
The Innocent Probinsyana Wife of the Billionaire
Masayahin at inosenteng probinsyana na babae si Monica Celestine Alcantara. Kuntento at masaya siya sa buhay niya sa probinsya, kasama niya ang Ina at Lola na nagpalaki sa kanya at ang boyfriend niyang si Yuan na taga Manila. Ngunit sa halos limang taon relasyon nila ni Yuan ay ni-minsan ay hindi niya ito nakita sa personal, kaya ng bigyan siya ng pagkakataon makalipad pa Manila. Ngunit hindi niya akalain na ang maabutan niya doon ay si Yuan. Napanood niya kung paano ikasal si Yuan sa isang mayaman na babae.
Nasaktan si Monica dahil doon. Hindi niya matanggap na ang kasintahan niya na akala niya na ito na ang lalaking papakasalan niya ay hindi pala. Doon niya nakilala si Marcus sa isang Bar, broken din ito tulad niya, nalasing sila parehas kaya may nangyari sa kanila. Nang magising siya ay tumakas siya ngunit doon niya naman nakilala si Donya Felicia ang kaibigan ng Lola niya. Nalaman niyang ipinagkasundo pala siya ng Lola niya sa apo nitong si Marcus Deniel Zapanta. The Billionaire Engineer CEO ang lalaking nakakuha ng virginity niya. Lalo na nalaman niyang matalik na magkaibigan ang mga Lola nila. She's willing to be a good wife to her cold billionaire husband, Marcus. Kahit madalas ay sinusungitan siya nito ay masaya pa din siya palagi. Ngunit hindi niya akalain na si Yuan. Ang dati niyang kasintahan ay half-brother pala ni Marcus sa Ama.
Marcus hated his half-brother so much, pakiramdam niya ay kahati niya ito sa lahat lalo na pinakasalan nito ang babaeng gusto niya. Ngunit nang malaman na may nakaraan si Monica at Yuan ay gusto niyang gamitin ang inosenteng asawa laban sa kapatid.
If the arranged marriage will go on good terms, can the past can affect the future to fall in love with each other?
Basahin
Chapter: Chapter 14Hiyang-hiya ako habang nakahiga ako sa kama. Hindi ako makagalaw. Kakagising ko lang pero ang una kong naalala ay ang mga kabaliwan na nagawa ko kagabi. Nakakahiya! Ano na lang iisipin ni Marcus?! Paano na lang ako haharap sa kanya nito?! Nagwala at nagalit ako sa kanya kagabi?! Kahit yata masakit ang ulo ko, hindi ko magagawang umakto na walang naalala dahil naalala ko ang lahat! Nakakahiya sobra, umiyak pa ako na parang bata. Para akong baliw, ano na lang gagawin ko? Baka nagalit siya sa akin? Pero mukhang hindi naman siguro? Ang higpit ng pagkakayapos sa akin ngayon, eh... Dahan-dahan akong lumingon sa katabing nakayakap sa akin. Siksik na siksik niya ako at halos mahulog na ako sa gilid ng kama habang siya, ang laki pa ng space sa gilid niya. Baka sinasadya niya para mahulog ako? Dahil inaway ko siya? Huhu, nakakahiya talaga. "Ano ba namang pinaggagawa mo sa buhay, Monica..." inis kong bulong sa sarili. Nahampas ko ang sariling noo. Nagwala ako, umiyak, inaway ko siya, sinisis
Huling Na-update: 2026-06-29
Chapter: Chapter 13"Saan ka ba nagsusuot?!" malakas na sigaw ni Marcus sa akin. Hinawakan niya ako sa magkabilang braso at marahang itinayo. "Where have you been?! Buong araw kitang hinanap tapos nandito ka lang pala sa bar?! What the hell is wrong with you?!" sigaw niya pa.Ngumuso ako at mabilis na pinanggilidan ng luha ang mga mata ko. Ang kapal naman ng mukha niyang magalit sa akin! Hindi nga ako nagalit sa kanya!"B-Bitawan mo nga ako!" inis na inis kong sabi at pilit na inaalis ang pagkakahawak niya sa mga braso ko. "Bitaw! Ayoko sa 'yo! Manloloko ka! Pareho lang kayo ni Yuan!" naiiyak kong sigaw sa kanya.Hilong-hilo na ako at nanghihina. Tuluyan na akong nanlambot at bumagsak sa bisig niya nang hindi ko na napigilan ang sarili kong umiyak. Hindi siya gumalaw agad. Sunod-sunod na nagpatakan ang mga luha ko. Inis kong hinampas ang dibdib niya. "A-Ang sama mo! Pati ikaw niloloko ako!""What are you talking about, Monica?!" gulong-gulo niyang sigaw. "Hindi ako manloloko—""Sinungaling! Ano 'yung pic
Huling Na-update: 2026-06-27
Chapter: Chapter 12Hindi ko alam kung ilang oras na ba ako naglalakad. Basta nang masigurado kong malayo na ako sa villa namin at halos wala na akong makitang mga gusali o establishments ay tsaka lang ako tumigil sa paglalakad.Halos dalawang buwan pa lang kaming nagsasama ni Marcus, at magtatlong linggo pa lang kaming kasal. Hindi ko alam pero naiinis talaga ako. Base kasi sa naalala ko at sa alam ko, mabait, mayaman, sikat, at magandang babae si Hershey. Ayokong madamay siya sa inis ko kaya pakiramdam ko ay mali ang nararamdaman ko ngayon.Inis akong dumampot ng bato at ibinato 'yun sa tabing-dagat. Walang tao sa pwesto ko kaya tahimik doon. Tanghali na nang magising ako kanina at halos hapon na rin ngayon. Ni wala pa akong kain. Ano ba namang buhay 'to?Malalim na buntonghininga ang pinakawalan ko tsaka nagpasyang tumayo. Mabilis akong natigilan nang mapansin ang isang babaeng nakaupo sa gilid ng malaking bato. Nang mapansin niya ako ay tumingin siya sa akin at malaking ngumiti."Bakit ka nandito?" t
Huling Na-update: 2026-06-26
Chapter: Chapter 11Pagod na pagod ako nang magising ako kinabukasan. Wala na rin si Marcus sa tabi ko at tinatamad din akong tumayo. Ang sakit ng buong katawan ko! Hindi siya tumigil kagabi hanggang madaling araw, hanggang sa hindi siya napapagod. Hinayaan ko naman siya dahil gustong-gusto ko naman ang ginagawa naming dalawa. Inangkin niya ako sa sala, tapos akala ko ay maliligo na kami pero umulit siya sa banyo! Para bang hindi siya napapagod, tapos noong nasa kwarto na kami ay nakailang ulit din kami. Wala siyang kapaguran habang ako ay antok na antok na kaninang madaling araw. Maingat akong naglinis ng sarili tsaka nagbihis ng simpleng yellow summer dress. Lampas tuhod ko 'yun at manipis lang ang strap. Heart-shaped naman ang bahagi ng dibdib niyon. Ang linis at simple ko tinitingnan. Kumuha na lang ako ng flower hair clip para hindi gaanong simple ang buhok ko habang puting sandals naman ang ipinang-paa ko. Tuwang-tuwa akong lumabas at excited na makita si Marcus. Ngunit agad akong nadismaya nang
Huling Na-update: 2026-06-26
Chapter: Chapter 10Busog na busog ako matapos naming kumain dalawa. Halos ako ang pinakamaraming nakain, nakakahiya nga eh. Kasi ang siba ko naman habang babae ako, pero dahil gutom talaga ako at ang sarap ng mga pagkain ay hindi ko na napigilan ang sarili ko."Are you done?" masungit niyang tanong.Tingnan mo nga naman ito! Kakatapos lang naming kumain, nagsusungit agad."Can we go back to the villa and continue what we are doing?" dagdag niya pa."Agad?!" gulat kong tanong, bigla akong nahiya.Busog na busog ako tapos siya, hindi pa busog? Talaga bang kakainin niya ako? Tsaka naasiwa ako dahil ang hirap kayang gumalaw kapag busog."Pwede bang bukas na lang?" tanong ko.Kita ko agad ang pagbusangot ng mukha niya."Eh kasi... Busog ako, gusto ko na lang matulog at magpahinga," paliwanag ko.Dinig na dinig ko ang malalim niyang buntonghininga. Nakokonsensya naman ako pero kasi pakiramdam ko ay hindi ko talaga kayang ituloy ngayon. Baka bumigat din ang pakiramdam ko, nakakahiya naman sa kanya kung ganoon.
Huling Na-update: 2026-06-24
Chapter: Chapter 9Marahas at gigil na gigil ang mga halik ni Marcus sa labi ko. Sa tuwing sinusubukan kong magsalita ay ipinapasok niya ang dila niya sa bibig ko. Wala naman akong magagawa kundi tanggapin 'yun at gantihan siya, pero sa sobrang sabik niya ay hindi ko siya masabayan! Hindi naman din ako marunong humalik talaga. Siya naman ang una ko sa ganito. Para siyang asong uhaw na uhaw sa akin! Ano ba naman 'to?!"M-Marcus..." hirap na hirap kong sabi.Nakahiga na ang likuran ko sa billiards table. Wala man lang siyang pakialam na dito kaming dalawa gagawa ng kababalaghan."Marcus, teka..." awat ko sa kanya nang subukan niyang alisin ang suot kong cycling."What?!" masungit siyang nag-angat sa akin ng tingin. "I am already enjoying my meal, Baby.""Pwede ba mamaya na natin ituloy?" tanong ko.Kita ko ang pagkunot ng noo niya habang nakatingin sa akin. Napanguso ako bigla."Nagugutom na kasi ako..." dagdag ko."We are already eating each other tapos gutom ka?" tila hindi niya makapaniwalang tanong.A
Huling Na-update: 2026-06-23

Marrying My Ex-Fiancé Hot Uncle
Matagal nang engaged si Maria Cassandra Tolentino sa kanyang fiancé na si Leon Hernandez, ngunit kahit ganoon ay wala pa rin silang napag-uusapan na plano para sa kasal. Nang hindi makatiis si Cassandra, sinugod niya ang fiancé sa opisina nito. Laking gulat niya nang makita niya itong kahalikan ang kaibigan nitong babae na pinagseselosan niya sa buong relasyon nila.
Ang akala niyang tapat at tunay na pag-ibig nilang dalawa ay isang malaking kasinungalingan lang pala. Ginamit lang siya ni Leon para makuha ang approval ng magulang nito sa lahat sapagkat galing sa mayamang pamilya si Cassandra. Ginamit niya lang si Cassandra para makuha ang lahat ng gusto nito.
Umiiyak at nasaktan si Cassandra. Gusto niyang maghiganti ngunit hindi niya alam ang gagawin.
Niloko na siya at pinahiya. Nagawa pa rin ni Leon na paniwalain ang mga magulang ni Cassandra na ang dalaga ang nagloko sa kanilang dalawa. Dahil doon ay naglayas siya at nagpunta sa isang kilalang isla kung saan napupunta ang karamihan upang magsaya at makalimot. Doon niya nakilala si Theodore Gio Hernandez. Gwapo, matangkad, at mayaman ito, ngunit matanda ito ng sampung taon sa kanya, ngunit wala siyang pakialam. Gusto niyang makalimot, kaya nakipagtalik siya rito.
Nang may mangyari sa kanila ay saka niya nalaman na tiyuhin ito ni Leon. Dahil doon, nakaisip siya ng paraan kung paano makakapaghiganti kay Leon nang hindi nagmamalupit.
Inaya niya sa isang kasal si Theo para ipamukha kay Leon na hindi ito kawalan. Pumayag si Theo sa kadahilanang kailangan niya rin ng asawa para makuha ang mana na mapupunta sana kay Leon kung mauunahan siya nito sa pagpapakasal. Magiging mag-asawa lamang sila sa papel at magkakasundo pagdating sa kama sa tuwing gusto nila, ngunit maaari kayang buksan muli ni Cassandra ang puso sa pamilya ng taong sumira sa buhay at tiwala niya?
Basahin
Chapter: Chapter 59Mabilis akong nagpunas ng pisngi. Hindi pwedeng ganoon. Ang hina ko naman masyado!Dahan-dahan akong tumayo mula sa pagkakaupo sa sahig. Nang mapansin kong nakatayo pa rin siya roon at pinagmamasdan ako ay pilit ko pa rin tinatagan ang aking sarili.Huminga ako nang malalim tsaka dahan-dahang binuhat ang plato at naglakad papunta sa lababo. Ngunit hindi pa ako nakakarating doon ay nabitawan ko ang aking hawak. Mariin akong napapikit at inis na lumuhod.Akmang lilikumin ko na sana ang mga iyon nang hilahin ako bigla patayo ni Theo. Nanlalabo ang mga mata ko siyang tinignan."Ako na—""Maupo ka roon," malamig niyang utos sa akin habang mariin akong tininitigan. "Stay away from here. Maupo ka roon," dagdag niya pa.Hindi na ako nakipagtalo pa. Pero imbes na sundin siyang maupo lang doon ay lumakad na ako paakyat sa itaas. Pumasok ako sa kwarto naming mag-asawa at kumuha ng gamit tsaka naglakad papunta sa isang guest room. Ayoko sa kwarto ni Alessia dahil baka mas lalo lang akong maiyak d
Huling Na-update: 2026-06-27
Chapter: Chapter 58Buong gabi kaming hindi nag-usap. Hindi na rin kami sabay kumain. Hindi kami tabi natulog. Iyon yata ang unang beses na hindi kami nagtabi sa isang kwarto, at ito na yata ang unang beses na natulog kami pareho nang hindi inaayos ang pinag-awayan namin. Sa kwarto ako ni Alessia natulog. Nang magising ako kinabukasan, wala na si Theo. Sabi ni Manang Lourdes, maaga raw itong umalis at baka nasa trabaho na. I am guilty. Aware ako at aminado rin akong may kasalanan din talaga ako. Mali ko na imbes tawagan siya ay pumayag agad ako sa gusto ni Ethan. I really know he hates that guy, pero ayoko kasing idamay si Ethan dahil lang may nararamdaman na iba si Theo sa kanya. I love my husband, I respect him. Pero may respeto rin ako kay Ethan. Gusto niya lang naman ng trabaho at wala naman siyang ginagawang masama kaya pinagtatanggol ko siya sa tuwing nagagalit si Theo dahil sa kanya. I just realized na imbes intindihin at kausapin nang maayos si Theo kagabi, sinabayan ko pa ang galit niya. Hind
Huling Na-update: 2026-06-27
Chapter: Chapter 57Halos dalawang buwan ang lumipas at naging maayos at payapa ang buhay naming lahat. Walang paramdam o kahit anong balita kay Leon. Sa totoo lang nakakapagtaka, ngunit hindi na muna namin masyadong binigyang-pansin iyon. Lalo na't walong buwan na ang anak namin at mas lumalago ang negosyo ko.Napapadalas ang tao ko sa shop, halos hindi na kami nagkakasama mag-asawa dahil abala rin si Theo sa ospital. Tuwing uuwi kami, minsan ginagabi na ako nang sobra at umuuwi na akong mag-isa, minsan naman kapag siya ang ginagabi ng uwi ay tulog na kaming mag-ina."Ma'am, busy po ba kayo?" mabilis kong nilingon si Ethan na nasa kabilang lamesa lang."Hindi naman, bakit?" tanong ko. Wala naman ako masyadong ginagawa ngayon dahil halos si Ethan na ang gumawa ng lahat. Honestly, malaki ang pasasalamat ko dahil sa kanya. Mas naging magaan ang trabaho ko. Maalam siya sa lahat, mabait, at maasahan kaya madalas hindi ko na kailangan mag-alala pa. "Do you need anything?""Wala naman, Ma'am. Itatanong ko lang
Huling Na-update: 2026-06-27
Chapter: Chapter 56Magagaan at maiingat na halik ang ibinigay sa akin ni Theo dahilan upang kumalma ako. Mabilis akong nagdilat ng mata nang pakawalan niya ang labi ko. Halos habulin ko pa iyon sa sobrang dala at sabik sa labi niya. "You want more?" malambing niyang tanong sa akin. Agad akong tumango nang wala man lang pag-aalinlangan. Para akong nalalasing sa halik niya. Tanging si Theo lang talaga ang kaya akong pakalmahain nang ganito. Muli niya akong hinalikan at mas idinikit ang katawan namin sa isa't isa. Kusa akong yumapos sa leeg niya upang mas diinan ang halikan naming dalawa. Nang mapagod at malapit nang kapusin ng hininga ay tsaka lamang kaming tumigil dalawa. Titig na titig ako sa mga mata niya. Marahan niyang hinahaplos ang pisngi ko at nginitian ako. "You think you should focus more on your flower shop, hmm?" seryoso niyang tanong habang patuloy na hinahaplos ang pisngi ko. "You've been stressed lately... I think kailangan mo ring libangin ang sarili mo maliban sa anak natin." Bumunto
Huling Na-update: 2026-06-26
Chapter: Chapter 55Halos dalawang linggo na ang lumipas at mas humigpit ang seguridad sa buong paligid namin. Kalat na rin sa lahat ng mga pahayagan, media, at mga balita ang tungkol kay Leon. He is the most wanted person at the moment. Marami pala talaga siyang nagawang kasamaan—nalaman din naming may pera siyang ninakawan noon at naging scammer din siya bago nito! Kung hindi pa siya maibabalita, hindi lalabas ang lahat ng baho niya! I really can't believe him! Hindi ko na rin maisip kung paano ko nagawang mahalin ang isang katulad niya noon! I thought he was an angel, but I was wrong! Demonyo siya—demonyo pa sa mas demonyo. "Wala akong alam," bagot na sagot ni Veronica. Masama ang tingin niya sa aming mag-asawa. Umirap pa siya sa akin nang makita ang tingin ko sa kanya. "Hindi pa ba kayo kuntento? Nakakulong na ako, okay? Nagbabayad na ako sa kasalanan ko. Wala na akong pakialam sa gagong iyon." "Kahit anong detalye, wala kang alam?" tanong ko ulit, umaasang may makuha pa rin sa kanya. "Wala nga
Huling Na-update: 2026-06-26
Chapter: Chapter 54Halos isang linggo rin ang tinagal namin sa ospital bago nakalabas ang magulang ko. Laking pasalamat ko rin talagang nagising si Daddy matapos ang dalawang araw, kundi baka nasa ICU na siya at may nakalagay na tubo. He was really sorry. Iyak kami nang iyak nina Mommy noong isang araw. Ayokong mas palalimin pa ang sugat at kirot sa puso ko kaya hindi ko na pinalaki ang gulo sa pamilya namin. Para mas ligtas ang lahat, sa mansyon ng mga Hernandez muna namin pinatuloy sina Mommy. Okay lang sa pamilya at magulang ni Theo lalo na't para na rin sa kaligtasan ng lahat. Hindi namin alam kung nasaan si Leon, hindi rin namin alam kung sino ang kasabwat nito. Wala kaming ideya. Maski si Veronica na nasa kulungan, kundi pa namin sinabi na nakatakas si Leon ay hindi niya malalaman. "Sigurado ka bang okay lang sa kanila na nandito kami?" tanong ni Mommy sa akin. Nakahawak siya sa braso ko habang tulak-tulak naman ng isang nurse na kinuha ni Theo ang wheelchair ni Daddy. "Nakakahiya... Gumawa ka
Huling Na-update: 2026-06-26