Mag-log inDAVE’S POVIsang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Kanina pa uwian pero nasa loob pa rin ako ng office ko. Pinilit kong iwasan si Neah para sa ikasasaya nito, para hindi ko na magulo ang buhay niya pero nabigo pa rin ako. Hindi ko kayang iwasan siya. Habang tumatagal mas lalong lumalalim ang pagmamahal ko para sa kaniya. Gusto kong bumawi sa lahat ng nagawa kong kasalanan sa kaniya.Mahigpit kong hinawakan ang ballpen ko. May kung ano akong nararamdaman sa anak ni Neah. Posible ba talagang mabuntis siya kaagad pagkatapos naming maghiwalay? Hindi maalis sa isip ko, hindi ba talaga ako ang ama ng anak niya?Tatlong taon simula nang maghiwalay kaming dalawa. Nasa dalawang taon pa lang din ang edad ng anak niya. Of course, yung isang taon, sa pagbubuntis niya iyun. Napasabunot ako sa buhok ko. Paano kung posibleng ako ang ama ng anak niya? Paano kung nagsisinungaling lang siya sa akin para hindi ko na siya guluhin?Pero paano kung mali naman ako ng hinala?Muli akong napabuga
NEAH’S POVIt’s been a week simula nang maging tahimik si Dave. Hindi ko maiwasang hindi siya isipin. May parte sa isip ko na gusto kong malaman ang nilalaman ng isip niya pero ayaw ko naman siyang tanungin. Ayaw kong isipin niyang nag-aalala at iniisip ko pa rin siya. Kung ano man ang problema niya, hindi ko na problema yun. Kung nag-away man sila ng mommy niya, that’s not my business anymore.“Hi, Neah. Good morning.” Bati ni Cassandra nang makapasok ako ng office niya.“Good morning. Gusto ko lang itanong kung pwede ba akong pumasok sa Gemstone Vault para makita ang mga bato na gagamitin sa mga gagawing jewelries.” Wika ko sa kaniya. Gusto ko lang na makita ng personal ang mga diamonds, emerald at iba pang mga mamahaling bato.“Oh yeah, sure. 071816 yung password.” Sagot niya naman kaagad sa akin.“Thank you, Cassandra.” Anas ko at akma na sanang tatalikod nang muli ko siyang harapin.“Anything else? May kailangan ka pa ba?” nakangiting tanong ni Cassandra. Napatikhim ako, hindi k
NEAH’S POVMabilis akong lumabas ng office ko nang malaman kong nasa entrance na ng kompanya si Liam kasama si Kaiden. Pagsarado ko ng pintuan ko ay nakita ko naman si Dave na kalalabas lang din ng office niya. Panandalian ko siyang tiningnan saka ako dumiretso sa elevator.Isasarado ko na sana nang bigla siyang lumitaw sa harapan ko at pinigilan ang pagsarado ng elevator. Tahimik siyang pumasok. Umatras naman ako sa dulo dahil dalawa lang naman kami ang laman ng elevator. Ganito na lang ba palagi tuwing uwian? Siya na lang ang palagi kong makakasabay?Tiningnan ko siya sa reflection ng elevator. Tulala siyang nakatingin lang sa harap. Simula nang makaalis kami sa Hamptons, naging tahimik na siya. Seryoso ang mukha niya at malamig ang aura niya.Bakit ko pa ba siya iniisip? Hindi ko na problema kung anong gumugulo sa isip niya ngayon.Nang bumukas ang elevator ay mabilis akong lumabas at halos tumakbo na para lang makalabas ng lobby. Nang makita ko si Liam at si Kaiden ay masaya ko si
NEAH’S POVIsa-isa kong tiningnan ang mga design ko para sa nalalapit na launch gala. Okay naman na ang mga jewelries na idi-display. Gusto ko lang na masigurong okay ang lahat. Sa susunod na linggo na iyun.Kapag naiisip kong babalik na naman kami sa lugar na yun, hindi ko maiwasang hindi maalala ang nangyari sa amin ni Dave. Hindi ko alam kung dapat pa bang pag-usapan o balikan ang tungkol sa nakaraan. Natatakot akong kapag pinilit naming buksan ang nakaraan, lalong gumulo ang mga buhay namin.Hindi ko rin alam kung dapat ko bang paniwalaan si Dave sa mga sinabi niya. Totoo ba talagang wala siyang alam? Nagsasabi ba talaga siya ng totoo? Paano kung binibilog niya na naman ang ulo ko?Ipinilig ko ang ulo ko.“Bakit ko pa ba iniisip yun? Hindi naman na mahalaga kung alam niya o hindi dahil tapos na kaming dalawa. Hiwalay na kami at may kaniya-kaniya na kaming buhay.” Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko saka ko muling itinuon ang atensyon ko sa mga trabaho ko.Napatingi
NEAH’S POVNaglalakad na ako sa lobby ng Sy Elite ng marinig ko ang pangalan ko.“Neah!” lumingon ako sa likod ko at nakita ko naman si Cassandra na papasok pa lang. Nakangiti na siya sa akin. Hinintay ko naman na siya at nang makalapit siya ay nginitian ko siya.“Good morning.” Bati ko.“Good morning din. I’m sorry sa nangyari sa inyo sa Hamptons. Kung alam ko lang na matatrap kayo sa lugar na yun, sana hindi kita inutusan kaagad para mag-inspect. I’m really sorry, Neah.”“Okay lang, Cassandra. Wala namang nangyari sa amin. We’re both safe at wala naman kaming natamong galos.” Naglakad na kaming dalawa papuntang elevator.“Neah, can I ask you?”“Oo naman, ano ba yun?” napatingin ako kay Cassandra dahil pansamantala siyang natahimik. Nang bumukas na ang elevator ay sabay na kaming pumasok.“May napansin ka ba kay Dave habang magkasama kayo sa iisang bahay? Pagkatapos niyo kasing matrap sa lugar na yun, bigla na siyang sumeryoso. Parang palaging malalim ang iniisip niya at halos wala s
DAVE’S POV“Just tell me the truth. Hindi lang yun ang ginawa mo sa akin mom. Bakit mo pinilit ang asawa ko na pirmahan ang divorce paper na ikaw ang nagfile? WHY?! Goddamn it!”“Son, I’m sorry—”“Tell me!” mas malakas kong sigaw sa kaniya. Mahigpit na ang hawak niya sa bag niyang bagong bili na naman. Inis kong ginulo ang buhok ko. Saan ako nagkulang bilang anak para traydurin niya ako?“Ibinigay ko sayo ang magandang buhay mom. Hindi pa ba sapat ang mga ginawa ko para sayo? Bakit mo sinira ang pagsasama namin ng asawa ko? Bakit mo itinago sa akin ang nangyari sa mga magulang ng asawa ko? At bakit ka nagfile ng divorce namin?!” Hindi ko kayang tanggapin ang sorry niya. Ang gusto kong marinig, bakit niya nagawa sa akin ang lahat ng ito.Namatay ang anak namin ni Neah. Wala ako sa tabi niya nang mangyari yun. Isinumpa kong hindi ko na uulitin sa kaniya yun. Hindi ko na ulit siya iiwan sa mga panahong kailangan niya ako pero nabigo pa rin ako dahil wala ako sa tabi niya nang mamatay ang
NEAH’S POVPagbalik ko sa table namin ni Dave ay pansin ko ang pagkabalisa niya. Hindi ko alam pero biglang ginapang ng kaba ang dibdib ko. Natatakot sa posible niyang sabihin kapag nakabalik na ako sa pwesto namin.Nakatutok lang siya sa cellphone niya. Hindi niya man lang napansin na papalapit na
DAVE’S POV“Sir, the investors are waiting.”Hindi ko agad sinagot si Monica habang nakatitig lang ako sa oras sa relo ko.6:12 PM.Dati, hindi mahalaga sa akin ang oras. Kahit madaling-araw pa matapos ang meeting, wala akong pakialam. Basta natatapos ko ang trabaho.Pero ngayon, may isang taong na
NEAH’S POVTatlong linggo na ang lumipas, araw-araw pa rin akong sinusuyo ni Dave sa bahay ng mga magulang ko. Simula nang ilibing ko ang anak namin, hindi na ako umuwi sa bahay namin ni Dave. Gusto kong magheal. Para bang ayaw ko ng bumalik sa bahay namin ni Dave dahil maaalala ko lang ang mga ara
NEAH’S POVTatlong araw matapos ang pagkawala ng anak namin, tahimik akong nakaupo sa harap ng maliit na puting kabaong.Napakaliit nito.Sobrang liit para maging totoo na may buhay na minsang nabuo roon.Mahigpit kong hawak ang ultrasound photo habang walang tigil na tumutulo ang luha ko. Hindi ko







