LOGINLAHAT NAKITA NI HYACINTH. Ang paglapit ni Mona kay Leo at ang distansya nilang halos wala ng makadaang hangin sa pagitan nila. Namuo ang mapait na ngiti sa labi ni Hyacinth.Ganitong ganito ang gusto ni Leo sa mga babae niya. Ganito ang type niya. Wala pa rin pala talaga itong pinagbago.Umiwas ng tingin si Hyacinth. Hanggang sa ilang saglit lang, nilapitan siya ng manager ng bar."Miss, oorder ka ba ng maiinom?""Hindi po," mabilis na sagot ni Hyacinth."Ah, okay. Pero may... iba ka bang gusto? Or any requests?" mabait pang tanong nito.Natigilan si Hyacinth. Hanggang sa biglang pumasok sa isip niya ang isang bagay. "Gusto kong... sumayaw.""Huh? Sayaw?" ulit pang tanong ng manager."Yep. Pole dance," sagot pa ni Hyacinth.Ewan ba niya at iyon ang pumasok sa isipan niya ngayon na gustong gawin.NAKATITIG PA RIN SI MONA kay Leo na tila ayaw nitong mawala ang lalaki sa paningin niya. Hanggang sa napansin niya ang tila pagbabago ng ekspresyon nito."Ano? Aakto ka na namang parang ibeben
"GUSTONG GUSTO AKO NI LEO..." dagdag pa ni Mona habang matamis na ngumiti. Matapos no'n ay naglakad na ito papalayo kasama ang mga staff nito at iniwan si Hyacinth na natulala na lang.Saka lang nakabalik sa reyalidad si Hyacinth nang marinig muli ang boses ni Atty. Gaspar."Ms Hya, ayaw ko mang sabihin 'to pero kapag kinalaban natin ang Cantavieja Group, malaki ang tsansa na baka... hindi natin kayanin. Ang tanging paraan upang mailabas natin si Ms. Samonte ay ang direktang pakiusapan na lang si Mr. Cantavieja mismo..."Hindi agad sumagot doon si Hyacinth pero biglang nagring ang kaniyang phone. Tumatawag si Leo. Napatitig ng matagal sa screen ng kaniyang phone si Hyacinth pero sinagot din naman kalaunan."Nandito na ako sa korte. Kanina pa ako naghihintay. Nasaan ka na ba?" bungad ni Leo sa kabilang linya.Napapikit na lang ng mariin si Hyacinth. "Leo, may nangyari kasi--""Ano na naman ba itong binabalak mo, Hyacinth? Ikaw naman ang may gusto gusto nito, 'di ba? Tapos ikaw naman it
ISANG SAGLIT LANG ay tila natahimik sila pareho at ang tanging naririnig ay ang paghinga nila pareho. Humigpit ang hawak ni Leo ngunit lumwag din naman kalaunan kasabay ng mas malalim nitong tingin."Nakakadiri ako? Saan ako banda naging nakakadiri sa iyo, huh?" tila maangas pa nitong tanong."Kayong dalawa ni Mona... nakakadiri kayong dalawa..." deretsahang sagot ni Hyacinth. "May nangyari sa inyo, 'di ba?"Agad nanigas si Leo pagkarinig ng tanong na iyon. Hindi siya agad nakasagot. Hindi niya alam na alam na agad ni Hyacinth ang katotohanang iyon. Paano nito nalaman ang tungkol do'n? Hindi pwede. Hinding pwedeng sa ganitong paraan malalaman ni Hyacinth ang nangyari sa kanila ni Mona.Unti unting pinakawalan ni Leo si Hyacinth. Ang kamay nito ay marahang pumisil bigla sa baba nito at inangat iyon kaya ngayon ay nagkatinginan sila pareho."So, iyon pala ang dahilan ng lahat ng 'to, ah..." tila nang uuyam pang sambit ni Leo at malamig na tumawa. "Ang gusto mo noon ay lumayo ako sa iyo,
NAPAKUYOM NA LANG ng kamao si Mona. Hindi niya kasi maintindihan. Bakit si Hyacinth pa? Ano bang pinagkaiba nila? Parehas lang naman silang galing sa wala. Hindi naman ito nakakalamang sa kaniya.Pero si Hyacinth, mas kalmado siya kumpara kay Mona. Kayang kaya ng babae na maging kalmado at mas rasyonal talaga mag isip. Ngunit ang mas ikinaiinis ni Mona ay ang katotohanang kasal si Hyacinth kay Leo.Bakit kasi siya pa?Sa kabilang banda, naisip din ni Mona na... kung kaya ni Hyacinth, siyempre kaya niya rin. Lihim niya itong minamanmanan. Nang nalaman niyang naghahanap ng babae si Mila, pakiramdam ni Mona ay nagkaroon na siya ng chance sa panahong iyon.Ang kaso nga lang, naunahan siya. Mas naunang nagpunta si Hyacinth kay Leo. At pakiramdam ni Mona, malaking lamang iyon ni Hyacinth sa kaniya.Napayuko na lang si Mona. "Naiintindihan ko, Mr. Cantavieja..." sagot niya sa lalaki.Hanggang sa ilang saglit lang, nagring ang phone ni Leo. Agad na sinagot iyon ng lalaki at nalamang sa family
KUMPORTABLENG SUMANDAL si Mona sa kaniyang higaan. "Nauuhaw ako..." mayamaya ay sabi nito.Agad na tumalima ang assistant niya sa gilid. "Ikukuha po kita--""Hindi ikaw," putol ni Mona sa matalim na tono ng boses. Tila nanigas naman ang assistant nito at hindi agad nakagalaw. Binalingan niya ng tingin si Hyacinth, tila ineexpect nito na siya ang gagawa no'n.Gustong umalma ni Cassie sa ideyang iyon dahil hindi naman siya tanga para hindi magets ang gustong mangyari ni Mona. Pero hindi na niya napigilan si Hyacinth."Ako na ang kukuha," sabi ni Hyacinth at nagsalin nga ng tubig sa isang baso sa gilid bago iabot kay Mona."Thank you, Hya," nakangiting sabi ni Mona.Nang aabutin na ni Mona ang baso mula kay Hyacinth, napasigaw ito bigla. "Ah!"Naitulak niya papalayo ang baso ng tubig kaya ang tubig doon ay naitapon sa kamay at damit ni Hyacinth."Hot water naman itong kinuha mo! May plano ka bang pasuhin ako diyan, huh?!" asik ni Mona kay Hyacinth.Agad na tumalima si Cassie at kumuha ng
PARANG LAHAT NA AY yumuyuko kay Mona pati na ang hotel manager. Tinanggal ni Mona ang sunglasses niya kaya mas lalong naexposed ang kaniyang flawless makeup na mas lalo lang nagpatingkad ng kagandahan nito.Ngumiti si Mona. "Manager Vennie... long time no see po," anito bago bumaling sa mga ilang kasama. "Kilala ko po siya. Dito po ako nagtatrabaho dati."Bahagyang napangiti si Manager Vennie. "Ah... nakakahiya naman. Pero noon naman iyon, Miss Mona," saad nito. "At oo nga pala, ready na ang VIP room para sa inyo. This way po..." Iginaya niya si Mona at ang ilang mga kasama nito patungo sa pinakamahal nilang kwarto sa hotel.Habang pinapanuod na papalayo sila Mona, naestatwa na lang si Cassie."Hya... siya ba talaga si Mona?" tanong pa ni Cassie kay Hyacinth. "Bakit parang... ibang tao na siya?"Nakatingin lang din si Hyacinth sa papalayong bulto ni Mona. Nakita niya kung paano ngumito si Mona na puno ng pagmamalaki at satisfaction sa mga tao sa paligid niya. Ibang iba sa nakasanayan
AGAD NA BINAHA NG MESSAGE ni Alfred ang gaming account ni Hyacinth.'Accept mo na invite ko. Bilis!''Maglaro ulit tayo. Now na!''Hindi na kita hahayaang manalo ulit sa 'kin''Bakit ayaw mo iaccept agad? Natatakot ka ba?''Duwag!'Napamaang na lang si Hyacinth sa mga nabasang mensahe galing kay Al
SIGE. ISANG SALITA LANG iyon na halos hindi mapaniwalaan ni Hyacinth kung totoo. Pero ilang segundo lang ay rumehistro na sa isip niya."Salamat, Leo..." marahang sabi niya kay Leo.Sincere si Hyacinth sa pasasalamat niyang iyon. Pero isang malamig na halakhak ang namutawi sa labi ni Leo."Hyacint
"O-OUCH, CASSIE. ANG sakit. Dahan dahan lang, please..." ani Hyacinth kay Cassie.Nakabalik na siya ng dorm nila. Ngayon ay kasalukuyang ginagamot ni Cassie ang kaniyang namamagang pisngi. May hawak itong icebag habang idinadampi ito sa pisngi ni Hyacinth.Hindi maiwasang mainis ni Cassie habang na
NANLISIK LALO ANG TINGIN ni Hyacinth kay Axel. Itinulak niya ito, bahagyang hiningal dahil mabigat ang lalaki. Gusto na niya itong takasan sa kabila ng namumuong takot sa loob loob niya.Lalaban pa rin siya. Hindi siya pwedeng kumalma dahil kahit sino namang babae na nasa posisyon niya ngayon, mata





![Hiding The Dangerous Bodyguard's Son [A.G.S #3]](https://yfbwww.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)

