author-banner
Sir Haze
Sir Haze
Author

Novels by Sir Haze

The Hidden Heir  Of The Obsessed Billionaire, CEO

The Hidden Heir Of The Obsessed Billionaire, CEO

Sa likod ng malamig na mga mata ni Adrian de Luca ay isang lalaking handang angkinin ang babaeng gusto niya. Iyon ay si Samantha Romano, siya ang empleyadang matagal nang nagtatrabaho sa industriyang kanyang pinapatakbo at ang babaeng lihim na umiibig sa kanyang amo. Para kay Adrian de Luca, laro lang sa umpisa si Samantha Romano. Ngunit habang tumatagal, mas lalo siyang nababaliw sa dalagang hindi natatakot suwayin anoman ang kanyang sasabihin. Habang unti-unting nahuhulog ang kanilang mga puso, isang babae ang muling bumalik sa buhay ni Adrian, at iyon ay si Celestina Monteverde. Si Celestina ay ang isa sa pinakamaraming dahilan kung bakit pinili ni Samantha na maglaho. Bitbit ang lihim na anak ng bilyonaryo, pinili niyang mawala bago pa tuluyang masira ang kanyang buong pagkatao. Note: Sisimulan kong isulat ang pinakaunang bahagi ng storya kung bakit ni Samantha piniling itago ang bata kagaya ng nasa title, just in-case magtataka kayo o malito dahil wala pang bata ang involve sa pinakaunang yugto. Thanks!
Read
Chapter: Chapter 53
Adrian's POVHindi ko inakalang darating ang araw na muli ko siyang makita matapos ang pitong taon ng katahimikan. Pitong taon na walang balita, walang mensahe, at walang anumang koneksiyon. Sa unang pagkakataon, hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Kung ano ang dapat na sabihin. Parang may libo-libong salita na gustong kumawala sa labi ko, ngunit wala man lang ni isa ang nagawang lumabas.Pamilyar pa rin ang kanyang mukha, ngunit bakas na rito ang mga pagbabagong dinala ng panahon.Sa loob ng pitong taon, pareho kaming nagpatuloy sa aming buhay, ngunit sa sandaling 'to, tila bumalik ako sa nakaraan.Nagsulputan ang mga alaalang matagal ko nang ibinaon sa limot kasabay ng kanyang pagkawala. I needed further explanations pero walang ni isa ang lumapit sa'kin upang ipaalam kung nasaan siya at ano ang ginagawa niya sa kanyang pinuntahang lugar.Ang mga tawanan noon, mga usapan, at maging ang mga pagkakataong magkasama
Last Updated: 2026-07-10
Chapter: Chapter 52
Samantha's POVMatapos kong makita muli ang taong nanakit sa'kin. Hindi ko inakalang darating pa ang araw na 'to, sa mismong ribbon cutting pa talaga ng kompanya ko.I invited them personally dahil akala ko handa na ako, akala ko tuluyan ko nang nailibing ang lahat ng sakit na iniwan niya sa puso ko. Ngunit sa sandaling nagtama ang mga mata namin, para bang bumalik ang mga alaala na matagal kong sinubukang kalimutan.Naramdaman kong bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi dahil mahal ko parin siya, kundi dahil naalala ko lang lahat ng pinagdaanan ko matapos niya at ng pamilya niya sinaktan ako at ang pamilya ko dahil isang hamak na hampaslupa lang kami. Naalala ko ang mga gabing umiiyak ako nang palihim, ang mga umagang gumigising akong may mabigat na pakiramdam sa dibdib, at ang mga araw na pilit kong binubuo muli ang sarili kong winasak ng mga salitang binitiwan niya at ng mga sugat na iniwan niya sa'kin.Habang nakatingin ako sa kanila ay
Last Updated: 2026-07-09
Chapter: Chapter 51
Samantha's POVBandang alas dyes nang gabi kami nakauwi. Nakahanda na ang hihigaan namin ni Samiel. Ang kwartong kaparehong estilo ng sa'kin noon.My family had moved to the nearest City. Mas maunlad ang kabihasnan at sapat lamang ang ingay ng komyunidad. They built the same style of our house before ngunit ang pagkakaiba lang ay ang hugis, kulay at disenyo. Ang bagong bahay namin ngayon ay mas moderno at mas malaki kaysa noon.Ang dalawang palapag ng bahay ay nababalutan ng makinis na puting pader na kumikinang sa ilalim ng maliwanag na sikat ng araw, na nagbibigay rito ng malinis, elegante, at napakamodernong anyo.Sa harapan nito ay matatagpuan ang isang malawak na swimming pool na may malinaw at mala-kristal na tubig. Ang bughaw nitong kulay ay sumasalamin sa kalangitan, na para bang pinagsama ang langit at tubig sa isang payapang tanawin. Nakapalibot sa pool ang malalapad na tiled deck na kulay abo, na nagbibigay ng maayos at marangyang espas
Last Updated: 2026-07-08
Chapter: Chapter 50
Samantha's POVMahaba ang naging byahe pero hindi ako nakaramdam ng pagod. Tanaw ko mula sa glass window ang city lights ng Pilipinas kahit dito pa lang sa himpapawid. Napangiti akong binalingan si Miel. Nanatili siyang gising samantalang si Yvren ay nakahiga sa inuupuan marahil ay napagod.Siyam na oras ang pagitan ng America at Pilipinas. Habang umaga pa roon ay paggabi naman dito. Malapit ng makapag-landing ang eroplano kaya'y ginising ko na si Yvren.Napagdesisyonan rin niyang bago pa man bumyahe ang eroplano mula America. He booked a reservation sa sariling pagmamay-ari niyang hotel. Katabi diumano ng kompanya ng ama niya kaya hindi naging mahirap kay Yvren ang makahanap ng matutuluyan ngayon.Hindi niya ako kinwestyon kung maaari ba siyang manatili muna sa'min kahit ngayong gabi lang, sa halip ay nagdesisyon siya agad. Gusto niyang bigyan ako nang mahabang oras at ang pamilya ko kasama si Miel kaya iyon ang ipinagpasalamat ko sa kanya ng mal
Last Updated: 2026-07-07
Chapter: Chapter 49
Samantha's POVLumapit si Yvren sa bata. Itinapat niya ang magkabilang palad sa balikat ni Miel. Nakita ko ang nangungusap na mga mata ng anak ko bago inangat sa'kin ang tingin.Tahimik akong tumango.Nakuha naman niya ang gusto kong iparating. Alam ni Miel na may naghihintay sa kanya pabalik sa Pilipinas. Hindi ko sa kanya kinalimutang banggitin ang pamilya ko na nag-aasam na makita at makasalamuha siya. Minsan nga ay kasama ko siyang nakikipagtawagan kay mama at papa sa cellphone paharap sa camera.Sa nakasanayan, palagi siyang bibo at matalino kahit napapalibutan siya ng mga matatanda.Dito sa America ay bumagsak ang birth rate ng mga kababaihan sa populasyon. Walang kalaro si Miel kahit sa karatig-bahay namin dahil karamihan sa mga tao rito'y mas importante pa ang trabaho kaysa magkaroon ng pamilya. Iyon ang pangunahing suliranin na naging kaugalian na ng mga tao rito sa bansa."Do I have to get my things ready, Dada, mom?" T
Last Updated: 2026-07-06
Chapter: Chapter 48
Samantha's POVAfter 7 YearsRinig ko mula sa taas ang mabilis na yabag ng pananakbo. Tinigilan ko ang ginagawa at tumayo sa pinakahuling baitang ng hagdanan pababa. Nakita ko siya mula sa itaas ng ikalawang palapag. Pinamewangan ko siya. Nagsalubong ang mga mata namin ni Miel. Hindi siya nagsasalita at seryoso lang ang mukha. Tinaasan ko siya ng kilay bilang indikasyon na inuutusan ko siyang bumalik sa kwarto ngunit hindi siya kumilos para gawin 'yon."Get back to your room, Miel. Now!" Iminuwestra ko ang kamay, paturo sa kwarto niya sa itaas subalit nanatili siyang hindi kumibo."Kung hindi ka susunod sa utos ko. Hindi kita lulutuan ng paborito mo!"Nagbago lang sandali ang kanyang reaksyon pero lumiwanag rin nang lumagpas ang tingin niya sa likuran ko."Dada!""Miel!"Excited siyang bumaba ngunit sinamaan ko nang tingin ang bata. Ibinaba ni Yvren ang mga bitbit na bags ng grocery ng makapasok siya n
Last Updated: 2026-07-05
Got Pregnant And Divorced: Married A CEO By Pretend

Got Pregnant And Divorced: Married A CEO By Pretend

Si Jasmine Cuenca ay labis na umiibig kay Vincent de Alegre. Maaga silang ipinagkasundo upang manaig pareho ang mga pamana ng kanilang mga pamilya. Bilang prominenteng tagapagmana, napilitan si Vincent na pakasalan si Jasmine kahit hindi niya ito minahal mula pa sa simula. Dahil doon, nagkaroon sila ng kani-kaniyang buhay matapos ang kasal. Ngunit taliwas sa inaasahan ni Jasmine, ganoon pa rin si Vincent, ang lalaking nakilala niya noong high school. Malamig ang pakikitungo nito sa kanya at mas lalo pang naiirita sa tuwing nakikita siya. Isang pagtrato na hindi kailanman nagbago, hanggang sa unti-unting naging malabo ang pananaw ni Jasmine. “Let's get divorce, Jasmine…” Narinig niya ang mga salitang iyon, ngunit wala siyang nagawang sabihin kundi tahimik na kamuhian si Vincent dahil hindi siya nito minahal sa paraan ng labis niyang pagmamahal dito. Nilagdaan niya ang kasunduan ng diborsyo nang puno ng galit, ngunit kinabukasan ay may nalaman siyang nakakatakot na balita. Buntis siya!
Read
Chapter: Kabanata 20
Jasmine's POV"How's the talk going?" Salubong niyang tanong sa'kin saka iginiya ang braso ko upang ikawit sa braso niya."Wala. She only gives us blessings," sagot ko naman. Hindi ko napansin ang pagsunod ni Brianna sa'kin. Kitang-kita ko ang madilim niyang mukha ngunit ng makita si Alexander, biglang naglaho ang galit sa mga mata niya. Sa halip ay biglang naging maamong tupa.Nilingon ni Alexander si Brianna. "Thank you. Hope you'll find a man suitable for you, soon," pahayag niya.Ngumiti ang pekeng babae nang ubod-tamis. Hinawakan si Alexander sa braso at malanding hinaplos iyon. "Sa tingin ko lang, Mr. Hale ay tayong dalawa lamang ang nababagay sa isa't-isa. Jasmine was divorced woman at saka—"Bago pa man ako makapag-react ay pasimpleng hinawi ni Alexander ang kamay ni Brianna. Nagulat iyong huli. Ako man ay hindi inaasahan na may kaunting respeto pa ring iginawad si Alexander kay Brianna kahit na lantaran nitong ipinapahiwatig ang kagustuhan nitong mapalapit sila sa isa't-isa.
Last Updated: 2026-05-31
Chapter: Kabanata 19
Jasmine's POV Bigla akong napatayo sa kinauupuan. Lahat ng mga bisita ay nasa kay mama napako ang atensyon. Kasama niya ay sina papa at Brianna na hindi maimprinta ang mukha sa likod. Lalo nang makita kong nagbago ang kanyang reaksyon ng makita si Alexander na nakatayo sa tabi ko. Hindi naging maganda ang kutob ko. "And who are they?" Biglang tanong ni mama Cindy. Ang ina ni Alexander. "I haven't invited an unfamiliar faces—" "They're Jasmine's family, mom," tugon niya na ikinagulat ko. Paano niya nalamang pamilya ko ang nasa harapan ng reception? Bumaba ang paningin niya sa'kin. "I'll gonna entertain your family," maingat niyang ibinaba ang kamay ko ngunit hindi ko siya hinayaang makalayo. "Sasama ako sa'yo." "You sure? Baka napagod ka na," tanong naman niya. Naninigurado. Kahit naman na pagod ako, hindi ko hahayaang humarap siya sa pamilya ko nang mag-isa. Knowing Brianna's whims, batid kong kahit alam niyang kasado kami ni Alexander, gagamitin at gagamitin niya ang kakayahan
Last Updated: 2026-05-27
Chapter: Kabanata 18
Jasmine's POV Nakatingala ako sa kahabaan na aking lalakaran. Mula sa kinatatayuan ko ay may naghihintay sa'kin sa unahan. Ang buong lugar ay may mga desinyong naaayon sa theme ng seremonya. Yumuko ako. Nakikita ko ang sarili na suot ang hindi inaasahang gown, sa ikalawang pagkakataon. Ganito ba sa pakiramdam? Pakiramdam ko ay panandalian akong nakatayo sa ulap kasama ang mga nagkakantahang ibon sa alapaap. The rented band that will sing the song suited for this event ay nakahanda na. Nakabase ang kanilang tugtog oras na iaapak ko ang mga paa sa pulang alpombra. Ang mga bisitang nakadalo ay mga piling tao lang. Kasama sa listahan ay ang kaisa-isa kong kaibigan na kasabayang nakaupo ang ilang guest sa pamilya ng lalaking anomang oras pagkatapos ng seremonya ay magiging asawa ko na. This is the second time I stepped myself in the wedding event. Pangalawang beses na maranasan kong maikasal sa dalawang lalaking magkaiba ang prinsipyo at paninindigan. Mr. Hale's mother wink at me. Ip
Last Updated: 2026-05-25
Chapter: Kabanata 17
Jasmine's POV Hawak ko ang sling ng shoulder bag habang papasok sa malaking bahay namin sa Capital City. Personal akong nagpaalam kay Alexander na hindi muna ako papasok ngayong araw dahil uuwi ako sa amin. Pumayag siya at inalok pang ipagmaneho ako ngunit ako mismo ang tumanggi. Hindi ko gustong makita siya ng mga magulang ko at ni Brianna lalo na't nagmumula siya sa angkan ng kilalang pamilya. My family will just accept for his wealth and not the kind of person he is. Kaya heto at mag-isa akong umuwi. Ang dahilan kung bakit ako naparito ay upang ipaalam sa pamilya ko na ikakasal ako, sa ikalawang pagkakataon. Bilang respeto na rin sa pagpapalaki nila sa'kin sa loob ng maraming taon, gusto ko pa rin silang imbitahin sa araw ng kasal ko, a day after tomorrow. Sinalubong ako ng mga katulong. Pareho ang mga itong nagbigay-galang sa'kin. Lahat ng mga househelpers ay hindi malapit ang loob kay Brianna dahil sa napaka-entitled nitong ugali. Nadatnan ko silang tatlo sa lounge. Masayan
Last Updated: 2026-05-24
Chapter: Kabanata 16
Jasmine's POV "Pasensya ka na muli roon kay mama," nakatayo siya sa'king tapat habang sinasabi 'yon. While I was sitting in his swivel chair, bigla naman niyang tinanong. "What do you want to eat tonight?" Hindi pa nga ako nakasagot. May pahabol na naman siyang tanong. "Kailan tayo babalik sa ospital para sa check-up mo at ni baby?" Bahagya siyang naupo, kalahati ng katawan niya'y kasing pantay ng tiyan ko. "Are you doing well there, kiddo?" Saka niya inilapit ang tainga upang pakinggan ang bata sa loob na hindi pa man ganoon kaumbok. Then he smile. Inangat niya ang paningin sa'kin. "Sana lang talaga ay lalaki ang baby. Can't wait to see if he is him." Saka siya tumayo. Ang ngiti ay hindi pa rin naglaho sa pisngi. "Well, ano nga ang gusto mong kainin tonight?" Hindi ako nakapagsalita. Ang paraan kung paano niya ako tratuhin, at ang kaalamang kahit hindi siya ang ama ng baby ay walang pagbabago at pandidiri siyang nararamdaman mula sa akin. Sa halip ay kabaligtaran pa nga. If onl
Last Updated: 2026-05-21
Chapter: Kabanata 15
Jasmine's POV Magkalayo ang distansya namin nang makabalik sa Hale's International Corporation. Hindi ko alam kung ramdam pa rin ba niya ang tensyon, kasi ang nararamdaman ko kanina ay dala-dala ko pa rin hanggang dito sa opisina niya. Oras na nakabalik kami sa kompanya, batid ko ay naging busy siya. Maya't-maya siya lumalabas at papasok sa mismong opisina na tila ay hindi mapakali. Kung tatawagin ko naman siya upang itanong kung ano ang gagawin ko'y sasabihin lamang niya'y magpahinga ako. Talaga ba? Wala na nga akong ginawa kaninang umaga, pati ba naman ngayong hapon ay nakatengga lang ako rito at tutunganga? For the forth time, he left his office. Nagmamadali pang inabot ang USB na konektado pa sa laptop niya. Maya-maya ay bumukas muli ang pintuan. It was his fifth time going back and forth in his office. "I left my laptop, kukunin ko lang," pahayag niya. It was not the normal way he act I think. "Seryoso, Mr. Hale," natigilan siya sa paghakbang palapit sa pintuan, saka ako n
Last Updated: 2026-05-20
You may also like
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status