LOGINPAGKAPASOK NI MONA, agad niyang nakita si Leo na natutulog sa sofa. Ang mga damit nito ay nasa sahig, obvious na may ginawang 'kababalaghan' kagabi.Unti unting tinanggal ni Mona ang kaniyang damit bago tuluyang nahiga sa tabi ni Leo. Hindi niya mapigilang mapatitig sa mukha ng lalaki. Gwapong gwapo talaga siya rito ngayong mas nakikita na niya ito sa malapitan. Mas lalo lang tuloy siyang humahanga rito.Si Leo... ang pinakamayamang businessman sa bansa ngayon...Bumilis ang tibok ng puso ni Mona sa loob ng kaniyang dibdib. Sinubukan niyang mas lumapit kay Leo upang maipaloob ang katawan sa matigas nitong braso.Pero bago pa iyon mangyari, unti unting nagmulat ng mga mata si Leo nang naramdaman na tila may gumalaw sa kaniyang tabi."Gising ka na... M-Mr. Cantavieja?" tanong pa ni Mona.Nang tuluyang maimulat ni Leo ang mga mata, nakita niya ang babaeng nakahiga sa tabi niyang hindi naman pamilyar sa kaniya. Mabilis na bumangon agad si Leo sa gulat."Sino ka? Anong ginagawa mo dito?" t
"FINE. AALIS AKO," kalmadong saad ni Hyacinth. Ang akala siguro ni Leo ay magmamakaawa siyang magsstay. Pero hindi. Tatalikod na sana si Hyacinth upang makaalis pero mabilis siyang napigilan ni Leo at nahuli sa kaniyang braso."Hyacinth!" tawag pa nito."Ano?" medyo inis ng tanong ni Hyacinth at nilingon ulit si Leo.Bago pa man makapagreact si Hyacinth, hinila na siya nito ulit ni Leo hanggang sa napaupo na siya sa tabi nito. Tumingin si Leo kay Hyacinth. At sa klase palang ng tingin nito, alam na alam na agad ni Hyacinth na parang wala ito sa hulog at nahihirapan na rin itong kontrolin ang sarili.Ramdam ni Hyacinth na tila mas naging tense pa ang hawak sa kaniya ni Leo kaya naman sinubukan niyang kumawala dito."Bitawan mo ako, Leo," mariing wika ni Hyacinth.Sumunod naman si Leo pero hindi nito tuluyang hinayaang makaalis si Hyacinth. Hinarangan niya ito sa harap at mas lumapit pa rito. Agad namang naalarma si Hyacinth doon at kukunin sana ang lagi niyang dalang maliit na patalim
DIKIT NA DIKIT ANG KANILANG mga katawan. Ramdam ng malambot na katawan ni Hyacinth ang init at katigasan din ng katawan ni Leo.Sinubukan ulit ni Hyacinth ang lumayo pero pader na ang nasa likod niya kaya wala na talaga siyang kawala."Ano ngayon?" matapang na tanong ni Hyacinth, pinapakita sa lalaki na hindi siya apektado sa lapit nila sa isa't isa."Lagi na lang kayong magkasama ni Rui. Lahat ng oras mo, nasa kaniya... ngayong gabi, ako naman..." halos pabulong na sambit ni Leo at mas lumapit pa kay Hyacinth. Pinatakan nito ng halik ang puno ng tainga nito. "Hyacinth... gusto kong gawin na natin ulit iyon..."Suminghap si Hyacinth. Hindi naman siya tanga para hindi mapagtanto ang gustong mangyari ni Leo. Ang totoo niyan, alam na niya agad na baka ito nga ang balak nito ngayon.Pero bakit hindi na lang si Jasmine? Bakit umalis siya sa mansion ng mga Dominguez?Ayaw mang isipin ni Hyacinth pero baka siguro pinuntahan siya ni Leo ngayon para maglabas ng init ng katawan. At ayaw nitong
NAPAPIKIT NA LANG NG MARIIN si Leo. Nang muli niyang imulat ang mga mata, parang nagdadalawang isip na siya. Pero bago pa man makapagsalita ulit si Jasmine, tinanggal na ni Leo ang pagkakakapit nito sa kaniyang braso na hinawakan nito kanina."Magpahinga ka na lang, Jasmine."Matapos no'n ay tuluyan na siyang umalis. Hindi na ito lumingon pa.SAMANTALA, BUMALIK SI HYACINTH sa ospital. Tinungo niya agad ang private room kung nasaan si Rui. Naabutan niyang may kung ano itong pinipindot sa phone na may kinalaman sa business."Kailangan kong makausap si Leo..." saad ni Rui at idinial na agad ang numero ni Leo.Ang kaso nga lang, walang sumasagot. Inulit na naman iyon ni Rui pero ganoon pa rin. Wala pa ring sumasagot. Hindi tuloy maiwasan ni Rui ang mapasimangot na lang."Nasaan ba kasi iyon? Ba't hindi sumasagot?" kunot noong tanong na lang niya.Tahimik lang noong una si Hyacinth. May prineprepare itong maligamgam na tubig. Hanggang sa hindi na niya natiis pang sagutin si Rui."Busy sig
HINDI PA TALAGA TULUYANG UMALIS si Hyacinth ng gabing iyon. Naglakad lakad lang siya at napunta sa swing sa ilalim ng puno. Natatandaan pa niya ang swing na iyon. Mismong Daddy niya ang nagkabit no'n noong bata palang siya.Kapag umuupo siya doon noon, mismong ang daddy niya ang magtutulak sa swing sa hangin."Lilipad na anak ko!" sigaw pa noong ng Daddy niya at natatawa na lang din sa masayang reaksyon ni Hyacinth.Pero isang alaala na lang talaga iyon. Isa sa mga memorya ni Hyacinth noong bata pa siya na hinding hindi niya makakalimutan.Ngunit natigilan si Hyacinth. Dahil wala na doon ang swing na ikinabit ng Daddy niya.Pinatagal na iyon matagal na ng kaniyang Lola Rebecca. Napatitig na lang doon ng matagal si Hyacinth. Pakiramdam niya, may tumusok sa puso niya at nabura ang isang bagay na nagpapaalala sa kaniya ng Daddy niya.Napakuyom na lang ng kamao si Hyacinth. Parang may puwang sa dibdib niya bigla... walang pinagkaiba sa lugar niya sa pamilya nila. Binura na siya ng tuluyan
NAGKAPALITAN NG MAKAHULUGANG tingin sina Jackie at Wilbert."Ginamit namin ang kompaniya natin as collateral for loan."Nagulat ang lahat doon. Kasi para na rin nilang sinabi na isinakripisyo nila ang buong kumpaniya nila! Kalmado pa rin doon si Seth pero nagsalita rin. "'Wag kayong mag alala. Hangga't ako ang nagmamanage, walang mangyayaring hindi maganda. 'Yung nainvest na pera ay madodoble o matitriple pa nga sa loob ng isang taon," pang aassure din niya. "Ibig sabihin lang no'n, mas yayaman pa si Shaina."Masyadong confident si Seth na talagang kuhang kuha niya ang buong pamilya. Paniwalang paniwala ang mga ito. Syempre naman, hindi na sila magdududa lalo pa at mismong legendary doctor na ang nagsalita. Hindi mo na kailangan pang pagdudahan ito.Naging interesado na rin sina Jasmine. Hindi na rin nito maiwasang mapatanong."Pwede rin ba akong mag invest?" tanong ni Jasmine."May sarili rin naman kaming company. Pwede rin naming gamitin iyon sa collateral for loan para mag invest,
ISANG MINIVAN ang sasakyang gamit ni Romeo. Mabilis ang pagpapatakbo nito habang panaka nakang sumusulyap sa backseat ng sasakyan kung saan nandoon si Hyacinth na wala pa ring malay hanggang ngayon.Napalunok naang siya habang nakatingin sa katawan nito kahit sa rearview mirror lang. Ang dami na ni
SA NIGHTCLUB NAKIPAGKITA si Romeo. Hindi na nagtakha pa si Hyacinth. Talagang iginugugol ba naman ni Romeo ang oras niya lagi sa pagpaparty.Sa loob ng VIP room, nakaupo si Romeo habang may dalawang babae sa magkabila nito, nilalambing siya. "Wow... may isa pa kaming kasama? Maganda siya... pero s
"KUNG ANU ANO pang sinasabi mo diyan, Hyacinth. Ibigay mo na lang ngayong gabi ang one hundred million na hinihingi ko o lalabas itong mga litrato mo. Hihintayin kita," sagot lang ni Romeo at mabilis ng pinatay ang tawag.Hindi makapaniwala si Hyacinth. Napahigpit na lang lalo ang hawak niya sa pho
HINDI PA MAN nakakasagot si Hyacinth, may katulong biglang lumapit."Ma'am Hyacinth, may padala po sa inyo," saad ng katulong.Kinuha ni Hyacinth ang box. "Ah, salamat. Pero kanino po galing?" takhang tanong niya."Ah... sa tatay niyo po," sagot nito.Natigilan si Hyacinth. Si Romeo na naman kasi.







