تسجيل الدخولNakasuot siya ng simpleng gray na shirt at jogging pants, ngunit kahit gaano siya kasimple manamit, hindi pa rin nawawala ang natural niyang presensya. Gayunpaman, mas napansin ko ang seryosong ekspresyon sa kanyang mukha kaysa sa hitsura niya.Ibinaba ko ang cellphone ko at napabuntong-hininga.“Hi
MitchPagkagaling namin sa Tagaytay ay diretso naming hinatid sina Mama at Papa pauwi sa bahay. Ayaw sana nilang magmadali kaming umalis, ngunit pareho naming alam ni Chandler na kailangan na rin naming bumalik sa HQ. Ilang araw na rin kaming halos walang inasikasong trabaho at siguradong may mga ba
"Papa," panimula niya habang nakatingin kay Papa, "nagsampa na ng kaso ang kapatid ko laban sa taong nag-frame sa inyo."Agad na nawala ang ngiti sa mga mukha namin.Napatingin kaming lahat sa kanya."Sino?" tanong ni Papa habang bahagyang umayos ng upo.Hindi agad sumagot si Chandler na para bang g
MitchAng unang umaga namin sa Tagaytay ay nagsimula sa malamig na simoy ng hangin na pumapasok mula sa bahagyang nakabukas na bintana ng silid. Hindi ko agad iminulat ang aking mga mata. Nanatili muna akong nakahiga habang pinakikinggan ang katahimikan sa paligid.Matagal na rin mula nang makaranas
Mukhang si Chandler rin ay todo effort upang maging bahagi ng pamilya namin.Mabilis na naging abala ang buong bahay matapos naming maipasok ang mga gamit. Dahil ayaw ni Mama na masyadong mapagod si Papa, hinayaan niya ito sa sala kasama sina Kuya Arman at Chandler.Kami naman ni Ate Leslie ang napu
Mitch“Nagustuhan niyo ba?” tanong ni Kuya Arman kina Mama at Papa nang tuluyan kaming makapasok sa Airbnb na inarkila niya para sa aming pansamantalang pananatili.Matatagpuan iyon sa isang tahimik na bahagi ng Tagaytay kaya agad kong naramdaman ang preskong hangin na sumalubong sa amin. Malayo ito
NoellePaglabas ko ng restroom, agad akong natigilan nang makita ko si Chanden. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang o talagang bumigat ang paligid dahil sa nag-aapoy niyang tingin. Para bang may unos na nagbabadya sa kanyang mga mata. Lalapitan ko na sana siya para batiin, pero biglang lumabas din
Noelle“So, ikaw pala si Noelle.”Mataman akong tinignan ni Marcus, para bang ini-scan niya ako mula ulo hanggang paa kahit na nakaupo na kami. Parang may hinahanap siya o baka sinusukat kung sapat ba ako para sa pinsan niyang si Chanden.Nasa restaurant na kami ng hotel para mag-lunch pagkatapos ng
Chanden“Ano sa tingin mo, Kuya?” tanong ni Chancy habang inaayos ang pagkakaupo sa tapat ng aking mesa. Nasa opisina ko na kami, at sumunod silang dalawa pagkatapos ng huling meeting namin ngayong hapon. Tahimik sa paligid. Tanging ang marahang tunog ng wall clock at ang humuhuning aircon ang narir
ChandenMatay ko mang balikan sa isip ang mga nagdaang oras, hindi ko pa rin maintindihan kung paano nangyari ‘yon. Gulat na gulat ako sa sinabi ng doktor, nalason daw si Noelle.The fuck?! Paanong nangyari ‘yon? Paanong nalason ang asawa ko?Lahat ng kinakain namin ay ako mismo ang naghahanda. Mins







