LOGINBiglang bumaba ang mga mata ni Zach sa mapupula at maninipis na mga labi ni Ruby habang nagsasalita ito bago sumilay ang isang ngiti rito. Napatitig siya sa mukha nito, sa totoo lang ay hindi naman ganun kaakit-akit ang mukha nito na kung tutuusin nga ay napakasimple lang nito ngunit ang mga mata nito ay hindi niya maitatangging kakaiba.
Hindi niya alam kung ilang beses na siya nitong tinawag na Tito ngunit parang iba ang dating nito sa kaniya. Bukod pa doon ay ibang-iba ang amoy nito sa ibang babae, napakasarap nitong amuyin. O dahil iyon sa pabango nito? Nagtagis ang kanyang mga bagang at pilit na ginigising ang kanyang sarili sa kahibangan. Hindi niya akalain na kung ano-ano ang papasok sa isip niya ng mga oras na iyon. Madilim ang mukhang tiningnan niya ito. “Mukha yatang may diperensya na ang utak mo o gusto mo ng mamatay?” Hindi ito natinag, bagkus ay mas lumawak lang ang pagkakangiti nito ng mga oras na iyon. “Sa totoo lang, ang magpakasal kay Ethan ay mas masahol pa sa pagpapakamatay at kung papipiliin ako kung kaninong kamay ko gustong mamatay ay mas maganda na siguro sa inyo. Pero pwede bang mamili kung saan mo ako pwedeng ilibing Tito? Baka sakaling ma-reincarnate ako at sa pangalawang pagkakataon na mabubuhay ako, ay baka maipanganak na ako sa isang disenteng pamilya.” sabi ni Ruby. Hindi siya makapaniwalang napatitig dito. “Tyaka, palagi niyo akong dalhan ng pagkain sa magiging puntod ko huh?” Mas lao lang nagdilim ang mga mata ni Zach nang marinig ang pinagsasabi ng babaeng nasa harapan niya. Nang ibubuka na sana niya ang kanyang bibig para magsalita ay bigla na lang may kumatok sa pinto. “Tito, pwede ko ba kayong makausap?” boses iyon ni Ethan. Nang marinig ito ni Ruby ay hindi na siya nagulat. Kung si Erika ang nagkulong sa kaniya sa silid na iyon ay tiyak na may lihim itong plano at iyon na nga iyon. Napatitig siya sa lalaking nasa harap niya na may hindi maipaliwanag na mukha. Ang mga mata nito ay nag-aapoy. Ilang sandali pa ay muli nilang narinig ang tinig mula sa labas ng pinto. “Tito, hindi pa naman siguro kayo tulog hindi ba? Bakit hindi niyo buksan ang pinto?” muling tanong nito. “O ayaw niyo lang talagang buksan dahil may itinatago kayo?” Naging malalim ang paghinga ng lalaki. Ramdam na ramdam niya ang pag-ahon ng galit sa dibdib nito. “Tito, alam kong naririnig niyo ako. Nagsumbong sa akin ang isang kasambahay na nakita niyang pumasok dito sa loob ng silid niyo si Ruby.” Tumitig siya sa mga mata ng lalaking nasa harapan niya bago mahinang bumulong. “Tulungan mo ako please, ayokong hayaan na magtagumpay ang masamang plano nila laban sa akin. At isa pa, siguro naman ay hindi mo gugustuhing mahuli kasama ko dito sa iisang silid hindi ba?” nakataas ang kilay na tanong nito sa kaniya. Ang mga mata nito ay nakatitig sa kaniya na blangko at malinaw niyang nababasa sa mga iyon na sinasabi nitong wala itong pakialam sa kaniya. Kung sakali man kasing mahuli silang nasa iisang silid? Ano naman sa lalaki hindi ba? Samantalang siya, sobrang kahihiyan ang aabutin niya kung sakali man. Ilang sandali pa ay isang ngiti ang sumilay sa labi nito. “At bakit naman sana kita tutulungan?” “Kapag nalaman ng Daddy ko ang tungkol dito ay tiyak na pipilitin ka niyang pakasalan ako. Gusto mo ba kapag nangyari iyon?” Dahan-dahan itong ngumisi sa kaniya. “Alam mo ba kung sino ako sa Pamilya para magawa niya iyon? Kahit na mahuli nila tayo dito ngayon na magkasama, isang utos ko lang ay magpapakasal pa rin kayo ni Ethan.” sagot nito sa kaniya dahilan para matahimik siya. Ganun kalakas ang kapangyarihan nito sa pamilya at alam niya na hindi ito nagbibiro kung sakali man. Siya lang ang magiging kahiya-hiya. Napakuyom ang kanyang mga kamay at sandaling nag-isip bago siya napakagat labi at ipinulupot ang kamay sa leeg nito bago bumulong. “Kung ganun naman pala Tito, e bakit hindi na lang nila tayo mahuli sa ganitong eksena ngayon? Ako na ang bahalang magkwento sa kanila.” ngumisi siya habang nagniningning ang mga mata. Samantala, sa labas ng pinto ay tahimik na nakatayo si Ethan at sigurado siya na may naririnig siyang ingay mula sa silid. Kung hindi niya pa ngayon bubuksan ang pinto ay magkakaroon pa ang mga ito ng pagkakataong magtago kaysa ang maaktuhan niya ang ginagawa ng mga ito. Hindi na siya nagdalawang isip pa na buksan ang pinto at pumasok. “Tito, pasensya na sa pagpasok dito sa silid niyo ng walang pahintulot.” paghingi niya kaagad ng paumanhin. Akala niya ay maabutan niya ang isang eksenang nasa utak niya kanina pa ngunit hindi niya akalain na tanginig ang tiyuhin lang niya ang maaabutan niyang nakaupo sa kama. Agad na nagdilim ang mga mata nito. Medyo madilim sa silid ng mga oras na iyon dahil patay ang ilaw ngunit nakasindi ang night lamp kaya kitang-kita niya pa rin ang nagbabagang tingin nito. “Anong ginagawa mo?! Lumabas ka ngayon din!” pagtataboy nito sa kaniya. Bigla siyang kinilabutan ng makita niya ang galit na ekspresyon nito ng mga oras na iyon. Hindi siya nakagalaw mula sa kanyang kinatatayuan. “Hindi mo ba ako narinig? Ganyan na ba talaga kagarapal ang ugali mo at ni hindi ka man lang marunong umintindi?” matalim ang mga matang nakatingin ito sa kaniya. Napalunok siya bago nagbuka ng bibig. “Nagsumbong lang kasi sa akin ang isa sa mga kasambahay Tito na nakita nilang pumasok dito sa loob ng kwarto niyo si Ruby kaya ako tumakbo rito kaagad. Natatakot lang akong baka kung anong gawin niya sa inyo. Desperada pa naman ang babaeng iyon.” paliwanag niya rito. Ang sabi sa kaniya ng kanyang kapatid, sigurado siya na hindi pa nakakalabas si Ruby sa silid ng kanyang tiyuhin. Ito na ang pagkakataon niya kaya hindi na niya ito dapat pang sayangin. “What? Nababaliw ka na ba talaga? At ano naman sanang gagawin dito ng babaeng iyon? O kaya ka nagpunta dito ay naghahanap ka ng gulo?” malamig pa rin ang mukha nitong nakatingin sa kaniya. “Mali kayo ng iniisip Tito, hindi ako nagpunta rito para gumawa ng gulo.” …Ang mga mata ni Ruby ay malamig na nakatingini sa mukha ng lalaki. Mabilis niyang binuksan ang kanyang camera at nag-record ng video. “Kung gusto mo na patawarin kita ay kailangan mong sabihin sa akin ngayon kung sino ang nag-utos sayo na gawin ang lahat ng iyon sa akin.” walang emosyon ang kanyang mukhang sabi rito. Alam niya na may nag-utos ditong gawin iyon sa kaniya.Napuno ng pag-aalinlangan ito sandali ngunit sa huli ay ibinuka din nito ang bibig para magsalita. “Ang nag-utos sa akin na gawin iyon ay walang iba kundi si Wendy. Si Wendy ang nag-utos sa akin na gawin ang lahat ng ito. Ang sabi niya sa akin, kung magagawa ako ang iniuutos niya ay bibigyan niya ako ng pera ay higit sa lahat at ipinangako niya sa akin na kung maging asawa na siya ni Ethan Montefalco ay sisiguraduhin niya na ako ang unang magkakaroon ng koneksyon sa pamilya Montefalco.” Nang marinig ni Ruby ang sinabi nito ay halos gusto niya na lang matawa. “At naniwala ka naman sa sinabi niyang magiging asawa niya
“Ma’am, ayos lang po sana ang tungkol sa kahalayan ng ginawa ng asawa niyo. Kung iyon lang po ang problema sana ay pwedeng-pwede rin siyang makauwi kaagad kaso nga lang po ay may nagsampa sa kaniya ng kaso dahil sa tangkang panghahalay.” sabi ng pulis sa asawa ni Benedict.“What?!” namilog ang mga mata nito bago nilingon ang kanyang asawa. “Anong sinasabi ng pulis? Totoo ba ang lahat ng ito?” Dahil wala ng magawa pa si Benedict ay napilitan na lang itong sabihin ang totoo sa kanyang asawa. Kung ano nga ba talaga ang totoong nangyari para lang makalabas na siya kaagad doon. “Pero hindi ko talaga siya hinawakan man lang. Alam mo naman kung anong itsura niya hindi ba? Hinding-hindi ko siya pag-iinteresan. Siya nga itong namahiya sa akin nitong mga nakaraan.” paliwanag niya sa kanyang asawa.Sa galit nito ay muli siya nitong pinaghahampas. Talagang galit na galit ito dahil sa ginawa niya ngunit pagkatapos nito ay umalis din naman ito kaagad para linisin ang gusot na ginawa niya. Samanta
Sa backstage ay hindi na napigilan pa ng ama ni Mrs. Lozano ang galit nito. Hinarap niya ang kanyang anak at galit na galit na sumigaw. “Tingnan mo nga kung anong kahihiyan ang ibinibigay ngayon ng asawa mo sa akin! Sa dami dami ng lalaking pwede mong pakasalan ay talagang siya pa ang napili mo! Napakarami niya ng gusot at kahihiyang ginawa sa mga nakalipas na taon!” sigaw nito sa anak. “Sa tingin mo ba sa ginawa niyang ito ay hindi makakaapekto sa career ko? Kapag nasira niya ang lahat sisiguruhin kong pagbabayaran niya ang ginawa niyang ito!” ******Nang dalhin sa presinto si Benedict ay wala pa siyang kaalam-alam kung gaano na kagulo ang mga tao ngayon sa internet para pag-usapan siya. Hinid lang sa f@cebook siya ngayon sikat kundi sa ibat-ibang platform pa. Bukod pa doon, mabuti na lang at pinayagan sila ng mga pulis na kontakin ang kanilang mga pamilya para maayos na ang gusot. Sinabi rin sa kanila ng mga pulis na kailangan nilang manatili sa presinto ng sampung araw o higit pa
Hindi alam ni Ruby kung saan siya ngayon lalapit dahil naging palpak ang pakikipag-usap niya sa mga taong iyon. Kung sana lang ay matino silang kausap e di sana ay wala siyang problema ngayon. Ginamit lang siya ng mga ito para makapaghiganti sa kaniya ang Mr. Lozano na iyon sa kahihiyang ito rin naman ang may gawa. Ngayon ay mukha talagang kailangan na niyang seryosohin ang paggawa ng sarili niyang brand ngunit dahil hindi naman siya kilala ng mga tao ay tiyak na magiging napakahirap nito para sa kaniya. Ang una niyang naisip ay ang kumuha ng mga taong mag-iinvest sa kaniya at siya lang ang gagawa sana ng mga pabango at sila na ang bahalang magbenta. Pero ngayon ay malabo na iyon.Para makuha ang hustisya dahil sa ginawa ng mga ito sa kaniya ay tumawag siya sa police station at inreport ang insidente para na rin makasuhan ang mga taong sangkot. Bukod pa doon ay may ebidensya naman siyang hawak at may mga kuha din ng cctv sa hotel. ******Nang dumating ang mga pulis sa silid kung saa
Halos magkandaligaw-ligaw si Ruby dahil sa lawak ng villa. Ni hindi niya natandaan ang mga dinaanan niya kanina. Mabuti na lang at naroon lang ang mga kasambahay kung saan ay itinuro sa kaniya ang daan. Bumalik muna siya sa silid na tinulugan niya para kuhanin ang mga gamit niya bago nagpaturo ng daan palabas. Napakalaki ng bahay na iyon at mag-isa lang ang lalaking nakatira. Sa dami ng bahay na napasukan niya ay parang ito pa lang yata ang napasok niyang ganito kalaki. Mas malaki pa ito sa mansyon mismo ng mga Montefalco. Ano pa nga ba ang inaasahan niya sa lalaking katulad ni ZAchary Montefalco e talaga namang napakayaman talaga nito as in. Huminga siya ng malalim. Mabuti na lang at paglabas mismo halos ng villa ay highway na kaya may mga dumadaang sasakyan kung saan ay kaagad siyang pumara ng taxi para pumunta sa kanyang studio. Habang sakay siya ng taxi ay nakatanggap siya ng isang message galing sa kanyang kaibigan na si Missy at pinapapunta siya nito sa kumpanya dahil may kai
Pagkatapos lang umalis ni Alex ay tumayo na rin si Zach at nagtungo sa kusina. Umupo siya at hindi sinasadyang mapasulyap sa babaeng nauna ng nakaupo doon. Kahit na may makeup na ito ng mga oras na iyon ay ang tunay pa rin nitong mukha ang nakikita niya. Nagbawi lang siya ng tingin at hindi na ito nilingon pa nang marinig niya ang tinig nito. “Mukhang wala ka pang bumalik sa ibang bansa Tito…” Tumango siya.Hindi malaman ni Ruby kung bakit bigla na lang siyang napangiti nang malaman niyang hindi pa ito babalik sa ibang bansa. Para siyang isang bata na napagbigyan sa kahilingan niya. Muling napasulyap ng wala sa oras si Zach sa babae at ang unang napansin niya ay ang ekspresyon nitong masayang masaya. Bakit parang masaya ito na malaman na wala pa siyang balak bumalik sa ibang bansa? Hindi niya maiwasang hindi mapaisip. Sa murang edad nito ay baka ma mis interpret nito ang mga kilos niya lalo na at iniligtas niya ito mula sa mga taong iyon kagabi. Ito ang nobya ng pamangkin niya at
Nilingon ni Missy ang kaibigan pagkatapos nilang masaksihan pareho ang pangyayari. “Nakita mo ba iyon Ruby? Mukha yatang may plano na namang humanap ngg ibang babae ang lalaking iyon. Paniguradong hindi magtatagal ay ibabasura na rin niya ang WEndy na iyon.” Mabilis na umikot ang mga mata ni Ruby.
Bigla na lamang siyang kinalabit ni Missy ng wala sa oras kaya kahit na gustuhin niya mang yumuko na lang sana ay hindi niya nagawa. Mukhang excited pa itong sabihin sa kaniya ang nangyayari sa kanilang harapan. “Tingnan mo Ruby, nakita mo ba ang itinuturo kong lalaki sayo? Ang daming babaeng gusto
Tumigil lang sina Missy at Ruby nang makarating sila sa isang sulok. Isang mahabang buntong hininga ang pinakawalan ni Missy bago siya nito nilingon. “Nakita mo na kung paano nila ako tratuhin? Talagang hindi yata ako welcome sa pamilyang ito.” may himig ng lungkot na sabi nito sa kaniya.“Una pa
Ang mga taong hindi nasanay kay Ruby ay nayayabangan sa kaniya at kwinekwestiyon ang mga desisyon niya ngunit hindiniya pinansin ang mga ito. Bukod pa doon ay pinag-laanan niya talaga ng oras na basahin ang mga project ng mga nasasakupan niya para makilala niya pa ang mga ito ng lubusan at doon nga







