เข้าสู่ระบบINIISIP PALANG NI JASMINE ang lahat, nagpapanic na talaga siya. Ilang taon na ang nagdaan. Ito talaga ang pinakakinakatakutan niyang mangyari... na paano kung malaman ni Leo ang totoo?At ngayon, mukhang ang takot niya ay nagiging reyalidad na.Nandilim ang ekspresyon ni Carla. Wala sa kanila ang nag expect na hindi magtatagumpay si Mona sa plano. Tapos ngayon, iniignora pa ni Leo ang mga tawag ni Jasmine. Iyon palang, parang masyadong delekado sa parte nila, eh."Mom..." Nanginig ang boses ni Jasmine. "P-Paano kung malaman ni Leo ang totoo talagang nangyari sa kweba? Paano kung ang babae talagang hinahanap niya noon doon ay si... Hyacinth lang pala?"Agad namutla si Carla doon pero matigas siyang umaling. "Hindi maari!" asik niya at napalinga dahil baka may nakarinig sa kanila. "Hindi maaari dahil hindi naman talaga mangyayari iyon. Kaya 'wag mo ng babanggitin pa ang tungkol diyan."Napatakip lang sa labi si Hyacinth. Mabuti na lang at sila lang ang nandoon. Walang nakarinig sa pinag
BUMILIS ANG TIBOK NG puso ni Hyacinth. Ang alaala niya sa gabing iyon ay muling nanumbalik sa kaniyang isip. Sa gabi ring iyon, parang ang bilis ng mga pangyayari at wala silang kontrol. Pero ngayon... may wisyo na si Leo at ang mga mata nito ay nakafocus na lang ngayon kay Hyacinth.Ibang iba ngayon... lahat ay kakaiba."Leo..." ani Hyacinth, sinusubukang 'wag panginigan ng boses. "Bitawan mo ako."Imbes na sumagot, may kinuhang bagay si Leo sa kaniyang bulsa na maliit lang. Napakurap lang sa pagkalito si Hyacinth.Maliit iyon na dilaw na hair clip. Si Leo mismo ang naglagay no'n sa basang buhok ni Hyacinth. At naglabas ulit ng bago... pink naman. At may isa pa. Nanigas na lang si Hyacinth sa kaniyang pwesto.Iyon ang mga hair clips na nagustuhan niya nang nagshopping siya kasama sina Cassie at Annika. Gusto talagang bilhin iyon ni Hyacinth sa araw na iyon pero bigla kasing dumating si Mona kaya hindi niya nagawa."Binili mo 'to?" gulat na tanong niya.Tahimik lang na nakatitig si L
BUMALIK ANG TINGIN NI Leo sa dorm nila Hyacinth. Noon, nagkukumahog siyang bumalik kay Jasmine kapag tinatawagan siya nito.Pero ngayon...Hindi niya kayang umalis. Hanggang sa nagulat siya nang magvibrate ang kaniyang phone dahil sa bagong follow request.Galing iyon kay Annika.Agad na inaccept iyon ni Leo. Hanggang sa ilang saglit lang, sinend bigla ni Annika ang screenshot ng naging conversation nila ni Hyacinth.Ang naging flow ng conversation na iyon ay nagtatanong si Hyacinth kung saan ay ang 'kaibagan' daw nito umano ay may nakaniig na lalaki. Pero ang lalaki ay hindi na siya kinontact pa. Tinanong pa ni Hyacinth kung ano ang ibig sabihin no'n para kay Annika.Hindi pa gaanong naiintindihan noon ni Annika ang gustong iparating talaga ni Hyacinth pero sinagot lang naman niya iyon ng kaswal lang. Sinabi ni Annika na kaya baka dahil ganoon ang lalaki sa 'kaibigan' ni Hyacinth, ay dahil nawalan na ito ng interest matapos nilang magniig. Na hindi nito kayang kunin ang atensyon ito.
"KUNG NAY NANGYARI TALAGA sa amin, aaminin ko naman agad, eh," ani Leo habang sinasalubong ang mga matang nakatingin sa kaniya ni Hyacinth. "Wala talaga..."Kalmado lang ang boses nito, hindi man lang kinakabahan."Hindi ko iyong tipo ng lalaki na kapag gumawa niyan ay idedeny agad..." dagdag pa ni Leo.Hindi nakapagsalita si Hyacinth. Napakarogante kasi ng tono ng boses ni Leo. Tama nga naman nito. Hindi talaga ito 'yung klase ng lalaki na idedeny ang ganitong bagay. Baka ipanglandakan pa nito."Kung gano'n... ano ba talaga ang relasyon mo kay Mona?" tanong ni Hyacinth."Nagpanggap siyang bilang ikaw noong gabing iyon..." ani Leo."Ano?" Hindi makapaniwala si Hyacinth kasabay ng pamimilog ng kaniyang mga mata."Sa umagang iyon nang umalis ka, pinuntahan ako ni Mona," saad ni Leo. "Pagkagising ko, siya na 'yung nasa tabi ko. Agad niyang inamin na siya iyong nakaniig ko sa gabing iyon."Tila napagtagpi tagpi lahat ni Hyacinth sa isip niya. Sa umagang iyon, tinawagan siya ni Mona at nak
ANG INGGIT NI MONA kay Hyacinth ang siyang naging mitsa ng lahat sa katapusan niya. Iyon ang pinakamalaking pagkakamaling nagawa niya sa buong buhay niya.Tapos na talaga lahat kay Mona.Bumaling ang kaniyang tingin kay Levi. Siya na lang ang natitirang taong sa kaniya. Siya na lang ang mayroon siya ngayon. Galing sa mahirap na pamilya si Levi pero maayos ang trato nito kay Mona. Ginawa nito ang lahat at nagtrabaho para sa babae. Sa nagdaang taon, malaki na ang nagastos ni Levi kay Mona pero hindi niya ito isinumbat sa babae. Kapag may problema noon ang pamilya ni Mona, willing na willing tumulong si Levi agad.Kaya hindi pwedeng mawala si Levi kay Mona."L-Levi... I'm sorry. Kasalanan ko ang lahat," humihikbing ani Mona at inabot ang kamay ng lalaki. "Nagmamakaawa ako. Iuwi mo na ako. Lagi na akong magsstay sa tabi mo. Mamumuhay na lang ako ng p-payapa kasama ka..."Nabigla si Mona nang palisin ni Levi ang kaniyang kamay. "Ngayon na wala na ang lahat sa iyo dito sa syudad, saka mo n
"A-ANO? PAANO MO NALAMANG buntis ako?"Hindi makapaniwala si Mona. Natigilan na lang siya at halos hindi na makahinga sa pwesto.Biglang may kinuha si Levi sa loob ng kaniyang bulsa. Isang dokumento iyon at ipinakita iyon kay Mona."Ito. Dokumento na nagsasabing buntis ka nga. Idedeny mo pa rin ba?" mapait na tanong ni Levi na siyang ikinamilog ng mga mata ni Mona.Nagpaheck up siya sa ospital sa nagdaang mga araw. Paanong napunta sa kamay agad ni Levi ang report na iyon?Mabilis hinablot ni Mona ang papel sa kamay ng lalaki. "Saan mo nakuha ito?""May nagbigay lang sa 'kin."Ang tanong na lang talaga ni Mona ay... sino? Sino ang nagbigay no'n kay Levi?"Bakit hindi mo sinabi sa 'kin, Mona? Kasi kapag nalaman ko ng mas maaga, paniguradong kasal na tayo ngayon," nanghihinang sambit pa ni Levi.Matigas na umiling si Mona. "Hindi! Hindi sa iyo ang batang dinadala ko!" hindi na niya napigilang isigaw.Hinding hindi niya aaminin ang totoo sa lalaki. Dahil sa isip niya, ang tanging ama sa a
"A-ANO? PARANG nabingi yata ako," sabi ni Hyacinth at bahagyang napahalakhak upang mabawasan ang kaseryosohan ni Rui pero hindi naman umobra."Narinig mo kung ano ang sinabi ko, Hya. Gusto kitang maging girlfriend..." saad ni Rui.Bahagyang napailing si Hyacinth. "P-Pero... laking probinsya ako...
AALIS NAMAN na sana si Hyacinth sa ospital na iyon pero tumigil muna siya sa isang gilid. Ilang minuto ang lumipas ay saka siya umalis doon pero hindi sinasadyang nakasalubong niya si Jasmine na tila inaabangan siyang dumaan."Hyacinth..." tawag ni Jasmine."Bakit, Jasmine? Anong kailangan mo?" tak
"HYACINTH? ANO na namang ginagawa mo dito?" mataray agad na bungad na tanong ni Jasmine nang makita si Hyacinth.Naparolyo ng mga mata si Lira. "Bakit ka na naman nanditong babae ka, huh? Naiinis na ako sa pagmumukha mo dahil sa panlalandi mo kay Rui! Pwede bang umalis ka na lang? May importante ka
PARANG NABLANGKO ang isip ni Hyacinth bigla. Hindi siya makapaniwala sa ginawa ni Leo. Oo, naghalikan na sila noonh una. Pero iba ang ngayon dahil si Leo mismo ang nagfirst move.Sinubukang itulak ni Hyacinth si Leo. "Ano ba, Leo!?" asik niya rito.Ngunit hindi natinag si Leo. Ipinagpatuloy niya an







