LOGIN“Ilabas ang Family Disciplinary Rod!”
Napakarahas magparusa ng Pamilyang Luiz pagdating sa pagdidisiplina. Itatali ka sa tabla hanggang sa hindi ka makalakad ng ilang araw, at ang mas malala pa rito, babaliin nila ang iyong mga darili. Agad namang tinawagan ni Sapphire ang kanyang asawang si Ethan. “Ano na naman kailangan mo? Hindi ba’t wala na tayo?” mabilis at malamig na sagot ni Ethan sa kabilang linya. “Nais kang kausapin ni Lola,” sabi ni Sapphire. “Ayoko!” Agad na ibinaba ni Ethan ang telepono matapos magsalita. Hindi inaasahan ni Sapphire na ganoon kabilis siyang tatanggihan ng lalaki. Ibinaba niya ang telepono at bumalig sa kanyang lola upang sabihing hindi makakarating si Ethan sa kanilang bahay. “Dahil nakitang nagiging tensyonado ang sitwasyon, mabilis na sumingit si Kian. “Ma, ika walong pung kaarawan mo ngayon. Unahin muna natin ang iyong handaan at please, huwag mo na isipin ang walang hiyang yun, okay?” Ngunit sadyang napakatigas ng ulo ni Madam Gloria. “Basta’t pinalaki at binuhay ko pamilyang ito—tao man o aso—kapag may sinabi akong pumunta rito, dapat siyang pumunta!” Galit na tumingin si Madam Gloria kay Rheagan. “Rheagan, pumunta ka roon at kaladkarin mo siya sa harapan ko. Maliwanag ba?” “Opo,” Mabilis na pinatunog ni Rheagan ang kanyang mga darili. Madalas niya abusuhin si Ethan, at ito ang tamang pagkakataon para magpasikat at manuntok. Pagkaalis nito, bumalik si Madam Gloria sa kanyang upuang gawa sa Mahogany. Hinaplos niya ang kanyang poodleng si Saoirse upang magpakalma ng loob. Pagkatapos ay nagwika siya, “Pinaaga ko ang pagpapatawag sa inyo ngayon dahil may isang mahalagang bagay akong dapat sabihin.” Umayos ng upo sina Avionna, Sinead, at iba pa upang makinig sa utos ng matanda. “Kahapon lang, may biglaang itinalagang bagong Chairman sa Espanto Group. Walang nakakaalam kung sino siya, kung ano ang pangalan niya, at kung saan siya nanggaling” panimula ni Madam Gloria. “At alam ninyo na ang Alvarez Real Estate Group ay matagal nang nakikipag ugnayan sa kanila. Kamakailan lang, nakikipagnegosasyon tayo para sa isang financing deal na nagkakahalaga ng 70 milyong dolyar. Hindi ng magandang relasyon sa bagong Chairman ang pinakamahalagang bagay para sa atin ngayon” Ang Alvarez Real Estate Group ang pangunahing ari arian ng pamilyang Luiz sa Salvacion Subdivision kung saan nakatira si Sapphire ay binuo rin ng kanilang pamilya. Subalit, nagkaroon ng matinding problema sa pondo ng kumpanya nitong mga nakaraang araw, kaya’t lubos nilang kailangan ng 70 milyong dolyar na pamumunuhan mula sa Espanto Group. Mula sa narinig na mga salita ni Madam Gloria, nalaman ng lahat na kung sino man ang unang makakakuha ng loob ng bagong Chairman at makakapagsalba sa pondo ay makakatanggap ng malaking parangal—maaring promosyon sa kumpanya o kaya naman ay direktang pamamahala sa mga ari arian at pamana ng pamilya. “Ma, hayaan mong ipaubaya mo sa akin ang bagay na ito. Gagawin ko ang lahat para mapalapit sa bagong presidente ng Espanto Group!” taas noong saad ni Avionna. Ngumisi naman si Sinead sa kanya. “At bakit naman ipapasa sa iyo, Avionna? Tandaan mo, ako ang laging may hawak ng financing, kaya kami na ni Rheagan ang bahala rito.” Nang makitang pareho silang determinadong tumulong. Ngumiti si Madam Gloria. “Nagayong Ika 80 na kaarawan ko, ang mga darating mamaya para bumati sa akin ay ang mga kilalang personalidad mula sa iba’t ibang sektor dito sa Salvacion. Habang inaasikaso ninyo rin ang mga balita tungkol sa bagong Chairman ng Espanto Group. Kung sino man sa inyo ang unang makakatuklas sa pagkakakilanan niya, sa kanya ko ipagkakatiwala ang proyektong ito.” “Opo, Ma!” sabay nilang sagot. Umalis na si Rheagan sa villa. Habang pinapaandar ang kanyang Maserati sa sementadong daan na kakalinis pa lang, humithit siya ng sigarilyo at tinawagan si Ethan. “Oh, anong kailangan mo?” tanong ni Ethan. Nang marinig ang boses nito, tumawa nang may pang aasar si Rheagan. “Ethan, sinabi na sa amin ni Sapphire ang lahat. Hindi ko akalaing may lakas ka pa rin pala ng loob.” Medyo nagulat si Ethan sa narinig. “Ha?! Sinabi na ni Sapphire ang lahat?” “Sinabi niya! Iyak pa nga siya nang iyak, may kasama pang uhog at luha. Sinabihan ko nga siya na kasalanan din naman niya. Bakit ba kasi nagpapakasanto at nagmamalinis pa siya? Sa bagay, maganda naman siya, pero hindi naman hamak ang katawan niya kumpara sa Ashanti ko. Pero bakit hindi ka na lang niya pagbigyan kahit isang gabi lang?” bastos na sabi ni Rheagan. Inakala ni Ethan na umiiyak si Sapphire dahil sa konsensya nito, kaya nagbuntong hininga siya sabay sabi. “Hayaan mo na, tapos na ang nangyari.” “Biglang nagtanong si Rheagan, “Nasaan ka? Mag usap tayo ng harapan.” “Nagdedeliver ako ng pagkain dito sa Marquez Community.” “Sige, pupunta ako riyan. Hintayin mo ako.” Tinapakan ni Rheagan ang silinyador at sa loob ng ilang minuto ay nakarating na siya sa gate ng Marquez Community, sakto sa paglabas ni Ethan sakay ng kanyang motorsiklo. “Hindi bumaba ng kotse si Rheagan; ibinaba lamang niya ang bintana nito. “Sakay!” Inisip ni Ethan na ipinatawag lang siya ng matanda upang mag usap para sa kapakanan ng apo nito. “Kahit mag usap pa kami ng matandang yun, desidido na akong makipag divorce kay Sapphire!” Naguguluhang tumingin si Rheagan sa kanya. “Anong pinagsasabi mo riyan? Gusto ka kausapin ng lola ko? Ang Family Disciplinary Rod ang nag aantay sa iyo roon!” “Family Disciplinary Rod? Bakit? At bakit ako paparusahan ng matandang yun?” Galit na nanlaki ang mga mata ni Rheagan. “Bakit kamo? May babae ka sa labas, tapos may gana ka pang magtanong kung bakit? Oo, dahil matutuwa akong makitang nagkakaganyan si Sapphire ngayon! Kahit baligtarin mo ang mundo, galing pa rin siya sa Pamilyang Luiz! At dahil nagawa mo kaming pagtaksilan, dapat ka lang parusahan!” Natigilan si Ethan. “Sandali lang! Ako? May babae sa labas? Sinabi sa inyo ni Sapphire? Sinungaling!” Hindi kailanman inakala ni Ethan na matapos siyang pagtaksilan ni Sapphire, ito pa ang may kapal ng mukha na baligtarin ang katotohanan at balangkasin ang kwento laban sa kanya. “Napakawalang hiyang babae! May hangganan din dapat ang pang aapi!”Sa pag iisip tungkol kay Ethan, na madaling nagapi ang mga propesyonal na maton na ipinadala ni Rheagan. Nagsimula nang mabahala ang pamilya Luiz sa aspetong ito.“Mga kasama, si Ethan ang walang puso at basurang ito! Ay may alam sa Kung Fu at may pambihirang galing, sa tingin ko may pinuntahan siya na isang mayaman na tao upang mag apply bilang personal na bodyguard. Sinong makakaharang sa landas niya?” sabi ni Rheagan.Nanahimik ang paligid. Masyadong maraming mayaman sa Salvacion at walang sinuman ang naglakas loob na sabihing kilala nilang lahat o may impluwensya sila sa harap ng mga ito.Sa sandaling iyon, isang babaeng kanina pa tahimik sa kanyang upuan, ang biglang nagpakawala ng isang mapang akit na tawa.Lumingon ang lahat sa pinagmulan ng tunog at nakita ang isang babaeng nakasuot ng pulang CEO suit habang naka de kwatro—napakalakas ng karisma. Nasa edad na 30, ngunit umaapaw ang ganda at alindog bilang isang mature na babae.Maputi ang kanyang balat, mapang akit ang kanyan
Sa pagkakataong ito, tumawa na rin si Ethan kasabay ng mga bisita ni Madam Gloria, kumuha siya ng baso ng alak at naglakad patungo kay Sapphire.“Congrats sayo Sapphire, sa wakas ay may nahanap ka na ng lalaking handang ibigay ang lahat ng yaman at ari arian mo, medyo naiingit ako kasi pwede ka niya hawakan at yakapin, o kaya naman halikan.”Malamig na nagsingasing si Sapphire sa kanya dahil alam niya ang ngiti ni Ethan na may halong pait at hinanakit.“Kung luluhod ka at magmamakaawa sa akin ngayon, baka pakiusapan ko si lola na tantanan ka muna pansamantala” malamig na saad ni Sapphire.Napatawa nang bahagya si Ethan. “Pinagtaksilan mo na ako, tapos ikaw pa ang may ganang magpaluhod at magpamakaawa sa akin? Ha! Ang kapal ng mukha mo para gawin ko yun sayo!” “Ito nga ang tinatawag na Upper class society, at talagang isang first class na pamilya!”Inubos na ni Ethan ang alak at pagkatapos ay binigkas nang dahan dahan ang bawat salita. “Hindi–ka–karapat dapat!”“Ikaw!” Namula sa ga
Nalaman ni Basque ang employee number at ang rate review ni Ethan at tama nga na binigyan ni Clarence si Ethan ng one-rate-review. Matapos macheck tumango naman ito.“Tama si Young Master Espanto, nakatanggap si Ethan ng one star negative review kahapon! At eksaktong eksanto ang sinabi mo Young Master” Sa sandaling ito, nagbago rin ang opinyon ng Publiko, at nagsimula nang maniwala ang lahat kina Basque at Sapphire. Tiningnan lang ni Ethan si Sapphire. “Bakit ko naitapon ang takeway sa lapag? Hindi mo ba ipapaliwanag sa akin ha?” Nakakrus ang mga braso ni Sapphire sa kanyang dibdib, na laron nagpalinaw sa kanyang magandang pigura, ngunit nagkunwari siyang walang malay. “Dahil hindi ka naging seryoso sa trabaho mo! Kaya mababa ang kakayahan mong magtiis!” “Goodjob naman sa dahilan na hindi ako nagseseryoso sa trabaho ko? Napakahusay na dahilan na mamababa ang kakayahan kong magtiis? Oo, nagtiis ako ng matagal na panahon dahil sayo at sa pagsisinungaling mo!” Gustong gusto ni Eth
Tiningan ni Ethan ang magandang mukha ni Sapphire ngunit naramdaman niyang napakapangit nito.“Una mo akong pinagtaksilan, tapos ngayon binibintamgan mo ako na nangaliwa? Hindi pa ba sapat yan ha? Ngayon naman, na gusto mo akong sampalin? Sige! Sampalin mo ako! Sampalin mo ang asawa mo sa loob ng tatlong taon!” Umabot na sa sukdulan ang galit ni Ethan sa kanyang asawa. Sino ang mag aakala na sa sandaling ito, biglang hinablot ni Sapphire ang dragon ruler at sumugod nang diretso kay Ethan. “Hayop ka! At ang lakas ng loob mong saktan ako? Tingnan natin kung hindi ko madurog ang mukha mo!” Iwinasiwas ni Sapphire ang dragon ruler patungo sa mukha ni Ethan. Nanatiling nakatayo si Ethan at hindi umiwas. Hinawakan niya ang pulso ni Sapphire gamit ang kanyang kaliwang kamay, at saka ito pinaluwas at binaligtad upang ang mismong dragon ruler ang sumampal sa sarili nitong mukha.Nasampal sa mukha si Sapphire ng mismong dragon ruler na hawak niya. Lalo nitong pinapangit ang dati nang nakatat
“Tingnan mo nga naman, ang Pamilyang sumira sa buhay ko” Alam na ni Ethan ng patibong ito ng pamilya Luiz sa kanya. Diretsong lumakad si Basque palapit sa kanya.“Hubarin mo ang lahat ng damit at sumbrero mo! Ngayon din!” gait na utos niya. “At bakit ko huhubarin?At isa pa anong ibig mong sabihin ha?” Sa pagkakataong iyon, lumapit si Rheagan na may pasa pa sa mukha. “Anong ibig sabihin? Kilala mo ba kung sino siya? Siya lang naman ang boss mo! Si Basque! Ang pangkalahatang ahente ng kompanyang pinagtatrabahuhan mo!” “Hindi ka naniniwala? Pwes ipapatawag ko kay Manager Carl na kumuha sayo!” malamig na banat ni Boss Basque sa kanya.Hindi nagtagal ay tumawag nga si Manager Carl sa kanya. “Ethan, paano mo nagawang bastusin si Mr Bas? Isiniwalat ka niya sa trabaho”Ngumisi lang si Ethan dahil hindi niya akaling ganito matatapos ang karera niya bilang isang delivery rider. Dahil sa totoo lang,nagustuhan niya ang paghahatid ng pagkain—nakatagpo siya ng iba’t ibang uri ng tao at nahasa n
Tirik ang araw at pawis na pawis ang likod ni Ethan habang tinatahak niya ang kahabaan ng kalsada gamit ang kanyang lumang motorsiklo. Bilang isang delivery rider ito rin ang kanyang pang araw araw na realidad makalipas ang tatlong taon. Huninto na siya sa tapat ng pinto sa loob ng marangyang hotel at marahang kumatok bitbit ang chicken pot na niorder ng customer. “Sir, narito na po ang order ninyo,” magalang na saad niya. Agad na bumukas ang pinto. Subalit sa isang iglap, nanlaki ang mga mata ni Ethan at tila napako siya sa kanyang kinatatayuan. Tulala niyang tinitigan ang lalaki at babaeng nasa loob. Hindi niya kilala ang lalaking nagbukas ng pinto—ngunit ang babaeng kasama nito sa loob ng kwarto ay walang iba kundi ang sarili niyang asawa, si Sapphire Luiz. Nalaglag ang bitbit niyang pagkain at gumulong ang nilalaman nito sa sahig. Sa sandaling iyon, pumasok din sa isip niya ang isang pagtataka. Ang Salvation Hotel ay isang sikat na five-star hotel; bihira, o halos hinding-hi
“Ilabas ang Family Disciplinary Rod!” Napakarahas magparusa ng Pamilyang Luiz pagdating sa pagdidisiplina. Itatali ka sa tabla hanggang sa hindi ka makalakad ng ilang araw, at ang mas malala pa rito, babaliin nila ang iyong mga darili.Agad namang tinawagan ni Sapphire ang kanyang asawang si Ethan
Habang nakikinig sa nostalgic na tugtugin si Ethan, binalikan niya ang matamis na aalala nila ni Sapphire Luiz. Sa mundong puno ng misteryoso at naglalakihang pamilya tulad ng mga Walker, Espanto, at Ramos. Hindi nila alam na ang pinakamakapangyarihan at pinaka misteryosong pamilya sa buong mundo a
Tirik ang araw at pawis na pawis ang likod ni Ethan habang tinatahak niya ang kahabaan ng kalsada gamit ang kanyang lumang motorsiklo. Bilang isang delivery rider ito rin ang kanyang pang araw araw na realidad makalipas ang tatlong taon. Huninto na siya sa tapat ng pinto sa loob ng marangyang hotel
“Nagmamatigas ka pa, Sumakah ka na sa kotse dali! Pumunta ka muna sa hotel para batiin mo ang mga bisita ni Lola” naiinip na sinabi ni Rheagan kay Ethan. “Pagkatapos ng birthday party ngayong araw, tanggapin mo ang parusa mo nang maayos at makinig ka sa desisyon ni Lola tungkol sa Divorce.” Nanlil







