Nanlilisik ang matang saad ni Den.Maya-maya ay bumalik si Lance kaya binitawan na ni Den si Vivian at humarap ito kay Lance nang nakangiti."What's happening here?" Tanong ni Lanc
最後更新: 2025-07-02
Chapter: Chapter 154
Inis na inis si Vivian ng makarating sa bahay ni Ash. Dumiretso siya sa kwarto niya saka dun sumigaw."Argh! I hate you! Sana hindi ka na nagpakita." Sigaw ni Ash. Narinig naman iyon ni Ash kaya napaakyat ito sa kwarto niya saka kumatok."Viv, okay ka lang?" Tanong ni Ash. Karga-karga pa nito si Arabelle.Natigil sa pagwawala si Vivian ng marinig niya ang boses ni Ash. Inayos niya muna ang sarili saka ngumiti at binuksan na ang pinto. Sinalubong niya ng matamis na ngiti sina Ash at Arabelle. Pero nakunot ang noo ni Ash kasi alam niyang pinepeke lang ni Vivian ang ngiti nito."Tell me, what's wrong?" Tanong ni Ash."Wala naman." Pagdedeny ni Vivian."Matagal na rin tayong magkaibigan, Viv. Alam ko na kung nagsasabi ka ng totoo o hindi. And by now, I can say nagsisinungaling ka. Alam kong may problema, kaya ano yun?" Saad pa ni Ash.Napabuntong hininga si Vivian saka umupo sa kama niya."Gustong-gustoko siyang bumalik pero hindi ko naman inaasahan na mas maiinis ako sa kanya nung makita
最後更新: 2025-06-22
Chapter: Chapter 153
Habang nag uusap pa sina Vivian at yung mommy ni Lance ay may tumawag kay Lance."Mommy, mauuna na kami ni love. Dumating na kasi si Deni, para ma meet niya na rin ang future wife ko." Paalam ni Lance."Sure, anak. Say hi to Deni for me." Saad naman ng mommy ni Lance.Nagpaalam na rin si Vivian at umalis na nga sila.Pumara ang sasakyan ni Lance sa isang boutique na hindi familiar kay Vivian.Deni's Boutique ang nakasulat sa business logo nila.Pumasok na nga sina Lance at Vivian.Sumalubong naman sa kanila ang isang magandang babae. Marahil ay staff dito."Sir Lance, nandito po si miss Deni, hinihintay kayo." Iginiya sila ng babae sa isang silid at bumungad sa kanila ang pigura ng lalaking nakatalikod.Napakunot ang noo ni Vivian. Nagtataka siya kung si Deni na ba iyan or ibang tao lang.Inilibot ni Vivian ang paningin sa loob ng kwarto at wala ng ibang tao run maliban sa lalaking nakatalikod at sila."Deni." Tawag ni Lance. Bigla namang humarap yung Deni at nagulat si Vivian ng maki
最後更新: 2025-06-19
你可能也喜歡
Mga Anak ng Bilyonaryo
Mga Anak ng Bilyonaryo
Romance · Yenoh Smile
428.3K 閱讀量
YAYA MOMMY (TAGALOG)
YAYA MOMMY (TAGALOG)
Romance · DBardz
423.0K 閱讀量
Binili Ako ng CEO
Binili Ako ng CEO
Romance · MeteorComets
420.4K 閱讀量
探索並免費閱讀 優質小說
GoodNovel APP 免費暢讀海量優秀小說,下載喜歡的書籍,隨時隨地閱讀。
在 APP 免費閱讀書籍
掃碼在 APP 閱讀
DMCA.com Protection Status