Home / Romance / DYING TO HOLD YOU / HOLD YOU FOUR: SPECIAL ABILITY

Share

HOLD YOU FOUR: SPECIAL ABILITY

Author: Iza Wan
last update publish date: 2026-06-02 12:00:52

“Miii! OMG, you're back for reaaaal!”

Napangisi si Rinoah sa lakas ng boses ni Alma nang mabungaran sila pagbukas nito ng pinto ng condo unit nito. Agad siyang dinamba ng kaibigan para yakapin. Nang bitiwan ay inikot-ikot siya na para bang hindi kapani-paniwala na nasa harapan siya nito.

“Surprised?”

“Leche! Bakit hindi ka nagpapa... sabi...” papahina ang boses na sabi nito nang mapansin ang dalawang paslit na nasa likurang gilid ni Rinoah.

“Hi, fairygod mom!” malawak ang ngiting naunang bati ng paslit na si Claudine na kinawayan pa ang kaibigan ng mommy niya.

“Oh... my... aaahhhh! Ang mga fairy babies ko!” tili na naman ni Alma na halos itulak ang kaibigan patabi para lang malapitan ang mga inaanak na sa video call lang noon nakakausap.

“Aaah! Fairygodmom!” hindi papatalong tili rin ni Claudine, habang tahimik lang at nakangiting nakamasid si Claude.

Halos panggigilan ni Alma ang babaeng inaanak. Bubuhatin sana niya ito pero hindi kaya ng maninipis niyang braso.

“Finally, We've met!” Salitang pinaghahalikan ni Alma ang magkabilang pisngi ni Claudine, nang makuntento ay saka binalingan si Claude at ito naman ang pinanggigilan. “Ang pi-pretty at handsome naman talaga ng mga fairy babies ko. What do you want? Come on, tell me and I will grant it,” pangungulit niya sa magkapatid na yakap sa magkabilang braso.

“`Ma, baka p'wedeng pumasok muna tayo? Nakakabulahaw na tayo,” paalala ni Rinoah.

Mabilis na tumayo nang tuwid si Alma. “Ay... pasok, pasok.” Inakay niya sa balikat ang dalawang kambal papasok sa unit nito. Nang maisara ang pinto, nagulat na lang si Rinoah nang hampasin ng kaibigan ang kaliwang likod niya malapit sa balikat.

“Bakit kasi hindi ka nagpapasabi?” asik ni Alma sa kaibigan.

“Hindi na surprise kung sinabi ko,” pigil ang ngiting sagot ni Rinoah.

“Ewan ko sa iyo. Alam nang ayoko nang surprises. Teka, kumain na ba kayo? Kailan kayo dumating? Saan kayo tumutuloy, sa grand manor ba?” sunod-sunod na usisa ni Alma. Naupo ito sa single-seater couch at payakap na kinandong si Claudine. “Hays, ang ganda mo talaga. Akin ka na lang, fairy baby,” panggigigil niya rito.

“Kahapon lang kami dumating. I know it's your off today kaya pumunta na kami. And I know for sure na nasa nightout ka kagabi kaya hindi na namin inagahan. Mukhang ikaw ang hindi pa nanananghalian,” sagot ni Rinoah, naupo siya sa three-seater couch na nasa kaliwang bahagi ng sala, tumabi sa kaniya nang upo ang lalaking anak.

“Ahh, you still really knew me...” pinausli pababa ang mga labing ungot ni Alma. “Wait, fairy babies, gusto n'yong mag-swim?”

“Yes po, fairygod mom! I want to swim! I want to swim, Mom.” Nilingon ni Claudine ang ina saka ikinurap-kurap ang nagmamakaawa nitong mata.

“We did'nt bring your extra clothes, Clau.”

“That's fine, Mii. May boutique sa 3rd floor nitong building. May shop din sa swimming area. Bibilhan ko na lang sila ng swimsuit and stuff. Doon na rin ako magba-brunch. Let's go! I'll just change, a'right!” Tumayo si Alma at iniupo si Claudine bago tinungo ang silid para magpalit ng damit. “Wait n'yo 'ko here, fairies.”

**********************************************

“Wait... ano'ng ibig mong sabihing hindi ikaw ang nagpakalat ng photos ko sa nightclub?” Mula sa pagbabantay-tingin sa mga anak na nasa swimming pool, kunot na ang noo nang ipinaling ni Rinoah ang ulo kay Alma para tingnan ito.

“Uhum...” tipid na sagot ni Alma na hindi makapagsalita dahil sa laman ng bibig. Nginuya at nilunok muna nito ang pagkaing nasa bibig bago nagsalita. “Ang natatandaan ko, may nakabanggaan ako habang sinusundan kita papunta sa restroom. I know the guy kaya medyo nagkakuwentuhan at nakalimutan kong may misyon ako. Then noong naalala ko, wala ka na. Hindi na kita mahagilap. I called your phone and a gorgeous voice answered my call.” Huminto si Alma sa pagsasalita para sumubo ng kinakain nitong lasagna.

Palipat-lipat naman ang tingin ni Rinoah sa mga anak na masayang lumalangoy sa swimming pool, at sa kaibigang nagkukuwento habang kumakain. Hindi naman siya nag-aalalang naka malunod ang sino man sa kambal, dahil marurunong lumangoy ang dalawa. Nakikipag-compete na si Claude sa swimming competetion na ang kalaban ay mas matanda ng dalawa hanggang apat na taon, at nakasungkit ng ikatlong puwesto.

Pero nang hindi na dinugtungan ni Alma ang huling sinabi nito, nilingon niya ito at bibigyan sana ng tinging nagsasabing 'ano ang sumunod na nangyari?' kaso nasa kinakain nito ang atensiyon ng kaibigan.

“Ano'ng sinabi sa iyo? Did he mention his name?”

“Nope. He just assured me that you're safe and that you knew him.”

“Wait, what?” Wait, binanggit o nagpakilala ba ng lalaking iyon? Wala siyang maalala. Oh... maliban sa ibinigay nitong pangalan—Cloud. Na isinunod niya sa pangalan ng kambal.

“Hindi mo maalala? How about his face?”

Bumuntonghininga siya. Ang hirap sumagot kapag wala kang maisagot. Wala siyang maalalang kahit ano tungkol sa lalaking naka-one-nightstand niya. Hindi niya alam kung dahil sa kalasingan niya noon, o baka epekto ng anesthesia'ng itinurok sa kaniya noong manganak siya.

“That was six years ago. I was drunk that night so his face was blurred in my sight. When I woke up, he was taking a shower, and I didn't have the time to wait for him. I just left some cash as payment for his service, then I left the room. So, there's nothing I can recall if my memory of him was as blurred as a dream fading after waking... except that I know he was real.”

“So, what's your plan now? Plan mong hanapin?”

“Gusto siyang makita ni Claudine,” simpleng sagot niya.

“Si Claudine lang? How about Claude?” Inabot ni Alma ang mataas na baso ng avocado smoothie nito saka sumimsim habang na kay Rinoah ang tingin.

Umiling si Rinoah. “He knew that they don't have a father.”

Nangunot ang noo ni Alma at daig pa ang tsismosang nagkainteres sa sinabi niya. “What do you mean? Sinabi mo ba?”

“Hindi. But he told me that I don't need to lie to him about his father because he knew that they don't have a father from the beginning. That I suffered alone just to brought them in this world.”

“Woah, that was deep... and weird for a 5-year-old.”

Malalim na namang napabuntonghininga si Rinoah, “Actually, hindi lang si Claude. I don't want to lie to Claudine, but...” Nangungunot ang noo ni Rinoah sa pag-iisip kung paano ilalatag sa mga salita ang gusto niyang sabihin. “She keeps telling me that she dreamed of their father, and she's been drawing it ever since she told me about it.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Bella Liam
Ano kayang itsura Ng drawing
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • DYING TO HOLD YOU   HOLD YOU THIRTY-FOUR: SWEET, CHAOTIC MONDAY MORNING

    MONDAY Kahit ayaw bumangon ni Rinoah para pumasok sa nakatakdang maging trabaho niya, pinilit niya ang sariling bumangon nang maaaga. Naghanda siya ng almusal para sa kambal, saka niya inasikaso ang sarili bago gisingin ang mga anak. Pakakainin muna niya ito bago dalhin sa unit ni Alma. Nakalipat na sila noong Sabado ng gabi sa katapat na unit ni Alma. Nagkaroon naman siya ng oras na ayusin ang mga gamit nila kahapon dahil inilabas ni Joaquin ang kambal para ipasyal. “Mommy, can we come with you?” nakangusong tanong ni Claudine habang nasa harapan sila ng hapag at nag-aagahan. Magkatabi ang kambal, habang nasa harapan naman siya ng dalawa. “We've talked this, right? No kids are allowed in a working area, sweety.” “Hmp, daddy said you were the owner of the company, so you are the boss,” pagmamaktol pa rin ni Claudine. “Aha, did your daddy say that? He's the one who told me that he's my boss, not I am the boss,” taas ang kanang kilay na sagot ni Rinoah. “Hmp! I'm gonna

  • DYING TO HOLD YOU   HOLD YOU THIRTY-THREE: WEARY

    Cloud... Claud... Oh, sh*t... Unti-unting nag-init ang magkabilang pisngi ni Rinoah nang mag-echo sa isip ang boses niyang inuungol ang pangalang iyon. Alaalang tanging hindi nawala sa isip niyang nanlalabo ang bawat memorya. “Don't flash that kind of face in front of me, Noah...” anas ni Joaquin, gasgas ang boses sa bigat ng paghinga niya. Nakalaylay ang mga paa ni Rinoah sa seawall habang patagilid siyang tinitingala nito at dinudungaw niya ito na parang bata. Seeing Rinoah's innocent, flustered face—the same face that tempted him 6 years ago—made him lose his breath... just like before. “T-That was you...?” Nangunot ang noo ni Rinoah habang inaaninag ang mukha ng lalaking nagmistulang anino dahil nilalamon ng liwanag ng araw na natatakpan nito, ang kabuuan ng binata. “I told you, I was there. I'm just a bit late, but I came. You touched me like how you touched... the wall?” Gumuhit ang pinong ngiti sa mga labi ni Joaquin. Inililibot ang tingin sa mukha ng babaeng it

  • DYING TO HOLD YOU   HOLD YOU THIRTY-TWO: RECALL

    Two hours of pampering herself at a spa was the greatest feeling Rinoah had had in 6 years. Ramdam niya ang paggaang ng pakiramdam. Hindi niya alam kung gaano katagal iyong massage session, pero ramdam niya na mahimbing ang naging tulog niya, at walang umistorbo sa kaniya.Pagkagising niya, gutom naman ang naramdaman niya. Dinala siya ni Joaquin sa seaside restaurant. And when he said he would pamper her, he meant it. Para siyang batang naghihintay lang sa upuan habang hinihimayan siya ng mga pagkaing nakahain sa mesa nila.Pagkatapos ng masarap na lunch, dinala naman siya ni Joaquin sa tabing-dagat. Saglit itong nagpaalam, at nang bumalik, inabutan naman siya ng ice cream.“Thanks.” Kinuha niya rito ang Cornetto, saka pinanood ang pagsampa nito sa seawall para makaupo sa tabi niya.Nang makaupo si Joaquin nang maayos ay kinuha ulit nito sa kamay niya ang ice cream. Tinanggal nito ang takip niyon, saka binalatan ang bandang ibabaw bago ibinalik sa kaniya.Saglit na natulala si Rinoah

  • DYING TO HOLD YOU   HOLD YOU THIRTY-ONE: PAMPERED

    FridayInaya ni Alma ang mga bata na mag-swimming, kaya tuwang-tuwa naman ang dalawa habang tinatapos ang agahan.Hindi alam ni Rinoah kung ano'ng oras darating si Joaquin dahil wala naman itong sinabi. Basta dadalaw raw ito. Siguro magpapaiwan na lang siya para hintayin ang pagdating nito, at susunod na lang sila.Nakabihis na ang kambal ng damit pang-swimming at pinatungan na lang ng towel robe. Nasa sala na sila at hinihintay na lang si Alma na may kinuha sa kwarto nito nang may mag-doorbell.Bumuntonghininga muna si Rinoah nang makita mula sa peephole kung sino ang nasa labas. Ang aga naman ng lalaking 'to. Binuksan niya ang pinto.“Good morning,” naunang bati ni Joaquin saka siya tinulalaan.“Morning. Sorry, I didn't expect you this early. Magsi-swimming ang mga bata kasama si Alma,” naaligaga niyang sagot. Hindi pa man din siya nakakapagpalit ng maayos na damit, mabuti na lang at nakapagsuot siya ng bra!Maluwag niyang binuksan ang pintuan para papasukin ang tatlo.“Good morning

  • DYING TO HOLD YOU   HOLD YOU THIRTY: BREAKDOWN

    Malalim na ang gabi ngunit hindi makatulog si Rinoah. Kanina pa niya iniisip kung paanong kakausapin si Joaquin kinabukasan. Pupunta ito. Ang paalam nito, dadalaw ito. Dadalawin nito ang mga bata. Hindi pa rin siya sigurado kung tama nga ang hinala nila ni Alma—na si Joaquin nga ang lalaking naka-one-nightstand niya at siyang ama ng mga anak niya. But the way he acted with the twins from being confused to being so sure, umaakto na itong ama ng mga bata. Bumuntonghininga siya. Nilingon niya ang kambal na malalim nang natutulog sa tabi niya. Paniguradong napagod ang mga ito sa maghapong nasa labas kasama si Joaquin. Si Joaquin... Si Claudio Joaquin Alonzo Rivero. Kung ito nga ang ama ng mga anak niya—hindi ito basta isang gigolo lang. Walang gigolo na kayang magpasara ng amusement park para lang malayang makapaglaro ang mga anak niya kasama ito nang hindi pinuputakti ng fans nito. At kung kukunin nito ang custody ng mga bata... may posibilidad na ilayo nito ang mga anak niya. Is

  • DYING TO HOLD YOU   HOLD YOU TWENTY-NINE: ARM ON HER WAIST

    “Sows, happy wife 'yarn?” Nakangisi si Alma habang papalapit sa kaniya si Rinoah. “There, may family picture na kayo. Pa-billboard natin?” nang-aasar na ipinakita niya ang mga picture na kuha sa cellphone niya. Wala siyang pinalampas habang walang kamalay-malay ang kaibigan niya sa mga pakulo ni Joaquin makuhanan lang niyang nakangiti si Rinoah, at kinikilig siya, my ghad! Nakalabing inisa-isa ni Rinoah ang mga kuha nila. Wala namang kakaiba. Obvious nga ang pagkailang niya, naninigas siya sa kinatatayuan. Pero sa mga sumunod na litrato, bahagya nang napaawang ang mga labi niya. Kuha iyon kung saan tumingin siya kay Joaquin na nakatingin din sa kaniya. That was when Joaquin jokingly asked who's better for Alma, was it Billy or Rocky. Pero hindi iyong tinginan nila ni Joaquin ang napansin niya, kundi ang kaliwang kamay nito na nasa baywang niya. Did he just... hold her on her waist? Hindi niya iyon naramdaman. Inilipat niya ang litrato para tingnan ang sumunod.

  • DYING TO HOLD YOU   HOLD YOU PROLOGUE: SWEET REBELLION

    Napapalabi si Rinoah habang tinitipa sa search engine ang buong pangalan ng lalaking nakatakda niyang pakasalan next week. CLAUDIO RIVERO... Limang personalidad ang binigay na resulta sa kaniya. Ang una ay isang football player from Uruguay, kaya i

  • DYING TO HOLD YOU   HOLD YOU NINE: FATHERLESS

    HOLD YOU NINE: FATHERLESS “WHERE is she?” tanong ni Joaquin sa dalawang bodyguard matapos pasadahan ang pasilyo at hini na makita si Rinoah. Itinuro ni Rocky ang malinis na pasilyo, at kapwa pa sila natigilan nang biglang bumulalas ang babaeng paslit na galing sa bumuka

  • DYING TO HOLD YOU   HOLD YOU TWO: HARSH GRANDPA

    “M-Miss Noah! Ikaw nga, Miss Noah. Nagbalik ka na!” Gulantang ang guard na sumilip mula sa bintana ng guardhouse nito. Nagmamadali itong lumabas para pagbuksan sila ng gate. Tipid na ngumiti si Noah, “Ako nga po, Mang Estong. Mabuti at nandito pa rin kayo. Kumusta po?

  • DYING TO HOLD YOU   HOLD YOU ONE: BEAUTIFULL KARMA

    Nagpakawala nang malalim na buntonghininga si Rinoah nang ianunsiyo ng piloto ang nalalapit na paglapag ng eroplanong may lulan sa kanila. Nilingon niya ang bintanang nasa kaliwang dulo, dahilan para makasalubong niya ang mga matang nagpapaalala sa kaniya sa nakaraan, na pag-aari ng b

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status