author-banner
glxsycane
Author

Novels by glxsycane

Ignored By My Husband, Spoiled By Mr. Carter

Ignored By My Husband, Spoiled By Mr. Carter

Dalawang taon na pinaniwala ni Arabella ang sarili na mahal siya ng kanyang asawa. Ngunit isang simpleng natuklasan ang gumising sa kanya sa mapait na katotohanan. Kasal sila sa papel, ngunit sa puso nito, iba ang tunay na babae. Matapos siyang ipagpalit, ipahiya, at pabayaan kahit sa oras na desperado niyang iligtas ang buhay ng kanyang tiyuhin, dumating si Adrian Carter, isang misteryosong bilyonaryong CEO na laging nasa tabi niya sa bawat pagkakataong kailangan niya ng masasandalan. Habang unti-unting tinatahak ni Arabella ang landas ng paghilom at kalayaan, isang tanong ang bumabagabag sa kanya. Bakit tila matagal na siyang hinihintay ni Adrian? At bakit sa bawat tingin nito ay para bang matagal na siyang minahal?
Read
Chapter: Kabanata 8: Paparating na ang Kidlat na Tatama sa Iyo
Natahimik ang buong private room, disappointed si Damien at nagpatuloy na lamang sa pakikipag-usap kay Gael.Makalipas ang ilang sandali, bumalik si Luther. Hindi niya kasama si Elise.“Naasan si Elise?” Tanong ni Damien.Naupo si Luther sa sofa. “Ang init na rito, tara sa terrace, magpahangin.Nilibot ni Damien ang paligid gamit ang mata. mula sahig, hanggang kisame.Ang terrace ay may ilaw na dilaw, nakatayo si Elise malapit sa railings nito habang nililipad ang dulong bahagi ng kanyang dress. Dahilan upang makita ang hugis ng kaniyang katawan.Naalala niya na kagagaling pa lamang nito sa ospital kahapon, at kabababa pa lamang ng lagnat.“Kumustahin ko muna si Elise” ang sabi niya kay Gael. “Kagagaling niya lang sa lagnat, hindi dapat siya nagpapagabi”Tumango si Gael at hindi pa nagtanong.Alam niya ang tungkol sa nakaraan nilang dalawa. Alam din niya na hindi pa nakakamove-on ang bawat isa sa kanila.Binuksan ni Damien ang pinto ng balcony at lumapit kay Elise.Malamig ang simoy n
Last Updated: 2026-07-30
Chapter: Kabanata 7: Asawa Ko Si Arabella
Pagkauwi na pagkauwi, nagpalit muna ng sapatos si Arabella sa may pasilyo bago tuluyang pumasok sa guest room. Hinubad niya ang mga alahas at iniligay ulit sa lalagyan. Padiretso na sana siya sa banyo nang may marinig siyang mga hakbang sa kanyang likod. Nakatayo si Damien sa p***o ng guest room, at ang kanyang tingin ay lumibot sa buong kuwarto. Ang kanyang mga skincare product ay nakalapag sa dressing table, may ilang libro sa bedside table, at ang mga karaniwan niyang damit ay nakasabit sa cabinet. Naalis na pala ang kanyang mga kagamitan mula sa master bedroom nang hindi napapansin. Kumunot ang noo ni Damien. “Bakit ka lumipat sa guest room?” Nakatutok sa pagsasabit ng kanyang bestida at di tumitingin si Arabella. "Bigla kasing tumatawag ang ospital kapag gabi. Kailangan ko ring maagang bumangon para ihanda at ihatid ang pagkain mo nang hindi ka naiistorbo sa pagtulog.” Sa totoo lang, mas madalang na siyang umuuwi at matulog dito. Ilang beses lang naman siyang pumupunta sa b
Last Updated: 2026-07-30
Chapter: Kabanata 6: Huwag Makipagtalo Sa Mga Aso
Hindi rin nakapagsalita si Damien sa gulat, at naghalo-halo ang mga emosyon sa kanyang tingin. Ngunit nang mahimasmasan, agad itong napalitan ng pagkainis. May naglakas-loob na ipahiya siya sa sarili niyang teritoryo. Sapilitang pinaakyat si Arabella sa entablado matapos siyang pilitin nang paulit-ulit ng auctioneer. Kuminang ang liwanag mula sa mga perlas sa loob ng kahon. Parang nasa panaginip si Jiang Lai at hindi malaman ang mararamdaman. “May karagdagang hiling pa si Mr. Q,” sabi ulit ng host habang nakangiti, “Gusto niyang isuot ni Arabella ang alahas na ito ngayong gabi para makita ng lahat ng naririto!” Muling nag-ingay at nagkagulo ang mga tao. Naging madilim ang buong paligid maliban sa isang sinag ng ilaw na tumama kay Arabella, kaya mas lalo itong nagmistulang mas balingkinitan tingnan. Hinawakan ng waitress ang kuwintas, isinuot ito sa kanyang leeg, at hinayaang dumampi ang malamig na perlas sa kanyang mga balikat at collarbone. Tumingin si Arabella sa mga
Last Updated: 2026-07-30
Chapter: Kabanata 5: Gagawin Lahat Para Sa Kanya
Nagtago si Arabella sa sofa sa gilid, hawak ang isang baso ng champagne pero hindi man lang ito tinikman. Inilibot niya ang kanyang tingin sa mga mayayamang baabe at lalaki na nakasuot ng makikintab na damit na kulay pula at berde, ngunit nakaramdam siya ng labis na pagka-isolate. "Arabella?" May tumawag sa kanyang pamilyar na boses. Napatingin si Arabella at sandaling natigilan, saka ngumiti “Kuya Rett?” Siya si Everett Beckett, ang kanyang senior noong kolehiyo, ang anak ng may-ari ng isang kilalang lokal na kumpanya ng parmasyutika, at kasalukuyang nagtatrabaho sa isang pangunahing laboratoryo sa Neo-Genesis University. Noon, habang naghuhugas siya ng mga bote sa lab, madalas siyang tinulungan at inalagaan nito. “Tagal nating hindi nagkita, anong ginagawa mo rito?" Umupo si Everett sa tabi niya. “Kasama ko ang asawa ko” kalmadong ani Arabella Habang nagkukuwentuhan sila tungkol sa kasalukuyan nilang buhay, napatanong si Arabella, “Kuya, naiinip na ako sa bahay at gu
Last Updated: 2026-07-30
Chapter: Kabanata 4: Ang Pagtututol Sa Diborsyo
Pagdating ni Arabella Echavez sa old Ashford Manor, nadatnan niya ang kanyang biyenang si Evelyn Beaumont na abala sa pag-aayos ng mga bulaklak sa sala.Tahimik siyang pumasok, hinubad ang sapatos at nagpalit ng tsinelas sa entrada bago magalang na bumati."Good afternoon po, Mama.""Wow, himala." Hindi man lang tumingin si Evelyn sa kanya. "May time ka pa palang bumalik dito? Akala ko lagi kang busy sa mga problema ng pamilya mo."Nanatiling kalmado ang boses ni Arabella. "Si Damien po ang nagsabi na dumaan ako para kunin ang ilang gamit."Dahan-dahang nag-angat ng tingin si Evelyn. Mula ulo hanggang paa, pinagmasdan siya nito. Huminto ang tingin nito sa simpleng bestida niya at sa halos walang makeup na mukha. Bahagyang ngumiti ang babae."Pinapahiram ka lang naman ni Damien ng mga alahas, tama?"Matagal nang alam ni Arabella na hindi siya gusto ng kanyang biyenan.Para sa pamilya Ashford, isa lamang siyang ordinaryong babae. Hindi sapat para kay Damien, att lalong hindi sapat para
Last Updated: 2026-07-29
Chapter: Kabanata 3: Ang Panlalamig Ng Isang Kasal
Mababaw lang ang naging tulog ni Arabella. 5 o’clock pa lamang ng umaga. Wala pang sikat ng araw nang bumangon siya upang maghanda ng almusal.Paborito ng kanilang pamilya ang lugaw na may itlog at lean pork, kasama ang ginisang rice noodles. Madalas iyong ihanda ng kaniyang tiyahin noong nakatira pa siya sa bahay ng mga ito.Sandali lamang ay nakarinig siya ng pagbukas ng pinto sa sala. Bahagyang napatigil ang kamay ni Arabella na may hawak na sandok.Pumasok sa sala si Damien. Nang marinig ang kaluskos mula sa kusina, napalingon ito."Ang bango naman ng niluluto mo." Kalmado lamang ang tono nito. "Nagluluto ka ba ng almusal?"Hindi niya ito tinapunan ng tingin. Umabot sa kaniya ang bahagyang amoy ng hospital na nakadikit pa sa katawan nito.Gulo rin ang suot nitong puting polo, na para bang hindi man lang napalitan. Hindi niya mapigilang mag overthink. Paano kaya nila pinalipas ang magdamag?Tahimik ang isang pribadong hospital room kapag gabi. Paano kung tanging paghinga na lamang
Last Updated: 2026-07-29
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status