Chapter: Chapter Sixty-Nine- Ilocos"BAKIT ang tagal nung isa? Nasaan na ba talaga si Alfred, Benny?" tanong ko. Naiinis na kasi ako kasi ang tagal. Puwede naman kasi ito mag-uber na lang kung nasiraan sila. Puwede naman niyang iwan ang driver niya at kung gusto talaga nito, pina-tow. "Papunta na, nag-taxi na lang daw siya para makahabol." sagot nito sa akin. "Three in the morning gising na ako at ngayon inaantok na pero wala pa siya. Gusto niya yata, matulog na lang tayo dito sa bahay. Nakalimutan niya yata na matatanda na tayo at hindi na High School or College." mahabang litanya ko. Totoo naman kasi, may edad na kami at hindi na kami tulad nang dati. Kung dati palagi silang nakikitulog dito sa bahay, ngayon iba na. Puwede naman sila makitulog pero, hindi na puwede ang matagal. May asawa na din kasi si Alfred. Kinasal ito noong naka-coma pa ako. Hindi na ako nahintay dahil sa buntis na ang babae. Hindi na puwedeng patagalin pa ang kasal kasi lalaki na ang tiyan ng babae. Ayaw din daw ni Eva mag-martsa na malaki ang
آخر تحديث: 2026-06-29
Chapter: Chapter Sixty-Eight- Hungry BenAS usual, naging walang sagot na naman ang mga katanungan ko kay Mama. Hindi pa rin ito kumikibo kapag tinatanong ko, kung may dapat ba akong malaman? Kung may mga tao ba akong nakalimutan? Kung may kaaway ba ako? Paulit-ulit na iling lang ang sinasagot nito sa akin at mas gumagaling pa ito sa pag-iwas sa mga tanong ko. Hindi ko alam kung bakit pilit na tinatago ni Mama ang katotohanan. Na tila bang wala akong karapatan.Dahil maaga kaming aalis bukas, lahat na mga kailangan gawin ay ginawa ko na at ang iba ay iniwan ko na sa Personal Assistant ko. Siya na ang bahala sa lahat. This days, parang wala na akong gana magtrabaho. Nawawalan na ako ng motivation to work, mag-isip o ang gumalaw. Kaya nga, humindi ako noong una sa pagyaya sa akin ni Ben. Pero no'ng binanggit nito si Valentina, parang nawala ang lahat na negatibo kong nararamdaman. Valentina, my wife. I miss you! Nasaan ka na ba? Kailan tayo magkikita muli? Sana pareho tayo ng dinadasal araw-araw, ang magkita tayong muli. Mi
آخر تحديث: 2026-04-10
Chapter: Chapter Sixty-Seven- MagdadagatPATULOY na lumipas ang mga araw wala pa rin balita tungkol sa aking asawa. Halos mababaliw na ako sa kahihintay. Mababaliw na ako at baka masugod ko na ang mga taong may rason kung bakit wala sa tabi ko ang asawa ko. Dalawang linggo na ang nakalipas nang bigyan ako ni Benny ng sagot sa nangyaring kapalpakan ng tauhan niya. At magpahanggang ngayon ay wala pa ring balita. Nahihirapan na ako. Halos hindi na ako makatulog sa kaiisip. At hindi ko na alam kung kailan muling magco-collapse ang katawan ko. At hindi ko iyon papayagan. Dapat pagbalik ni Valentina, maayos pa rin ako, mas okay kaysa dati. Kung dati ay weekly akong nag-gy-gym, ngayon ay three time a week na. Kailangan kong alagaan ang katawan ko. Ayokong balikan ni Valentina na bangkay na lang. “Kinuha ko ang cellphone ko at tinipa ang numero ni Benny. Inilapat ko sa tainga ko ang aparato, nagri-ring na. Ring. Naka-ilang ring bago sinagot ni Benny ang tawag ko. “O, brother. Bakit?” tanong nito sa kaniya. Huminga siya
آخر تحديث: 2026-02-12
Chapter: Chapter Sixty-Six- Ang Pag-uusap“NANDITO tayo ngayon lahat sa office ko para pag-usapan ang pinaka-importanteng misyon.” wika ko sa mga tauhan kong investigators. Tahimik lang ang mga itong nakatingin sa akin. At ni isa walang may nagsalita kahit ang kaibigan kong si Anthony. Napahiya kasi ako sa kaibigan kong si Aekim kahapon kaya pinatawag ko ang lahat ng mga tauhan ko. Para pag-usapan ang mga dapat at hindi dapat gawin. First time na pumalpak si Anthony kahapon at sa kaibigan ko pa. Matalik na kaibigan. Sensitive ang kaso nito pero heto, isa ako sa nagpapahirap sa kaniya dahil tauhan ko ang pumalpak. Hindi man lang sinigurado bago magbigay nang information. At ako din mismo. Dahil masyado akong nakampante kahapon kaya napaasa ko ang kaibigan ko. Akala ko kasi talaga mahahanap na si Valentina. At sana nga mahanap na ito dahil kailangan kong humingi nang tawad dito. Marami akong kasalanan sa kaniya at kailangan kong bumawi. Isa-isang kong tiningnan ang mga tauhan ko na seryoso ding nakatingin sa akin. Hindi sila
آخر تحديث: 2026-01-04
Chapter: Chapter Sixty-Five - Wrong InformationDahil sa paghihintay namin sa panibagong update tungkol sa asawa ko, um-order na lang kami ng take-out foods ni Benny for lunch. Minsan sa Canteen ng Emperio ako kumakain pero sa ngayon, dito na lang sa loob ng opisina ko. Kailangan kapag nag-update ang private investigator ni Benny ay nandito ako. At para malaman ko kaagad kung ang asawa ko nga ba talaga ang nakita nito sa Bulacan. "Wala pa bang balita, Bro?" tanong ko ulit kay Benny. Halos minu-minuto akong nagtatanong sa kaibigan ko. Hindi na kasi ako makapaghintay pa. Matagal na nang nawawala ang asawa ko at ubos na ang pasensiya ko sa paghahanap. Gusto ko na siya makita. Miss na miss ko na siya. Parang awa naman. "Wala pa, Bro, e." sagot sa akin ni Benny na nawawalan na din nang pasensiya sa paghihintay. Kinuha ni Benny ang cellphone nitong nakapatong sa ibabaw ng mesa at nagtipa. Maya-maya at nag-send ito ng voice message sa private investigator niya. "Tony, within an hour dapat may full update ka na tungkol kay Mrs. M
آخر تحديث: 2026-01-01
Chapter: Chapter Sixty Four- Information"BRO, may nakita ang isa kong PA na kamukha ng asawa mo sa Bulacan." balita sa akin ni Benny. Humahangos pa itong pumasok sa opisina ko. Hindi na nga nito nakuhang kumatok. At hindi nito alintana na nasa gitna ako ng meeting with heads of all departments. May kailangan kasi kaming baguhin sa KPI namin per department. Dahil may mga department na hindi nila nagagawa at nakakamit ang nasa KPI namin. Ako naman, dahil sa sinabi nito ay mabilis akong tumayo. Ngunit agad ding napahinto dahil nga nasa gitna kami ng meeting. Muli akong umupo at saka sinenyasan na umupo muna sa sofa si Benny. Nang makaupo na ito ay muli akong humarap sa mga tauhan ko na nakatingin sa akin. “Lahat nang mga kailangan bagohin, bagohin na. Lahat ng Departments ay makipag-coordinate kayo sa akin after matapos ninyong i-revise ang KPI ninyo. Kailangan natin maabot ang mga KPI natin, kapag hindi natin iyon maabot, ibig sabihin may mga mali tayong ginagawa.” mahabang wika ko habang tinitingnan isa-isa ang mga mukha
آخر تحديث: 2025-12-18
Chapter: Chapter 18"UMALIS na kayo dito bago pa maubos ang pasensiya." si tita Vionnet. Tumingin ako kay tita Vionnet at nakita ko ang seryoso niyang mukha. Habang si Ellis ay prenteng naka-upo sa sofa at humihigop ng kape. Wala itong apektado sa nangyayari, ni hindi ito tumitingin sa direksiyon namin. Mabuti na lang at umalis na si Lina, nasaksihan pa niya ang pagsagutan namin kanina. Baka iniisip na nito na malandi ako at pinagsabay ko si Marcus at Ellis. "Sorry, tita Vionnet." nahihiya kong wika kay tita Vionnet. Ngunit hindi papa-awat si Marcus, lumapit ito sa akin at saka nagsalita. "Bakit ka humihingi ng sorry, babe? Nandito tayo para sa susuotin sa kasal. Wala silang pakialam sa buhay natin." wika sa akin ni Marcus at saka umakbay. Hahalik pa nga sana ito sa pisngi ko, mabuti nalang at naharang gamit ang cellphone ko. "Tanggalin mo ang mga kamay mo sa akin, Marcus, kung ayaw mong umuwi na wala 'yan." banta ko sa kaniya. Habang si tita Elizabeth naman ay galit na tumingin sa anak. "Marcus, l
آخر تحديث: 2026-06-29
Chapter: Chapter 17NANLAKI ang mga mata ko nang marinig ang boses ng lalaki mula sa aming likuran. Muli, naramdaman ko ang malamig na gumapang sa aking buong katawan. Siya na naman? Ano ba ang ginagawa niya dito? "Ladies, are you done shopping?" ulit nitong tanong at saka tumayo sa gitna namin ni Tita Vionnet. Ramdam ko ang mainit na balat ng lalaki nang dumampi ang kamay nito sa kamay ko. "Bakit ba kasi ako nagra-rattle kapag nandito siya? Nakakainis." wika ko sa aking sarili habang pigil ang paghinga. "Breath, Lory." bulong sa akin ni Ellis. Para akong nabato sa kinatatayuan ko ng dumampi ang labi ng lalaki sa aking tainga. Pakiramdam ko, nagsitayuan lahat ng balahibo ko sa katawan. Ang alam ko kanina humihinga naman ako, pero pagdating ni Ellis, pakiramdam ko bumara lahat nang daanan ng hangin sa katawan ko. Bakit kaya ganito ang epekto niya sa akin? 'Sa takot lang 'to. Hindi naman ako galit sa lalaking ito.’ wika ko sa isip ko sabay huminga nang malalim. I need to breath like Ellis said to me.“
آخر تحديث: 2026-06-28
Chapter: Chapter 16PAGKATAPOS namin kumain ni Tita dumiretso na kami sa mall. At heto ako ngayon, pagod na naka-upo sa bakanteng upuan dito sa loob ng mall. Nandito kami ngayon sa isang VIP store na dolyar ang bawat naka-display. Pang-limang store na itong napuntahan namin. Akala ko nga alalay lang ako, para sa akin pala lahat ang mga binili niya at madagdagan pa ngayon. “Are you tired, Lory?” tanong sa akin ni Tita Vionnet bago umupo sa tabi ko.“A little bit, Tita.” sagot ko sabay masahe ng braso ko. “You look tired, hija. It’s fine, ito na ang huling stop natin.” wika sa akin ni Tita sabay masahe sa dalawa kong braso. “Okay po.” sagot ko sabay ngiti.“Ito na ang huli tapos ihahatid na kita sa inyo.” wika niya sa akin habang ang mga mata ay nakatutok sa papalapit na babaeng naka-pormal ang suot. "Good morning, Mrs. Orlov," polite na bati ng babae kay Tita Vionnet. "We have our new items today, and all of them are your favorites.""No. I’m not buying this for myself today. It’s for my daughter-in l
آخر تحديث: 2026-06-25
Chapter: Chapter 15KINABUKASAN."Lory, my sweet daughter-in-law, where are you now?" tanong ni Tita Vionnet sa akin habang kausap ko siya sa telepono. Hindi ko alam kung bakit ito tumawag sa opisina ko. Wala ba itong cellphone number ko? Ang alam ko binigyan na siya ng mga magulang ko. At heto pa, tumawag na nga sa office number ko, tatanungin pa ako kung nasaan ako. "I mean, what are you doing? I am just too excited kaya mali ang unang tanong ko." wika nito na halatang nakangiti. "Na-disturbo ba kita, Hija?" "It's okay po, Tita. Hindi naman gano'n ka-busy, may kailangan po ba kayo sa akin, Tita?" malumanay kong tanong kay Tita Vionnet na nakangiti kahit naiilang. "Nakakahiya man sa'yo pero kakapalan ko na ang mukha ko. May gusto lang akong malaman." nahihiyang wika nito sa kabilang linya. "Ano po iyon, Tita?" "Puwede ba akong pumunta sa'yo to discuss it?" polite na wika ni Tita sa akin. Ako naman ay nagulat sa sinabi nito. Bakit siya pupunta dito? Ano ba ang gusto nito malaman? Mukhang i-stalk lan
آخر تحديث: 2026-06-25
Chapter: Chapter 14"LORY, kumusta ka? Okay ka lang ba? Wala bang masakit sa'yo? Tawag ako nang tawag sa'yo kagabi pero hindi ka sumasagot. Muntik na nga akong tumawag ng Pulis, kaso nag-text ka kaya ibig sabihin, okay ka. Hindi ka naman niya sinaktan, no? Sinigawan?" nag-alala na salubong sa akin ni Lira. Hindi nga ako makasingit sa tuloy-tuloy nitong pagsasalita. Pero ano itong sinasabi niyang text? Hindi ko alam 'yan. Paano pa makapag-text ang isang unconcious? Nagtataka na tumingin ako kay Lira at saka nagtanong. "Text? Nag-text ako sa'yo? Ano'ng sinabi ko sa text?" sunud-sunod kong tanong sa kaniya. Tumitig sa akin si Lira na puno nang hinala. "Huwag mo akong titigan nang ganiyan, Lira. Unconcious ako kagabi dahil tinakot ako ni Ellis.""What? Pero nag-text ka. Alangan na siya ang nag-send ng text sa akin." naguguluhan na wika sa akin ni Lira sabay kuha ng cellphone at pinakita sa akin ang text.Bigla akong nahilo nang makita ko ang text. Naka-exclamation poin pa sa dulo. Halatang hindi ako ang na
آخر تحديث: 2026-06-19
Chapter: Chapter 13“BAKIT ihahatid mo pa ako?” tanong ko sa kaniya.“Bakit, alam mo na ba kung saan ka ngayon? Alam mo na ba ang way mo pauwi?” tanong nito sa akin na purong Tagalog. Muli akong napangiti nang patago. Ang cute kasi nito. “Hindi.”“So, let me take you home. I won’t bite you.” sabi niya sa akin at saka hinawakan ang damit ko sa likod at hinatak ako pa kusina. Kanina, cute na cute ako sa kaniya, ngayon, pikon na pikon na naman ako. Ginagawa ako nitong 3 years old. Nakakainis. Puwede naman niya ako hawakan sa wrist ko, bakit sa damit ko pa sa likod? Nagmumukha tuloy akong alagain na bata. Bigla ko tuloy naalala ang ginagawa ko sa mga anak ng Tita ko. ‘Yong susuotan sila ng onesie tapos hahawakan sa likod at i-angat sa ere, lalo na kung ang onesie nila ay butterfly o kaya bee. Hahawakan mo sa likod at ilipad-ilipad kunwari. Dadalhin mo sa garden at ilalapit sa orchids o bulaklak at saka tatawanan. Nakakainis!“Bitawan mo nga ako! Sa ginagawa mo lang akong nakakatawa.” reklamo ko. Alam ko na
آخر تحديث: 2026-06-12
Chapter: Chapter Twenty-Six"KUNG hindi lang masama magpalayas ng ama, papalayasin ko na si daddy pati si Yeshua.” wika ko kay Disney at mas lalo itong tumawa. Tinawagan ko na nga kanina si tito Romulus para ipakuha ang anak niya sa bahay. Mabuti naman at naintindihan ako ni tito, pero no’ng una tawa lang nang tawa dahil sa mga kinu-kuwento ko sa kan’yan. Pakiramdam ko para akong batang nagsusumbong kay tito Romulus. Sino ba naman kasi ang hindi maiinis kung ganon sila palagi? Mabuti na lang at naawa sa akin si tito Romulus at nagbigay ito nang assurance na pau-uwiin niya si Yeshua. Pagkarinig ko, nagpasalamat pa ako ng paulit-ulit sa matanda. At sa mga oras na iyon, unti-unti akong nakaramdam nang kaginhawaan at looking forward sa katahimikan sa bahay kung sakali. "Kailan daw ba aalis si Yeshua sa bahay niyo?" "Wala daw siyang balak na umalis sa bahay.” sagot ko kay Disney at saka humingi nang malalim. “Naririndi na ako sa kanilang dalawa, Dis. Pakiramdam ko, naglalakad ako sa war zone araw-araw.” Tumawa
آخر تحديث: 2026-06-28
Chapter: Chapter Twenty-FiveANG lakas ng loob ni Yeshua na maka-mine sa akin sa harap mismo ng ama ko. Ang kapal talaga ng mukha nito. “Anong mine-mine ang pinagsasabi mo, Mr. Ventura? Hindi mapasa iyo ang anak ko. Pagkatapos mo siyang saktan at ipamukha sa kaniya na hindi mo siya mahal? Pagkatapos mong apak-apakan ang pagkatao niya? Pagkatapos mong ipahiya ang anak ko hanggang sa masira ag dignidad niya, sasabihin mo na mapupunta siya sa’yo? Never!” galit na wika ni daddy kay Yeshua. Dahil sa sinabi ni daddy, muli akong nasaktan at muling pinaalaala nito ang naranasan ko sa mg ka-officemate ko. Throwback. “Nandiyan na naman ang malandi. Mag-ingat kayo kaniya, baka isa kayo sa masabunutan niya. Nawawala sa sarili ‘yan kapag nakita niyang lalapit-lapit ka kay sir Yeshua. Galit sa kapwa ‘yan e.” wika ng isa kong katrabaho habang nakatingin sa akin at may ngiting nang-iinsulto. “Bakit, Ma’am, ano po ang mayro’n? At ano po ang ibig ninyong sabihin sa kapwa?” inosente na tanong ng bagong hire na babae kay Melbe
آخر تحديث: 2026-06-28
Chapter: Chapter Twenty-Four“HAY NAKU!”Kanina pa ako pikon na pikon kay daddy at kay Yeshua, walang araw na hindi sila nagsasagutan. Nakakarindi. Daig pa nila ang mag-jowa na may mga sumpong. May mga daily menstration. “Lord, dasal ko talaga sa araw-araw ay ang magkaroon ng mahabang pasensiya sa dalawang lalaking nandito sa bahay. Ama ko po ang isa at ang isa ay manliligaw. Pareho ko po silang mahal, Lord. Help. Please, Lord, bigyan mo pa po ako nang mahaba-habang pasensiya. Mas mahaba pa sa buhok ni Rapunzel na pasensiya, Lord.” tahimik kong dasal habang nakikinig sa dalawang nagbabangayan. "Mr. Ventura, namimihasa kana yata sa kalalapit sa anak ko." si daddy."Alangan naman tignan ko lang ang mahal ko, Mr. Bonaverde." sagot naman ni Yeshua kay daddy. “Syempre lapitan ko talaga tapos yakapin.” dugtong pa nito. "Ang kapal ng mukha mo, Mr. Ventura. Ipaka-kasal ko siya kay Joseph at hindi sa’yo." si daddy."Wala ka ng magagawa pa, Daddy, umuwi na ako sa bahay niyo.” sagot naman ni Yeshua at tinawag pang daddy
آخر تحديث: 2026-06-27
Chapter: Chapater Twenty-Three"PERO hindi ko po alam lutuin 'to." si Yeashua. "Uh-uh, bagsak sa akin ang attitude na ‘yan, Mr. Ventura. Magluluto ka o hindi?” tanong ni daddy."Okay. Next menu na muna tayo. Piliin ko nalang ang madali lang, kaya bilisan mo na. Lutong pinoy nalang tayo, waley ka sa lutong Ontario." dagdag pa ni daddy. Nakita ko pa ang pag-irap ni Yeshua kay daddy. ‘Ang cute nilang dalawa tingnan.’"Next menu, please." si daddy ulit."Okay, heto na ang recipe ng kare-kare. Sinearch ko na ‘yan sa internet, baka sabihin mo ulit na unfair ako." nakangising wika ni daddy kay Yeshua. Halatang pinaglalaruan ni Daddy ang lalaki. "I hate bagoong, Mr. Bonaverde." inis na wika ni Yeshua kay daddy. "It's my daughter's favorite dish, Mr. Ventura. Mag-reklamo ka pa, papauwiin na kita sa inyo." banta ni daddy kay Yeshua. "Okay na po. We’ll start na. Please pass me the face mask. Ayoko talaga sa amoy ng bagoong, medyo maarte ako nang kaunti." wika ni Yeshua kay daddy. Dahil pinagti-trip-an niya si Yeshua. Dad
آخر تحديث: 2026-06-25
Chapter: Chapter Twenty-TwoNAPAKISLOT ako ng pilit akong pinapanganga ni Yeshua para subuan ng pancake. "Mahal, open your mouth, please." wika sa akin ni Yeshua habang naka-ipit sa chopsticks ang maliit na hiwa ng pancake. Hindi ko ibinuka ang aking bibig. Ayokong nagmumukha one year old na kailangan subuan. "Mahal, open your mouth, dali na." pamimilit ni Yeshua sa akin."Ayoko. Mr. Ventura, for your information, I am 28 years at hindi one year old. Kaya hindi mo ma ako kailangan subuan.” nakasimangot na wika ko kay Yeshua. Ngunit tumawa lang ito. Mukhang ipipilit talaga ang gusto nito."Nasaan na ang sweetness sa katawan ni, Miss Desiree Bonaverde? Naubos na ba lahat?” nanunudyong wika sa akin ni Yeshua. "Umayos ka kung ayaw mo tawagin ko si daddy." banta ko kay Yeshua. "Umalis si tito Zaldy kanina pa, pumunta ng farm niyo." "Ah. Kaya pala malakas ang loob mo pumasok dito sa kwarto ko. Kasi wala si daddy. Pero puwede ko naman siyang tawagan at pauwiin.” banta ko."Mahal, sorry na. Kung ayaw mo, sige, ikaw
آخر تحديث: 2026-06-19
Chapter: Chapter Twenty-OneNakangiti akong natulog kagabi at gumising nang may ngiti pa rin sa mga labi. Nakikita ko kung gaano ka pursigido si Yeshua na hingiin ang kamay ko. Ngunit si Daddy ang kontrabida sa lahat ng gusto ni Yeshua. At tama lang aa kaniya iyon, soya na ang bahala kung paano niya paamuhin ang mga magulang ko. At masaya ako kasi nakikita ko kung paano suya mag-effort. Pero hindi pa rin mawala sa isi ko ang pagdududa. Ngunit habang tumatagal nakikita ko ang dating sarili ko kay Yeshua, hindi pala nakakatuwa ang mga ginagawa ko dati. Kaya pala galit na galit sa akin ang lalaki. Kaya pala iniiwasan ako nito, na kung puwede lang lumipat sa Mars, lumipat na ito kaagad. Hindi ko nga alam kung totoo nga ang mga sinasabi ni Yeshua kay daddy, baka mamaya ay binabawian lang ako nito. Baka sinisira niya lang ang buhay ko, katulad sa mga pinagagawa ko sa kaniya dati. Bigla akong nakaramdam nang lungkot dahil sa mga negatibong naiisip ko. Nagpakawala ako ng sunud-sunod na buntong hininga para gumaan nang
آخر تحديث: 2026-06-15
Chapter: Chapter Fifty- FinaleTITA Joyce, nakakainis kana." naiinis kong wika kay Joyce ng makita ko siya sa kusina na gumagawa ng nachos. "Gianna, ‘yang pag-tita tita mo sa akin ang dahilan para masampal kita." wika ni tita Joyce na hindi nakatingin sa akin. "Wala akong pakialam kung masampal mo ako tita mommy, pero please tigilan mo na si Giarra. Ang bata-bata pa ni Giarra kung anu-ano na ang ginagawa mo." "Bakit? Mali ba ang ginagawa ko sa apo ko? Tinuturuan ko lang siya kung paano maging isang normal na babae." naka-pameywang na sagot sa akin ni tita Joyce na humarap sa akin. "Hindi, tita mommy. Ang anak ko ay anim na taon pa lamg, pero ang mga tinuturo mo pang adult na." "At ano ang gusto mong ituro ko kay Giarra? Ang manligaw sa mga babae? Ang panghaharana mo sa kapitbahay natin?" tanong sa akin ni tita na seryoso ang mukha habang nakapameywang pa rin. Ugh! Natamaan ako doon, pero lipas na iyon. Sobrang tagal na, six years old na nga si Giarra. "It was me, tita. At lipas na iyon. Nabulok na ng pa
آخر تحديث: 2026-05-20
Chapter: Chapter Fort-NineSIX YEARS later. "Tita mommy, where are you?" humahangos kong tawag sa ina ni Romane. Nawala kasi bigla sa tabi ko si Giarra. Alam ko na kinuha na naman nito at tinuturuan maglagay ng make up at lipstick. Anim na taon pa lang ang anak naming babae ni Romane, at ayokong lumandi ito ng maaga. Kabi-birthday lang ni Giarra last week. Maygad! Laking tuwa at pasasalamat ni Romane sa akin noong malaman niyang buntis ako. Syempre, pati ang mga magulang namin natuwa. Mas masaya pa ang mga ito kay sa’kin. Nang malaman ng lahat na buntis ako lalo na si tita mommy, bigla itong nagbago. Lalo na noonh nalaman niyang babae ang pinagbunbuntis ko. Araw-araw itong naka- bantay sa akin. Daig niua niya ang sinasahorang body guard. Baka daw kasi magaya sa akin na Tomboy. Hay naku! Noong araw na ipinanganak ko si Giarra mas humigpit pa si tita mommy. Daig na niya ako, na siyang umere sa anak ko. Palagi din ninanakaw ni tita mommy Joyce si Giarra, para daw turuan ito kung paano maging babae. Kapag a
آخر تحديث: 2026-05-20
Chapter: Chapter Forty-EightNADATNAN namin sina tita mommy, tito daddy at tatay Mario na maayos ng nakaupo. Nag-uusap ang mga ito at nagtatawanan. Nagtaas ng tingin si Tita mommy at nagsalubong ang aming mga mata. Ngumit ito at saka nagsalita. "Kanina ka pa hinahanap ni Romane, anak." si tita mommy Joyce. "Nandon lang po ako sa labas tita mommy. Nanonood sa mga gumagawa at tumutulong na din, kung kailangan nila ng tulong." sagot ko ng makalapit na kami sa kanila. Tinignan ko si tatay na nakaupo sa tabi ni tito daddy Rom. Simula ng ikasal kami ni Romane mas naging close si tatay at si tito daddy. Ngumiti ako kay tatay saka sumenyas na kumain na siya. "Mukhang excited ka sa party ninyo mamaya, hija." nakangiting wika sa akin ni tito Rom. "Medyo lang po." sagot ka saka ako tumingin kay Romane ng masama. Ang laki kasi ng ngiti nito, parang baliw. Pinaghatak pa ako ni Romane ng upuan at saka pinaupo bago ito umupo sa tabi ko. "Akala ko talaga dati anak hindi ka magbabago. Thanks God at dininig niya ang panalan
آخر تحديث: 2026-05-19
Chapter: Chapter Forty-SevenANNIVERSARY.April 14, 2015. Maingay, magulo, mausok at busy ang mga tao. Halos lahat nasa kusina. Abala ang lahat sa paghanda at may nagtatrabaho dito at may nagtatrabaho doon. Ngayong araw kasi ang first anniversary ng kasal namin ni Romane, kaya heto ako, busy. Tumitingin lang naman. Sa katitingin ko sa mga ginagawa ng mga kasama namin sa bahay para akong nahihilo. Lalo na dito sa nagde-decorate. May naglalagay ng abubot sa loob at labas ng bahay. Malaki kasi ang lawn ng bahay at may lanai na katabi kaya dito namin naisip idaos ang party. May nilagay din silang mini-stage sa gitna na kulay puti. Tapos ang parang bubong ay kulay puti at green na tela. Mga upuan na kulay puti ang cover na may green na tali sa gitna. Pati ang round table ay may puting mantel na may nakapatong na kulay green na vase. Ang vase ay may bulaklak na kulay puti at green. Ang ganda nito tingnan. Halos katulad lang ito no’ng araw na kinasal kami ni Romane. Ang pinagkaiba lang ay ang venue, ang nagde-decor
آخر تحديث: 2026-05-19
Chapter: Chapter Forty-SixNAIINIS na pumasok ako sa kuwarto. Habang iniisip ang mga hindi magandang tanong ni tita mommy kanina sa akin sa mall. Saan ka ba nakakita ng matandang babae, matandang biyenan na puro kabastusan ang lumalabas sa bibig? Nakakahiya! Kung si Romane lang ang nagsasalita nang gano'n, malamang, natahi ko na ang bibig, na-ER pa. "Akala mo kung magsalita walang tao sa paligid. Akala mo, hindi babae at hindi niya anak ang pinag-uusapan." inis kong wika sabay tanggal ng aking malambot na tsenilas at saka umupo sa ibabaw ng kama.“Bahala na nga! Tulogan ko na nga lang silang lahat.” wika ko saka tumalukbong ng kumot. ALAS TRES ng hapon, biglang dumating si Romane at dumiretso ito sa akin. Hindi man lang nito tiningnan ang ina na tumatawag sa kaniya. “Romane, I am calling you. Are you acting like a mute?” pikon na wika ng ina nito. Habang mukha nito ay hindi maipinta. “I missed you.” bulong ni Romane sa tainga ko pagkatapos humalik sa pisngi ko. Umupo ito sa katabi kong upuan at saka lamang
آخر تحديث: 2026-05-18
Chapter: Chapter Forty-FiveDALI-dali kong tinakpan ang bibig ni tita mommy, ka babaeng tao pero ang bibig basa. Hindi man lang ito nahiya, may mga lalaki pa naman sa tabi namin at isa pa, involve ang anak niya. Privacy naming mag-asawa iyon. Ang bibig niyong Biyenan ko, walang preno. Mabuti sana kung nasa bahay lang kami. Magtatanong na nga lang nang gano'n nasa mall pa. "Tita mommy, ang bibig mo. Hindi mo ba naalala na nasa labas tayo?" inis na tanong ko sa kaniya saka nahihiyang tumingin sa paligid at sa katabi naming driver. Hayst! Nag-aalangan itong tumingin kay Nikko at sa paligid bago tumingin sa akin at dahan-dahan na tinanggal ang kamay ko na nakatakip sa bibig nito. "Hehe. Sorry." nahihiya na humingi ito ng pasensiya. Ngunit hindi na niya mabawi pa dahil nasabi na nito at narinig na ng iba. "Wala naman kasi akong ibang gusto, kundi ang magka-apo na sa inyo." pabulong na wika ni tita-mommy sa akin. Huminga ako nang malalim para kalmahin ang aking sarili. At para ihanda na rin sa magiging reaksiyon
آخر تحديث: 2026-04-09