Share

Kabanata 67

Penulis: Elara Night
last update Tanggal publikasi: 2026-07-13 21:14:14

NEAH’S POV

Maaga pa lang ay umalis na kami ni Dave sa hotel. Personal naming pupuntahan sa mansion nila ang client namin dito. Tahimik lang kaming dalawa habang nasa byahe. Nakatutok si Dave sa ipad niya. Napapatingin pa rin ako sa bracelet niya. Sa kaniya ba talaga yan? Bakit naman siya magsusuot ng bracelet na mumurahin lang? Ibinigay ba ni Kaiden sa kaniya yun pero kailan naman?

Iniwas ko na lang ang paningin ko at tumingin na lang sa labas. Makalipas ang ilang minuto ay huminto na ang sasak
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Falling for My Ex-husband Again   Kabanata 78

    DAVE’S POVWalang mapaglagyan ang saya sa puso ko habang kasama si Neah at Kaiden. Nakalimutan ko ang buhay ko sa Albany, ang mga problema at stress. Gusto ko na lang i-enjoy ang bawat araw na silang dalawa ang kasama ko.Tila kinikiliti ang puso ko sa tuwing daddy ang tawag ni Kaiden sa akin. Kung hindi man siya nagmula sa akin, hindi man iisang dugo ang dumadaloy sa katawan namin, masaya akong tumayo bilang ama niya.Pinagpatuloy ni Neah ang trabaho niya sa mansion. Isang pirasong jewelry na lang ang gagawin niya at matatapos na siya. Kahit na wala na akong ginagawa ay sinasamahan ko pa rin siya. Nakaharap ako sa ipad ko habang binabasa ang mga sinend sa akin na report sa email ko.Mabilis na lumipas ang maghapon na iyun. Pagod na pumasok sa loob ng sasakyan si Neah. Nang makapasok na rin ako ay hinawakan ko ang mga kamay niya at maingat na hinilot ang mga iyun.“Masakit na ba mga kamay mo?” tanong ko habang hinihilot pa rin ang mga kamay niya. Napatingin ako sa kaniya nang sumandal

  • Falling for My Ex-husband Again   Kabanata 77

    NEAH’S POVGabi na pero hindi pa rin kami bumabalik sa hotel. Naglalakad-lakad na lang kami kahit na hindi namin alam kung saan kami dadalhin ng mga paa namin. Buhat pa rin ni Dave si Kaiden. Napatingin ako sa kamay ko na hawak ni Dave. Ayaw ko sanang hawakan niya ako pero hindi niya na pinakawalan ang mga kamay ko kaya hinayaan ko na lang. Para kaming isang pamilya na namamasyal lang sa bansang ito. Tahimik lang kami at mukhang ubos na rin ang energy ni Kaiden dahil kalahating araw na kaming namamasyal.Nakakain na rin kami ng dinner at hindi na namin alam kung saan kami pupunta ngayon kaya naglalakad-lakad na lang kami. Alam kong matatapos din ang lahat ng ito at hindi ko rin maiwasang hindi malungkot.May kirot sa puso ko na aalis din kami sa bansang ito kapag natapos na ang trabaho namin. Tinitigan ko si Dave. Nauuna silang dalawa ni Kaiden pero hindi pa rin niya binibitiwan ang isang kamay ko. Simple lang naman ang gusto ko noon, magkaroon kami ng sarili naming pamilya at magkar

  • Falling for My Ex-husband Again   Kabanata 76

    DAVE’S POVPagkatapos naming kumain, pinuntahan kaagad namin ang Eiffel Tower. Ako pa rin ang may buhat kay Kaiden kahit na masakit na sa braso ang pagbubuhat sa kaniya. Isang linggo ko pa lang siyang nakakasama pero grabe na yung sakit ng mga braso ko sa pagbubuhat sa kaniya. Paano pa kaya si Neah na simula newborn ay binubuhat niya na si Kaiden?Malaki ang panghihinayang ko sa relasyon naming dalawa. Simula nang mawala siya sa akin, para bang nawalan na rin ng saysay ang mga naabot ko sa buhay. Aanhin mo ang yaman at power kung mag-isa ka lang.Napabuntong hininga na lang ako ng maalala ko ang huling pag-uusap namin ni Chairman Sy. Gusto niyang ituloy ang arrange marriage sa amin ni Cassandra. Ayaw naman kausapin ni Cassandra ang daddy niya dahil payag siya sa kasal na pinaplano para sa aming dalawa.Hindi ko siya kayang pakasalan dahil hindi ko naman siya magagawang pasayahin. Hindi siya ang laman ng puso ko dahil nananatiling si Neah pa rin ang mahal ko. Noong muntik na akong sumu

  • Falling for My Ex-husband Again   Kabanata 75

    DAVE’S POVNang makagayak kami ay umalis na rin kami ng hotel namin. Ako ang may buhat kay Kaiden at ineenjoy ko ang bawat moment na ito. Gusto ko sanang bumagal ang ikot ng oras pero hindi ko naman kayang kontrolin yun. Hindi ako sigurado kung hanggang kailan ako masaya habang kasama sila. Kapag natapos na ni Neah ang mga ginagawa niya, babalik na rin kami ng Albany. Bagay na ayaw ko pa sanang gawin.Gusto ko pa silang makasama at maglaan ng oras para sa kanilang dalawa. Pakiramdam ko kailangan kong bumawi sa kanila kahit na hindi naman ako ang ama ni Kaiden. Hanggang ngayon umaasa pa rin ako, na sana kahit kaunting pag-asa na lang, ako ang ama niya.Nakasakay na kami sa sasakyan at magkakasama kaming tatlo dito sa backseat. Ako ang nasa gitna dahil gustong-gusto ni Kaiden na tumingin sa labas ng bintana. Nilingon ko si Neah pero ganun din siya, sa labas lang siya nakatingin.Nang makarating kami sa restaurant ay nauna na muna akong bumaba saka ko kinuha si Kaiden. Sana ganito na lan

  • Falling for My Ex-husband Again   Kabanata 74

    NEAH’S POVSalubong ang mga kilay kong nakatingin sa kanila. Alam ko naman na napansin na ako ng anak ko rito nang bumangon siya pero hindi man lang niya ako kinausap o binati man lang ng good morning. Nagbibiruan pa rin sila ni Dave kahit na kagigising pa lang nila.Bumangon na si Dave saka siya napatingin sa akin. Matamis pa siyang ngumiti na tila ba napakaganda ng gising niya.“Good morning,” baling niya sa akin. Bumaba na rin si Kaiden sa sofa saka lumapit sa akin at hinalikan ako sa pisngi ko.“Good morning mommy.” Nakangiti niyang bati.“Bakit dito na kayo natulog kagabi?” Tanong ko saka ko tiningnan si Dave. “Bakit hindi mo hinatid sa kwarto namin si Kaiden?”“Pasensya ka na. Napagod na kasi kami sa kakalaro. Nahiga lang naman kami rito saglit para sana magpahinga bago pumasok sa mga kwarto namin pero hindi na namin namalayan na pareho na kaming nakatulog dito.”“Alam niyo rin ba kung anong oras na?” Nakataas ang kilay kong sambit. Hindi naman ako nagagalit.Napatingin si Dave

  • Falling for My Ex-husband Again   Kabanata 73

    NEAH’S POVNagising ako madaling araw na. Napansin kong wala sa tabi ko si Kaiden. Hindi ba siya pumasok pagkatapos nilang maglaro ni Dave kanina? Half open pa ang mga mata ko nang bumangon ako. Lumabas ako ng kwarto at nakita ko naman silang dalawa na nakatulog na sa sofa. Dahan-dahan ko silang nilapitan. Naupo ako sa center table habang nakaharap sa kanila.Nakayakap si Kaiden kay Dave at ganun din ang isang kamay ni Dave kay Kaiden. Pareho silang masaya kapag kasama ang isa’t isa. Tinitigan ko ang mukha ni Dave. Hindi ko mapigilang mang-init ang mga pisngi ko kapag naaalala ko ang halik niya sa akin. Hindi makatanggi ang katawan ko sa kaniya na para bang gustong-gusto rin nito ang ginawa ni Dave.Naiinis na naman ako sa sarili ko. Ayaw kong mahulog sa iisang tao. Nasaktan ako ng dahil sa kaniya at kung magiging mahina na naman ako baka maulit lang ang nangyari sa amin noon. Kung sapat talaga ang pagmamahal ni Dave para sa akin, hindi niya sana ako iniwan ng maraming beses at inuna

  • Falling for My Ex-husband Again   Kabanata 5

    NEAH’S POVPagbalik ko sa table namin ni Dave ay pansin ko ang pagkabalisa niya. Hindi ko alam pero biglang ginapang ng kaba ang dibdib ko. Natatakot sa posible niyang sabihin kapag nakabalik na ako sa pwesto namin.Nakatutok lang siya sa cellphone niya. Hindi niya man lang napansin na papalapit na

  • Falling for My Ex-husband Again   Kabanata 4

    DAVE’S POV“Sir, the investors are waiting.”Hindi ko agad sinagot si Monica habang nakatitig lang ako sa oras sa relo ko.6:12 PM.Dati, hindi mahalaga sa akin ang oras. Kahit madaling-araw pa matapos ang meeting, wala akong pakialam. Basta natatapos ko ang trabaho.Pero ngayon, may isang taong na

  • Falling for My Ex-husband Again   Kabanata 3

    NEAH’S POVTatlong linggo na ang lumipas, araw-araw pa rin akong sinusuyo ni Dave sa bahay ng mga magulang ko. Simula nang ilibing ko ang anak namin, hindi na ako umuwi sa bahay namin ni Dave. Gusto kong magheal. Para bang ayaw ko ng bumalik sa bahay namin ni Dave dahil maaalala ko lang ang mga ara

  • Falling for My Ex-husband Again   Kabanata 2

    NEAH’S POVTatlong araw matapos ang pagkawala ng anak namin, tahimik akong nakaupo sa harap ng maliit na puting kabaong.Napakaliit nito.Sobrang liit para maging totoo na may buhay na minsang nabuo roon.Mahigpit kong hawak ang ultrasound photo habang walang tigil na tumutulo ang luha ko. Hindi ko

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status