author-banner
CelestielleEmpress
CelestielleEmpress
Author

Novels by CelestielleEmpress

Bought By The Cold Billionaire: The Maid He Married

Bought By The Cold Billionaire: The Maid He Married

Si Celestine Alarice Reyes ay isang kasambahay na lumalaban sa buhay para mailigtas ang kanyang amang nasa ospital. Nang matanggap siya sa mansyon ng bilyonaryong si Lucian Kael Montecarlos, ang akala niya ay simpleng trabaho lang ang naghihintay sa kanya—hanggang sa makilala niya ang lalaking malamig, dominante, at sanay na walang kumokontra sa kanya. Pero sa hindi inaasahan, ang kasambahay na dapat lang manatiling tahimik ang siyang hindi natitinag sa kanya. Habang lumalalim ang kanilang ugnayan, mas nagiging mahirap itago ang damdaming unti-unting nabubuo sa pagitan nila. Hanggang sa isang alok ang magbago sa lahat—isang contract marriage na kapalit ng perang tutulong sa hospital bills ng kanyang ama. Isang kasunduang dapat ay tungkol sa negosyo lang, pero magiging simula ng komplikadong emosyon na hindi na nila kayang kontrolin. Sa pagitan ng tungkulin, pride, at damdaming hindi dapat, isang tanong ang babago sa lahat. Hanggang saan ka handang lumaban para sa pag-ibig na nagsimula lang sa isang kontrata?
Read
Chapter: CHAPTER 5
Agad akong napalingon sa entrance ng ospital. Mabilis na nananakbo si Caleb papunta sa kinaroroonan ko. Nang huminto siya, hingal na hingal siya. Saglit siyang huminto para habulin ang hininga bago magsalita." Ayos ka lang ba? Pasensiya na masyado kasing traffic kaya natagalan ako." At dumako ang tingin niya kay Lucian. "Sino siya?""Si—""I'll give you ten more minutes to go back, Ms. Reyes." Pinutol niya ang sasabihin ko. Sabay tumalikod.Hinila ni Caleb ang braso ni Lucian. "Hoy, at sino kang akala mo para utusan siya ng ganyan?" sikla ni Caleb na halatang nainis sa tono ni Lucian.Napatigil si Lucian at humarap. Pinagpagan niya ang parte ng suit niya na nahawakan ni Caleb. Malamig ang ekspresyon ng mukha niya. "Ms. Reyes, pwede bang sabihin mo sa kaibigan mo na ayusin muna nag sarili niya bago ko sagutin ang tanong niya?""A-ah—Caleb, huminahon ka nga. Boss ko 'yan, ano ba. Kapag ako natanggal sa trabaho.""E ano naman? Kung siya rin naman ang boss mo, huwag na lang."Napaarko an
Last Updated: 2026-06-25
Chapter: CHAPTER 4
Pinalipas ko muna ang oras kasama si papa bago ako nagpunta sa counter para magbayad ng lahat ng bills. Kailangan ko na magmadali dahil gabi na. Usapan namin ni Lucian na kailangan ko makabalik.Kinausap ko Dr. Castillo tungkol sa surgery ni papa dahil hindi rin ako kampante na umalis na hindi sine-settle lahat ng kailangan. "Doc, kayo na po muna ang bahala sa papa ko.""Bakit, Ms. Reyes? Hindi mo ba hihintayin na matapos muna ang surgery bago umalis?" nagtataka niyang tanong."Ah, doc, kailangan ko na po kasi umalis. Hanggang gabi lang po ako pinauagan ng boss ko.""Wala bang iba na pwedeng magbantay kahit kaibigan mo? Hindi kasi pwedeng mag-proceed ang surgery na walang bantay ang pasyente.""Iba po? T-teka, doc. May tatawagan lang po ako.""Sige, puntahan mo na lang ako sa kwarto na papa kung ano ang magiging lagay.""Opo, Excuse me po." Sabay tumalikod na ako.Lumabas ako ng hospital para tumawag. Ilang ring lang ay may sumagot na sa kabilang linya."Hello, Celest? Ano probelma at
Last Updated: 2026-06-25
Chapter: CHAPTE 3
Sinundan ko si Lucian papasok ng Master's office. Tahimik lang siya. Nakarating na kami sa loob at naupo siya sa office chair bago yumuko para may kunin sa drawer ng desk. INilabas niya ang piraso ng papel.Ano kaya iyon?Tumingin siya sa akin at hinagod muna ako ng tingin. "What happened out there earlier, Ms. Reyes?"Napahigpit ang kapit ko sa damit. "S-sorry, sir. May personal matter lang po.""That should be really serious para mangyari ang insidenteng nangyari kanina. Dahil kung hinde, There will be no exception." Malamig ang kanyang tono. Seryoso siya.Nakayuko lang ako at hindi nakatingin. "Tungkol po kasi sa papa ko. Tumawag ang ospital at kailangan na ng agarang surgery para kay papa dahil malala na ang kalagayan niya."Biglang tumamlay ang mukha niya dahil sa sinabi ko. "Ganoon ba kalala?"Tumango ako. "Kaya ako nanlambot dahil hindi ko pa nga nababayaran ang bills namin noong nakaraang buwan sa ospital, biglang may urgent request na ng surgery." Huminto ako saglit bago muli
Last Updated: 2026-06-25
Chapter: CHAPTER 2
Nagising ako bago pa man tumunog ang alarm ko.Ilang segundo akong nakatitig sa kisame ng maliit na kwarto habang pilit na iniisip kung nasaan na ako. Wala na ako apartment na inuupahan namin o sa plastik na upuan sa tabi ng kama ng papa ko sa ospital kung saan halos isang linggo na akong pabalik-balik. Nasa Montecarlos Mansion ako ngayon, at kahit gaano ko pa gustuhing isipin na masamang panaginip lang ang lahat, hindi mababago noon ang katotohanan.Dahan-dahan akong bumangon at agad na kinuha ang phone ko sa ibabaw ng side table. Ang una kong ginawa ay tingnan kung may mensahe mula sa ospital. Pero wala.Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o kabahan sa naging desisyon ko.Napabuntong-hininga ako bago tumayo at nagsimulang mag-ayos. Kailangan kong magtagal sa trabahong ito. Hindi mahalaga kung gaano kahirap o gaano kabigat. Dahil sa ngayon, ito na lang ang natitirang paraan para matulungan ko ang papa ko.Paglabas ko ng staff quarters, agad kong naramdaman ang pagiging abala ng
Last Updated: 2026-06-19
Chapter: CHAPTER 1
Maaga pa lang, nagising na ako kahit pakiramdam ko hindi naman talaga ako nakatulog. Tahimik lang akong nakaupo sa gilid ng kama ng papa ko sa ICU habang pinapakinggan ang tuloy-tuloy na tunog ng monitor. Parang bawat beep na lumalabas doon, pinapaalala sa akin na nandito pa siya pero unti-unti nang nauubos ang oras niya. Hawak ko ang kamay niya kahit malamig na at mahina, na parang ako na lang ang kumakapit.“Pa…” mahinang tawag ko, pero hindi na siya sumagot. Alam ko naman na hindi na niya kayang sumagot, pero kahit ganoon, hindi ko pa rin mapigilang gawin ‘yon—ang tawagin siya. Para kasing kapag tinatawag ko siya, kahit sandali lang, baka maramdaman niya na nandito pa rin ako.May kumatok sa pinto at pumasok ang nurse na may dalang folder. Hindi ko na kailangang tanungin kung ano ‘yon dahil kabisado ko na. Bill na naman. Mas malaki na naman ito panigurado kaysa sa kahapon. “Miss Reyes, kailangan po ng partial payment today. Otherwise po, baka ma-limit na yung treatment options,” sa
Last Updated: 2026-06-19
The Billionaire's Regret: I Am No Longer Your Fake Wife

The Billionaire's Regret: I Am No Longer Your Fake Wife

Para kay Kiara Valencia, maliit na sakripisyo lang ang dalawang taon ng pagtitiis sa malamig na trato at pang-aapi ng mayayamang pamilya para sa lalaking mahal na mahal niya. Bilang asawa ng bilyonaryong si Nathan Montenegro, handa niyang harapin ang lahat ng panlalait ng ibang tao, dahil naniniwala siyang sapat na ang marriage certificate nila para patunayan na siya ang legal na Mrs. Montenegro. Pero biglang nagbago ang lahat nang malaman ni Kiara na peke lang pala ang kasal nila. Ang bawat mga pangako ni Nathan ay plano lang pala para makuha nito ang buong mana at yaman ng pamilya Montenegro. Mas masakit pa rito, pati ang sarili niyang pamilya at mga kaibigan ay kasabwat sa panlolokong ito para manatili siyang sunod-sunuran sa bilyonaryo, habang palihim naman palang may minamahal na iba si Nathan. Ngayong siya na ang may hawak ng sitwasyon, gagamitin ni Kiara ang kanyang bagong yaman at impluwensya para simulan ang isang matinding laban sa negosyo laban sa mga Montenegro. Handa siyang bawiin ang lahat ng investments at pabagsakin ang kumpanya ng lalaking sumira sa tiwala niya. Sa oras na magsimulang magkaproblema ang kumpanya ni Nathan at lumuhod ito sa harapan niya para magmakaawa, mananaig ba ang galit ni Kiara, o may puwang pa ang pagsisisi sa pusong tuluyan nang nasaktan at nagbago?
Read
Chapter: CHAPTER 12
“Maam, ano ang ginagawa niyo dito mag-isa?” Lumapit sa akin si Ace mula sa likuran.“Pwede bang Miss Kiara na lang itawag mo? Masyado naman kasing pormal ang maam, e.”Nagkibit-balikat siya at naupo sa buhangin katabi ng bato na inuupuan ko. “Oh, bakit diyan ka naupo?” tanong ko.Napalingon siya dahil sa pagtataka. “Bakit, Miss Kiara? Wala naman ako ibang uupuan, e. Alangan tumabi ako sa inyo.” pagdadahilan niya.May point naman siya.“Bakit nga ba nandito kayo mag-isa?” tanong ulit niya.“May iniisip lang,” sagot ko bago bumuntong-hininga.“Mukhang…malalim yata ang iniisp niyo para mapag-isa kayo dito.”“Siguro nga.”Matamlay ang boses ko at siguro ay napansin din ito ni Ace. Hindi ko nga alam kung bakit ba wala akong gana magsalita ngayon. Siguro sobrang bigat lang talaga ng nararamdaman ko.Biglang tumayo si Ace at pinagpagan ang mga buhangin na dumikit sa kanyang short. Inilahad niya ang kamay niya sa harap ko na siya rin namang ikinabigla ko. Bago ko tanggapin ay tumingin muna ak
Last Updated: 2026-06-18
Chapter: CHAPTER 11
Inilibot ako ni Ace pero hindi naman kami masyadong lumayo. “Pwede bang dito muna tayo kahit sandali? Gusto ko sanang hintayin ang pagsikat ng araw,” mahina kong sambit habang patuloy pa rin ang paghanga sa unti-unting pagsikat nito at ang kulay nito ay nagre-reflect sa tubig.“Sige po, maam.” Ibinaba ni Ace ang sagwan at tumanaw din sa pagsikat nito habang nakaupo siya sa kabilang banda ng bangka.“Ang ganda, diba?”Tumingin ako sa kanya pero nagtagpo ang mga mata namin dahil nakatingin pala siya sa akin.Umiwas siya agad ng tingin at nagkunwaring nakatingin na siya sa dagat. “A-Ah, opo. Grabe! Ang ganda naman noon, maam!”Napataas naman ang kilay ko at napangisi. Hindi ko napigilan ang mahinang pagtawa. Ang pangit naman niya magsinungaling, sobrang exaggerated ng acting skills.“Alam mo, mabuti pa magsagwan ka na lang. Nararamdaman ko na rin na medyo nagugutom na ako,” natatawa kong sabi.“Yes, maam!” Nagkunwari pa siyang sumaludo sa akin at muntikan mahulog. Mabuti na lang ay nabala
Last Updated: 2026-06-18
Chapter: CHAPTER 10
Paggising ko, nag-unat ako ng bahagya bago imulat ang mga mata. Ang sakit ng katawan ko. HIndi naman ako napagod kahapon o kagabi. Hindi nga ako uminom.“Ah! Aray…” angal ko nang biglang sumakit ang likod ko.Alam ko na. Siguro dahil masyado ako malikot matulog kagabi. KAsi naman. Hindi ko alam paano ako pupwesto at anong pwesto gagawin ko dahil hindi ako makatulod. Gusto ko na nga magpasuntok kagabi para lang makatulog. Alang-alang sa beauty rest ko.Napukaw ng pansin ko ang ready-made breakfast sa beside table. Mayroon itong sliced banana, glass of milk, and sandwich with few slices of strawberries. Napangiti agad ako nang makita ito. Ang cute kasi ng pagkaka-arrange ng stawberries sa plate. Nakahugis puso ang mga ito.“Good morning, maam,” bati ni Manang Ester. “Sa tingin ko ay nagustuhan niyo ang breakfast na inihanda ko.” Malawak ang kanyang ngiti. Lumapit siya sa akin at kinuha ang ready-made breakfast na iyon para ilagay sa harapan ko.“Kanina pa po ba kayo diyan, manang?” tano
Last Updated: 2026-06-16
Chapter: CHAPTER 9
Gabi na at napagpasyahan ko na magkasiyahan muna kami kahit papaano kasama ng mga tauhan ng villa.Tahimik ko silang pinanood habang nagkakasiyahan. Hanggang sa nilaptan ako si Ace.“Maam, hindi magandang nagsasaya kami habang kayo nandito sa sulok,” aniya bago ako abutan ng barbeque na bagong ihaw lang. “Iniisip niyo pa rin ba ang asawa niyo?”Nabigla ako sa tanong niya kaya naman hindi ako agad nakasagot. Siguro ay napansin niya rin ang pagkabigla ko. Pero agad ko rin nabawi ang sarili mula sa pagkagulat. “Hindi ko siya asawa.”Tumango na lamang si Ace at yumuko na parang nagpipigil pa ng tawa. At napansin ko iyon. Tinaasan ko siya ng kilay at tiningnan ng masama. “At anong nakakatawa sa sinabi ko?”Umiling lang siya. “Wala po, maam. Sorry po. Di ko lang talaga mapigilang mapatawa sa kumpiyansa niyo po. Balita ko kasi mahal na mahal niyo yung asawa niyo na yon e—I mean si Nathan pala.”Hindi ko alam kung trip lang ba ako nitong lalaki na ito o talagang nakakatawa ang sinabi ko. Kung
Last Updated: 2026-06-16
Chapter: CHAPTER 8
“Manang, paki handa na ang pananghalian. Sasaglit lang ako sa labas para magpahangin,” baling ko sa katiwala ng villa na si Manang Ester. Abala ito sa pagpupunas ng mga cabinet na pinaglalagyan ng mga pigurin kaya bahagya ko siyang kinalabit.“Ay—Opo, Maam Kiara,” madaling sagot nito. Agad niyang binitawan ang ginagawa at nagtungo na sa kusina.Paglabas ko pa lang ng bahay, sinalubong na ako ng mainit na sikat ng araw. Pero kahit na masakit ito sa balat, hindi ko ito masyadong ininda dahil malamig naman ang simoy ng hangin dahil sa malakas na hampas ng mga alon.Sumilong ako sa ilalim ng puno ng niyog malapit sa tabing-dagat at maingat na naupo sa malaking bato sa ilalim nito. Sumayad sa pinong buhangin ang kulay dilaw kong bestida. Bahagya akong sumandal sa mismong puno habang nakatanaw sa matingkad na kulay asul na dagat. Kumikinang pa ito dahil sa katanghalian.Napapapikit na ako nang bigla akong makaamoy ng pabango. Agad ako nagmulat ng mata at pagbukas ko ng aking mga talukap, nak
Last Updated: 2026-06-13
Chapter: CHAPTER 7
Nag-ayos na ako ng sarili habang hinihintay si attorney. Naupo ako sa harapan ng salamin habang pinapatuyo ang buhok ko. Hinila ko ang left side ng drawer at kinuha ang punit na piraso ng papel. Ang marriage certificate namin ni Nathan—ay mali, pekeng marriage certificate pala.Pinunit ko ito ng ilang beses pa hanhggang sa maliit na piraso na lamang bago ito kuyumusin at inihagis sa basurahan.Kinuha ko ang telepono mula sa ibabaw ng table. Ilang ring lang ay may sumagot na mula sa kabilang linya. Si attorney.“Maam Kiara,” bungad nito.“Anong balita, attorney? May update ka na ba tungkol sa mga Montenegro na ‘yan?”“I’m on my way. Magkita na lang tayo diyan. Sigurado akong matutuwa ka kapahg narinig mo ang lahat ng nangyari.”Masaya ako. Totoo ‘yon. Dahil alam kong hindi lang basta good news ang maririnig ko mula kay attorney. It will bring me satisfaction.“Sige, attorney. Aasahan kong ikakatuwa ko ang mga ‘yan.”“I’m sure of that, Maam Kiara.”Nang mamatay na ang tawag, may tinawag
Last Updated: 2026-06-12
You may also like
The Dove of The Lost Lands
The Dove of The Lost Lands
Romance · cedriannakhaile
3.1K views
My Love, My Ali
My Love, My Ali
Romance · KillerNamedMortem
3.1K views
Kidnapped
Kidnapped
Romance · Isinyx
3.1K views
The Billionaire's Bargain
The Billionaire's Bargain
Romance · waterjelly
3.1K views
Love Beyond the Star
Love Beyond the Star
Romance · darkMaxine
3.1K views
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status