Chapter: Chapter 78- Epilogue (Part Two)Logan Montereal's Point of ViewFvck! Malulunod siya kung mapupunta siya sa mamalim na iyon. Hindi ba siya nag-iisip?" Galit kong usal. Nilingon ko sila Drew kung nasaan sila at hindi manlang nila napapansin ang babae.Mabilis kong pinuntahan si Rhian. Sakay ng bangka ay unti-unti akong lumapit sa kanya. "Oh, holy shit! Nalulunod na siya." Agad akong tumalon sa bangka upang sagipin siya. Dali-dali kong hinila ang babae sa mababaw na parte ng dagat."Oh my God! Anong nangyari sa kanya?" Gulat na tanong ni Alisha nang makita niyang buhat-buhat ko si Rhian habang walang malay."Muntik na siyang malunod. Nakainom na rin siya ng maraming tubig." Malamig ang boses kong usal. Lahat naman ay natulala. Wala silang kaalam-alam na nalulunod pala ito.Agad kong nilapatan nang paunang lunas ang babae ngunit hindi pa rin ito nagigising."Bitawan mo ang mommy ko!" Galit na usal ni Zane.Halos hindi naman ako makakibo nang marinig ko ang malamig na boses ng aking anak. Hindi ko kayang salubungin an
Last Updated: 2023-11-28
Chapter: Chapter 77 - Epilogue (Part One)Logan Montereal's Point of ViewParahes kaming nakahiga ngayon ni Rhian sa malambot na kama at kapwa wala kaming saplot sa katawan. Matapos ng ilang beses namin pagniniig ay para kaming mga lantang gulay na nakabalot sa makapal na kumot. Naka-unan siya sa aking mga braso, samantalang ang kanyang mga braso at binti ay nakadantay naman sa akin.Marahan kong hinalikan ang kanyang noo at niyakap siya nang mahigpit. Hindi ako makapaniwalang asawa ko na siya ngayon."Kung hindi mo sana ako nilapitan noong gabing iyon, hindi sana kita nakilala." Ani ni Rhian na bahagyang tumingala pa sa akin.Matamis akong napangiti sa kanya at muling binalikan ang mga sandali kung saan kami unang nagkita.***Flashback***Habang nag-iinom kaming magpipinsan sa kabilang cottage ng gabing kasal ni Cedrick ay napansin ko ang isang babae na nagpunta sa tabing dagat kung saan madilim sa gawing iyon. Marami na rin ang mga lasing sa paligid.Pag-aari ko ang resort kung saan ginanap ang kasal ng aking pinsan at aya
Last Updated: 2023-11-28
Chapter: Chapter 76 - Finale (The Wedding)Rhian's Point of View"Saan ninyo dadalhin ang anak ko? Bitawan ninyo siya!" Malakas na sigaw ko sa mga lalaking naka-itim. Hawak-hawak nila si Zane habang wala itong malay.Halos kapusin ako nang hininga dahil sa takot na nararamdaman ko.Napagawi ang aking tingin sa kabilang dako. Hawak-hawak din nila si Logan. Sugatan ang katawan nito at may tali ang kanyang mga kamay at paa."Anong kailangan n'yo sa amin? Pakawalan ninyo ang aking mag-ama. Paki-usap." Humagulgol kong usal sa mga ito."Sino ang pipiliin mo sa kanilang dalawa, namimili ka!" Matigas ang boses na usal ng lalaki. Hindi ko makita ang mukha nito dahil nakatakip ang kanilang mga mukha. Ipinilig ko ang aking ulo. Hindi ko kayang mamimili. "No! Parahes ko silang pipiliin. Ako na lang. Ako na lang kunin ninyo. Huwag ang aking mag-ama." Nagmamakaawa kong usal sa mga ito.Ngunit ilang sandali lang ang lumipas ay may narinig akong sunod-sunod na mga putok."Logaaan!" Isang malakas na sigaw ang aking pinakawalan nang makita ko
Last Updated: 2023-11-27
Chapter: Chapter 75 - PagpapatawadRhian's Point of ViewIsang linggo na ang nakalipas at ngayong araw lalabas ng ospital si Logan. Pinayagan naman siya ng doktor sa bahay na lamang siya magpagaling.Nandito pa ako ngayon sa condo niya at maya-maya lamang ay pupunta na rin ako ng ospital para sunduin sila.Masaya kong pinagmasdan ang aking sarili sa harap ng malaking salamin.Nagsuot lamang ako ng simpleng bestida na medyo maluwang sa akin dahil lumalaki na ang aking tiyan. Marahan kong hinimas-himas iyon habang nakangiti. Hindi na ako makapaghintay na lumabas ito."Ms. Rhian, handa na po ang sasakyan." Ani Brooks na kararating lamang.Tumango lamang ako dito at saka sumunod na rin sa kanya. Simula noong nangyari ang pangingidnap sa amin ni Vera ay mas naging alerto na si Brooks. Bantay sarado na rin ako dito at hindi ako basta-basta nakaka-alis ng hindi ito kasama.Mas naging mahigpit na rin ang seguridad na pinatupad ni Logan sa kanyang mga tauhan."Sa prisinto muna tayo, Brooks." Naghihintay na sa akin ang mag-ama
Last Updated: 2023-11-25
Chapter: Chapter 74 - Sa Ospital Rhian's Point Of View"Sa simbahan na tayo tumuloy, Brooks." Napalingon naman ako kay Elijah. Akala ko ba ayaw nilang doon kami magtuloy?"Sigurado ka ba, Elijah? Delikado doon kapag nagkasagupa ang mga tauhan ni Logan at Vera." Seryosong usal naman ni Brooks.Mas nadagdagan naman ang pag-aalala ko para sa lalaki. Paano kung may masamang mangyari dito?"Sa ospital tayo." Malamig ang boses na usal ni Zane.Napatingin naman kaming lahat dito. Mas lalo akong kinabahan nang makita ko ang mukha ng aking anak na punong-puno nang pag-aalala."A-anong gagawin natin sa ospital, anak?" Kinakabahan kong usal dito. Ayaw kong isipin na may masamang nangyari sa ama nito. "M-may nangyari bang masama sa daddy mo?" "I don't know, mommy. Pero wala na sa simbahan si daddy. Nasa ospital siya ngayon base sa tracking na nakasaad sa kanyang cellphone."Narinig ko naman na napamura si Drew. Kinuha nito ang kanyang cellphone at ilang saglit lang ay may kausap na ito. "Anong nangyari kay Logan?" "Boss, naba
Last Updated: 2023-11-23
Chapter: Chapter 73 - Wakas ng kasamaan ni VeraThird Person's Point of ViewPagkadating pa lamang ni Logan ng Spain ay agad siyang bumyahe pabalik ng Pilipinas. Masama ang kutob niyang may hindi magandang nangyayari.Lalo pang nadagdagan ang kanyang pagdududa nang makatanggap siya ng mensahe galing kay Rhian. Tinawagan niya ito ngunit hindi na niya makontak."Sir, nawawala po ang iyong mag-ina." Ani Brooks nang sagutin nito ang tawag ni Logan.Napamura naman si Logan. Hindi siya mapakali habang nasa byahe. Tiningnan niya ang lokasyon kung nasaan si Zane. Marahil ay magkasama ang kanyang mag-ina.Agad naman niyang nakita kung nasaan ang kanyang mag-ina. Tinawagan niya sina Drew at Elijah. Ngunit bago pa man niya sabihin dito ang tungkol sa pagkawala ng kanyang mag-ina ay alam na pala ng mga ito dahil nag-text na sa kanila si Rhian.Hindi niya maiwasan magtampo kay Rhian dahil tila may tiwala pa ang babae sa kanyang mga pinsan kaysa sa kanya. Hindi rin agad makakarating ang kanyang mga pinsan dahil nasa ibang bansa ang mga ito. Ha
Last Updated: 2023-11-22
Chapter: Kabanata 30 - Kilala ba kita, Miss?Napatingala ako sa isang mataas at malaking gusali sa aking harapan, halos malula ako dahil sa sobrang taas nito. Huminga ako nang malamin, at sandaling ipinikit ang aking mga mata habang hawak ko ang kapirasong papel na napulot ko sa daan. Nakasaad roon na nangangailangan sila ng sekretarya. Hindi na ako nagdalawang isip pa at agad ko itong pinuntahan. Isang malamig na hangin ang dumpi sa aking mukha at banayad na nilipad-lipad nito ang iilang buhok kong nakatakas mula sa pagkakatali nito. Sandali akong nakaramdam ng kapayapaan sa aking sarili. Ang sarap mabuhay kapag wala kang iniisip na anomang problema. Subalit sandali ko lang iyong naramdaman dahil tila nagising ang diwa ko sa realidad ng buhay. Aktong imumulat ko na ang aking mga mata nang maramdamang kong tila may isang matigas na bagay ang bumunggo sa akin, dahilan upang mawalan ako ng balanse. Mariin akong napapikit dahil sa lakas ng impak ay muntik na akong tumalsik, ngunit bago pa man mangyari 'yon ay may malakas
Last Updated: 2026-06-23
Chapter: Kabanata 29- Nasaan ka na ba?"Where is daddy, Mommy?" Malungkot na tanong ni Avery sa akin. Bakas sa mukha nito ang pagkasabik na muling makita ang kanyang ama. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na niyang naitanong ito sa akin sa loob ng buong maghapon. Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan. Pilit akong ngumiti sa aking anak. Ayaw kong ipakita dito kung gaano ako naapektuhan sa hindi pagpaparamdam ng ama nito sa amin. "Hindi na ba ako love ni daddy?" Humihikbing muling usal nito. "Hindi na ba niya tayo, mahal?" "Ano ka ba, nak! Mahal ka ng daddy mo." pang-aalo ko naman dito dahil nagsimula na itong umiyak. "Tiyak akong uuwi rin siya dito. Kaya tahan na, hmm?" Isang buwan nang hindi bumabalik ang lalaki, magmula ng gabing iyon. Isang gabi iyon na puno ng pagmamahal. Ang mga pangyayari ng mga sandaling iyon ay malinaw pa sa aking ala-ala, kung paano niya ako inangkin. Subalit hindi ko inaasahan na iyon na pala ang huli. Mariin akong napapikit upang pigilan ang nagbabadyang mga luh
Last Updated: 2026-06-16
Chapter: Kabanata 28 - Pang-aakitMarahan akong napa-igtad nang ipasok niya ang kanyang kamay sa loob ng aking pang ibabang kasuotan. Kakaibang kiliti ang aking naramdaman ng mga sandaling nilaro-laro niya ang aking pagkababae. "Uhmmm." Hindi ko mapigilan ang mapa-ungol habang nakapikit at dinadamdam ang bawat paghagod nito. Mahigpit ako napasabunot sa kanyang buhok nang bilisan niya iyon. "Uhhmmm.. Oh Elijah" muli kong ungol sa kanyang pangalan. Nararamdaman ko nang malapit ko na akong labasan. Ngunit bigla akong napamulat nang itigil niya ang kanyang ginagawa. May pagtataka at halong inis akong tumingin sa kanya. Subalit isang nakalolokong ngiti lang ibinigay niya sa akin. "Please L-logan.. ituloy mo." Nahihiya kong usal dito. Ghad! Ito ba ang parusa niya? Ang bitinin niya ako? Ang sakit sa puson ha! "No, baby. Not now, galit ako ngayon. Ayoko kong mahirapan ka kapag pinilit mo ako." Saglit akong natigilan. Ramdam kong galit pa rin ito. "Huwag ka nang magalit. G-gagawin ko lahat nang gusto mo
Last Updated: 2026-06-13
Chapter: Kabanata 27 - "Kailangan Mong Parusahan"Eloise's Point of View Magkahalong kaba at pag-aalala ang aking nararamdaman ngayon. Katatapos lamang nang aming pag-uusap ni Brynne sa telepono. Umiiyak ito dahil sa kanyang natuklasan. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang tungkol sa aking anak. Paano kung malaman niyang ako ang ina ni Avery? Tiyak na malaking gulo ito. "Oh ate, okay ka lang? Bakit tila namumutla ka diyan?" May pag-aalalang tanong sa akin ni Nicole. "O-okay lang ako, Nicole." Pilit kong pinapakalma ang aking sarili. Mabilis akong tumayo mula sa aking pagkaka-upo at tinungo ang aking kwarto. Nagtataka namang sumunod sa akin si Nicole. "Saan ka pupunta, ate?" Usisa nito nang maabutan niya akong nagbibihis. "May pupuntahan lang ako, Nicole. Pakisabi na rin kay Elijah na wag na nila akong intaying umuwi mamaya." Usal ko dito habang ina-ayos ko ang suot kong damit. Simpleng bestida lamang ang sinuot ko dahil doon ako mas kumportable. "Pero ate, alam ba ni sir Elijah kung saan ka pupunta?" Isang b
Last Updated: 2024-06-30
Chapter: Kabanata 26 - She is my daughterThird Person's Point of View"I love you too, Elijah." Ani ni Eloise sa kabilang linya.Malapad naman na napangiti si Elijah sa naging tugon ni Eloise. Tila isang musika iyon sa kanyang pandinig. Nararamdaman niyang unti-unti na rin nahuhulog sa kanya ang dalaga kaya naman hindi niya palalagpasin ang pagkakataon na iyon upang mabuo ang kanilang pamilya."Good morning, sir Elijah. Remind ko lang po ang appointment ninyo kay Mr. Sandoval mamayang Ala una." Ani ni Mary na bahagya lamang nakasilip ang kanyang ulo sa pintuan. Hindi siya nag-atubiling pumasok sa opisina dahil tila malalim ang iniisip ng kanyang boss kaya hindi nito narinig ang kanyang pagkatok. "Cancel mo na lahat ng meeting ko ngayon, Mary. Susunduin ko ang aking anak sa school niya mamaya." Walang ka emo-emosyong usal ni Elijah sa kanyang secretary.Bahagya namang nagtaka si Mary dahil sa kanyang narinig. 'Anak? May anak na pala si sir Elijah?' Usal ni Mary sa kanyang isipan.Hindi na nagtanong pa si Mary dahil natatako
Last Updated: 2024-04-21
Chapter: Kabanata 25 - Miss me? Eloise's Point of ViewNaramdaman ko ang kanyang dila na pilit pinaghihiwalay ang aking mga labi kaya naman inawang ko iyon ng bahagya.At tuluyan na nga niyang naangkin ang aking mga labi. Ang mga dila nito ay unti-unti nang nilalaro ang aking dila sa loob. Tila nawalan na ako nang lakas na pigilan siya dahil trinaydor na ako ng sarili kong katawan. Kusa na akong tumugon sa maiinit niyang mga halik. Mahigpit akong napayakap sa lalaki ng mas lumalim pa ang mga bawat halik nito. Kakaibang kiliti ang dulot ng mga halik niya na tila ba mawawala na ako sa aking sarili."Ahhmm.. t-teka lang." Pigil ko kay Elijah nang ipasok niya ang kanyang kamay sa loob ng aking damit. Sandaling bumalik ang aking katinuan dahil doon.Hindi dapat ako magpadala sa bugso ng aking damdamin.Kunot-noo naman na napatingin ang lalaki sa akin ngunit maya-maya ay napabuntong hininga na lamang ito."I'm sorry, Sweetheart. Hindi ko lang napigilan ang sarili ko." Hinging paumanhin nito. "Matulog na tayo."Nakaramdam
Last Updated: 2024-02-11