
Sweet Revenge, Fake Marriage
Limang taon ang binigay ni Aria Alcantara para sa fiancé niya; halos iikot na nga ang buhay niya rito. Pero nawasak ang lahat nang mahuli niya itong may relasyon pala sa sarili niyang kapatid. Mas matindi pa rito, nagawa pa siyang baligtarin ng dalawa. Pinalabas nilang si Aria ang may kasalanan, kaya tuluyan siyang itinakwil at pinalayas ng sarili niyang pamilya nang walang kahit ano.
Noong lugmok na lugmok na si Aria, nakatagpo niya sa isang bar si Ethan Vance—isang makapangyarihan at kinatatakutang CEO na binansagang "Billionaire Grim Reaper" sa mundo ng negosyo. Dahil hawak ni Aria ang isang sekretong dokumento na pwedeng magpabagsak sa mga nanloko sa kanya, naglakas-loob siyang lumapit at makipag-usap kay Ethan para humingi ng tulong at maghiganti.
Pero imbes na trabaho ang i-alok, isang kakaibang kasunduan ang ibinigay ni Ethan— isang kasal sa papel na puno ng panganib. Kailangan ng bilyonaryo ng asawa para makuha ang mana niya, habang si Aria naman ay kailangan ng backer at impluwensya para mapabagsak ang mga nanira sa kanya.
Sa gitna ng pekeng kasal, matitinding labanan sa business world, at tensyong unti-unting nahuhulog sa totohanan, mapipigilan kaya ni Aria na ma-fall kay Ethan? O ang paghihiganting ito ang tuluyang sisira sa kanilang dalawa?
قراءة
Chapter: CHAPTER 10ARIA ALCANTARA POVTahimik ang buong byahe pabalik sa penthouse ni Ethan sa BGC. Nakasandal lang ako sa leather seat habang nakatingin sa labas, pinapanood ang mga ilaw ng siyudad na mabilis na lumalampas sa bintana. Ang higpit pa rin ng hawak ko sa clutch bag ko. Pakiramdam ko, kung bibitawan ko ’to, hihinto rin ang pag-ikot ng mundo ko. Sobrang bilis ng mga pangyayari ngayong araw. Nakita ko ang takot sa mga mata nina Jared at Chloe, at sa totoo lang, may bahagi sa akin na nakaramdam ng matinding satisfaction. Pero kasabay nun, may konting bigat pa rin sa dibdib ko. Sarili kong ama ’yon, pero kailangan kong umabot sa ganitong punto para lang pakinggan niya ako."You're too quiet," basag ni Ethan sa katahimikan.Nilingon ko siya. Nakasandal din siya, pero ang mga mata niya ay nakatitig sa akin nang may pag-usisa. Walang bakas ng pagod sa mukha niya, na parang ang ginawa naming pagpapasabog sa press conference kanina ay isang ordinaryong transaction lang sa opisina niya."Iniisip ko l
آخر تحديث: 2026-06-23
Chapter: CHAPTER 9ARIA ALCANTARA POVPagkasara na pagkasara ng double doors ng backstage room, parang nawalan ng hangin sa buong paligid. Ang ingay ng mga reporter at flashes ng camera sa labas ay biglang napalitan ng isang nakabibinging katahimikan. Pero sandali lang ’yon, dahil agad na sumabog ang galit ni Papa."Aria! Ano ba ang pumasok sa utak mo?!" Sigaw niya, halos mamula ang buong mukha niya habang itinuturo ako ng nanginginig niyang daliri. "May nalalaman ka pang kasal-kasal! At paano mo nagawang dalhin ang CEO ng Vance Group dito para lang hiyain kami sa harap ng buong bansa?!"Tiningnan ko si Papa nang walang kahit anong emosyon. Ang sakit na naramdaman ko noong palayasin niya ako, parang unt-unting nagiging manhid na lang ngayon. "Hindi ko kayo hinihiya, Pa. Kayo ang nag-imbita sa akin dito para sa isang press conference, hindi ba? Dumating lang ako para sabihin ang totoo.""Ang totoo?!" Singit naman ni Jared. Lumapit siya sa akin, bakas sa mukha niya ang matinding frustration at takot. Ang
آخر تحديث: 2026-06-23
Chapter: CHAPTER 8ARIA ALCANTARA POV"Magandang hapon sa inyong lahat," panimula ng boses ni Jared mula sa mga speaker ng grand ballroom. Kitang-kita ko sa siwang ng pinto kung paano siya umayos ng upo, suot ang kanyang pinaka-professional na ngiti na madalas niyang gamitin kapag may kinukumbinsing kliyente. "Nandito kami ngayon para linawin ang mga bali-balita na kumakalat online patungkol sa pamilya Alcantara, partikular na sa aking fiancé na si Aria. Ang Alcantara Logistics ay binuo sa pundasyon ng integridad, at bilang pamilya, hindi namin hahayaang masira ito dahil lang sa isang simpleng hindi pagkakaunawaan."Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ko sa aking clutch bag. Napatingin ako kay Ethan na nasa tabi ko lang. Nanatili siyang kalmado, nakasandal sa pader habang nakapamulsa, ngunit ang kanyang mga mata ay nakatitig sa unahan na parang isang maninila na naghihintay ng tamang oras para sumunggab."Gusto rin naming humingi ng paumanhin sa mga investors," dagdag ng t
آخر تحديث: 2026-06-20
Chapter: CHAPTER 7ARIA ALCANTARA POVBuong hapon akong nanatili sa opisina ni Ethan para irebisa ang mga files na nakuha ko. Kahit nakapirma na ako sa Marriage Contract, parang hindi pa rin mag-sink in sa utak ko ang lahat. Ang bilis ng mga pangyayari. Ilang araw lang ang nakakaraan, iniisip ko pa kung anong kulay ng bulaklak ang ilalagay sa kasal namin ni Jared. Ngayon, iba na ang pinaplano ko—kung paano ko siya tuluyang ilalagay sa ilalim ng mga paa ko.Alas-singko na ng hapon nang patayin ko ang laptop. Iniunat ko ang aking likod at tumingin kay Ethan na seryoso pa ring pumipirma ng mga corporate documents sa kanyang mesa."I’m done for today," untag ko sa kanya habang nilalagay ang aking gamit sa bag. "Naka-set up na ang shadow monitoring sa shell company account na nahanap ko. Any movement from Jared’s side, makakatanggap ako ng alert sa phone ko."Hindi tumingin si Ethan, pero tumango siya. "Good. My driver is waiting downstairs. Sasamahan ka niya s
آخر تحديث: 2026-06-19
Chapter: CHAPTER 6ARIA ALCANTARA POVMabigat ang kamay na binitawan ko ang mamahaling fountain pen sa ibabaw ng mesa. Nakatitig lang ako sa dalawang pirma na magkatabi sa dulo ng Marriage Contract. Isang pirasong papel lang ’to, pero alam kong binago nito ang direksyon ng buhay ko habambuhay. Sa isang kurap, hindi na lang ako si Aria Alcantara na itinakwil at pinalayas; ako na ang asawa ni Ethan Vance."Good," maikling saad ni Ethan. Kinuha niya ang dokumento, mabilis na isinara ito, at ibinalik sa loob ng kanyang drawer. Susi agad ang sumunod. Ganoon siya kabilis at ka-kalkulado sa lahat ng bagay. "Now that the papers are signed, it’s time to fix your current situation. Saan mo balak tumuloy ngayon?"Tumingin ako sa bintana, pilit na itinatago ang bahagyang hiya. "Sa totoo lang, nakikituloy lang ako sa isang maliit na apartment ng dati kong kaklase sa labas ng siyudad. Pansamantala lang naman, habang inaayos ko pa ang mga susunod kong plano.""No," mabilis na agaw ni Ethan, ang boses niya ay walang pu
آخر تحديث: 2026-06-18
Chapter: CHAPTER 5ARIA ALCANTARA POVNarinig ko ang mahinang tunog ng pagsasara ng pinto sa labas. Umalis na ang secretary niya, at kasabay nito ang pagbaba ng matinding katahimikan sa buong 50th floor. Kami na lang dalawa ni Ethan Vance ang natira sa malawak at modernong opisina na ito.Lumakad siya pabalik sa gawi ko, pero hindi siya naupo sa swivel chair niya. Sa halip, sumandal siya sa gilid ng mesa, ilang dangkal lang ang agwat mula sa akin. Ipinasok niya ang magkabilang kamay sa bulsa ng kanyang pantalon. Ang matalim niyang tingin ay parang nagpapatagos sa kung anong natitirang tapang ko."You stole my flash drive, spent a night in my bed, and now you're offering to destroy your own family?" tanong niya, ang boses niya ay may mababang tono na nakakakilabot ngunit may kasamang kakaibang amusement."They are no longer my family," walang kurap kong sagot, pinapanatili ang lamig sa bawat salita. "I want them ruined, and you want their empire. Let's help each other."Bahagyang umangat ang sulok ng lab
آخر تحديث: 2026-06-16