The Arranged Bride of the Cold Heir
"You will marry his son."
Isang utos na tuluyang sumira sa mga pangarap ni Avianna Saavedra.
Sa paningin ng iba, nasa kanya na ang lahat—pera, kagandahan, at isang marangyang buhay. Ngunit walang nakakaalam na sa likod ng perpektong imaheng iyon ay isang babaeng naghahangad lamang ng kalayaan.
Nang pilitin siyang pakasalan ang anak ng business partner ng kanyang mga magulang, gumawa siya ng isang desisyong babago sa kanyang buhay.
Isang gabi ng pagtakas.
Isang gabi ng kalayaan.
At isang lalaking hindi niya inaasahang makikilala.
Ngunit paano kung ang estrangherong lalaking iyon ay siya rin palang lalaking nakatakdang pakasalan niya?
Habang unti-unting nahuhulog ang kanilang loob sa isa't isa, mga lihim, maling akala, at mga taong gustong paghiwalayin sila ang susubok sa kanilang pagmamahalan.
Sa isang kasalang nagsimula sa obligasyon, posible bang matagpuan nila ang tunay na pag-ibig?
O huli na ang lahat kapag pareho na nilang piniling lumayo?
قراءة
Chapter: Chapter 14 New RoutineAvianna's POVNagising ako sa unang umaga sa bahay na pansamantala naming titirhan ni Kyrex. Tahimik ang buong paligid. Nakakapanibago. Doon ko tuluyang na-realize na hindi na ako nasa bahay namin.Bumaba na'ko para mag-almusal. Napatingin ako sa paligid. Wala niisang kahit kaunting ingay akong naririnig. Akala ko ako pa lang ang gising.Pagpunta ko ng kusina, andun pala si Kyrex. Nakatalikod at may niluluto. Hindi ko alam kong babatiin ko ba sya o i-snob nalang.Tumikhim ako nang mahina para mapansin nya ang presensya ko.Lumingon sya kaya nagkatitigan kami saglit." Good morning." Bati ko para maibsan ang awkwardness na nararamdaman ko." Morning." Bati nya pabalik saka ibinaling muli ang tingin sa niluluto.Matapos nyang maluto ay inilapag nya ito sa lamesa. Napatingin ako bago naglakad papuntang lababo para kumuha ng tubig.Sunny side up, bacon, ham. Yan ang mha niluto nya. Inilapag nya rin ang mainit-init pang kanin at umupo na sa mesa." Kumain ka. " Banggit nya.N
آخر تحديث: 2026-06-29
Chapter: Chapter 13“Under One Roof”Avianna’s POVParang hindi pa rin umaabot sa isip ko ang mga salitang narinig ko kanina.“Kyrex and Avianna will be living under the same roof.”Paulit-ulit ‘yon sa utak ko habang papalabas kami ng Lincoln Mansion. Ramdam ko pa rin ang bigat ng bawat hakbang ko, parang mas mabigat pa kaysa sa aktwal na katawan ko.Hindi ako agad makatingin kahit kanino.Lalo na kay Kyrex.Tahimik siya sa tabi ko. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya, pero mas nakakakaba ‘yon—yung katahimikan niya na parang normal lang ang lahat kahit hindi naman.Sa loob ng sasakyan pauwi, walang nagsasalita.Si Mom minsan nagsasalita sa harap, pero hindi ko na naririnig. Parang lumulutang lang ako sa sarili kong isip.Living together?Hindi kami kasal.Hindi kami magkasintahan.Pero kailangan naming tumira sa iisang bubong?Para saan? Para sa engagement na hindi namin pinili?Humigpit ang hawak ko sa palda ko.At doon ko naramdaman ang maliit na pangingi
آخر تحديث: 2026-06-28
Chapter: Chapter 12" BETWEEN US " Avianna's POV Hindi na ako nagdalawang-isip na lapitan si Mrs. Lincoln matapos kong marinig ang pag-uusap nila ni Maureen. Kahit anong pilit kong alisin sa isip ko, paulit-ulit pa rin bumabalik ang mga salitang iyon. "Not necessarily." Bakit parang may mas malalim na kahulugan ang lahat ng sinasabi nila? Kaya ba ganoon na lang ang reaksyon ni Maureen sa studio? Dahil ba may namamagitan pa rin sa kanila ni Kyrex? O… ako lang ba ang biglang sumulpot sa gitna ng isang bagay na hindi pa talaga tapos? Paano kung hindi ako ang unang pinili? Paano kung ako lang ang pansamantalang kapalit? Hindi ko alam kung bakit… pero kahit alam kong ito naman ang gusto ko noon—na hindi matuloy ang engagement— may kung anong mabigat sa dibdib ko ngayon. Parang… ayokong ako ang “replacement.” Hindi ako makatulog. Alas-diyes na ng gabi pero gising pa rin ako, paulit-ulit ang pagbaliktad sa kama. Hanggang sa— Toot. Napalingon ako sa cellphone ko. Isang message. " Thank you fo
آخر تحديث: 2026-06-28
Chapter: Chapter 11THE WOMAN FROM HIS PASTAvianna's POVParang nawalan ako ng boses dahil sa mga narinig at nasaksihan ko. Napatingin aki sa buong paligid ng studio. Lahat ng kanilang attention ay nasa amin. Nakikinig. Nagiguluhan.Nagbubulungan sa isa't-isa dahil pati sila ay naguguluhan din sa nangyayari. Naghahanap ng kasagotan kung bakit may babaeng nagpatigil ng lahat.Sino sya?Ano ang relasyon nilang dalawa?Marahil yan din ang mga iilang tanong na nasa isipan ng lahat nang nakatingin ngayon.Tinignan kong muli si Kyrex na nasa gilid ko. Tahimik at seryoso ang kanyang mukha. Walang bahid ng emosyon. Napatingin din ako sa babaeng nasa harapan ko. Nakakunot ang kanyang noo at ang kanyang mga mata ay may bahid ng luha.Nasasaktan sya. Hindi kaya may relasyon talaga silang dalawa habang nangyayari ang sa amin?" Why you didn't told me about this? " Nasasaktang tanong ng babae." There's no need. " Maikling sagot ni Kyrex habang nakatingin sa kanya." I just returned from abroad and the first thing
آخر تحديث: 2026-06-27
Chapter: CHAPTER 10THE PRE-ENGAGEMENT PHOTOSHOOTAvianna's POV Para akong nawalan ng buong lakas sa nararamdaman ko ngayon. Ayo'ko bumangon. Wala akong gana. Pwede ba hindi nalang mangyari yung narinig ko kagabi.Napahilamos ako sa mukha ko dahil sa inis. Araw-araw may bagong nangyayari." Pre-engagement photoshoot? " Tanong ko sa sarili ko.Ini-imagine ko pa lang ang mga mangyayari mamaya ay kinakabahan na'ko. Ayaw ng mapakali ng puso ko sa pagtibok nang mabilis.Hindi ko alam kung paano ako gagalaw mamaya kaharap ang mga tao lalo na't katabi ko si Kyrex.Naligo na'ko nang mabilis at nagbihis bg simpleng damit lang. Isang simpleng blouse at jeans lang ang isinuot ko pinaresan ko ito ng sneakers at cap.Tinignan kong muli ang sarili ko sa salamin sa huling pagkakkataon at ngumiti.Ngiting mapakla. Kaya mo yan. Banggit ko sa sarili ko. Pampalubag loob nalang.Isinara ko na ang pinto ng kwarto at bumaba na. Nang makita ko sina dad at mom sa sala na nagkakape ay huminga ako nang malalim saka lumapit sa
آخر تحديث: 2026-06-26
Chapter: CHAPTER 9Avianna's POVAndito ako ngayon sa kwarto nakahilata sa kama ko buong araw. Malalim ang iniisip. Wala akong ganang lumabas at makipag-usap dahil sa mga pangyayari nitong nakaraan.Ang bilis dumaan ng mga araw. Parang kahapon lang yung dinner ngunit sabado na naman ngayon. Ang araw na sana pwede kong hilingin na wala nalang, hindi mangyari. Kung pwede lang linggo na diretso para pwede kong maiwasan ang family gathering sa bahay ng mga Lincoln.Alas syete ng gabi ang oras ng gathering dun kaya kahit alas singko y medya pa lang ng hapon rinig na rinig ko na ang boses ni mommy. Kesyo kailangan ko na daw maligo dahil aayosan pa'ko ng mga hinire nyang hair and makeup artist.Kahit labag sa loob ko ang pagpunta sa pagtitipon na ito, kinuha ko balang ang tuwalya ko at dumiretso na sa cr para mag-shower. Binuksan ko ang shower at hinayaan lang dumaloy ang tubig.Pwede bang hilingin kong hindi ako pumunta sa pagkakataong to? Ngayon lang naman ako hihindi sa buong buhay ko kaso kami yata ng fia
آخر تحديث: 2026-06-25