author-banner
Xielyne J.
Xielyne J.
Author

Nobela ni Xielyne J.

THE BILLIONAIRE I SLEPT WITH IS NOW OBSESSED WITH ME

THE BILLIONAIRE I SLEPT WITH IS NOW OBSESSED WITH ME

Isang gabing hindi inaasahan ang tuluyang nagbago sa buhay ni Janella Caballero. Mula noon, pinili niyang bumangon at baguhin ang sarili—hindi para sa kahit sino, kundi para sa sarili niyang kapayapaan. Ngunit sa kaniyang pagbabalik, may isang lalaking hindi siya kailanman nakalimot… isang lalaking handang guluhin muli ang mundong pilit niyang inayos. Sa gitna ng muling pagkikita, muling iigting ang damdaming pilit nilang ikinubli. Pero paano kung may mga taong handang sirain ang anumang meron sila? Kakayanin ba nilang ipaglaban ang isa’t isa, kung sa simula pa lang ay nabuo ang lahat sa isang kasinungalingan? At sa bawat hakbang palapit sa katotohanan, unti-unting mabubunyag ang mga lihim ng nakaraan—mga lihim na maaaring maglapit… o tuluyang magwasak sa kanila. Hanggang saan ang kaya nilang ipaglaban… kung ang katotohanan mismo ang susubok sa kanilang dalawa?
Basahin
Chapter: Chapter 160
Ngumisi si Janella, parang batang may bagong kalokohan na naiisip. Bahagya niyang itinulak palabas ang dibdib niya, may halong arte at panunukso sa galaw. “Sige… ako na ang mag-aalaga,” sabi niya, halos pabulong, pero malinaw ang intensyon. Maluwag ang suot niyang damit—isang simpleng tela na hindi naman talaga sinasadyang ipakita ang hubog ng katawan niya. Pero sa paraan ng pagtayo niya ngayon, tuwid at may konting diin sa postura, kusang umayon ang tela sa kanya. Umigting ito sa harap, lumapat sa natural na kurba, at sa isang iglap—naging mas kapansin-pansin ang dating ng kanyang katawan. Napahinto si Brielle. Hindi niya napigilang umabot. Pero bago pa man niya tuluyang mahawakan— Umatras si Janella, mabilis at mapaglaro. “Hindi pwede,” sabi niya, may halong tawa sa dulo. “Hindi kita papayagang makalapit.” Natigilan sa ere ang kamay ni Brielle. Parang may hangin na biglang dumaan sa pagitan nila—hindi malamig, pero sapat para gawing awkward ang sandali. Dahan-dahan niy
Huling Na-update: 2026-06-23
Chapter: Chapter 159
“Tumayo ka bilis—! May tao!” tili ng babae na halatang kinabahan. Ngunit tila hindi natinag ang lalaki. Sa halip, lalo pa nitong idiniin ang babae sa puno, sabay bulong na may halong kabaliwan— “Eh ano kung may nakakakita? Mas exciting nga ‘yon.” Saglit itong sumulyap sa direksyon nina Janella at Brielle—at sa kung anong baluktot na kaisipan, lalo pa nitong tinodo ang ginagawa. Napadiin si Janella sa dibdib ni Brielle. Kung magtataas lang siya ng tingin— Makikita niya ang eksenang wala nang preno. Mas lalo pang lumakas ang loob niya dahil sa alak. Unti-unti niyang iniangat ang ulo— Ngunit agad siyang napigilan. Mariing idiniin ni Brielle ang palad sa ibabaw ng ulo niya, parang mahigpit na piring na ayaw siyang pahintulutang makakita. Ngayon na alam na ng kabilang panig na may ibang tao sa paligid— Wala na silang pakialam. Humigpit ang yakap ni Brielle kay Janella, saka marahang hinila palayo. “Alis na tayo.” Paalis na sana sila sa kakahuyan, patungo sa labas
Huling Na-update: 2026-06-23
Chapter: Chapter 158
Napasandal nang muli si Janella sa magaspang na puno, habang mula sa likuran ay marahang idiniin siya ni Brielle. Ang payat at balingkinitang katawan niya ay tila naipit sa pagitan ng matigas na puno at ng mainit na katawan sa kanyang likod. Sumasakit ang mga palad niya sa pagkakadikit sa balat ng kahoy, lalo na sa bawat bahagyang galaw. Ramdam din niya ang bigat na nakasandal sa kanya—hindi man ganap na mabigat, pero sapat para hindi siya makagalaw nang maayos. Kanina pa siya inaakit ni Brielle sa paraang hindi niya maipaliwanag—hindi marahas, kundi mabagal… halos sinasadya ang bawat sandali. At iyon ang lalong nagpalala sa nararamdaman niya. Parang may nagliliyab na alon sa loob niya—paakyat, pababa, paulit-ulit—ngunit hindi niya mahanapan ng pahinga. Dahil sa alak, tila lumulutang ang kanyang isip. Hindi niya matukoy kung ano ba talaga ang gusto niyang mangyari—o kung bakit ganoon na lang ang init ng kanyang pakiramdam “Brielle… umalis na tayo…” Ngunit bago pa sila
Huling Na-update: 2026-06-22
Chapter: Chapter 157
Akma pa sanang papalag si Janella ngunit mabilis s'yang kinabag at dahan-dahang hinaplos ng mga daliri ng lalaki sa kaniyang baywang, malamig ang unang dampi ngunit agad ding nag-iwan ng kakaibang sensasyon. Sa bawat galaw, may tila mumunting kuryenteng gumuguhit sa makinis at maputing balat ni Janella—mabilis, nakakagulat, at hindi maipaliwanag. Mataas na ang init ng gabi, ngunit mas lalo pang sumisikip at umiinit ang hangin sa paligid nila, na para bang may apoy na marahang lumalapit. Paminsan-minsan, may mga sasakyang rumaragasa sa kalapit na kalsada—malalakas ang busina, kumakaskas ang gulong sa semento. Sa itaas, walang tigil ang huni ng mga kuliglig sa mga sanga. Lahat ng iyon ay naghahalo-halo, bumubuo ng isang buhay na buhay na gabi. Ngunit sa likod ng makapal na puno sa gilid ng kakahuyan, tila naputol ang lahat ng ingay. Doon, sina Janella at Brielle—nakahiwalay sa mundo. Ang tanging naririnig ay ang magkasabay nilang paghinga. Punong-puno ng hindi maikakailang
Huling Na-update: 2026-06-22
Chapter: Chapter 156
Tila natuod si Janella sa kaniyang kinatatayuan. Pati ang mga tao sa paligid ay napapalingon sa lalaking nakatitig sa kaniya. Ngunit dahil nakasisilaw ang mga ilaw sa loob ng bar, hindi gaanong nakilala ng mga naroon ang lalaki. Dahan-dahan itong naglakad palapit sa kaniya, habang nananatili siyang tulala. Hanggang sa hindi niya namalayang nasa harapan na niya si Brielle. Kinabig siya nito palapit at hindi na niya nagawang manlaban pa. Itinaas ni Brielle ang kaniyang kaliwang kamay at sumenyas sa host na itigil ang palabas, na agad naman nitong sinunod. Isa-isang bumaba ang mga escort, at kasabay niyon ay biglang namatay ang lahat ng ilaw. Ang sumunod niyang naramdaman ay ang pag-angat niya sa ere. “Brielle, ano ba? Ibaba mo ako.” Subalit taliwas ang itinugon ng kaniyang katawan sa sinabi niya. Mabilis niyang ikinawit ang mga braso sa leeg ng lalaki at bahagyang sumandal sa dibdib nito. “Hindi ka talaga magaling magsinungaling.” Tahimik na bumaba si Brielle mula sa entablado
Huling Na-update: 2026-06-18
Chapter: Chapter 154: Caught in the Spotlight
SAMANTALA, sa dance floor ng bar.Sumasayaw sa dilim ang makukulay na ilaw mula sa mga LED at disco lights. Naghahalo ang pula, asul, at lilang sinag, na nagbibigay sa buong lugar ng kakaibang buhay at karangyaan. Kasabay ng malakas na tugtog, tila nagiging ibang mundo ang bar—isang mundong puno ng saya, alak, at pansamantalang paglimot.Nakatayo si Janella sa gitna ng dance floor, marahang umiindayog kasabay ng musika. Ang mahaba niyang buhok ay sumasabay sa bawat galaw, habang ang maputi niyang balat at mapupulang labi ay lalo pang tumitingkad sa ilalim ng makukulay na ilaw. Ang kanyang mga matang tila laging may tinatagong biro ay sapat na para makahuli ng atensyon ng kahit sinong lalaki na naroon.Magaan ang kanyang paggalaw, tila alon na sumasabay sa hangin. Sa bawat pag-ikot nya, mas marami ang napapalingon. Hindi nakapagtatakang napapalibutan sila ng mga lalaki.Sa tabi niya ay si Lyca, na abalang nagsasayaw rin at paminsan-minsang nakikipagbiruan sa mga lumalapit. Samantalang
Huling Na-update: 2026-06-17
THE BILLIONAIRE'S REGRET: When His Wife Bloomed without Him

THE BILLIONAIRE'S REGRET: When His Wife Bloomed without Him

Tatlong taong naghintay si Criszah Montalban na mahalin ng lalaking pinakasalan niya. Si Jude De Leon, ang CEO at namamahala ng De Leon Empire. Tatlong taon siyang nanatili sa isang kasal kung saan siya lang ang lumalaban. Hanggang sa isang araw, napagod na rin siya. “Jude, kung sakali bang mawala ako balang araw, hahanapin mo ba ako?” Ngunit hindi alam ni Jude na sa pagkakataong iyon, hindi na pagmamahal ang hinihingi ni Criszah—kundi isang dahilan para manatili. At nang hindi niya iyon maibigay, pinili ni Criszah na umalis. Ngunit kapag ang babaeng minahal ka nang buong puso ay tuluyan nang bumitaw... Mababalik mo pa ba siya kapag ikaw naman ang natutong magmahal?
Basahin
Chapter: Chapter 5: The last gift
CHAPTER 5: MATAPOS sabihin ni Criszah ang mga salitang iyon, para bang muling nabuksan ang sugat na pilit niyang tinatakpan. Bumuhos sa kanya ang pait, lungkot, at pagod na matagal na niyang kinikimkim. Napansin naman ni Jude na masyado siyang naging malamig, kaya bahagya niyang hininaan ang boses. “Okay, naiintindihan ko kung ano ang pinupunto mo. But for now, gawin mo muna ang hinihiling ko. Kapag humupa na ang gulo, hahanap ako ng tamang tyempo para ipakilala ka sa publiko bilang asawa ko kung iyon ang gusto mo.” Matapos ang mahabang pag-iisip, iyon ang naging desisyon ni Jude upang mapapayag si Criszah sa kahilingan niya. Totoong nagsimula ang kasal nila dahil sa mga interes ng pamilya, pero sa loob ng tatlong taon ay nakita niyang mabait, mahinahon, at hindi magulo si Criszah. Sa tono niyang iyon, para bang nagbibigay siya ng pabuya sa isang taong gumawa ng mabuti. Aaminin niya, malayo ang kaniyang loob rito pero sinusubukan niyang tanggapin ang sitwasyon. Hindi man siya
Huling Na-update: 2026-06-22
Chapter: Chapter 4: He called it Drama
CHAPTER 4 KINABUKASAN mag-isang nilinis ni Criszah ang mga unan, ang mga art frame sa dingding at mga halaman sa balkonahe. Ang mga lumang gamit ay itinapon niya, at ang mga halamang nasa paso ay kaniyang ipinamigay. “Kaya ko naman pa lang bitawan ang mga bagay na matagal ko nang itinatago.” Mahina niyang bulong sabay pagpag ng mga kamay. Sunod niyang ginawa ay binuksan ang drawer, kinuha niya ang credit card na binigay ni Jude, at mataman iyong tinitigan. Kailanman ay hindi niya iyon binawasan, may pera siya, at sapat iyon sa mga bagay na gusto niya. Kaya ngayon, panahon na para ibalik ang card sa tunay na may-ari nito. Inilapag niya iyon sa ibabaw ng lamesa, saka pinasadahan nang tingin bago tuluyang tumalikod at lumabas ng silid bitbit lamang ang sarili. **** NGAYON, tahimik na kumakain ng take out sina Criszah at Jo, sa loob ng showroom. Nang biglang mag-flash sa screen ng television ang isang flash report patungkol sa De Leon Empire. Nakatayo sa harapan ng entab
Huling Na-update: 2026-06-22
Chapter: Chapter 3: Not this time
CHAPTER 3: NANG marinig ang boses nito, gusto na niyang ibuhos ang lahat ng sakit, pero pinigilan niyang wag pumiyok ang kaniyang boses. At saka, naalala niyang hindi naman siya nakikita ni Jo, kaya umakto na lamang siyang walang nangyari. “Hindi naman gano'n kalala,” sabi niya. “Mas gusto kong ituon ang lakas ko sa pag-asenso kaysa sa magpadala sa galit. At sa halip na pilitin kong bawiin ang isang taong una pa lang ay hindi naman ako ang pinili, kaya mas mabuti pang ako na mismo ang bumitaw.” pumiyok pa siya sa huling sinabi. Nang marinig ni Jo ang bahagyang pagpiyok ng boses ni Criszah, agad itong nakaramdam ng awa. Pero umiral pa rin ang pagkaprangka nito “Hay naku, I've already told you before, na unahin mo ang career mo, pero anong ginawa mo? Mas pinili mo pa ring unahin ang—nevermind,” puna nito. Bilang isa sa mga pinakamahusay na talent manager sa industriya, alam niyang malayo pa sana ang mararating ni Criszah kung hindi nito isinantabi ang kasikatan para mag-asawa at b
Huling Na-update: 2026-06-22
Chapter: Chapter 2: Nothing special
CHAPTER 2: MAKALIPAS ang ilang sandali, huminto sa harap ng De Leon Empire ang sasakyang minaneho ni Criszah, inayos niya ang sarili bago tuluyang bumaba. Samantala, agad na napansin ng receptionist ang isang pares ng mga binti na mas mahaba pa sa kanyang sariling buhay, at pagkatapos ay ang suot nito. Criszah’s wearing a teal wrap blouse na ipinares sa isang beige pencil skirt para sa hapunan sana nila ni Jude. Ang wavy niyang buhok ay nakalugay pababa sa knyang mga balikat, at maging ang kurba sa dulo ay maganda at kaakit-akit. Pagkakita ng receptionist, namula ito. “Good afternoon, Ma'am, welcome to De Leon Empire. May appointment po ba kayo?” Bilang respeto, Criszah take off her sunglasses. “Good afternoon, I'm looking for Jude De Leon. Nariyan na ba siya?” Pagkatanggal, agad na nakilala ng receptionist si Criszah, at hindi nito maiwasang mamangha. Ang mga sikat na mga personalidad ay halos kilala na nang karamihan, tinitingala sila sa lipunan kumpara sa mga ordina
Huling Na-update: 2026-06-22
Chapter: Chapter 1: The wife they Called a mistress
CHAPTER 1: Kahit alam ni Jude De Leon na sinisiraan ng mga netizens ang kaniyang asawa na si Criszah Montalban, pinili pa rin niyang magtungo sa airport para sunduin ang kaniyang kababata.Grabe ang bash na inabot ni Criszah mula sa madla, kung titingnan mo ang mga post ngayon online, halos pangalan ng babae ang nilalaman. “Oh my gosh! Confirmed! Si Criszah Montalban ay isang kabit!” Komento iyon sa isang post ng dalawang pigura na magkatabi. Halatang old photo iyon. Agad na nakilala ni Criszah kung sino ang mga ito. Ang asawa niya iyon at ang kababata nitong si Rena Amares.Tatlong taon nang nagpahinga si Criszah sa pag-a-artista dahil nagpakasal siya sa isa sa mga mayamang pamilya sa Quezon City dahil sa kasunduan ng dalawang panig. Kasagsagan nang shooting niya sa Texas nang puntahan at pakasalan siya ni Jude noon sa naturang bansa. At ngayong nasa bansa na ang tunay na nagmamay-ari sa puso ng asawa, ano na ang mangyayari sa kaniya?Habang tinititigan niya ang trending topic nga
Huling Na-update: 2026-06-22
Maaari mong magustuhan
Ang Husband kong Hoodlum
Ang Husband kong Hoodlum
Romance · MysterRyght
98.1K views
Mistaken Identity
Mistaken Identity
Romance · Michelle Vito
98.1K views
SECRETLY IN LOVE WITH YOU
SECRETLY IN LOVE WITH YOU
Romance · JENEVIEVE
97.8K views
Lustful Affair with my Uncle
Lustful Affair with my Uncle
Romance · Eternalqueen
97.7K views
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status