“Baby, isuot mo na ang sapatos mo. Male-late na tayo!”
May halong pagmamadali na sa boses ni Sariah.
“Ayaw ko! Hindi ako papasok sa school today!”
Parang maliit na pusa naman si Little Peanut habang paikot-ikot at nagpupumiglas sa sofa.
“Ay naku, baby. Kapag pumasok ka ngayon, bibilhan ka ni Mommy ng cake mamaya. Iyong favorite mong strawberry flavor, okay?”
Halos lahat na ng paraan ay ginawa ni Sariah para mapapayag ito. Lumambot pa lalo ang boses niya.
Dahil sa tukso ng strawberry cake, sa wakas ay nag-inarte man pero iniabot din ni Little Peanut ang maliit nitong paa.
Mabilis na kumilos si Sariah. Isinuot agad niya ang sapatos ng bata at binuhat ito.
Habang pababa sila ng hagdan, inilabas niya ang cellphone at sanay na sanay na tinawagan si Sylvia.
“Sylvia, save me please! Baka ma-late ako. Pagtakpan mo muna ako sa office. Saglit lang, paparating na ako.”
“Okay, no problem, friendship.”
*
Sa wakas ay nakarating sila sa kindergarten.
Pagkababa niya kay Little Peanut mula sa sasakyan, napansin niyang bukas ang zipper ng bag nito.
Aayusin na sana niya iyon nang may makita siyang sulok ng isang litrato sa loob.
Kaswal niya itong hinila palabas. Pero nang makita niya kung ano iyon, agad siyang natigilan.
Isang litrato ni Zayne.
Nanigas ang kamay niya. Parang tumigil ang paghinga niya.
Paano napunta rito ang litrato?
“Baby… saan mo nakuha ito?” Bahagyang nanginginig ang boses niya.
Tumingala si Little Peanut. Itinuro nito ang lalaki sa litrato.
“Ang guwapo kasi niya! Lahat ng classmates ko may daddy.”
“Gusto ko rin siyang maging daddy ko!”
Parang may humigpit sa dibdib ni Sariah. Apat na taon na silang hiwalay. Baka ngayon ay may sarili na itong pamilya. Baka may asawa na… At baka may anak na rin. Marahil masaya na ito.
Tahimik niyang ibinalik ang litrato sa bag.
Pinilit niyang pigilan ang sakit sa dibdib bago inihatid ang bata papasok sa paaralan.
Pagkasakay niya ulit sa sasakyan, agad na tumunog ang cellphone niya. Pagkasagot niya ay halos sumigaw si Sylvia.
“Sariah! Nasa'n ka na? Huwag kang ma-late. May malaking-malaking balita!”
Napakunot-noo si Sariah. “Anong balita?”
“Nabenta na ang kumpanya! Nag-cash out na si Mr. Cruz. Mag-iikot na raw sa mundo. May bagong boss tayo at darating siya mamaya.”
Natigilan si Sariah nang ilang segundo.
“Pabalik na ako ngayon din.”
*
Eksaktong alas-nuwebe ng umaga. Sa harap ng Heaven Corporation.
Nakahilera na ang mga secretary ng president's office at mga department manager.
Tahimik ang paligid pero ramdam ang tensyon. Biglang huminto sa harap ng gusali ang isang itim na Rolls-Royce Phantom. Parang sabay-sabay na tumigil ang tibok ng puso ng lahat.
Mabilis na lumapit ang assistant at magalang na binuksan ang pinto.
Unang lumabas ang isang mahabang binti na nababalutan ng mamahaling suit pants.
Halatang plantsado iyon. Walang kahit isang gusot. Kasunod noon ay isang matangkad na lalaki.
Nakasuot ito ng custom-made black suit.
Malapad ang balikat. Makitid ang baywang. Perpekto ang proporsyon ng katawan. Parang karakter na lumabas mula sa isang komiks.
Tumayo lang siya roon. Hindi nagsasalita pero sapat na ang presensya niya para mapayuko ang lahat.
Nang maglakad siya papasok ng lobby, mas luminaw ang mukha niya sa ilalim ng ilaw. At halos walang naglakas-loob na tumingin nang diretso.
Sobrang guwapo. Sobrang dominante ng aura.
Mabilis na lumapit ang vice president ng company na si Mr. Rico Lim. Punong-puno ng ngiti ang mukha nito.
“CEO Suarez, welcome.”
Hindi sumagot si Zayne. Malamig lang niyang sinuyod ng tingin ang mga taong nakahilera.
Bigla siyang napakunot-noo. May kulang. May isang tao na wala.
“Magmi-meeting tayo makalipas ang sampung minuto. Lahat ng director level pataas, dapat present.”
Iyon lang ang sinabi niya bago maglakad papunta sa exclusive elevator.
Pagkaalis niya, nagtakbuhan agad ang mga manager paakyat. Parang may humahabol sa kanila. Eksaktong magsasara na sana ang elevator.
“Sandali!”
May babaeng boses na sumigaw mula sa malayo.
Parang hangin na sumugod si Sariah papasok. Kung nadagdagan pa siya ng dalawang kilo, siguradong naipit na siya ng pinto.
“Aaaah!”
Hindi siya nakapreno agad. Diretso siyang bumangga sa dibdib ni Zayne.
Mainit. Matigas. At pamilyar ang amoy.
Awtomatikong hinawakan ni Zayne ang baywang niya para hindi siya matumba.
Pagkatapos ay nagsalita ito sa malamig na tono. “It's been a long time since we last saw each other. Have you learned to dive into me?”
Natigilan si Sariah. Pamilyar ang boses na iyon. Dahan-dahan siyang tumingala. At agad siyang nalunod sa malalim nitong mga mata.
Matalim ang mukha. Mataas ang ilong. At sobrang pamilyar.
Nanlaki ang mga mata niya. Parang huminto ulit ang paghinga niya.
Si Zayne Benj Suarez…
Ang dating asawa niya.
Ano ang ginagawa nito rito?
“Gaano ka pa katagal yayakap?”
Muling nagsalita ang lalaki. May halong pang-aasar ang boses nito. Biglang natauhan si Sariah. Parang nakuryente siyang bumitaw.
Mabilis niyang inayos ang buhok at hinila ang suot niyang office suit. Biglang naging sobrang tahimik ng elevator.
Kagabi lang...
Napanaginipan na naman niya si Zayne.
Sa ilalim ng puno ng Narra. May banig sa damuhan at napakaraming bituin sa langit.
Iyon ang gabi ng divorce nila. Ang huling gabing magkasama sila. Sa panaginip niya, malinaw pa rin ang ala-alang iyon.
“Zayne, hindi ka pa ba tapos?”
Sigaw ni Sariah noon. Pagod na pagod na siya. Pakiramdam niya ay wala nang natitirang lakas sa katawan niya.
Yumuko ang lalaki at bumulong malapit sa kanyang tainga.
“Malakas ka pa rin magsalita. Ibig sabihin hindi ka pa gaanong pagod sa lahat ng ginawa ko.”
Malamig pa rin ang tono nito. Parang walang kaunting awa. Kahit sa paghihiwalay, parang ayaw nitong magpatalo.
Si Sariah ang humiling ng divorce. At ang huling gabing iyon na magkasama sila ay parang isang kasunduang pareho nilang tinanggap.
Walang may utang sa isa't isa. Walang dapat sisihin.
Makalipas ang ilang sandali sa alaala niya, may napansin siyang mali sa ginawa nito. Agad siyang natauhan. At tinapik nang malakas ang balikat ng lalaki.
“Sandali. May problema. You stop first!”
Huminto si Zayne. Sa ilalim ng madilim na gabi, malamig siyang tiningnan nito.
Walang mabasang emosyon sa mga mata niya. “Kung kailan matatapos ang lahat, ako ang magdedesisyon.”
Nanginginig sa inis si Sariah noon. “Paano kung mabuntis ako?”
Walang emosyon na sumagot si Zayne. “Dadagdagan ko ng isang daan ang parte mo sa divorce settlement. Pambili ng gamot na kailangan mo.”
Namula ang mga mata ni Sariah sa galit. “You, brute!”
Mas yumuko pa si Zayne. Halos magdikit ang mga ilong nila. Pagkatapos ay malamig itong nagsalita.
“And you, you're the woman of that brute.”
Napangiwi si Sariah nang maalala iyon. Kahit hanggang ngayon, ang weird pa rin pakinggan ng linyang iyon.
...
Halos isang araw at isang gabi bago tuluyang umalis si Zayne. Pagkatapos noon, tuluyan na siyang nawala sa buhay ni Sariah.
Ang puno ng Narra kung saan sila unang nagkagustuhan noong kolehiyo ang siya ring naging saksi sa kanilang paghihiwalay.
Tahimik na nakahiga si Sariah habang nakatingin sa maputlang kalangitan. Hindi siya gumagalaw.
Tuloy-tuloy lang ang pag-iyak niya.
DING!
Dumating na ang elevator sa top floor. Naghihintay na sa labas sina Sylvia at Monalie.
“Good morning, CEO Suarez.”
Sabay silang yumuko nang 90 degrees.
Napakurap si Sariah. Parang binagsakan siya ng kidlat. Ang bagong boss nila...
Si Zayne?
Ang dating asawa niyang noong divorce ay iniwan sa kanya ang lahat ng pera at ari-arian nito?
Apat na taon lang ang lumipas. Paano nito nagawang bilhin ang Heaven Corporation na nagkakahalaga ng bilyon-bilyon?
Siya ba ang nababaliw? O ang mundo?
Wala na siyang oras para mag-isip. Mabilis siyang tumakbo papunta kina Sylvia at tumayo nang maayos sa pwesto.
Naglakad si Zayne papalapit. Malamig ang tingin nito habang sinusuri ang tatlong secretary.
Lahat sila ay magaganda. Pero lalo na ang isang may apelyidong Quiambao.
Maya-maya ay nagsalita siya.
“I'm Zayne Benj Suarez. Mula ngayon, ako na ang bagong CEO ng Heaven Corporation. Hindi ako naglalagay ng asukal sa kape. Ayoko ng matapang na pabango. At higit sa lahat, ayoko ng late. Sana malinaw iyon sa lahat.”
“Yes, CEO Suarez.”
Sabay-sabay na sagot ng tatlong secretary.
Huminto ang tingin ni Zayne kay Sariah.
Halatang hindi maganda ang mood nito.
“Ikaw si Sariah Marie Quiambao?”
Napakurap si Sariah.
Ano? Hindi na ba nito alam ang pangalan niya? Nagkaroon ba ito ng amnesia?
“Yes, CEO Suarez?”
Sinulyapan ni Zayne ang mamahalin nitong relo.
“Late ka ng isang minuto.”
“May bawas ang attendance bonus at performance bonus mo ngayong buwan.”
Nanlaki ang mga mata ni Sariah.
Ano ito? Ginagawa siyang halimbawa para takutin ang iba? Siya ba ang sacrificial lamb?
“Okay po.” Sa huli, nilunok na lang niya ang inis.
Hindi siya puwedeng mawalan ng trabaho. May nanay at anak siyang binubuhay. Tumango si Zayne.
Pagkatapos ay nagtanong muli.
“Ayon sa records, divorced ka?”
Bwiset.
Sinasadya talaga nito.
“Yeah. Divorced po.”
“Ano ang dahilan ng divorce?” Dagdag pa nito, “Hindi ako interesado sa private life ng mga empleyado pero ang mga taong nasa paligid ko ay kailangang malinis ang record.”
Napangisi si Sariah sa loob-loob niya. Ito na ba ang paghihiganti ng lalaking ‘to sa kanya?
Kalmado siyang sumagot. “Hindi kami compatible bilang mag-asawa.”
Nagulat ang lahat ng naroon. Kahit sina Sylvia at Monalie ay napatingin sa kanya. Bahagyang nagbago ang tingin ni Zayne.
Hindi compatible?
Talaga?
May mga pagkakataong halos hindi sila nagkakahiwalay noon. At sasabihin nitong babae na ‘to na hindi sila compatible?
Muli siyang nagsalita.
“May anak ka ba?”
“Wala.”
“Good.”
Tumango siya na parang nasiyahan sa sagot.
Napatingin si Sariah. ‘Good mo mukha mo.’
Kung alam lang nito kung gaano kahirap ang pinagdaanan niya noon.
“Okay. May meeting ako. Secretary Sylvia, samahan mo ako.”
“Yes, CEO Suarez.”
Masayang kinuha ni Sylvia ang notebook niya. Pero makalipas ang tatlong oras, halos mawalan na ito ng kaluluwa.
Tatlong oras ang meeting. Halos umusok na ang keyboard niya sa kaka-type.
Diretso at walang awa ang bagong CEO. Tatlong senior executive ang agad nitong tinanggal.
Kahit si Mr. Rico Lim ay hindi nakaligtas.
Talagang bagong hari, bagong batas.
Pagbalik ni Sylvia sa secretary department, parang pumayat ito ng dalawang kilo.
“Grabe! Workaholic talaga ang mga CEO. Nakakatakot.” Napaupo siya sa upuan. Pagkatapos ay bumaba ang boses niya. “Pero alam mo? Mukhang type siya ng mga babae.”
“Feeling ko sobrang disciplined niya sa personal life.”
Natigilan si Sariah. Sa isip niya...
Totoo naman. Pero wala na iyong kinalaman sa kanya. Biglang sumiko si Sylvia.
“Sariah. Hindi ba sabi mo hindi kayo compatible ng ex mo? Subukan mo kay CEO Suarez. Feeling ko hindi ka madi-disappoint.”
Agad siyang umiling.
“Stop. Hindi ko maaabot ang level niya.”
Hindi siya nagdalawang-isip. Sa likod ng pader malapit sa hagdanan, nakatayo si Zayne.
Madilim ang nanliliit na tingin nito.
Hindi niya maaabot?
Napasinghal siya.
Parang nakalimutan na yata ng babaeng iyon.
Noong college, harap-harapan siyang niligawan ni Sariah sa buong campus. At buong tapang na sinabi…
“Zayne, ikaw lang ang puwedeng maging boyfriend ni Sariah Marie Quiambao.”
At nangyari nga iyon. Naging boyfriend siya nito. Pagkatapos ay naging asawa. Pero dalawang taon lang. Pagkatapos ay bigla siyang iniwan.
Sinabi nitong hindi na siya mahal. Sinabi nitong mahirap siya at ipinagpilitan ang divorce. Hanggang sa iharap nito ang divorce papers.
Doon niya napagtanto kung gaano katigas ang puso ng babaeng ito. Naputol ang iniisip niya nang marinig ang boses ni Sylvia.
“Sariah, baka sobrang guwapo ng ka-blind date mo mamaya?”
Bahagya siyang siniko. Kaswal na sumagot si Sariah.
“Okay naman.”
Blind date? Kumunot ang noo ni Zayne.
Mukhang wala talaga itong balak maghintay sa kanya.
Sa apat na taon na wala siya, ilan na kaya ang nakilala nito?
Biglang nagsalita si Zayne mula sa hagdan. “Secretary Quiambao. Dalhan mo ako ng kape.”
Nagulat ang dalawang babae. Napatingin sila agad sa direksyon ni Zayne.
Bakit bumaba ang CEO?
Ang opisina nito ay nasa upper floor habang nasa ibaba ang secretary department.
“Okay po.”
Mabilis na tumakbo si Sariah papunta sa pantry. Makalipas ang ilang minuto, kumatok siya sa opisina.
“This is your coffee, CEO Suarez.”
Maingat niyang inilapag ang tasa sa mesa.
Humigop si Zayne. Pagkatapos ay malamig na nagsalita.
“Mas gumaling ka gumawa ng kape. Pero parang mas bumagal naman ang utak mo.”
BLAG!
Isang makapal na folder ng reports ang ibinagsak niya sa mesa.
“May mali rito. I-double check mo. Pagkatapos, ibalik mo sa akin.”
Nabigla si Sariah. Ilang beses niyang binasa at prinoofread ang report na iyon. Sigurado siyang walang mali!
“CEO Suarez, puwede ko bang malaman kung aling bahagi ang may problema?”
Lalong lumamig ang mukha nito.
“Bakit? Trabaho ko rin bang hanapin ang pagkakamali mo?”
Napakuyom ng kamao si Sariah. “Puwede bang bukas ko na ito tapusin? Hindi naman urgent ang report na ito.”
Napangiti si Zayne. Pero halatang hindi maganda ang ibig sabihin ng ngiting iyon.
“Miss Sariah. Kapag hindi mo natapos ang trabaho mo, huwag kang umasa na makakalabas ka ng kumpanya ngayong gabi.”
Gusto pa ring makipag-blind date? Hindi pwede. Not on his watch.
Napataas ang kilay ni Sariah.
“Zayne. Sinasadya mo na yata ‘to?”
Malamig siyang tiningnan nito.
“Tina-target kita?” Bahagya itong humilig sa upuan. “Sa tingin mo, hindi mo alam kung ano ang kaya kong gawin?”
Napakagat-labi si Sariah. Talagang sinasadya naman talaga nito ang ginagawa.
Walang duda.
Muli itong nagsalita. “Bukas, pumunta ka sa Zurich Auction House.”
Sandali itong nag-pause.
“Get me a necklace from that. Don't lose it. Because even if you sold yourself for the rest of your life, you couldn't pay it off..”
Natigilan si Sariah.
“CEO Suarez. Kung ganoon pala ito kahalaga, baka mas mabuting kayo na lang mismo ang kumuha.”
Sa isip niya, mas ligtas kung wala siyang hahawakan.
Ngumisi si Zayne.
“Kung ako ang gagawa ng lahat… Para saan pa ang secretary? Para dagdagan lang ang stress ko?”