تسجيل الدخولAng pagkakamaling gabi ni Faye at Aljur. Habang hinihintay ni Aljur ang kaniyang fiancee sa loob ng isang hotel, upang surpesahin ito sa kanilang anniversary. Ay hindi inaasahan na ibang babae ang maliligaw sa kaniyang kwarto. Hindi napansin ni Aljur na ibang babae ang kaniyang nakasiping at ito si Faye. Kinaumagahan, dali-dali na umalis si Faye nang matuklasan niya ang kaniyang sarili na katabi ang hindi kilalang lalaki. Tumakas si Faye dahil sa kaniyang takot. Ngunit, nang magising si si Aljur ay agad niya itong pinahanap. Upang alokin ito ng malaking pera at pagtahimik ni Faye. Sa hindi inaasahan, ay muling nagkita si Aljur at ang kaniyang fiancee na si Shantell habang hinahanap pa ni Aljur si Faye. Mauudlot kaya ang paghahanap ni Aljur kay Faye? Paano kung hindi tanggapin ni Faye ang alok ng lalaki? Maitatago ba ang mga naganap? O ito ang magbabago ng lahat?
عرض المزيدFAYE POINT OF VIEW
"Cris, hindi ba nakakhiya ang suot ko? Masyadong maikli kasi ang suot kong palda ehh. Wala na bang iba diyan?" Hindi ko akalain na magsusuot ako nag ganitong kasuutan na hidni ko naman dapat sinusuot. "Faye, kailangan mong isuot 'yan kung gusto mo nang trabaho. Hotel ang papasukan mo kaya dapat magig maganda ka at sexy. Hindi ko naman kailangan magsuot ng puro pang badoy na kasuutan ehh. Iwanan mo na ang nakasanany mo sa probinsya niyo. Kasi, isa dito sa lugar na 'to. You need to be formal." Tila may tama naman sa sinabi niya. Ngunit, hindi ko alam kung kaya ko ba talagang magsuot ng ganito. Pero, sa nakikita ko, wala na akong ibang pagpipilian pa. Kailangan ko rin ng pera para sa inay ko. Kaya, gagawin ko ang lahat upang magkapera ako. Bago pa man ako maka-uwi sa probinsiya. "Sige na Faye. May gagawin pa ako sa kwarto ko. Kaya naman, magmadali ka na rin, ihatid mo na rin ang mga pagkain at inumin na 'yan sa room 13. Huwag kang papalpak ahh. Para naman mas malaki agad ang makukuha mong pera. Lalo na kung sasamahan mo siya sa kwarto niya." Biglang nagulo ang isipan ko sa sinabi niya. "Sasamahan? Bakit ko naman sasamahan? 'Di ba, maghahatid lang ako ng mga pagkain at inumin nila?" pagtataka ko. Nakaramdam tuloy ako nang pag-aalangan. "Hayts, ano ka ba naman, hindi ka pa nga nagsisinumala ang dami mo nang reklamo Faye. Huwag nang maraming tanong, umalis ka na." Medyo nagagalit na siya kaya naman natuo na lamang akong makinig. Lalo na ayaw ko siyang nagagalit sa akin, lalo na mahal na mahal ko siya. "Love, magkita tayo pagkatapos ng trabaho ko ahh," dagdag ko pa. "Oo na, sige na," wika naman niya. Nagmadali akong lumakad habang dala-dala ko ang mg pagkain at tubig. Na dapat kong dalhin sa room 13. Nang nasa tapat na ako nito ay nakaramdama ko ng kaba. Hindi ko alam kung bakit, pero, tila nadapuan ako ng takot. Ngunit, nasa isipan ko ang dapat kong gawin para sa inay ko. Kaya naman, kahit nag-aalinlangan ay may pinindot pa rin akong doorbell sa pintuan nito. Ilang minuto akong naghintay dito. Hanggang sa tumumbad sa akin ang isang lalaki. Napalunok laway anman ako. Sa nakikita ko, mukhang taga ibang bansa siya. Nakakatakot siya para sa akin lalo na nababalutan siya ng mahabang buhok sa mukha niya at may tattoo pa. Hindi naman sa judgemental, pero, mukha siyang adik. "Sir, ito na po ang pagkain at inumin niyo." Kahit paano ay piunatili ko ang sarili ko na ngumiti at lakasan ang loob ko. Trabaho lang 'to, kailangan ko 'tong gawin. "Okay, come in. You can get inside. I want you to stay here, can you?" English siya, kahit boses niya ay nakakatakot din. Mabuti na lang kahit wala akong pinag-aralan ay marami akong lengguwaheng alam. "Okay po sir. Thank you," tanging sagot ko. Kahit kinakabahan pa ako. Gusto niya akong pumasok kaya wala akong choice kundi ang pumasok sa kwarto niya. Masyado naman tahimik ang loob. Malamang sa malamang ay mag-isa lang siya dito. "Sir, I'm going outside now, because I'm done already," sabi ko pa. Hindi ko nga alam kung tama ba ang binibigkas ko. Akmang aalis na sana ako. Ngunit, bigla niya lang ako hinawakan sa braso ko. Dahilan ng pagkatakot ko. "You're not leaving. You going to sty with me," aniya nito n kung mkapagsalit ay siya ang boss. "I'm sorry but I can't. So please, bitawan mo ako!" sigaw ko sa kaniya, habang pinipilit kong tanggalin ang kamay niya. Mula sa pgkakahawak niya sa akin. "No, your not going to leave!" sigaw din niya. Bigla niya akong binuhat at itinapon sa kama. Matapos nito, nasaksihan ko ang pagmamadali niyang pagtanggal ng kaniyang botones. Kaya naman, dali-dali din akong bumangon. Ngunit, kahit ilang ulit pa kong tumakbo ay hindi ako makalapit sa pintuan. Hanggang sa mahigpit niya akong hinawakan ulit. Gayunpaman, ginawa ko pa rin ang lahat upang akatakas sa kaniya. Labis ang kaba na nakadapo sa bibig ko habang pilit na tumatakas sa lalaking ito. Hanggang sa, isang bote ang aking nahawakan. Sa sobrang takot ko ay hindi ko sinasadyang ihampas ito sa mismong ulo niya. Kita ko ang dugo niya. Kaya agad kong binitawan ang bote, sabay labas ko ng pintuan. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Pakiramdam ko rin ay nahihilo ako at nang iinit ang buong katawan ko. Wala naman akong ibang ginawa kanina o kumain man lang. Tanging tubig lang naman ang ininuom ko kanina na ibinigay sa akin ni Cris. Kaya, hindi ko alam kung ano ang nanagyayari sa akin. Sa kakatakbo ko, hindi ko sinasadyang makapasok sa isang kwarto. Nais ko nang maghubad, humiga sa kama at kung ano-ano pa ang gawin ko upang mawala lang ang init sa buong katawan ko. Hanggang sa maya-maya lamang ay nakaramdam ako ng mainit na haplos mula sa likuran ko. Nais kong lumaban ngunit, hindi na kaya ng katawan ko. Kaya naman wala na akong ibang magawa kundi ang sumabay sa nais ng taong 'to. Kunting ilaw lang ang nakikita ko, ngunit, nahahagilap ko pa rin naman ang mukha niya. Mapusok niya akong hinalikan, na nagustuhan din ng labi ko kaya naman ay sumabay na agad ako. Hanggang sa sabay kaming napahiga sa malambot na kama. Ngunit, patuloy pa rin ang paghahalikan naming dalawa. ..... Kina-umagahan, gulat akong nasaksihan na may ibang lalaki sa tabi ko. Ano ba 'tong ginawa ko? Gusto ko lang naman ng trabaho, hindi ang bagay na 'to. Labis akong nakaramdam ng kaba, kaya dali-dali akong bumangon at dinampot ang mga damit kong naka-kalat sa sahig. Ano ba ang dapat kong gawin upang mabayaran ang lalaking 'to? Naisip ko ang wallet ko kaya agad ko itong hinanap at kinuha. Binuksan ko ito at nakita kong may 4000 pesos pa ako. Siguro naman ay sakto pa ang pera ko. Ibibigay ko na lang sa kaniya ang 2000 pesos ko at 2000 pesos naman akin. Agad ko itong inilagay sa kamay niya. Ngunit, pinagmasdan ko ang itsura niya, masyado pala siyang may itsura. Kaya sana, patawarin mo ako. Hindi ko sinasadya ang nangyari sa ating dalawa. Huwag ka sana magalit, dahil ito lang ang pera ko. Napansin ko ang paggalaw niya. Kaya naman, dali-dali akong tumakbo papalabas ng pintuan ng kwarto niya."Anong ginagawa mo dito Reah?" deretsahang tanong ko. Nadatnan namin siyang nandito sa sala. "Nandito ako para humingi ng tawad sa 'yo at para tuluyan na rin na nagpaalam," nakangiting sagot niya. Sincere naman ang boses niya kaya hindi ako magtataka o magdududa. Hindi ka alam kung ano ang naging plano ni Suzanne. Pero gusto kong malaman. "Faye, Aljur umupo kayo dito." Pina-upo kami ni Suzanne habang nasa harapan namin si Reah. Napaupo na rin si Pepeto sa tabi namin. Oum, kumpleto kami ngayon dahil nandito rin si Vincent. Pero wala ang anak ko. "Sige. Makikinig kami sa mga sasabihin mo," seryosong tugon ko kay Reah. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Natanggap ko na matagal na ang desisyon ni Aljur na tigilan na namin ang relasyon namin. Na-realize ko rin noon pa na kahit na kailan ay hindi niya ako kayang mahalin ulit. Kaya napagdesisyunan ko na ang umalis ng tuluyan sa bansa. Pero bago 'yon nakipagtulungan muna ako kay Suzanne. Ibinigay ko sa kaniya ang lahat ng mga e
Mas lalong tumulo ang mga luha ko nang makita ko si Aljur. Nandito na siya sa harapan ko. Sa wakas! Muli ko siyang nakita ng malapitan. Pareho kaming gulat sa isa't isa. 'Yong tipong tilay may malamig na hangin ang dumapo sa paligid namin. Kaya ramdam na ramdam ko kung gaano kami kasabik sa isa't isa. Habang tumutulo ang mga luha ko. Matamis na ngiti ang ibinigay niya sa akin. Hanggang sa mag Isnag butil ang tumulo din sa kanang mata niya. Sa dami ng mga tao dito. Parang nag-fastforward sila. Habang kaming dalawa ay bumalik sa masayang nakaraan namin. "Mabuti na lang hindi ako tumuloy. Dahil kung tumuloy ako, siguro ko mas lalong hindi kita makikita. Sana hindi ako nananaginip sa loob ng sasakyan na sinakyan ko kanina. Sana totoo ang lahat ng ito. Nandito ka na sana sa harapan ko Faye. Dahil matagal na kitang hinihintay na bumalik sa akin." Ramdam na ramdam ko ang sakit ma nararamdaman niya. Kaya naman dahan-dahan akong lumapit sa kaniya. Hinawakan ko ang malambot niyang pisngi at p
Hindi umakyat si Pepeto sa stage. Kundi nagsalita lamang sa siya ibaba. Ito ay pagpapakita ng kaniyang galang. "Pepeto? Anong meron? Bakit ikaw lang? Asan ba si Aljur? Kanina ko pa siya hindi nakikita eh," sunod-sunod kong pag-aalalang tanong. Huminga siya ng malalim. "Faye, kailangan mo siyang puntahan sa airport. Kanina ko pa siya tinatawagan pero hindi siya sumasagot. Naka-off yata ang cellphone niya kaya hindi niya alam na tumatawag ako." Mas lalo akong nakaramdam ng kaba. Anong airport ang sinasabi niya? Hanggang sa maalala ko ang sinabi ni Aljur ng muli kaming magkita. Kung gano'n may balak siyang umalis ng bansa? Kaha sinabi niya na sa susunod na mga taon? Hindi pwede, hindi ako papayag na mawala siya. "Aalis siya ng bansa. Para tuluyan siyang maka-move on sa inyo ng anak niyo. Faye matagal na panahon ka niyang hinintay na bumalik. Pero kailangan niya rin mag-focus sa buhay niya at sa kompanya na meron siya. Pero hindi niya magawa dahil umaasa pa rin siyang babalik ka. Hang
"Hindi kailangan ng kambal ko ng pekeng jewelry. Pero ang kapatid ko ay may handog pa rin para kay Dalia at sa mga kasama niya." Dagdag pa ni Suzanne na may seryosong boses. "Hayts, mabuti pa huwag na tayo maingay. Tingnan na lang natin kung ano ang regalo ni Faye. Buti pa siya nakaisip ng magandang handog. Hindi tulad ng isa diyan, peke!" sagot pa ng isang bisita. Dahilan na matahimik sila at nakaabang sa screen. Lumapit ako kay Dalia at bumulong. "Ikaw Dalia, handa ka na ba? Sana handa ka na." Matapos ko itong sabihin sa kaniya pakiramdam ko ay nakaramdam siya ng takot. "Chill. Magugustuhan mo 'to. Siguro nga ay mapapa-iyak ka pa dito," sabay ngiti ko. Nanginginig si Dalia sa takot. Mukhang naramdaman niya yata ang magandang regalo ko. Hindi ko na pinatagal pa. Maya-maya pa ay walang alinlangan na binuksan ang screen. Hanggang tumumbad sa kanila ang video kung paano ako pinahirapan. Gulat na gulat ang mga bisita. Mas lalo na ang reaksyon ni Dalia at ng mga kasama niya. Oo
FAYE POINT OF VIEW Hindi ko maiwasan titigan ang anak ko. Kanina pa siya naglalaro dito sa loob ng kwarto, sa tabi ko. Halos napapangiti ako habang pinagmamasdan si Darck. Ngunit, hindi ko maipagkakaila na muli kong pinapangarap na makasama ang kaniyang ama. Ngunit, alam ko rin naman malapit na
FAYE POINT OF VIEW Hindi ko akalain na buhay pa pala ang anak ko. At mas lalong hindi ko inaalala makakayakap ko siya ngayon at makakausap. Muling nabuhayan ang aking puso at pag-asa. Ngunit, sa kaniyang hiling tungkol sa kaniyang ama ay hindi ko agad maibibigay. Gayunpaman, labis akong nagpapasa
C O N T I N U A T I O N......"Ano ba ang sinasabi mo diyan Vincent? May tinatago ka ba sa akin?" pagtatakang tanong ko, ngunit binigyan niya lamang ako ng malademenyo niyang tawa."Wala, ano naman ang itatago ko? Si Pepeto? Hahah, maybe you will know soon. Soon as possible," na tatawang sagot niya
ALJUR POINT OF VIEW "Aljur, ano ba nangyayari sa 'yo? Bakit parang hindi ka mapakali? Kakarating lang natin dito sa office mo ohh, tapos parang gusto mo pang lumakad at lumabas. Ayos ka lang ba talaga huh? Just tell me if not. Tell me if you need something. I'm just here, okay?" dere-deretsang a












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
المراجعاتأكثر