Share

Chapter 3

Author: Mandrakes
last update Petsa ng paglalathala: 2025-08-27 12:17:57

NATATAWANG naiiling na lang si Loraine kay Khaleb. Pero natutuwa siya sa batang ito simula ng tulungan niya itong dalhin sa ospital noong maaksidente, hayun at hindi na siya tinigilan na tulungan. Pagtanaw lang daw ng utang na loob. Ang kaso mukhang na-i-in love ito sa kanya sa pakiramdam niya. Ang mga pahaging at biro nito ang makapagsasabing tama ang hinala niya. Hindi na siya bata para hindi iyon mahalata. Gwapo si Khaleb, mukha itong prinsipe ng isang Arab country, mapupungay na mga mata at maamong mukha. Pero napakabata pa nito at kapatid lang ang turing niya dito. Ang nakakatawa madalas siyang biruin nito. Pero alam niyang dala lang iyon ng kapusukan ng kabataan kaya hindi niya kailanman iyon papatulan lalo’t nakababatang kapatid ang turing niya dito.

“O pano Khaleb, aalis na ako ikaw na muna ang bahala dito ha saka dadating naman si Bea para magluto.”

“Ma’a al-salaama (goodbye)” nakangiting tugon ni Khaleb gamit ang banyagang wika.

Naintindihan naman niya iyon dahil minsan siyang nakapagtrabaho sa Islam country katulad ng Dubai.

“Ma’a al-salaama,” tugon niya.

Halata niya ang amusement sa mukha ni Khaleb kaya naman nginitian niya lang ito.

“Teka, pano mo nalaman ‘yon ha?” nagatatakang tanong ni Khaleb.

“Khaleb marami rin naman akong alam,” simpleng pangangatwiran na lang niya dahil ayaw niyang magpaliwanag. “Sige na, aalis na ako. Oy umuwi ka na mamaya ha,” pahabol na bilin niya kay Khaleb.

Nakasakay na siya ng motor ng habulin siya ni Khaleb at ibigay ang baon na nalimutan niyang isilid sa kanyang bag. Kasunod naman niyon ay si Disney na humalik sa kanya.

“Bye Mama, ingat ka po ha saka yung pasalubong ko po.”

Natuwa siya sa anak kaya hinaplos niya ang buhok nito at ganon din naman ang ginawa ni Khaleb.

“Disney, let’s get inside na, mainit dito sa labas,” yaya ni Khaleb.

“Tama si Kuya Khaleb anak. Get inside na okay. Bye.”

Pinaharurot na niya ang motor at handang harapin ang mapanghamong araw na kanyang tatahakin. Habang binabagtas ang mahabang traffic napansin niya na kanina pa siya sinusundan ng isang itim at magarang kotse. Hindi niya makita ang mukha ng nasa loob dahil medyo tinted ang salamin. O baka naman nag-i-ilusyon siya, napangisi siya sa iniisip, sino naman kasing Herodes ang susunod sa kanya? At kung may susunod nga sa kanya, sa ano namang dahilan.

“Hayyy Loraine, tumigil ka nga. Walang susunod sayo ‘no. Huwag kang ilusyonada at de kotse pa talagang magara ang napili mong pagbintangan. Maliban na lang kung nasundan ka ng mga ungas na iyon.” Parang tangang kinakausap niya ang sarili habang naghihintay ng pag-usad ng mga sasakyan.

Muli, sumagi sa kanyang alaala ng itakas niya ang anak ng amo niya sa Dubai. Wala ng mas nakakatakot pa sa pangyayaring iyon. Natatandaan niya na itinago niya iyon sa isang cabinet sa isang hotel room at napadpad naman siya sa kwarto ng isang prinsipe.

Awang-awa siya sa kanyang amo nang masaksihan niya kung paano ito ginilitan ng leeg sa mismong harapan nila ng anak nito. Kaya naglakas-loob siyang tumakas. Naisuko niya ang bata sa lolo nito kaya nakahinga siya ng maluwag habang siya namay punung-puno ng takot dahil sa mga gustong pumatay din sa kanya.

She shook her head para maalis ang malagim na alaalang iyon ngunit ang pumalit ay ang mainit na tagpo ng kanyang pakikipagtalik sa prinsipeng iyon na hindi na niya maalala ang hitsura. Doon nabuo si Disney. Hindi na niya ipinaalam sa anak ang tungkol sa ama nito dahil baka mas matinding takot pa ang mangyari kapag ginawa niya iyon. Nagawa lang naman niya ang bagay na iyon para makaligtas sa panganib.

Nagulat na lang siya nang bumusina ng malakas ang kotseng nasa likuran niya na tila ba galit na dahil sa haba at ingay ng busina, kaya nawala sa isip niya ang masamang alaala na iyon at bumalik sa reality ng mahabang traffic.

“Okay, okay, heto na aandar na nga. Apurado lang?” inis na tugon niya.

Doon niya nasiguradong hindi nga kahina-hinala ang kotseng iyon, nakakairita lang na akala mo kung sinong hari ng kalsada.

Nilampasan lang siya nito na humaharurot.

“Asshole!!!” sigaw niya.

NAKARATING siya sa coffee shop ng isang kaibigan na si Cleo. Nakangiti siyang sinalubong nito.

“Hey girl you’re late?” tanong nito.

“Ah, oo naipit ako ng traffic,” sagot niya.

“Nakakapagtaka naman kasi pwede kang lumusot di ba. Bakit, minumulto ka ba ng malagim na masacre o ng Arabian Prince mo?”

“Hayyy Cleo pwede ba, huwag mo nang ipaalala.” Tila ba naging natural na sa kanilang magkaibigan na pag-usapan at gawing biro ang kanyang nakaraan. Pakiramdam niya nakaktulong iyon para matanggap niyang muli ang sarili, at ituring na ang lahat ng nangyari sa kanya ay isang malaking joke.

“Oh, wow mukhang mabilis ang production mo ngayon ah. Ano tinutulungan ka pa ba nung bagets ha?” mapanuksong tanong ni Cleo.

“Hey, shut up. May makarinig sayo d’yan.”

Nang bigla silang makarinig ng ingay ng paghila ng bangko ng dalawang customer na dumating. Pareho silang napatingin, si Cleo tila ba nauupos na kandila sa pagtitig sa lalaking kakaupo pa lang. Mukha siyang galing sa Royal family, bagay na bagay ang suit at tie sa hitsura nito. Medyo manipis na pagkakaahit ng bigote at balbas.

Halos pumasa ang braso niya sa pagkakapisil ni Cleo.

“Cleo aray ko, ano ka ba, umayos ka nga,” bulong niya.

“Girlll ang hot niya grabe,” namimilipit na tugon ni Cleo.

Kumunot ang noo niya, “Umandar na naman ‘yang pagka manyak mo,” bulong niya.

“Ay grabe sa word na pagkamanyak ha!” Hindi napigilan ni Cleo ang mapalakas ang boses kaya napatingin sa kanila ang dalawang customer.

“Oy ang boses mo,” saway naman niya.

“Ay sorry, ikaw kasi e.”

Malamig na titig ang ipinukol sa kanila ng gwapong lalaki at saka ito nagsalita, “Can I have americano please.”

“Oh sure! Right away Sir.”

Nagmamadaling kumilos si Cleo, at siya naman ay naiwan kaya pinili na lang niyang umupo at maghintay ng bayad ni Cleo sa inorder nitong paper cup.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • A Night With Uncle Ib   Chapter 94

    “Ano!? Ano kamo? Pinangakuan ka niya ng kasal tapos, tapos, pinauwi ka nang Pinas ng ganon na lang. At ang bruhang Shamira na ‘yon! Ang landi ha! Naku…. Nakakagigil talaga ang hari ng mga Herodes na yon! Isa pa yang Jayson na yan! Pag nakita ko talaga yan, kukuyumusin ko ang mukha niya!” nanggagalaiting bulalas ni Cleo.Habang si Loraine ay pugto na ang mga mata sa kakaiyak.“Hoy Loraine tumigil ka na nga dyan, lalo lang akong nanggigigil sa Herodes na ‘yon e. Para ka niyang pinasakay sa roller coaster ha,” dugsong pa ni Cleo. “Anong parang, ganon na nga ang sumatotal ng lahat,” sabat ni Thea.Napalingon naman si Loraine na nagtataka. “Teka nga Thea bakit nandito ka nga pala? Hindi ba nandoon ka sa villa ninyo? At di ba ikakasal ka kay Delfin? Ano na bang nangyari?”Natahimik naman si Thea habang idinudukot ang mga kamay sa bulsa. Nag-aapuhap ng isasagot. “Naku, isa pa yan, isa pa yang Dimitri na yan,” muling dugsong ni Cleo. “Ano? Teka, hindi ko maintindihan. Ano naman ang kinala

  • A Night With Uncle Ib   Chapter 93

    Ilang oras ang lumipas nang makalabas si Ibrahim sa kwarto nina Loraine. Tinatamad pa sanang bumangon si Loraine pero alas nueve na ng umaga kaya nag-inat inat na siya at nagsimulang ayusin ang sarili. Isang oras ang lumipas nang may kumatok sa pintuan. Kumunot ng bahagya ang kanyang noo. “Ha? Ano ba naman si Ibrahim, bakit kailangan pang kumatok e basta na lang naman siya pumapasok dito, saka hindi naman naka-lock ang pintuan ah,” pagtataka niya sa pag-aakalang si Ibrahim ang kumakatok.Pero kumatok pa ulit ito ng sunud-sunod. “Hay… oo na nga andiyan na.” Isinuot niya ang robe at nagmadaling tumakbo papunta sa pinto. “My love,” excited na salubong niya pero si Jayson ang nasa labas, may dala itong plane ticket. “Ay sorry naman Jayson, ikaw pala yan.” Natawa siya. “Ah, oo ako nga,” maang ni Jayson. “O halika, pasok ka,” aya ni Loraine kay Jayson. “Naku hindi na, dito na lang. Saka mukhang kagigising mo lang e.”“Ah oo. E teka bakit ka nga ba nandito? I mean nasaan si Ibrahim?

  • A Night With Uncle Ib   Chapter 92

    No doubts, no fear, pakakasal na siya kay Ibrahim.Tumayo ito at niyakap siya ng mahigpit. “I will never let you go. Walang sinumang makapaghihiwalay sa atin, my love, I love you.”“I love you too Ibrahim.”Kasunod ng proposal na iyon ay ang magarbong strings orchestra play sa grand stage ng amusement park kasabay ang sunud-sunod na foreworks.Naluluhang natatawa si Loraine. “Grabe, A whole New World talaga.” Iyon ang saliw na tinutugtog ng orchestra.“If I can only give you the world, I will, pero sorry my love hindi kasi akin ang mundo e. Baka magalit ang tunay na may ari na siyang lumikha.”Natawa silang pareho.“Ikaw talaga.”Matapos ang proposal at Orchestra play, dinig na dinig naman nila ang sigaw nila Disney mula sa itaas ng ferris wheel.“I love you Papa!!! I love you Mama!!! I love you Lolo!!!” umeekong sigaw ni Disney.Panatag namang nakatanaw sina Ibrahim mula sa ibaba dahil alam nilang bantay sarado ito ng mga katulong at bodyguards.Maya-maya may lumapit na isa sa mga bo

  • A Night With Uncle Ib   Chapter 91

    Loraine admit to herself na may kaunting takot siya noong umpisa sa ipinapakitang pagmamahal ni Ibrahim para sa kanya, ngayon iba na, talagang mapapatunayan niyang tapat ito sa kanyang nararamdaman dahil sa mga ipinapakita nito.Nagising siya mula sa pagakakatulog ng mahimbing dahil na rin sa magdamag na lambingan nila ni Ibrahim.. Napamulagat siya nang makitang sinusugod na siya ng yakap nina Disney at Khalid habang pinapanood naman sila ni Ibrahim.“Mama, dito ka pala natulog, hinahanap ka namin kagabi e,” pag-uusisa ni Disney.Napangiwi naman siya sa sobrang hiya sa mga anak.“Ahm… oo anak, sorry.” Sabay peace sign.“Okay lang po Ma kasi dumating naman po si Papa. Pinatulog nga po niya si Khalid e. Bakit kasi Ma, dito ka natulog,” reklamo ni Disney.“Ah… hahaha. Kasi mga anak…”“Because you and Khalid are grown up babies, kailangan n’yo nang masanay matulog na mag-isa,” salo ni Ibrahim.“Ha…? E Papa bata pa kami,” pangangatwiran naman ni Disney. Habang si Khalid naman ay mahigpit

  • A Night With Uncle Ib   Chapter 90

    Everything’s change after that night. Naging malambing na sa kanya si Ibrahim ngunit maingat sila. Hindi nila ipinahahalata sa karamihan ang kanilang relasyon. Pumayag siya na muling maging kasintahan nito kahit palihim. Alam niyang mahirap gawin ang desisyon ni Ibrahim pero nakikita niya ang pagsisikap nito.Una nitong sininop ang kumpanya sa Pilipinas na siyang inaasahan nitong pantaguyod sa kanilang pamilya. Pangalawa ay ang pakikipag-usap nito sa hari na mariin namang tinutulan ang desisyon nito kaya talagang mahirap. But all in all, humahanga si Loraine sa katapangan nito kaya walang dahilang hindi niya ito mahalin. Marupok na kung marupok, may dahilan naman.Hindi niya tuloy maiwasang mapangiti habang naaalala ang gabing iyon. Napakasaya niya talaga na sa wakas dumating ang oras na naging maayos na sila ni Ibrahim, kasal na lang ang kulang. Nagtitiwala naman siya na makakasal siya rito.Gabi na nang dumalaw si Ibrahim sa kanilang kwarto. Tulog na rin sina Disney.“Hey, I missed

  • A Night With Uncle Ib   Chapter 89

    “What is going on here?”Agad na namang kumabog ang dibdib ni Loraine nang marinig ang boses na iyon ni Ibrahim. Ayan na naman kasi ang lakas ng dating nito sa kanya kaya kahit anong iwas at tago, lumalabas at lumalabas pa rin ang epekto nito sa kanya kahit naiinis siya dito. Natataranta siya at namumula ang mukha.“Wa-wala, aalis na ako,” natatarantang sagot niya.“Bakit kailangan mong umalis kung pwede ka namang mag-stay.”‘Oo nga naman Loraine,’ sagot ng kanyang isip. “Ahm… mas maganda sigurong bigyan ko kayo ng time sa isa’t-isa,” palusot pa niya.‘Sus… ang arte talaga, if I know gusto mo rin naman akong makasama,’ natatawang tugon ni Ibrahim sa kanyang isip. “You know what, mag-stay ka na rin dito so we can have time with each other as family,” nakangiting paliwanag naman ni Ibrahim.‘Anong nakain ng Herodes na ‘to at parang ang bait bait niya ngayon?’ tanong ni Loraine sa isip.“Come on… I’m in the good mood today,” muling yaya ni Ibrahim.Nagdadalawang isip naman si Loraine na

  • A Night With Uncle Ib   Chapter 40

    Loraine’s voice is echoing through Ibrahim’s ear at parang tugtog sa computer na paulit-ulit dahil naka-repeat current song. Mabuti nga sana kung musika sa tenga ang sinabi, ang masaklap pambabasted ang sinsabi nito.‘I’m sorry Ibrahim, though we kissed the night that I was drunk, it doesn’t mean t

  • A Night With Uncle Ib   Chapter 39

    Pero habang naglalakad naramdaman ni Cleo ang sobrang kalasingan kaya napaluhod na siya sa kalsada at tuloy subsob na rin. Hindi niya napigilang mapapikit sa sobrang kalasingan.“Oh no.” Nasapo ni Jayson ang noo. Nilapitan niya si Cleo at agad na binuhat. “Hay, naku naman bosing bakit kasi si Cleo

  • A Night With Uncle Ib   Chapter 38

    “Alam mo ikaw, nagtataka talaga ako sayo e…” Tumigil si Loraine ng bahagya sa pagsasalita upang hubarin ang long sleeve na suot ni Ibrahim na nag-amoy alak na. “Ang galing mong mambully at kayang-kaya mong ipasara ang negosyo ko ha and to the extent na idamay pa ang mga kaibigan ko, tapos hindi mo

  • A Night With Uncle Ib   Chapter 37

    “Beautiful naman ng Beshie ko, alam mo kung tinanggap mo pa yung necklace na binigay ni Ibrahim naku siguradong lalong ang ganda mo,” puri ni Cleo.“Besh para namang hindi tayo magkaibigan niyan e. Alam mo namang confident tayo sa ganda natin kahit walang accessories,” pagmamalaki naman ni Loraine.

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status