
Sa Bisig Ng Aking Bayaw
Sa paningin ng iba, napakaswerte ni Orlinda. Subalit para sa kanya, isang bangungot ang pinasok niya matapos pakasalan si Angelo Tan—isang masamang panaginip na tila hindi na niya kagigisingan.
Sa halip na ituring na manugang, itinuturing siyang hamak na katulong ng mapagmataas at matapobreng pamilya Tan. Sa kabila ng lahat ng kanyang pagsusumikap, tanging insulto at pagmamaliit lamang ang natatanggap ni Orlinda.
Hanggang sa isang araw, may nagbigay sa kanya ng pagkakataong patunayan ang sarili—na hindi lamang siya para sa gawaing-bahay at mayroon pa siyang ibang kayang gawin.
Nang alukin siya ng trabaho ng kanyang bayaw na si Christian Tan, nagdalawang-isip man ay tinanggap pa rin niya ito kalaunan.
Labis ang pasasalamat ni Orlinda kay Christian, lalo na nang marinig niyang may tiwala ito sa kanya. Dahil dito, unti-unting nagbago ang kanyang pananaw sa kanyang bayaw.
Ang desisyon kaya niyang ito ang simula ng panibagong bangungot, o daan sa isang nakatagong pagtingin na hindi naman nararapat?
อ่าน
Chapter: Kabanata 14Marahang tumango si Orlinda habang nakatitig kay Christian. Binitawan din siya nito agad.Muling nagsalita si Christian. ‘’Linda, ipaliwanag mo nga sa akin yung mga sinabi mo kanina pagkapasok ko,’’ aniya, lumalalim ang tono at halos pabulong na ang boses. ‘’Ano’ng ibig sabihin mo nang sabihin mong ‘Sabi kasi sa ‘kin ng asawa ko na isuot ito’? ‘Ikaw na ba yung lalaking ipapakilala sa ‘kin ng asawa ko?’ Alam naman nating si Angelo ang tinutukoy mo, kaya ano’ng kinalaman niya dito?’’Nang marinig ang sunud-sunod na tanong ni Christian ay pinili niyang manahimik at hindi sagutin ang tanong nito pero mukhang gusto talaga nitong malaman ang lahat.‘’Magsalita ka!’’ galit na sigaw nito na siyang nagpatal
ปรับปรุงล่าสุด: 2026-06-29
Chapter: Kabanata 13‘’Christian.’’Sa sandaling makalabas ng banyo si Sheila ay tinawag niya ang pangalan ng kanyang asawa. Pero sa sandaling makalabas ay walang taong naroon. Agad na sumama ang timpla ni Sheila nang hindi niya nakitang naroon si Christian.Padabog siyang naglakad papunta sa malawak na kama at doon binagsak ang katawan.Sa sobrang inis niya, ang unang ng asawa ang siyang pinagbalingan niya. Pinanggigilan niya ito. Hinila. Sinipa. Kinagat. Hanggang sa ibalibag niya ito sa sahig.‘’Nag-aksaya pa kong maglagay-lagay ng lotion. Nagsuot pa ko ng lingerie na binili tapos wala din pala siya dito!’’ inis na wika niya.Muli siyang naglupasay sa kama kaya magulo na ang kanina&r
ปรับปรุงล่าสุด: 2026-06-28
Chapter: Kabanata 12Hindi agad nagsalita si Christian. Nilunok muna niya ang nginuyang pagkain na nasa bibig at uminom ng malamig na tubig sa kanyang baso.Pagkalapag ng baso sa mesa, sandaling sumulyap siya sa nakababata niyang kapatid na nakatitig din sa kanya. Nagsalubong ang mga mata nila hanggang si Angelo ang unang nag-alis ng tingin.Lumingon siya sa kay Evelyn. ‘’Maraming trabaho ngayon sa opisina. Kaya pinag-overtime ko siya,’’ paliwanag ni Christian. Nagpatuloy siya. ‘’Alam kong unang araw pa lang niya sa trabaho pero mabuti na rin na masanay na siya agad. Lalo na’t baguhan pa lang siya.”Everyone was satisfied by Christian’s explanation. Especially Evelyn, who was silently glad that his eldest did not go easy on her lowborn daughter-in-law. So she did not ask further.Si Angelo, na tahimik na kumakain, ay tahimik na natuwa nang marinig ang paliwanag ng kapatid.Para kay Angelo, mabuti na lang at naniwala ang lahat sa kapatid niya, lalo na ang kanyang inang si Evelyn. At least, hindi na niya ka
ปรับปรุงล่าสุด: 2026-06-27
Chapter: Kabanata 11Hindi agad nagsalita si Christian. Nilunok muna niya ang nginuyang pagkain na nasa bibig at uminom ng malamig na tubig sa kanyang baso.Pagkalapag ng baso sa mesa, sandaling sumulyap siya sa nakababata niyang kapatid na nakatitig din sa kanya. Nagsalubong ang mga mata nila hanggang si Angelo ang unang nag-alis ng tingin.Lumingon siya sa kay Evelyn. ‘’Maraming trabaho ngayon sa opisina. Kaya pinag-overtime ko siya,’’ paliwanag ni Christian. Nagpatuloy siya. ‘’Alam kong unang araw pa lang niya sa trabaho pero mabuti na rin na masanay na siya agad. Lalo na’t baguhan pa lang siya.”Everyone was satisfied by Christian’s explanation. Especially Evelyn, who was silently glad that his eldest did not go easy on her lowborn daughter-in-law. So she did not ask further.Si Angelo, na tahimik na kumakain, ay tahimik na natuwa nang marinig ang paliwanag ng kapatid.Para kay Angelo, mabuti na lang at naniwala ang lahat sa kapatid niya, lalo na ang kanyang inang si Evelyn. At least, hindi na niya ka
ปรับปรุงล่าสุด: 2026-06-24
Chapter: Kabanata 10Lutang at bahagyang wala sa trabaho ang isip ni Orlinda ng mga oras na ‘yon nang mabasa niya ang text message sa kanya ni Angelo.Napakamot ng ulo si Orlinda habang napapaisip. “Hindi kaya mapansin agad, lalo na ni Evelyn, na hindi anak ni Angelo yung bata kung sakaling mabuntis ako?” bulong niya sa sarili.Habang lutang ang isip ni Orlinda dahil sa kakaisip ng text sa kanya ni Angelo ay hindi na niya narinig ang paulit-ulit na pagtawag sa kanya ni Christian.“Linda. Linda? Linda! LINDAAAA!”Nagising lamang siya sa ulirat nang marinig ang pagtaas ng boses ng bayaw.Napatayo siya sa kanyang kinauupuan. Ang likod niya tuwid.“S-Sir?”“Scan these files and put them in P*F format before sending them to my personal Wh*tsApp,” Christian instructed, tossing the folder toward her without looking away from his laptop.“Opo, Sir,” magalang na sabi ni Orlinda.Kinuha ang folder at mabilis na isinagawa ang utos ng amo.Makaraan ang limang minuto, tumunog ang cellphone ni Christian na nakapatong s
ปรับปรุงล่าสุด: 2026-06-23
Chapter: Kabanata 9‘’Oo naman,’’ sagot ni Joel. ‘’Puntahan mo lang ako kapag may bagay na hindi ka sigurado,’’ dagdag nito.Matapos sabihin ito ay lumabas na si Joel, naiwan si Orlinda sa loob ng marangyang opisina.Luminga-linga sa bawat sulok ng opisina ang mga mata ni Orlinda. Tila namamangha sa ganda ng opisina ni Christian. Paano ba naman, hindi lang ang opisina ang maganda, kahit ang view mula sa floor-to-ceiling window na nagpapakita ng malawak na tanawin ng lungsod.Biglang kumabog ang dibdib niya, bigla siyang nakaramdam ng kaba.Inilapag niya ang kanyang backpack at cellphone sa mesa bago magpunta sa banyo.Umikot ang paningin niya at nakita ang isang pintuan sa loob ng opisina. Pagbukas
ปรับปรุงล่าสุด: 2026-06-22