DEAL WITH THE BILLIONAIRE
Five years after leaving the man she loved, Atasha Gonzales is living a simple life with her four-year-old son, Aiden Sebastian. Everything changes when the land that keeps her family alive is sold to a new owner. Desperate to save it, she comes face to face with Ethan Morris, the man she left behind and the first love she never forgot.
Believing Ethan only wants revenge for the past, Atasha accepts a deal that forces her back into his life. While she struggles to protect her heart, Ethan plans to make her fall in love with him again, only to leave her the way he believes she once left him.
Little does Ethan know that Atasha never betrayed him. She walked away to protect his future while carrying a secret that could change both their lives forever. As old wounds reopen and hidden truths come to light, will love be enough to heal the past, or will revenge destroy the second chance they never had?
Read
Chapter: CHAPTER 10Mula noong nag-usap kami kagabi ay ibang‑iba ang trato niya sakin ngayon. Naging maayos at magaan ang pakikitungo ni Ethan sakin. Hindi siya nagbigay ng maraming gawain at hindi rin siya naghanap ng mali sa bawat ginagawa ko. Pakiramdam ko ay parang mas mabait siya sa akin ngayong araw. Nakaupo ako sa table ko sa loob ng opisina nang biglang may malakas na katok sa pinto ang narinig ko. Dali-dali akong tumayo agad at lumabas para buksan ito. Pagbukas ko ay nakita ko ang isang babaeng nakatayo roon. Matangkad siya kaunti sakin, dahil siguro nakasuot siya ng mataas na heels. Nakasuot siya ng red sleeveless mini-dress na sobrang hapit sa kurba ng katawan niya at halos luluwa na ang dibdib niya sa pagkahapit ng dress. Siya ‘yung babaeng nakabangga sakin noon sa loob ng office ni Ethan. “Where’s Ethan? Let me see him.” Wika niya at umambang papasok.“Excuse me, Miss. Bawal pumasok dito kung walang appointment,” sabi ko
Last Updated: 2026-07-16
Chapter: CHAPTER 9 Nanigas ako sa kinauupuan ko nang makita si Ethan na nakatayo sa likuran namin. Hindi ko alam kung gaano katagal na siya roon at kung ano ang eksaktong narinig niya sa usapan namin ni Melva. Bago pa man ako makabuo ng kahit isang salita para sumagot, biglang tumayo si Aiden sa kinauupuan niya at mabilis na tumakbo palapit sa kanya habang sumigaw nang malakas at masaya. “Papa! Papa!” Agad siyang yumuko at binuhat ang bata nang dahan‑dahan. Kahit kanina ay seryoso at matalim ang tingin niya sa amin, biglang lumambot ang buong mukha niya nang makita si Aiden. Hindi niya napigilang mapangiti nang totoo habang nakatingin kay Aiden. “Did you miss me that much, little one?” tanong niya nang malumanay habang hinahaplos nang dahan‑dahan ang buhok ni Aiden. “Opo! Sobrang sobra po!” sagot agad ni Aiden sabay yakap nang mahigpit sa leeg niya. Pagkatapos ay hinalikan niya nang malakas ang pisngi ni Ethan. “Papa… nami‑miss
Last Updated: 2026-07-16
Chapter: CHAPTER 8Limang araw na ang lumipas mula noong naging secretary ako ni Ethan. Sa loob ng limang araw na iyon, halos hindi niya ako kinakausap nang maayos. Panay pa rin ang utos niya sakin at panay rin ang paghahanap niya ng butas sa bawat ginagawa ko. Pakiramdam ko ay laging may mali sa akin sa paningin niya. Ngayon ang araw ng pahinga ko. Matagal ko nang pinangakuan si Aiden na ilalabas ko siya kapag wala akong pasok. Kaya dinala ko siya sa maliit na coffee shop na pag‑aari ni Melva, ang matalik kong kaibigan mula pa noong highschool pa lang kami. Maganda at tahimik ang lugar. Hindi masyadong matao kaya magandang tambayan. Umupo kami sa mesa pinakadulong bahagi malapit sa bintana. “Mama… gusto ko ng mango milkshake,” sabi agad ni Aiden habang nakatingin sa menu sa harap niya. “Sige, bibilhin natin ‘yon. Gusto mo rin ba ng masarap na tinapay?” sagot ko sa kanya. “Opo, Mama! Pwede ko rin po bang gamitin ang bagong tablet ko?” tanong niya. Oo, bagong tablet. Bigay iyon sa kaniya ni Ethan,
Last Updated: 2026-07-15
Chapter: CHAPTER 7Isang buong linggo na ang lumipas mula noong araw na sinabi kong sana ay huwag nang maulit ang nangyari sa pagitan namin. Mula noon, talagang hindi na ako muling kinausap o pinansin ni Ethan. Para akong hangin sa paningin niya sa loob ng bahay. Si Aiden lang ang tanging binibigyan niya ng pansin, kinakausap, at minsan ay naglalaro pa sila bago matulog. Ako naman ay parang hindi niya nakikita kahit magkaharap pa kami.Hindi rin kami sabay umalis papunta sa kumpanya. Nauna nang umalis si Ethan nang napaka‑aga bago pa man ako tuluyang makabangon. Buti na lang ay may driver siyang inatasan na maghatid sakin ml.Naiwan naman si Aiden sa mansyon sa maayos at magandang kalagayan. May sarili siyang malawak na playroom na puno ng mga laruan at mayroon din siyang tagapag‑alaga na nagbabantay sa kaniya kaya sigurado akong hindi siya magiging malungkot habang wala kami.Ngayon ang aking unang araw bilang kanyang personal secretary. Nagtaka kung bakit wala ang table sa labas ng office niya kaya pa
Last Updated: 2026-07-15
Chapter: CHAPTER 6Kinabukasan, diretso akong bumaba papunta sa kusina sa first floor. Ramdam ko pa rin ang kakaibang pakiramdam at pagod mula sa nangyari sa amin kagabi dahil hindi lang basta halik ang namagitan sa amin, kaya mas lalo akong hindi mapakali. Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Ethan ngayong umaga pagkatapos ng gabing iyon. Pagdating ko sa kusina ay nakita kong magkatabi na silang dalawa ni Aiden sa hapag, mukhang komportable na sa isa't isa habang kumakain. Nagtaka pa ako kung paano sila naging ganoon kabilis magkasundo gayong ilang araw pa lang simula noong magkakilala sila. Nang tuluyan akong makalapit, doon ko naramdaman ang biglang pananahimik sa paligid at ang mabigat na tensyon sa pagitan namin ni Ethan. "Good morning," bati ko para basagin ang katahimikan bago umupo sa kabilang dulo ng mesa para lumayo nang kaunti sa kaniya. "Mama! Gising ka na po!" masiglang sigaw ni Aiden sabay kaway gamit ang maliliit niyang kamay. "Bakit ang tagal mo po bumaba? Gutom na po ako kanin
Last Updated: 2026-07-14
Chapter: CHAPTER 5Lumipas ang dalawang araw mula noong gabing iyon sa kwarto, pero tila nakaukit pa rin sa isip ko ang lahat ng nangyari. Ang halik ni Ethan at ang pagkakahiya na tila dala-dala ko kahit saan ako magpunta. Sa loob ng dalawang araw ding iyon, hindi ko man lang siya nakita sa mansyon. Walang paalam, walang text, walang balita-wala. Hindi ko alam kung nasaan siya o kung ano ang ginagawa niya pero sa kaloob-looban ko, hindi ko maikaila na may bahagi pa ng aking sarili na naghihintay na bumalik siya.Ngayong Lunes ng umaga ay nasa opisina niya ako sa loob ng mansyon nang biglang tumunog ang cellphone ko. Si Ethan ang tumawag. Maikli lang naman ang usapan, inutusan niya akong kunin ang ilang mahahalagang document at isang flashdrive mula sa kanyang drawer at dalhin ito sa kanya sa main office."Dalhin mo agad dito," ang huling sinabi niya bago ibaba ang tawag.Sumunod ako agad sa mga sinabi niya at sumakay sa sasakyang naghihintay para sa akin. Habang nasa byahe ay hindi ko mapigilang mag-isi
Last Updated: 2026-07-11