Share

CHAPTER 6.

Author: Casseyyy
last update publish date: 2024-12-14 06:00:04

Dahan-dahang itinulak ni Lyca ang pinto ng opisina ni Andrei at punmasok sa loob. Mababakas sa maamo niyang mukha ang ang pagiging kalmado. Bahagyang dumaan ang paningin niya kay Trixie, bago niya inilapag sa desk ni Andrei, ang naka-print na mga dokumento.

“Mr. Sandoval, ‘yan pala ang ang pinakabagong impormasyon mula kay Mr. Bautista. Ang CEO ng DR Corp. At ng kanyang kanyang kapatid na si Dean,” aniya na inilahad pa ng mga kamay ang dokumento sa dating asawa. Seryoso ang anyo niya at hindi mo makikitaan ng ano pa man.

Si Dean ay nakababatang kapatid ni Derek. Tulad ng kapatid nito ay May pagkatahimik din lamang ang lalaki at seryoso. Parang ang lalim palagi ng iniisip sa buhay.

Bahagyang kumunot ang noo ni Andrei, at dahan-dahan na itinuon ang mga mata kay Lyca. Bagay na hindi nakaligtas sa paningin ng dalaga.

Pasimple niyang sinundan ng mga mata ang tingin ni Andrei. Napansin niyang nakatuon ang paningin nito sa suot niyang palda na lagpas tuhod at may slit sa gilid na labas ang kalahating hita niya. Bahagyan siyang nailang sa paraan ng pagtitig sa kanya ng dating asawa. Palagi naman siyang nagsusot ng ganito sa trabaho, pero kakaiba ang mga titig nito ngayon sa kanya. O, masyado lang siyang assuming.

“Nanliligaw ba sa ‘yo si Dean?” malamig ang tono na tanong ni Andrei sa kanya. Karaniwang tono sa pagitan ng isang boss at tauhan.

“Nanliligaw?” aniya sa isipan. Bakit naman ito ang nasabi ng lalaking ito sa kanya.

“Anong klaseng panliligaw ba ang ginagawa ni Dean?” dagdag pa nito.

Ngunit imbes na pansinin ang lalaki ay hinayaan na lamang niya ito dahil wala naman siyang pakialam doon.

Pagkatapos niyang ibigay ang kontrata mula sa DR Corp., ay nagpaalam na siya para umalis.

Subalit bago pa siya makaalis ay biglang tumunog ang cellphone ni Andrei. Natigilan siya sandali nang marinig niya ang boses ng lolo nito. Nagdesisyon siya na lalabas na sana sa opisina nang marinig niyang tinawag ni Andrei ang pangalan niya.

Napatingin siya sa dating asawa, at nagulat siya ang iharap nito ang camera ng cellphone sa kanya. Tila nanlamig ang katawan niya nang makita niya sa camera si Lolo Andres ang Lolo ng lalaki. Sa pamilyang Sandoval, napakabuti ng Lolo ni Andrei sa kanya. Hindi na siya nakapagsalita pa para tumangi sana.

Napapitlag pa siya nang maramdaman sa tabi niya ang lalaki.

“Bakit parang hindi kayo maayos? Bakit parang nag-aaway kayo? Paano ako magkaka-apo niyan?” pabirong turan ng matanda na nakangiti.

Napaiwas ng tingin si Lyca sa camera. Pasimple niyang inilagay ang palad niya sa kanyang impis na puson. Hanggang sa mahinang nagsalita si Andrei at ramdam niyang tumama ang hininga nito sa itaas ng kanyang ulo.

“Lumapit ka sa akin,” mahinang salita nito na sapat lang na siya ang nakarinig sa sinabi. Utos iyon mula sa lalaki at hindi pakiusap.

Bahagya siyang tumingala at sinalubong ng malamig na tingin ang mga mata ni Andrei. Naiintindihan niya ang ibig sabihin ng sinabi nito. Na kailangan pala nilang magkunwari sa harap ng matanda.

Sumimangot si Lyca at kahit labag sa kalooban niya ay napilitan siyang mas dumikit sa tabi ng lalaki. Ipinulupot niya ang mga kamay sa braso ng dating asawa.

Sa sandaling nagdikit ang mga balat nila ay ramdam niya na wala na itong epekto pa sa lalaki. Ramdam niya ang panlalamig nito sa kanya. Bagay na nagdulot ng kirot sa kanyang puso.

Ngunit muling naituon ang atensyon nila nang magsalitang muli si Lolo Andres at muling banggitin ang salitang apo.

Mahinang bumulong si Andrei sa likod ng tainga niya. “Hayaan mo na lang,” anito sa kanya.

Napapikit siya saglit sa sinabi ng lalaki. “Kung alam mo lang,” aniya sa isipan.

“Anong iniisip mo?” Ang malamig na tanong ni Andrei ang pumukaw sa malalim niyang pag-iisip.

Saglit na natigilan si Lyca at doon niya lang din napansin na tapos na palang tumawag ang Lolo nila. Saka niya lang din napansin na nakayapos pa pala siya sa braso ng lalaki at magkadikit pa rin ang mga balat nila. Kaya naman mabilis niyang kinalas ang mga kamay sa braso ng lalaki at bahagya itong itinulak at lumayo mula rito.

“Nag-iisip lang ako tungkol sa trabaho,” kaswal niyang sagot sa tanong nito kanina sabay talikod na para umalis.

Ngunit bago pa man siya makaalis ay mabilis na hinawakan ni Andrei ang kamay niya. “Gusto kang makita ni Lolo. Sumama ka sa akin pabalik sa dating bahay ngayong gabi,” walang emosyong wika ni Andrei.

Hindi na siya lumingon pa, ngunit tahimik lang siyang tumango. Alam niyang nakita iyon ng lalaki.

Pagkalabas ni Lyca, ay narinig naman niya ang malambing na boses ni Trixie na nagsalita. “Nakakainggit naman si Ate Lyca, pwede siyang umuwe sa dating bahay para makita si Lolo at kasama ka pa.”

“Ibabalik din kita sa dating bahay balang araw. Sigurado ako na magugustuhan ka ni lolo,” walang emosyon na wika ni Andrei sa malamig na tono.

Nanginig ang mga pilikmata ni Lyca dahil sa narinig niya mula sa labas matapos isara ang pinto.

Sa katunayan, simula ngayon, ang tanging makakabalik sa dating bahay ng pamilyang Sandoval ay si Trixie na at hindi na siya.

Sa sulok sa labas ng opisina ay ang Secretarial department, kung saan nagtatrabaho ang lahat ng empleyado ni Andrei na kabilang sa departamentong ito.

Nang nasa labas na siya ay narinig naman niya ang mga taong nag-uusap nang pabulong.

“Hindi ko alam kung saan kumuha ng koneksyon si Trixie. Pero palagay ko protektado siya ni Mr. CEO.”

“Narinig ko na karaniwan lang ang mga grado niya, pero nakapasok siya sa University, gamit ang kanyang art major. Sa huli hindi malabong malalampasan pa tayo ng estudyanteng ito.”

Ang posisyon na inuupuan ni Trixie ay napili matapos dumaan sa maraming pagsusulit para sa sekretarya at sa ilang bilyong dolyar na mga kontrata bago siya naging punong sekretarya.

Paano naging kwalipikado si Trixie?

"Siya ang kasintahan ni Mr. CEO. Wala tayong magagawa tungkol doon!"

Paulit-ulit na nagtawanan ang lahat ng tao sa secretarial department.

"Si Lyca ay nakakabigo rin. Kahit pa may hitsura siya, hindi pa rin niya nakuha ang loob ni Mr. CEO, at naakit pa ng isang baguhan.”

Hindi niya alam kung sino ang nagsabi nito sa pagkadismaya.

Tumigil si Lyca, sinadya niyang kunin ang kanyang cellphone at taasan ang boses. Nagbigay rin ito ng pagkakataon sa mga taga secretarial department na mag-isip at tumigil sa kanilang usapan.

Biglang natahimik ang departamento ng sekretarya nang makita siya.

"Hello, Manager Lopez." lahat ay bumati sa kanya.

Ngumiti siya ng bahagya at iniwan ang isang makahulugang pahayag bago umalis.

"Kahit gaano pa karaming pagkukulang ang meron siya, dapat ninyong malaman kung sino ang nasa likod niya. Pinaghirapan niyang makuha ang posisyong ito, pero dahil sa ilang bagay na hindi niya alam ay nagkakamali siya. Ang dapat niyong gawin ay mag focus na lamang sa mga trabaho niyo at huwag sa buhay ng iba,” may diing wika ni Lyca.

Iyon lang ang sinabi niya. Wala nang dapat pang ibang ipaliwanag.

Lalo namang natahimik ang secretarial department.

May biglang tumingin ng masama sa isa at sinabing, "Tumahimik ka na!"

Pagbalik sa project team, pinangunahan ni Lyca, ang unang internal meeting.

Habang nasa kasagsagan ng talakayan at napagdesisyunan na ang susunod na hakbang sa mga layunin ng kooperasyon, biglang binuksan ang pinto ng conference room. Basta na lang itong binuksan nang walang kaalaman sa mga patakaran.

Natigil ang pulong. Lahat ng mata ay nakatuon sa lalaking nasa pintuan.

Ang taong dumating ay walang iba kundi si Trixie. Ang "bagong paborito" ni Andrei. Na ayon sa balita, ang sekretaryang umangat sa posisyon dahil sa kanyang kanilang boss.

Kalmado lamang si Lyca habang pinatay ang projector. Itinaas niya ang kilay na parang walang pakialam, at ibinaling ang tingin sa security guard na nakabantay sa pintuan ng meeting room.

"Sino ang nagsabi sa iyo na papasukin siya? Kailangan ko bang ipaalala na ito ay isang project team meeting? O, kung may masiwalat na kumpidensyal na impormasyon, kaya mo bang akuin ang pananagutan?" hindi mapigilang asik ni Lyca rito dahil sa pagkadismaya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Nancy Lagrosa
ginaya mo ung story ng isang novel din dito,iniba mo lng ung mga pangalan,wala ka bang originality?
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 120.

    LYCA“Your mouth taste like vanilla, wife,” komento ni Andrei nang pakawalan nito ang labi niya.“Uminom ako ng gatas di ba? It’s vanilla flavor,” sagot naman niya. Totoo naman kasi.“I miss you so much, Yca. Na-miss ko ang lahat sa’yo. Sabik na akong maangkin kang muli,” paos ang boses na sabi ni Andrei.“Then, take me, Andrei. I’m all yours now and forerver,” pagbibigay niya pahintulot sa asawa niya. Nasasabik na rin siya sa magaganap sa kanilang dalawa. Mas lalong uminit ngayon ang pakiramdam niya. Siguro dahil buntis siya at mataas ang libido niya sa katawan.Lumapad naman ang pagkakangisi ni Andrei na animoy ngiting tagumpay. Naramdaman na lang niya ang pagdausdos pababa ng suot niyang nighties. Wala siyang suot na bra kaya bumalandra agad sa paningin nito ang malulusog niyang dibdib. Binuhat siya ni Andrei at dahan-dahan siya nitong inihiga sa kama. Maingat itong nagmaniobra sa ibabaw niya at ingat na ingat na hindi madaganan ang umbok ng kanyang tiyan. Muli siya nitong sinii

  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 119.

    LYCA Dalawang mahinang katok ang narinig ni Lyca mula sa labas ng kanyang silid bago siya napaupo sa kama. Siguro si Nanay Lydia ang kumakatok. Baka ihahatid nito ang gatas niya. Nakasanayan na kasing gawin ito ng matanda kaya sigurado siyang ito ang kumakatok. Pero nagtataka lang siya at hindi siya nito tinawag. Gayunpaman ay hindi na lang niya pinansin at pinagbuksan ito ng pintuan. “Nay, bak—” Nabitin sa ere ang sasabihin ni Lyca at ganun na lang ang pagkatulala ni Lyca nang bumungad sa paningin niya si Andrei na may dalang gatas. Nakangiti ito at labas ang mapuputi at pantay-pantay nitong mga ngipin. “Hi? Pwede bang pumasok?” paalam nito. Gusto sana niyang tumutol pero ang ulo niya ay biglang tumango bilang pagpayag. Kaya wala na siyang nagawa nang dere-deretso itong pumasok sa loob ng kwarto niya. “Anong ginagawa mo rito?” taas kilay na tanong ni Lyca matapos ilapag ni Andrei sa bedside table ang gatas. Ngunit biglang nag-init ang mukha ni Lyca nang mahuli niyang

  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 118.

    ANDREI Katatapos lang ng meeting ni Andrei kasama ang mga board of directors pero parang wala naman siyang naintindihan sa meeting na iyon. Bago kasi magsimula ang meeting kanina ay nakatanggap siya ng tawag mula sa tao na inutusan niyang magbantay kay Lyca. Dalawang bodyguard na magagaling ang ibinigay niya rito. Gusto lang naman niya na sigurado ang safety ng kanyang mag-ina. Na walang sinumang mananakit sa taong mahal niya. Umalis daw ng bahay ang asawa niya at nagtungo sa isang restaurant. Nakipagkita raw ito kay Dean Bautista. Ito ang balitang hatid sa kanya ng tauhan niya. Kaya ito ang dahilan kung bakit kanina pa siya balisa at parang praning. Ngayon hinihintay niya muli ang update mula sa bodyguard ni Lyca pero wala pa siyang natatanggap na bagong update. “Gabi na, nakauwe na kaya siya?” tanong niya sa sarili. Kanina pa siya paikot-ikot sa loob ng opisina niya at panay ang silip sa cellphone niya. Actually pauwe na rin naman siya at gabi na. Hinihintay lang talaga ni

  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 117.

    LYCA Dalawang araw ang lumipas simula nang huli niyang makita si Andrei. Matapos niya itong sungitan ay hindi na ito nagpakita pasa kanya. Nakaramdam naman siya ng lungkot pero iyon naman talaga ang dapat. Hindi na siya marupok tulad ng dati. Nagbago na siya, binago siya ng sobrang pagmamahal. Maya-maya ay natigil ang pagmumuni-muni niya nang makatanggap siya ng mensahe mula kay Dean. Napangiti siya nang mabasa niya ang message nito. Magaling na raw ito at kung pwede ay magkita sila mamayang alas-kwatro. Susunduin daw siya ni Dean mamaya after daw ng meeting nito. Agad naman siyang nagtipa at nagreply siya sa lalaki na pumapayag siya sa paanyaya nito. Ilang araw na rin naman kasi na hindi sila nagkita matapos ang nangyari sa mansyon ng mga Sandoval. Kaya masaya siya na malamang magaling na ito. Sinabi niya na wag na itong mag-abala pang sunduin siya at hintayin na lang siya nito sa meeting place nila. Nasa loob siya kwarto niya ngayon dahil pagkatapos niyang mag-breakfast kani

  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 116.

    ANDREI Kinabukasan ay lumabas nasa ospital si Lyca. Pinayuhan ito ng doktor na magpahinga muna para maiwasan ang pagod at stress. “Sa bahay na tayo dumeretso,” basag niya sa katahimikan matapos niyang paandarin ang makina ng sasakyan. “Bahay? Bahay mo o bahay ko?” tanong ni Lyca sa kanya. Napatingin siya rito at nakita ang nakakunot nitong noo. Napangiti si Andrei at saka sumagot. “Sa dati nating bahay, Yca.” Kita niya na napataas ang kilay ng asawa niya bago muling nagsalita. “No! Ihatid mo ako sa bahay ko,” mariing tanggi ni Lyca. “Pero,Yc—” “Wala ng pero-pero, Andrei. Mas makakapagpahinga ako run kaysa kasama kita,” putol nito sa pagsasalita niya. Sandali siyang natahimik at kapagkuwan ay mahinahong nagsalita. “Pero mas maaalagaan kita kapag kasama mo ako,” aniya. Wala kasi siyang planong sumuko. Determinado siyang mabawi muli ang loob ng asawa niya. “Pwede ba, Andrei? Naasiwa ako sa pagmumukha mo. Ano, okay na?” inis na sabi ni Lyca at ibinaling ang tingin s

  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 115.

    Nagising si Lyca na puting kisame agad ang nasilayan ng paningin niya. Pero agad siyang napabalikwas at napaupo sa kama nang maalala niya ang nangyari bago siya nawalan ng malay. “Baby? Ang baby ko?” aniya at napatingin sa paligid. Nakita niya si Andrei na nakaupo sa gilid ng hospital bed niya. Halatang nakatulog ito at nagulat nang marinig siya.“Yca, glad you wake up. How are you? Ayos ka lang ba o may masakit sa sa’yo?” puno ng pag-aalalang tanong nito at hinawakan ang kamay niya. Ramdam niya ang mainit na palad nito sa balat niya, pero agad niyang hinila ang kamay mula rito.“Ang baby ko? Kamusta ang baby ko?” tanong niya kay Andrei. Nakalimutan niya na hindi doktor kundi asawa pala niya ang kaharap at tinatanong niya rito ang baby niya. So, wala siyang pake, after all alam na nito na buntis siya.“Yca, calm down. Our baby is safe, okay?” ani nito. “Relax ka lang, huwag kang mag-alala."Napataas ang kilay niya nang marinig ang sinabi ni Andrei na ‘our baby.’ Sabagay, alam na kasi

  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 87.2

    Nanatili lamang na kalmado si Lyca , sa kabila nang nakikita niyang galit sa mukha ng kanyang ama. Isang banayad na ngiti ang nakapaskil sa kanyang labi at tahimik na nakatingin sa kanyang ama na si Robert. Makikita naman sa isang tabi si Trixie na bahagya ring nakangiti at nakataas pa ang isang k

  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 83.2

    Ilang sandaling katahimikan ang bumalot sa kanilang dalawa bago muling nagsalita ni Dean. "Napagdaanan na natin ang mga bagay na ito noong bata pa tayo. Ayaw mong lumaki ang anak mo sa isang pamilyang walang ama o sa isang sirang pamilya, hindi ba? Hindi mo na kailangang alalahanin ang mga bagay

  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 81.2

    KINABUKASAN, ang isang blog post na isinulat ni Trixie kagabi ay biglang nag-viral sa iba’t ibang social media platforms. Sa loob lamang ng ilang oras ay mabilis itong kumalat at nagdulot ng matinding diskusyon. Agad na may nag upload ng litrato nina Dean at Lyca na tila nagpapakita ng kanilang pa

  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 79.

    Kitang-kita sa nakaharap na surveillance camera ang malamig na ngiti ni Lyca habang nakatingin siya rito. Kahit pa nakangiti si Lyca ay ramdam niya pa rin ang sa kanyang mga ngiti labis na pangungutya niya sa mga ito. Ang lahat ng nanonood ng live broadcast sa sandaling iyon ay biglang kinabahan a

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status