LOGINHakuna Miran’s Point of View
Mula noong araw na ’yon, takot at pangamba ang naramdaman ko dahil naulit nang naulit ang panghihipo niya sa akin, lalo na kapag wala sila mama. Minsan, ayaw ko nang umuwi dahil sa takot ko. Nagkaroon rin ako ng mga pasa at sugat sa mga nakatagong parte ng katawan ko. Apat na linggo na mula noong unang beses niyang ginawa sa akin ’yon. Tanging Linggo lamang ang araw na hindi niya nagagawa ’yon dahil hindi umaalis sila mama. “Miran!” Nang marinig ko ang pagtawag niya, nagkulong ako sa kwarto. “Miran, bumaba ka na riyan!” sigaw niya mula sa ibaba, ngunit hindi ako nakinig at niyakap ang kumot sa buong katawan ko. Panay na nga ang suot kong pajamas at mahahabang t-shirt, ngunit patuloy pa rin siyang gumagawa ng kababuyan. Nanlaki ang mata ko nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto, dahilan para kumuyom ang kamao ko sa takot. “Tito, ’wag po,” pakiusap ko habang nakayakap sa sarili at umiiyak. Ngunit nakakaloko siyang ngumisi at sumampa sa kama, dahilan para yakapin ko ang sarili habang lumuluha. “T-Tito…” panay ang hikbi ko dahil sa takot, habang siya ay tila isang demonyong nakangisi. “Mabuti ka pa, sexy. Hindi tulad ng nanay mong nagugurang na,” sabi niya habang hinahaplos ang legs ko, kaya itinago ko ang mga iyon. “Tama na po!” malakas kong sigaw. “Lalaban ka sa akin? Kaya kong patahimikin ang kapatid at nanay mo, Miran.” Ang tibok ng puso ko ay hindi maipinta—sobrang lakas noon, at pakiramdam ko ay aatakihin ako sa puso. Nagtuluy-tuloy ang panginginig ng mga kamay ko habang yakap ang katawan ko, ngunit siya ay pilit na inaalis ang mga kamay ko. Nakakadiri ang ginagawa niya sa akin. Si Tito Jubal ay hindi mataba. Para siyang bodybuilder sa isang gym dahil instructor nga siya at black belter. Magaling talaga siya, kaya takot na takot ako na baka madamay ang kapatid ko. Matapos ang ginawa niya sa akin, dumiretso siya ng banyo, kaya’t nagtalukbong ako ng kumot at pumikit. Makalipas ang isang araw, may kumatok sa kwarto ko, at natakot na naman ako. Ngunit nakahinga ako nang maluwag nang malaman na ang bunsong kapatid ko na si Yamato ang kumakatok. “Bakit?” tanong ko. “Third year na ako, ate, pero hindi ko pa rin maintindihan ’tong math namin. Ikaw nga sumagot, matalino ka sa math eh,” nagmamaktol niyang sabi, kaya kinuha ko ’yon at sinubukang sagutan. “Ate, bakit may pasa ka rito?” tanong niya nang ituro ang parte ng braso ko. Napalunok ako. “Nadulas kasi ako sa banyo,” matipid kong sagot. “Saan mo balak magkolehiyo, ate?” tanong niya, kaya ngumiti ako. “Sa pinakamagandang school dito sa atin,” nakangiting sagot ko at inimagine ang sobrang laki ng school. “Pero wala tayong pera, ate,” bulong niya. “May scholarships na binibigay ang may-ari ng school ’no. Konting araw na lang, magtatapos na rin ang high school days ko,” pagkukwento ko pa. “Gusto ko rin mag-aral doon, ate. Isama mo ako. May high school din doon sa school na ’yon,” sabi niya kaya napaisip ako. “Sigurado ka ba? Kaya mo ba?” bulong ko. “Kailangan magaling ka sa school ’no. Pataasin mo pa ’yung grade mo,” sagot ko. Tumango-tango siya. “Mag-aaral ako ng mabuti, ate!” Ngumiti ako at tumango. Labing-apat na taong gulang na siya ngunit para siyang bata. “Nasaan si mama?” mahina kong tanong sa kaniya. “Umalis siya, ate. May assignment ako kaya hindi na ako sumama,” sagot niya. Tumango akong muli at inilabas rin ang gamit ko sa school. “Yamato, may sasabihin ako sa’yo ha. Gusto ko sa atin lang ito,” sabi ko. Nangunot ang noo niya ngunit itinuon ang atensyon sa akin. Ibinaba niya ang ballpen na hawak at tinignan ako. “Sinasaktan ka ba ni Tito, ate?” Napalunok ako at dahan-dahan na tumango. “Hindi niya lang ako sinasaktan, may ginagawa rin siyang kababuyan.” Pinigilan kong maluha kaya nakita ko ang gulat sa mga mata niya. “Ate, isumbong natin sa pulis,” suhestyon niya, kaya umiling ako. “Sasaktan niya kayo ni mama. A-ako ang gagawa ng paraan,” mahina kong sabi. “Ate, baka umabot sa punto na—” “Hindi niya gagawin ’yon sa akin. Magkakaroon ako ng ebidensya laban sa kaniya,” mahina kong sagot. Nakita ko ang pag-aalala sa mata niya. “Tuturuan ba kita ng self-defense? Hindi pala pwede dahil siya ’yung instructor, ate. Anong gagawin ko? Gusto mo bang bugbogin ko siya?” Umiling ako. “Mapapahamak ka lang,” bulong ko. “Dapat malaman ’to ni mama, ate.” “Hindi. Pag nangyari ’yon, si mama ang sasaktan niya,” sagot ko kaya bumuntong-hininga siya. “Hindi na lang ako aalis sa tabi mo, ate?” Tumango ako sa sinabi niya. “Pag aalis si mama, huwag ka nang sumama,” wika ko na mabilis niyang sinunod. Bumukas ang pinto at nang makita ni Tito na nandito si Yamato, hindi niya itinuloy ang balak, kaya nakahinga ako ng maluwag. Muling lumipas ang mga araw, at nakagawa pa rin siya ng paraan para magawa ang binabalak sa akin. Hanggang sa graduation day ko, natapos ang ceremony at proud na proud sila mama at Yamato dahil nanguna akong muli sa klase. “GO, ATE!” sigaw ni Yamato kaya kinawayan ko siya. “Valedictorian, Hakuna Miran Romero!” Nagpalakpakan ang lahat at ginawa ko na ang speech ko. Nakangiti ang lahat bukod sa isang kaklase ko na salutatorian. Ginalingan ko kasi para sa scholarship na maaaring makuha ko. Matapos ang speech ko, maraming lumapit sa akin at sinabing ang galing ko, kaya sobrang saya ko. “Dahil diyan, kakain tayo sa Jollibee!” nakangiting sabi ni mama at inakbayan ako. “Yehey!” Siyempre, si Yamato ang unang nag-react. “Ang dami mong medal, ate! Bakit ako, iisa lang?” reklamo ni Yamato kaya ngumisi ako. “Ayos na ’yan basta meron. Ah, mama, isasama ko po si Yamato sa malaking university para kumuha ng scholarship,” kinakabahan kong sabi. “Oh? Baka buyuin kayo doon dahil scholar lamang kayo?” Ngumiti ako at umiling. “Hindi, mama. Balita ko mababait ang mga tao doon. May orientation po kasi ’yung may-ari ng school para sa scholarships,” paliwanag ko kaya tumango si mama. “Kung gano’n ay sige, pag-igihan niyo,” sagot ni mama. Nang makarating kami sa Jollibee, excited na excited ang kapatid kong kumain dahil bibihira lang ito. “Bibigyan ko na lamang kayo ng pera para bukas, ha?” tanong ni mama kaya nakangiti akong tumango. “Mama, gusto ko ’yung spaghetti na may fried chicken at fries,” suhestyon ni Yamato. “Gano’n na rin sa akin, mama,” sagot ko at ngumiti. Tumayo si mama at umorder na. “Nasasaktan ka pa rin ba ni Tito?” mahina niyang tanong kaya tumango ako bilang sagot. “Sa gabi,” bulong ko. “Ang sama-sama niya talaga. Antayin mo, ate, magpapalaki rin ako ng katawan,” sabi niya kaya natawa ako at tumango. “Tama ’yan,” sagot ko. “Kumain ka na muna, ate. Excited na ako bukas!” masayang sabi ni Yamato kaya napangiti ako at tahimik na hinawakan ang mga medalya ko na nakalagay sa malaking lagayan nito.Hakuna Miran’s Point of View.Nahihiya ko namang inihawak ang kamay ko sa balikat niya at siya ay nakahawak rin sa bewang ko, nakakailang! "What's your birthday wish, Laze?" Kwestyon ko upang maalis ang awkwardness dahil sa katahimikan."I don't have a wish." Matipid niyang sagot, ang lamig rin ng boses niya."Weh? Ako nga birthday wish ko eh sana mahanap ko na si papa bago pa man ako mag-eighteen." Pagsasabi ko ng totoo."Really? I can't wish for more since I already have everything I want." Tumango ako bilang pag-unawa sa kaniya."Sabagay, lahat nga naman asa iyo na. Ano pa bang hihilingin mo 'di ba." Tumango siya at marahan akong isinayaw."I actually have a gift for you, pero natatakot akong ibigay kasi ang cheap niya lang." I stated that caught his attention."What it is?""Nahihiya ako kaya hindi ko na nilagay doon," senyas ko pa sa gift table. Huminga siya ng malalim at tumitig sa mukha ko."Gifts are special, cheap or not. It will always have a value because it was given by so
Hakuna Miran's Point of View.Hinintay namin na mag-announce ang emcee ng bawat events na gaganapin since they decided to have a game, like dance stop and then you'll get on the top of the newspaper with your partner."Mamaya pa labas ni Laze 'no?" Tanong ni Crizel."Every year nasa birthday niya ako pero hindi ako makapaniwala na hindi niya ako kilala, alam niyo 'yon sobrang pain so I decided to move on." Ngising sabi ni Crizel.They're already eighteen, so as Laze today at ako ayon wala pa rin. "For now your gifts will be settle here, kindly bring your gifts here." They pointed the table pero ng makita ko 'yon ay naitago ko sa ilalim ng mesa ang dala dahil sobrang liit nito at wala pang paper bag na balot. Tanging kahoy lang na box at may carved initials niya.Nakagat ko ang ibabang labi at hinayaan sila na ilagay ang mga regalo nila doon habang ang akin ay nanatili sa bag ko, hanggang sa maya maya ay lumabas na si Laze at napalunok ako ng makita ang suot niya. He's wearing a simple
Hakuna Miran’s Point of View "At sa tingin mo apo pagmamahal ang pagbawi?" Hindi na ako nakinig at umalis doon, sinimulan ko ng magtrabaho. Ngunit nakita ko yung med student kaya ngumiti ako at nilapitan siya. "Good day sir, your order sir?" Kwestyon ko, ngumiti siya pabalik at sinabi ang gusto niya kaya naman isinulat ko 'yon at tinignan ang mukha niya. "Is that all sir?" "Hmm, parang 'yan na lang." Nakangiting sabi niya at natigilan ako ng mapansin ang dimples niya na mabilis niyang naitago sa pag-alis ng ngiti kaya nagtaka ako at tumango na lang. Pabalik na ako sa counter pero natigilan kaming parehas ng makaharap ko si Laze na blangko ang tingin. Matipid akong ngumiti at gumilid upang makapunta sa counter. Pagkatapos no'n ay humarap na akong muli pero natigilan ako ng nakaharap sa akin si Laze. "Oh?" Tugon ko. "Hindi ka pumasok." Matipid niyang sabi kaya tumango tango ako. "Oo eh, late ako nagising." Sagot ko. "That's all?" Kwestyon niya pa muli, ngayon ay suot niya ang u
Hakuna Miran’s Point of ViewNapaluhod ako, maluha luhang napaluhod. "T-Tito..""Siguro naman ay nakapagpahinga ka na? Sa tingin mo ba'y hindi kita mahahanap?" Nanlaki ang mata ko ng maghubad siya sa harapan ko kahit pang taas at pang-ibaba.Umatras ako kaagad at lumayo sa kaniya. "Tito, lumayo na po kayo. T-Tatawag po ako ng security!" Banta ko ngunit tumawa siya at ganoon nanlaki ang mata ko ng hugutin niya ang telepono ng condo dahilan para hindi ko magamit 'yon."Tito, n-nanahimik na po ako." Pakiusap ko."W-Wala naman po akong atraso sa inyo—""Kahit wala! Wala akong pakialam! Namimiss ko na ang mabangong amoy mo." Panay ang tulak ko sa kaniya dahil tinakpan niya ang bibig ko, inaalis ko 'yon at ginagawa ko ang lahat para lang makawala ako sa kaniya."Ngayon, magagawa ko na ang lahat ng gusto ko." Ipinikit ko ang mata nang sandaling hawakan niya ang sariling ari sa harapan ko at paglaruan 'yon habang sarap na sarap siya ay diring diri ako sa kaniya at sa sarili ko.Nahihirapan ak
Hakuna Miran's Point of View.Halo-halo ang naramdaman ko, kinakabahan at nag-aalala dahil ngayon ko lang siya nakitang umiyak. "L-Laze, a-anong problema?" Kwestyon ko at pakiramdam ko ay maiiyak na rin ako pero iniiwas niya ang sariling mukha at pinahid ang mga luha na para bang wala lang ang mga 'yon.Ngunit ng tignan niya ako ay natigilan ako dahil nakaguhit sa mga mata niya ang malungkot na tingin sa akin, "Laze?" Pagtawag ko.Natignan niya ang sariling sapatos at tsaka niya tinignan ang palad. "Maybe you're right, I look like a monster. I act like it, because I was once was.." Napakurap ako, monster?'Yon ba ang dahilan kaya siya nasaktan? M-May deep meaning ba 'yon sa kaniya? Does it give him trauma?"Laze, sorry.." Tinitigan niya ako at doon ay bumalik na sa walang emosyon ang mga tingin niya. "Let's fetch your brother," wika niya na para bang walang naganap o nangyari.Hindi na ako umimik at sinabayan siya sa paglakad. Nang masundo si Yamato ay galit na galit itong magkekwento
Hakuna Miran’s Point of View."Mareng Nella, wala talaga. As in zero, zero as in itlog." Ishinape ko pa sa bilog ang kamay ko dahilan para matawa siya at akbayan ako dahil hamak na mas matangkad siya sa akin."Ang sungit sungit niya paano ko siya magugustuhan, mas gusto ko yung lalake na cute ngumiti at may dimples parang yung sa ball." Mabilis na sabi ko at dahil doon ay parehas kaming ngumiti."Tinanong ko rin si Crizel kasi ayokong masaktan siya kung sakali na may gusto rin siya kay Laze. Ayokong masaktan kayo," bumuntong hininga siya at parang ang lalim ng iniisip."Lalo ka na.." Pabulong niyang sabi kaya nangunot ang noo ko."Bakit ako?" Kwestyon ko."Ha?" Tugon niya tapos ay biglang umiling, "Wala, Wala." Ngumiti na siya at dahil doon ay bumili na kami ng prutas yung bagay sa wine kaya apple at grapes ang napili namin.Mas pipiliin ko rin ang kaibigan ko kesa sa lalake.Kung gusto ni Janella si Laze at gusto ni Laze si Janella bakit hindi ko sila susuportahan kung sasaya sila sa
Hakuna Miran’s Point of View. Kinaumagahan ay tinext ko si Janella, siya yung na-meet ko kahapon si Janella Gonzales. Hindi ako sumabay kay Laze dahil balak naming kumain ni Janella ng sabay hanggang sa matanaw ko siya ay masaya niya akong kinawayan kaya kumaway ako pabalik. Ang ganda niya, sobra
Hakuna Miran’s Point of View. "Sorry about kay Bullet, hindi ko dapat siya pinabayaan." Muli ay namasa ang mata ko, gusto kong yumuko sa sariling tuhod at umiyak. Ngunit tumanaw na lang ako sa labas ng bintana. "Just drop us off in this address." Laze showed his phone on the driver so I sat at th
Hakuna Miran’s Point Of View. Bago ko pa man mabugbog sa isip ko yung lalake ay may humawak na sa braso ko at iniupo ako sa katabing upuan niya malapit sa bintana. "Learn how to punch a man." Gulat kong nalingon si Laze sa kaniyang sinabi. "Ha?" "Learn how to punch a man." Napairap ako ng ulitin
Hakuna Miran’s Point of View. Habang nakatitig sa mga pinaghirapan ko ay napaluha na lang ako dahil awang awa na ako sa sarili, masyado ba akong masama sa nakaraang buhay ko? Kaya gumaganti ang tadhana sa akin? Pinahid ko ang luha ko ngunit habang pinipigilan ko ang pagtulo nito ay mas napaluha a







