Share

CHAPTER 4

Penulis: Spinel Jewel
last update Tanggal publikasi: 2024-12-29 20:51:53

JENINE

"Oh, kumusta ang unang araw mo sa section ng mga pasaway beshie? Ba't ganyan ang hitsura mo? Saka anong nangyari dyan sa slacks mo?" sunud-sunod na tanong ni Leslie pagkapasok ko pa lang ng faculty room.

"Hay, naku! Totoo ngang napakaworst ang section na 'yon beshie, my God!" naiinis kong sabi habang pabagsak na inilagay sa mesa ang mga gamit ko.

"Napaka-ingay, napakagulo... Para yatang may tama 'yong mga 'yon, Diyos ko at ginawa pang disco pub 'yong classroom!" dagdag na sabi ko at pasalampak na umupo sa couch.

"Ganu'n ba? So, nagkakilala na kayo ng kapatid ng ex-jowa mo?" naiintrigang tanong ni Leslie.

"Yep. Ang gaspang ng ugali. Walang modo! At 'yon, pinapatawag na naman sa guidance office kasama ng mga magulang nito."

"At meron pang isang santita sa loob ng classroom. 'Yong Sabrina Monteverde? Hay naku... Nakakainis 'yong babae na 'yon. Sarap ngang patulan eh. Isa pa 'yong si Marco Reyes, naku, napakabastos! Binatuhan ba naman ako ng chewing gum. Kaya tuloy nagkamantsa 'tong slacks ko," galit kong sabi.

"Then? Hindi man lang ba nagsorry sa ginawa niya?"

"Nagsorry naman, kasi tinakot ko na ipapa-guidance silang lahat kung hindi ito aamin. Pero Diyos ko, halata namang napipilitan lang. Wala sa isip ang paghingi ng sorry," sagot ko saka kinuha sa bag ang isa ko pang slacks. Buti nalang at lagi akong nagdadala ng extra.

"Sana nga lang matanggal pa 'tong mantsa noh! Apat lang kasi ang slacks ko eh. Alam mo naman nagtitipid ako lagi," sabi ko nang matapos na akong magpalit.

"Hays...Pareho lang din tayo besh eh. Ako lang din ang breadwinner sa amin simula nang ma-paralyzed ang tatay ko. Mahirap man, no choice. Wala na kasing pakialam sa amin ang nanay ko. Bahala na siya kung masaya na siya doon sa bago niyang pamilya," malungkot na wika ni Leslie.

"Nakakaiyak ano? Pero laban lang tayo besh," dagdag na sabi nito. Halata namang pinipigilan lang ang sarili kahit ang totoo gusto na nitong maiyak.

"Uhm, anong plano mo besh? Magpapatuloy ka pa ba doon sa section ng mga pasaway? Kung sa tingin mo mai-stress ka lang du'n, eh mabuti pang magquit ka na lang ngayon," pag-iiba niya ng usapan.

"Kilala mo naman ako besh. Hindi ako basta-basta sumusuko. Kasi kung matulad lang din ako sa ibang teacher na nag-quit sa section na 'yon, aba sino pa ang magtuturo sa mga estudyanteng 'yon 'di ba?"

"D'yan talaga ako believe sa 'yo besh eh. Saludo talaga ako sa 'yo ma'am!" nakangiting saad ni Leslie sabay nag-hand salute pa ito. Nagkatawanan kaming dalawa habang nagligpit kami ng aming mga gamit. Malapit na rin kasing mag-aalas singko at uwian na naman.

Nang papalabas na kami ng gate, bigla kong natanaw sa may di-kalayuan ang grupo nina Huxley. Agad ko namang iniiwas ang aking paningin at nagkunwari lang na parang hindi ko sila nakita.

"Uhm, di ba si Huxley yan besh?" pabulong na wika ni Leslie.

"Yup. H'wag ka lang magpapahalata sa kanila."

"Hi cher!" narinig kong sabi ni Marco nang mapadaan kami sa kinaroroonan nila.

"Siguro naman, wala ka ng second day sa section namin." At sabay na nagtawanan ang kanyang mga kasamahan. Samantalang, seryoso lang si Huxley na nakatingin sa kawalan.

Hindi ko nalang pinansin ang patutsada ni Marco at nagpatuloy lang kami ni Leslie sa paglalakad. Ngunit umeksena naman itong si Sabrina.

"Well, hindi kami natatakot sa iyo, Miss Guevarra," paismid na sabi nito.

"Ah, hindi ba? Ba't parang feel ko kanina bumahag ang buntot niyo nu'ng sabihin kong ipapa-guidance ko kayong lahat?" nakangiti kong tugon. Hindi na talaga ako nakapagpigil pa.

Umirap lang si Sabrina sa akin habang matalim akong tinitingnan. Ang sarap nga talagang patikimin kahit isang sipa man lang. Nakakagigil talaga!

"Besh okay ka lang ba?" tanong ni Leslie.

Tumango lang ako at bahagyang ngumiti.

"Yon ba si Marco, 'yong may maraming hikaw?" tanong ulit ng kaibigan ko nang makalayo na kami sa kinaroroonan ng grupo ni Huxley.

"Yup. Wala nga talagang modo. May kasalanan na nga sa akin, hindi man lang nakitaan ng guilt," sabi ko.

"Hmm, patikimin mo na lang kaya ng isang malakas na suntok besh? Kayang-kaya mo naman 'yon eh!"

"Naku, kung p'wede nga lang besh eh, ginawa ko na sana kanina. Pero alam mo naman—empleyado lang tayo dito. Maimpluwensiya ang mga pamilya ng mga iyon. Ayaw ko namang mawalan ng trabaho, kasi sa akin lang umaasa ang pamilya ko," seryoso kong sagot.

"May paparating na taxi besh, paparahin ko na," sabi ng kaibigan ko.

Kadalasan sumasakay kami ng taxi ni Leslie papuntang Sampaloc. Pareho kasi kaming taga roon. May distansya nga lang ang bahay nila mula sa amin, pero lalakarin lang din naman. Pero minsan naman, kapag medyo gipit na kami sa pera, nagtitiis na lang na sumakay sa bus, kahit abutin kami ng thirty minutes na b'yahe. Pero sa umaga nagta-taxi talaga kami para hindi ma-late sa pagpasok sa school. Strikto pa naman sa oras ang De La Salle kahit isang minutong late lang, nagre-reflect kaagad sa DTR at 'yon, bawas na kaagad sa sahod.

*******

Kinabukasan sa school, pinapatawag ako ni Sir Salcedo sa kanyang opisina. Siya ang principal ng Senior High Department at matagal na ring naninilbihan sa De La Salle bilang isang guro sa high school, hanggang sa naging principal.

"Good morning po sir," bati ko sa kanya.

"Good morning Miss Guevarra. Please have a seat." Sagot nito.

"Uhm, kaya kita pinapatawag Miss Guevarra, para i-kompirma ang iyong commitment bilang adviser sa isa sa mga section sa ABM."

Hindi agad ako nakasagot. Nagtatalo ang aking utak at ang aking damdamin. Iniisip ko, kung kaya ko bang i-handle sa buong school year ang section ng mga pasaway o baka, mai-stress lang ako du'n. Sabi ng utak ko, kaya ko, kasi palaban naman talaga ako. Ngunit sabi naman ng puso ko, hindi ko kakayanin lalo na't nasa section na 'yon ang kapatid ng dati kong boyfriend.

"Miss Guevarra?" untag sa akin ni Sir Salcedo.

"Oo nga pala, once mag commit ka na manatili ka bilang adviser sa section na 'yon, you will have a ten thousand pesos salary increase. Napagdesisyunan na ito ng administration," dagdag na sabi nito.

Nabigla naman ako sa aking narinig. Ang balita ko kasi noon, five thousand lang ang increase, pero siguro dahil sa marami na rin ang nagquit, kaya tinaasan nila. Sa isip ko, malaking tulong na rin 'yong ten thousand. Pandagdag na sa gastusin sa bahay at sa mga kakailanganin sa eskwela ng dalawa kong kapatid.

"Oh ano Miss Guevarra, deal or no deal?" pabirong tanong ni Sir Salcedo.

"Uhm—deal sir," sagot ko.

"Okay, that's good. So—goodluck!" nakangiting wika ng principal saka nakipagkamay sa akin.

Pagkalabas ko ng opisina, hindi ko naman maiwasang mag-alala baka hindi ko kakayanin. Iisipin ko lang na maya't maya'y mapupunta na naman ako sa section na 'yon, sumisikip na ang dibdib ko. Pero dahil sa increase na ten thousand—bahala na nga! Dahil sa labis na pag-iisip ko sa ganu'ng bagay, hindi ko napansin ang taong nakasalubong ko at nabangga ko siya.

"Tsk..clumsy!" usal ng isang lalaki.

Siguro hindi rin siya tumitingin sa dinaanan niya kasi nakita kong busy siya sa pagpindot ng kanyang cellphone. Sabay kaming napatingin sa isa't isa.

"Huxley?"

"Oh, ikaw pala cher!" nakangiti nitong sambit.

"Well, see you around!" dagdag pang sabi nito, saka nagpatuloy sa paglalakad.

Nagkibit-balikat lang ako kasi ilang sandali nalang, makakasalamuha ko na naman 'yon at ang mga kaklase nito.

"Anong kailangan ni Sir Salcedo, besh? Ba't ka pinatawag?" usisa agad ni Leslie nang makabalik na ako sa faculty room.

Ikinuwento ko sa kanya ang tungkol sa pinag-usapan namin ng principal. Masaya naman siya sa ibinalita ko sa kanya, samantalang ako, kahit natutuwa naman, pero hindi pa rin maalis sa akin ang mangamba, baka hindi ko kakayanin ang section na 'yon. Basta bahala na.

Habang papunta ako sa classroom nina Huxley, bigla na namang kumabog ang dibdib ko. Sa isip ko, ano na naman kaya ang maari kong maranasan sa pangalawang araw ko sa section ng mga pasaway na mga mag-aaral?

Makaraan ang ilang saglit nasa pintuan na ako ng classroom. Huminga muna ako ng malalim, saka ko pinihit ang doorknob.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Challenging Hearts   CHAPTER 109

    HUXLEYSa makalawa na ang kasal ko, pero hindi ko alam kung tama bang magpakasal ako sa taong hindi ko kilala.Nakahiga ako sa kama habang nakatitig sa kisame ng kwarto. Gustuhin ko mang matulog pero ayaw namang mag cooperate ang utak ko."Lord, please bring back my memory. Ito lang ang paraan para mapanatag ang kalooban ko, at nang makapagdesisyon ako ng tama." Mahina kong usal sa sarili saka mariin akong napapikit.Muli na namang sumagi sa isip ko ang mukha ng babaeng ilang beses nang gumugulo sa mga panaginip ko nitong mga nakaraang araw.Isang babaeng umiiyak.Isang babaeng nakangiti.Isang babaeng paulit-ulit na tumatawag sa pangalan ko."Huxley..."Bigla akong napamulat.Kasabay no'n ang mabilis na pagtibok ng puso ko."Jenine..." Bulong ko sa sarili.Bakit parang siya ang nakikita ko sa aking panaginip? Bakit nasasaktan ako kapag naalala ko ang pag-iyak niya at ang pagmamakaawa niyang paniwalaan ko siya."Hindi kita ipinagpalit sa pera."Mariin kong kinuyom ang aking kamao.Bak

  • Challenging Hearts   CHAPTER 108

    JENINESa bawat araw na lumilipas, mas lalo kong naramdaman ang bigat sa dibdib ko, habang papalapit ang nakatakdang kasal ni Huxley kay Bianca.Parang bawat pag-ikot ng orasan ay unti-unting sumasakal sa akin.Ilang araw nalang ang natitira, bago tuluyan siyang maging asawa ng ibang babae.Madalas akong umiiyak habang tinitingnan ang mga pictures namin sa gallery ng cellphone ko. Mga kuha noong mga panahong wala kaming ibang iniisip kundi ang mga pangarap namin para sa isa't isa."Kapag nakagraduate ako, papakasalan kita."Paulit-ulit na umuukit sa isip ko ang pangakong iyon ni Huxley.Napapapikit na lamang ako sa tuwing naaalala ko iyon.Dahil ngayon, ibang babae na ang pakakasalan niya.At ang mas masakit, hindi man lang niya maalala na minsan, ako ang pinakamahalagang tao sa buhay niya."Ate?"Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Anna.Nakatayo siya sa may pintuan ng kwarto habang may hawak na tray ng pagkain."Kumain ka naman. Halos buong araw ka nang hindi lumalabas dito.

  • Challenging Hearts   CHAPTER 107

    JENINE"Mom, Dad. What's wrong?" tanong ni Huxley habang papalapit sa amin.Nagtama ang aming paningin at nababasa ko sa mga mata niya ang pag-alala ngunit mabilis ding naglaho 'yon at napalitan ng isang malamig na ekspresyon."What are you doing here?" "Huxley, gusto ko lang makausap ka."Biglang kumunot ang noo niya. "For what?"Nakakapanibago ang tono ng kanyang pananalita. Tama nga si Marco, nakumbinsi na rin si Huxley sa sinabi ng mga magulang niya. "Umalis ka na. Wala na tayong dapat pag-usapan. Katulad ka rin ng iba, mukhang pera." Matigas niyang sabi."Huxley—""Narinig mo na ang sinabi ng anak ko." Putol ni Mrs. Baltimore. "Umalis ka na at h'wag ka ng pumunta pa rito. Ikakasal na si Huxley in two weeks kaya h'wag mo na siyang guluhin pa."Hindi ko na napigil ang muling pag-agos ng aking mga luha. Walang katapusang pag-iyak."Huxley, please pakinggan mo muna ako. Hindi kita ipinagpalit sa pera. Hindi ko magagawa 'yon kahit kailan. Kahit hindi mo ako naalala, pero alam ng Diy

  • Challenging Hearts   CHAPTER 106

    JENINE Dalawang araw ang nakalipas bago muling tumawag sa akin si Marco."Ma'am Jenine, maayos na ang kalagayan ni Bro Huxley. Pero gano'n pa rin, wala pa rin siyang maalala.""Lord, thank you po." Mahina kong wika. Sa ngayon, sapat na sa akin ang marinig na okay siya."Pero Ma'am...m-may problema eh."Muli na namang bumangon ang kaba sa puso ko. "A-anong problema, Marco?""Ma'am, ayaw ko sanang sabihin 'to eh, pero I think kailangan mong malaman. Pero Ma'am, you need to be strong.""Marco, pls sabihin mo na.""Teka lang Ma'am at may ise-send akong picture sa 'yo sa messenger."Ilang segundo ang lumipas at may nagpop up na notification. Dali-dali kong tiningnan 'yon.Napamulagat ako nang makita ang sarili ko sa picture habang nakatitig sa briefcase na may lamang pera. Yong pangalawang picture naman, yong pagsarado ko sa briefcase."Marco anong ibig sabhin nito?""Ma'am, may nagpadala nito sa kanila ni Tita Sylvia. Kaya iniisip nila tinanggap mo talaga ang pera at 'yon din ang pinapan

  • Challenging Hearts   CHAPTER 105

    JENINETinawagan ko ang cellphone ni Marco ngunit hindi ko siya makontak. Nakailang dial na ako pero wala pa ring sumasagot.Napatingin ako sa brief case na nasa ibabaw ng mesa.Hindi ko alam kung magkano ang laman no'n basta ko nalang isinarado ngunit bigla nalang may tumabi sa akin at parang may itinutok sa tagiliran ko."Akin na ang brief case mo," matigas na wika ng lalaki. Nakasuot ito ng maong na jacket at itim na bonnet kaya hindi ko makita ang mukha niya."Uhm, Mister. H-hindi sa akin 'to," sabi ko sa isang garalgal na tinig."Wala akong pakialam, sa yo man o hindi ang pera na 'yan. Basta ibigay mo kung ayaw mong may masamang mangyari sa 'yo." Mariing saad ng lalaki at mas lalo pang dniinan ang pagtutok ng baril sa tagiliran.Bigla akong pinagpawisan kasabay ng panginginig ng aking katawan.Napalinga ako sa paligid. Umaasang may makakatulong sa akin, pero wala. Abala ang mga waiters at waitress sa pag-aasikaso sa mga customers.Wala akong nagawa kundi ang iabot sa kanya ang br

  • Challenging Hearts   CHAPTER 104

    JENINENagkasundo kaming magkita ni Huxley sa isang tagong restaurant sa Makati. Nauna akong dumating sa nasabing lugar at agad akong pum'westo sa mesa kung saan nakikita ko ang bawat customer na pumapasok.Kinakabahan ako habang naghihintay sa kanya. Marahil dala na rin siguro ng sobrang excitement.Tatlumpung minuto...Hanggang sa isang oras ang inabot ko sa paghihintay, ngunit hindi siya dumating.Muli akong napatingin sa entrance ng restaurant at gayon na lamang ang pagkagulat ko nang bumungad sa aking paningin ang elegante ngunit nakakatakot na awra ni Mrs. Sylvia Baltimore, ang Mommy ni Huxley. Nakasunod naman sa kanya ang isang lalaki na may bitbit na brief case.Hindi na ako makaiwas pa, nakita na niya ako."So, dito pala kayo balak na magkita ng anak ko." Matigas niyang sabi nang makalapit sa akin."M-magandang araw po Ma'am." Mahina kong bati habang nakayuko ang ulo."H'wag ka ng umasa pang darating si Huxley. At p'wede ba kalimutan mo na ang anak ko, dahil ikakasal na siya.

  • Challenging Hearts   CHAPTER 80

    JENINETatlong araw pa lamang ang lumipas simula nang umalis si Huxley papuntang Amerika, ngunit hindi pa rin ako nakakapag-adjust. Kahit palagi naman kaming nagvi-video call pero, iba pa rin talaga 'pag personal ko siyang nakikita at nakakasama."Anak, okay ka lang ba?" biglang tanong sa akin ni n

  • Challenging Hearts   CHAPTER 79

    JENINEMabigat ang aking pakiramdam nang magising ako kinabukasan. Ngayon na kasing araw na 'to aalis si Huxley papuntang Amerika at alas dyes ng umaga ang flight niya. Nakakalungkot nga talaga, pero siguro isa na rin ito sa pagsubok sa aming relasyon kaya kailangan kong maging matatag para sa kany

  • Challenging Hearts   CHAPTER 78

    HUXLEYMabilis na lumipas ang mga araw at tapos na rin ang bakasyon namin sa Boracay. Para lang namang kahapon 'yon, pero heto pauwi na kami ng Maynila at bukas na ang schedule ng flight ko papuntang Amerika. "Babe, are you okay?" tanong sa akin ni Jenine habang nasa eroplano kami. "Ba't parang an

  • Challenging Hearts   CHAPTER 77

    HUXLEYBigla akong nagising nang maramdaman ko ang pangangalay ng aking mga braso. Alas kwatro pa lang ng madaling araw kaya mahimbing pang natutulog si Jenine habang nakaunan sa braso ko. Pareho kaming walang saplot sa katawan dahil agad kaming nakatulog kagabi matapos ang aming pagniniig. Napatit

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status