author-banner
Bella Hart
Bella Hart
Author

Novels by Bella Hart

I Left Him, Now He Wants Me Back!

I Left Him, Now He Wants Me Back!

Ginawa ni Naya ang lahat para maging perpektong asawa kay Kael Madrigal. Tahimik niyang tiniis ang malamig nitong pagtrato, ang pagiging absent nito bilang asawa, at maging ang hirap ng pagbubuntis habang buong puso niyang tinutulungan ang kompanya nito bilang isang mahusay na architect. Kahit mag-isa siyang umiiyak sa ospital habang ipinaglalaban ang buhay ng premature nilang anak na si Luna, patuloy pa rin niyang inintindi ang lalaking mahal niya. Hanggang sa lihim na dumalo siya sa araw ng first month celebration ng anak ni Ivy. Doon niya natuklasan na habang siya ay naghihirap sa ospital, si Kael naman ay buong pusong nag-aalaga sa ibang babae at anak nito. At sa unang pagkakataon, tuluyang napagod si Naya. “Maghiwalay na tayo.” Ngunit para kay Kael, isa lamang iyong emosyonal na drama ng asawang sanay namang magpatawad at manatili sa tabi niya. Hanggang sa isang araw, tuluyan siyang iniwan ni Naya. Makalipas ang tatlong taon, muling nagkita ang dalawa sa isang international architectural summit. Ngunit wala na ang dating mahinang babaeng iniwan niya. Si Naya ngayon ay isa nang sikat at respitadong architect na hinahangaan ng lahat. At habang desperadong nagmamakaawa si Kael na bigyan siya ng isa pang pagkakataon sa harap ng maraming tao, isang malamig na ngiti lamang ang isinagot ni Naya bago hinawakan ang kamay ng bago nitong boyfriend at tuluyang lumayo. Nang makatanggap si Kael ng wedding invitation ni Naya, saka niya tuluyang naunawaan na hindi na ito babalik pa sa kanya. Galit siyang sumugod sa kasal, ngunit pagharap ni Naya sa kanya, mahina lamang itong ngumiti. “So now you want me back, my ex-husband? I’m sorry, but you're too late.”
Read
Chapter: Chapter 050- The Man Who Earned Her Respect
Pamilyar ang boses na narinig ni Naya. Pag-angat niya ng tingin, nakita niya ang isang matangkad na lalaking papalapit sa kanila. Nakasuot ito ng itim na casual suit na lalong nagbigay-diin sa matikas nitong tindig, malapad na balikat, at makitid na baywang. Halos anim na talampakan ang tangkad nito, at sa bawat hakbang ay kapansin-pansin ang kakaibang awrang dala nito.Dahil sa matinding presensya ng lalaki, tila biglang kumupas maging ang maliwanag na ilaw ng buong boutique.Walang iba kundi si Royce Escalante.Sandaling natigilan si Naya bago siya ngumiti."Royce, hello."Magkapareho sila ng propesyon at ilang beses na ring nagkasama sa mga proyekto noon, kaya natural lang na pangalan ang itinawag niya rito.Bahagyang tumango si Royce.Akmang magsasalita na sana siya nang mapunta ang tingin niya sa stroller sa likuran ni Naya. Kakagising pa lamang ni Luna.Hindi ito umiiyak.Sa halip ay p
Last Updated: 2026-06-29
Chapter: Chapter 049- The Price of Motherhood Part 2
Sandali niyang ipinikit ang mga mata.May mabilis na anino ng sakit at lungkot sa mukha niya."Sapat na sa akin si Luna. Kahit hindi na magkakaroon pa ng lalaking karapat-dapat para pagdaanan ko ulit ang ganoong sakit."Biglang bumigat ang usapan.May mga bagay pang hindi na sinabi si Naya.Sabi nila, sa panahon ng panganganak at postpartum recovery, ang lambing ng isang lalaki ang pinakamabisang gamot para makayanan ng babae ang lahat ng sakit.Dahil iyon ang pinakamasakit, pinakamahina, at pinakamahirap na yugto sa buhay ng isang ina.Iyon
Last Updated: 2026-06-29
Chapter: Chapter 048- The Price of Motherhood
Sa isang malaking mall sa Manila—ang Mall of Asia, mahimbing na natutulog si Luna sa stroller matapos siyang paliguan sa baby care center. Si Grasya naman ang nagtutulak sa kanya.Kasama ni Naya si Trina habang sumusukat ng mga bagong damit.Matapos manganak, hindi pa lubusang bumabalik ang dating hubog ng katawan ni Naya. Masikip na rin ang dati niyang mga damit at karamihan ay luma na. Kaya ngayon, balak niyang bumili ng ilang set ng damit bilang pagsalubong sa bagong yugto ng buhay niya bilang ina.Nang makita ni Trina na sa wakas ay handa na ulit si Naya na ayusin ang sarili, tuwang-tuwa siya.Halos takbuhin niya ang buong boutique. Lahat ng damit na tingin niyang babagay kay Naya ay kinukuha niya at pinapasukat dito
Last Updated: 2026-06-29
Chapter: Chapter 047- Naya Should Be Your Priority
Ang tinutukoy nilang "dating tambayan" ay isang pribadong wine cellar na nakatago sa lumang distrito ng Maynila.Pagmamay-ari iyon noon ng pamilya ni Alyra, na kilala sa pag-iimbak ng mamahaling alak mula sa iba't ibang panig ng mundo. Kalaunan ay ipinarenovate niya ang lugar. Nilagyan niya iyon ng billiard table, karaoke system, malaking projector screen, at kumportableng lounge kaya naging paborito na nilang tambayan tuwing gusto nilang mag-usap nang walang istorbo.Pagkabukas ni Royce Escalante ng makapal na soundproof na pinto, agad sumalubong sa kanila ang pamilyar na amoy ng whiskey.Tahimik na pumasok sina Royce at Kael Madrigal at umupo sa pinakadulong VIP booth.Matagal silang
Last Updated: 2026-06-28
Chapter: Chapter 046- You Tried It So Many Times
"Ivy?”Biglang nagmulat ng mga mata si Ivy. Pagkakita niya sa taong nasa pintuan, halos mapatalon siya sa gulat."R-Royce?" kabadong sabi niya.Natigilan din si Kael, agad siyang tumayo. "Royce, ikaw pala," gulat niyang bigkas.Nakatayo lamang si Royce sa may pintuan. Walang emosyon ang mukha niya habang malamig na pinasadahan ng tingin sina Kael at Ivy.Maya-maya ay nagsalita siya sa kalmadong tinig."Hindi ba sabi mo magpapakamatay ka? Panibagong palabas na naman ba?"Nanginig si Ivy at agad na
Last Updated: 2026-06-28
Chapter: Chapter 045- We Should Not Be This Close
Walang magawa si Kael kundi mapakunot ang noo. Akmang lalapit na sana siya nang biglang bumitaw si Ivy at lumayo.Nagulat siya at agad na huminto. Napakalambing ng boses niya habang nagsasalita."Okay, ipinapangako ko. Bumaba ka na riyan. Delikado para sa'yo."Mabilis na lumapit si Kael. Hinawakan niya ang kamay ni Ivy at agad itong inalalayan sa baywang.Sinamantala naman ni Ivy ang pagkakataon at kusang sumandal sa dibdib niya.Pagkababa niya mula sa bintana, mabilis siyang binuhat ni Kael at dinala sa sofa. Saglit na sumilay ang tagumpay sa mga mata ni Ivy, ngunit agad din iyong nawala para hindi mahalata.Agad kumuha si Kael ng kumot at ibinalot iyon kay Ivy na nanginginig sa lamig at namumula na ang ilong.Lumapit naman si Nora dala ang isang tasa ng mainit na tubig."Ivy, maging mabait ka. Uminom ka ng mainit na tubig para uminit ang katawan mo. Huwag na huwag mo nang uulitin ang ganitong kahangalang ginawa mo.""Maaaring wala pakialam sa'yo ang mga magulang mo, malamig din ang
Last Updated: 2026-06-27
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status