Chapter: 12Abalang abala si Fortuna sa pag-aasikaso kay Vincent upang makapasok na ito sa eskwelahan. Naka-ready na ang bata na kumakain ng almusal."Anak, basta yung mga ibinilin ko, h'wag mong kalilimutan, ha?" paalala ni Fortuna sa kaniyang unico hijo."Opo, Mommy. H'wag po kayong mag-alala, hindi ko po makakalimutan yung mga binilin po ninyo sa 'kin," tugon naman ng bata."Dalhin mo na yung isang sandwich at prutas d'yan para hindi ka magutom. Halika na, anak, baka ma-late ka pa."Umalis ang mag-ina upang maihatid na sa eskwelahan si Vincent na excited na rin'g pumasok. Matapos lamang ang ilang minuto ay nakarating na sila. Agad namang tinungo ni Fortuna ang anak sa classroom kung saan ito kabilang."Baka may kailangan ka pa, anak, ha? O baka may nakalimutan ka?" tanong ni Fortuna bilang paninigurado."Wala na po, Mommy. Okay na po ako.""Hmm... Sige, mag-iingat ka palagi, ha? Kapag may problema, h'wag kang mahihiyang magsabi sa teacher mo, okay?""Opo, Mommy."Niyakap ni Fortuna ang kaniyan
Last Updated: 2026-05-05
Chapter: 11Nagtungo si Fortuna sa kinaroroonan ng pwesto. Marahan pa'ng hinila ni Michael ang kaniyang uupuan upang makaupo nang maayos ang dalaga.Samantala, napapansin ni Michael ang titig ni Brandon sa dalaga na tila hindi makapaniwala sa gandang taglay nito."You didn't tell me na boyfriend mo pala si Mr. La Vierre, Fortuna," sabi ni Cindy na natutuwa sa nalaman, samantalang kunot-noo namang napatingin si Fortuna sa gawi ni Michael na ngayon ay nakangiti na sa gawi niya.'Boyfriend?!' gulat na gulat na tanong ni Fortuna sa kaniyang isipan."So bakit mo pala kami inimbitahan ni Cindy?" tanong ni Brandon kay Fortuna. Bakas sa expression ng mukha nito at sa tono ng pananalita na may inis."Bakit naman hindi? Cindy is my friend. Fiancé ka niya, 'di ba? So isasama ka niya," sagot naman ni Fortuna, confidently.Nang makaupo na ang lahat ay saka naman lumabas ang dalawang waiter upang hainan kami ng appetizer at drinks."Ano'ng ganap, Fortuna? You know what? Hindi ko akalain na ang nanliligaw sa 'y
Last Updated: 2026-05-05
Chapter: 10Ilang araw ang nagdaan ay tuwang tuwa si Vincent dahil pwede na siyang pumasok ng school. "Mama, saan ka po pupunta? Aalis ka rin po ba?" tanong ni Vincent sa kaniyang ina habang abala siyang inaasikaso nito. "May pupuntahan lang ako saglit. Mamaya, susunduin din kita, ha? H'wag kang aalis sa school hangga't wala ako," bilin naman ni Fortuna. Matapos ang kanilang pag-aasikaso ay nagtungo na sila sa labas kung saan ay may naghihintay ng taxi. "Mama, kailan po ba tayo babalik kay Tito Mike?" tanong ni Vincent nang makasakay silang mag-ina. "Hindi ko pa alam, e. Basta kapag hindi na siya busy, dadalaw tayo sa kaniya. Sinamahan ni Fortuna ang kaniyang anak hanggang sa maihatid na niya ito sa eskwelahan. Muli siyang sumakay sa taxi para naman magtungo sa isang restaurant kung saan ay magkikita-kita silang magkakaibigan noong high school. Sa ilang minutong pagbyahe ay nakarating na siya sa isang mamahaling restaurant. Nang makapasok siya ay agad napukaw sa kaniyang pansin ang kinaroro
Last Updated: 2026-05-04
Chapter: 9Si Fortuna muna ang naging tutor ni Vincent habang nasa bahay pa ito at patuloy na nagpapalakas. Hindi niya kinalilimutan ang gampanin bilang ina habang sa gabi ay patuloy siyang kumakayod. "Tapusin mo muna 'yan, Vincent, ha? Sandali lang at magre-ready lang ako ng foods natin," paalam ni Fortuna bago siya tumayo at nagtungo sa kusina. Habang abala sa paghahain, bigla namang nag-ring ang telepono. Sandaling tinigil ni Fortuna ang ginagawa upang sagutin ito. "Hello?" "Hello, is this the Fortuna Candelario?" "Speaking. Who's this?" "AAHHH!..." Biglang nilayo ni Fortuna ang telepono sa kaniyang tainga sa malakas na sigaw ng babae sa kabilang linya. "Fortuna! Hi! Si Cindy 'to. Naaalala mo pa ba ako?" Kunot-noong inisip ni Fortuna ang pangalan na 'yon. Marahang nanlaki ang kaniyang mga mata nang maalala niya ito. "Cindy? As in Cindy Martel?" paniniguradong tanong ni Fortuna. "Yes! OMG! Kumusta ka na? Ang tagal na nating hindi nagkita at nagkausap. Alam mo, miss na miss ko na ang
Last Updated: 2026-05-04
Chapter: 8"Pwede ba'ng h'wag mong gamitin ang anak ko, Michael? Masyado mo kaming ginugulo. Kung sa 'kin ka may galit, ako lang ang guluhin mo," inis na inis na sabi ni Fortuna sa binata habang nasa loob sila ng isang silid. "Fortuna, hindi ko ginugulo si Vincent, at hindi ko siya ginagamit. Natural lang ang pagmamahal ko sa kaniya," sagot ni Michael habang nakatingin sa mga mata nang dalaga. "Pwes sabihin mo sa kaniya na hindi kami pwede rito. Ikaw ang gumawa ng alibi sa kaniya," sabi pa ni Fortuna. "Ang pinupunto mo ba, gusto mo 'kong magsinungaling sa bata?" tanong ni Michael. "Hindi sa gano'n—" "But you're telling me to lie to him. Fortuna, wala akong magagawa kung masaya si Vincent kapag kasama ako. Ayaw mo ba na maranasan niya ang pagmamahal ng isang tumatayong ama?" tanong pa ni Michael. Kumunot ang noo ni Fortuna at hindi nagustuhan ang sinabi nito. "Hindi ka magiging pangalawang ama ni Vincent kahit kailan," depensa agad niya kaya't natawa si Michael. "Hindi ko pinipilit ang sar
Last Updated: 2026-05-04
Chapter: 7Walang nagawa si Fortuna kundi ang pumayag sa nais ni Mickey. Kapalit ng magandang buhay, pagkikita nila ng kaniyang ina at ang muling mapasakamay niya ang negosyo ng kaniyang yumaong ama ay siya mismo ang magiging kabayaran. Labag sa kaniyang loob ang pagnanasa ni Michael para sa kaniya. Gusto niyang maiyak sa labis na kalungkutan habang abala ang binata sa paglasap sa kaniyang leeg. "Hmm...." sambit ni Michael at mas lalong dinidikit si Fortuna sa kaniyang katawan. "Ahh!..." sambit bigla ng dalaga nang itulak siya nito sa ibabaw ng kama. Masama niyang tinignan ang gawi ni Michael, habang ito ay malagkit na nakatingin sa direksyon niya. Isa-isang tinanggal ni Michael ang butones ng kaniyang suot na polo at nilantad sa dalaga ang matipuno niyang katawan. Agad niyang pinaibabawan si Fortuna upang siilin muli ng kaniyang mapusok na halik. Dahan-dahang bumigay ang katawan ni Fortuna at hinayaang damhin ang mainit na pagnanasa sa kaniya ni Michael. Pinunit din ng binata ang kaniyang s
Last Updated: 2026-04-17
Chapter: Disgrasya 38"H-Ha? Ano'ng mahal?" tanong ko. Hindi ko na napigilan pa ang mautal."Kunwari ka pa," bulong ni Camille matapos niyang sikuin nang marahan ang tagiliran ko. "Alam ko na minahal mo si kuya. Mahal ka naman din niya, ah? Kaya wala namang problema 'yon.""Camille, hindi ko mahal ang Kuya mo. Hindi ko nga siya gusto, e," pagde-deny ko. Sa totoo lang ay nararamdaman ko ang bilis ng pintig ng puso ko sa kaba."Sana nga, totoo ang sinasabi mo. But anyway, after nating mag-dinner, tuturuan na kita ng proper etiquette kung paano gumalaw bilang isang sosyal at mayamang babae. Naituro ko naman na 'to sa 'yo noon so ire-recap ko na lang.""K-Kailangan ko ba talagang gawin 'to?" tanong ko."Ano ba sa tingin mo?" tanong din niya pabalik. Ako tuloy ang napaisip ng isasagot sa sarili kong tanong.Tss! Mukhang wala talaga akong choice!NAKATALIKOD ako ng pagkakahiga mula kay sir Rommel. Alas dos na ng madaling araw pero hindi ako makatulog. Kaninang 12AM pa natapos ang pagpa-practice ko, sa tulong ni
Last Updated: 2026-06-16
Chapter: Disgrasya 37Nanlalaki ang mga mata ko habang naririnig si Melvs na palalapit dito sa kusina. Bigla ay humiwalay sa 'kin si sir Rommel at kunwaring nag-asikaso."Mrs. Ore—Oh? I-I'm sorry. Hindi ko alam na—""It's okay," agad na sagot ni sir Rommel at saka ako tinignan. "Mamaya na lang namin itutuloy ng asawa ko ang pinag-uusapan namin. I'll go back to the company, wife. I love you."Hindi ako nakasagot dahil sa naiwang shock sa dibdib ko. Ngumiti nang nakakaloko si sir Rommel na tila nagustuhan niya ang ginawa namin bago siya tuluyang umalis."S-Sorry, susunod na lang ako," tanging sabi ko kay Melvs. Tumango siya sa 'kin bago bumalik sa library room.SIMULA no'ng halikan ako ni sir Rommel, para na akong wala sa sarili. Natutulala na lang ako sa tuwing may pagkakaabalahan ako. At ang hindi ko pa maintindihan, kakaiba ang pintig ng puso ko.Normal pa ba 'to?"Ano?! Paano nangyari 'yon?! Bakit kumalat sa—Argh!"Nagtaka ako dahil sa reklamo ni ma'am Elizabeth. Bakas sa boses niya ang irita at inis."G
Last Updated: 2026-06-16
Chapter: Disgrasya 36Wala akong katulog-tulog. Parang mulat ang diwa ko sa buong gabi habang iniisip kung paano ko mapapalayo ang loob sa 'kin ni sir Rommel.Nang marinig ko ang kumukulong tubig sa takure ay agad ko iyong inasikaso. Nagtimpla ako ng kape at saka hinain ang huling pagkaing niluto ko.Dapat nga, hindi na ako nagluto, e, kaso iniisip ko na kung hindi ako ang maghahain ng pagkain ni sir Rommel, baka naman kung ano-ano ang ipakain sa kaniya at lalo siyang magkasakit?"Mama..." sambit sa 'kin ni Gray nang puntahan niya ako. Niyakap at hinalikan ko siya sa kaniyang pisngi."Good morning, everyone!" bati ni Camille na tila maraming enerhiya ang na-consume. Pumwesto na siya sa dining area at uminom ng tinimpla kong kape. "Hmm! Sarap!"Ilang sandali pa ay nakita ko ang pagdating ni sir Rommel kasama ni ma'am Elizabeth. Mukhang okay na sila dahil parehas na silang nakangiti ngayon."Good morning, Wife," bati ni sir Rommel sa 'kin. Nakatingin lang ako sa kaniya na may tipid na ngiti. Nang sulyapan ko
Last Updated: 2026-06-15
Chapter: Disgrasya 35"R-Rommel..." sambit ko ngunit agad ng umalis si sir Rommel. Sandali kong tinignan ang gawi ni ma'am Elizabeth na nananatili pa rin sa kinaroroonan niya bago ko sundan ang kaniyang anak.Pinaubaya ko muna sa kasambahay ang anak kong si Gray bago ko tinungo sa kwarto si sir Rommel. Bakas sa mukha niya ang inis kaya't nilapitan ko siya."Hindi mo dapat sinagot ang Mommy mo," bungad ko sa kaniya ngunit hindi niya ako pinakikinggan. "Rommel, ano ba? Pakinggan mo naman ako.""She shouldn't do that to you. You are my wife. The mother of my son. She should respect and love you as I do," sagot niya sa 'kin."Naiintindihan ko ang galit mo pero nanay mo pa rin siya. Naiintindihan ko siya dahil ina rin ako. Naghihigpit ako para sa ikabubuti ng anak," mahinahon kong depensa."But I also have a child. Alam ko kung ano ang ikabubuti sa anak, pero hindi 'yon madadaan sa pangbabalewala ng mga taong nakapaligid sa kaniya. Gaya mo, you know how she feels pero hindi niya alam kung ano ang nararamdaman m
Last Updated: 2026-06-15
Chapter: Disgrasya 34"Hmm! This is good!" puri ni sir Rommel sa nilutong Nilagang Baka ni t'yang. Panay ang higop niya sa sabaw. Samantalang hindi na niya napansin yung paborito niyang hipon na niluto ko."Mabuti naman at nagustuhan mo," sabi ni t'yang bago muling harapin si Gray. "Ito, oh. Kumain ka pa, apo."Pinagmamasdan ko ang anak kong sumusunod sa kaniyang lola t'yang. Simula no'ng ipagbuntis at maipanganak ko si Gray, si t'yang ang palaging nand'yan para sa 'kin. Kahit na nakakainis man siya palagi, pero madalas naman siyang maaasahan.Babalik pa lang ako sa pagkain ngunit napansin ko ang pagkatulala ni sir Rommel kina T'yang at Gray. Yung mukha niya, hindi ko alam kung nata-touch ba siya o nalulungkot."May problema ba?" tanong ni T'yang nang maabutan niya rin ang reaksyong 'to ni sir Rommel. Agad itong nagising sa pagkatulala."H-Huh? Uhmm... nothing," sagot lamang ni sir Rommel."Yung totoo?" paninigurado ni t'yang upang hulihin si sir Rommel. Gusto pa sanang mag-deny ni sir Rommel ngunit suming
Last Updated: 2026-06-14
Chapter: Disgrasya 33Napatakip sa bibig si T'yang sa nalaman."Alam ba niya na—""Hindi," sagot ko agad. "Walang ibang nakakaalam na siya ang ama ni Gray, maliban sa 'ting dalawa. At ayokong lumabas pa ang tungkol doon.""Ha? Ano ka ba, Gracia? Mayamang pamilya sila, hindi ba? Bakit ayaw mong ipaako? Kahit na ipa-DNA pa nila ang bata, makikita nilang kadugo nila siya. Magmamana si Gray nang kayamanan nila."Tss... ito na nga ba ang sinasabi ko."Hindi ko po kailangan ng yaman nila, T'yang. At hindi na rin kailangan pa'ng makilala ni Gray na si sir Rommel ang ama niya. Ngayon, kapag bumalik na ang alaala ni sir Rommel, makukuha ko ang malaking halaga ng pera mula sa mga magulang niya. Sapat na 'yon para gumanda ang buhay natin at makapag-aral si Gray. Kaya pakiusap ko sa 'yo na h'wag kang masyadong maingay. Ganito, kunwari, matagal na kaming kasal ni sir Rommel. Basta gano'n. Paniwalain natin siya na matagal na kaming kasal. Hayaan mo, may parte ka rito."Dahil sa pera, wala namang pag-aalangang nag-agree
Last Updated: 2026-06-14