LOGINLAHAT ng naroon ay sabay-sabay na nagpalakpakan sa tuwa matapos pumayag ni Caitlyn."She said yes!" nanggigigil na saad ni Ezekiel at walang ano-ano ay hinalikan ang nobya—ngayon ay fiancee na niya.Napahalakhak sabay hiyaw sina Matthew habang si Mika naman ay napatalon sa sobrang tuwa."Congrats!"Nagpaulit-ulit sa isip niya ang sagot ni Caitlyn at sobrang saya niya dahil kanina lang ay nawawalan na siya ng pag-asa, ngunit ngayon... para siyang nananaginip."You said, yes right?" tanong niya matapos itong halikan. Baka kasi, panaginip pala itong nangyayari sa kanya.Tumango si Caitlyn habang umiiyak. "Oo."Agad isinusuot ni Ezekiel ang singsing sa daliri. "I love you," paulit-ulit niyang bulong niya habang nanginginig ang kamay.Kahit lumuluha ay natatawa si Caitlyn, ngayon lang niya ito nakitang ganoon ka kabado. "Yes, I love you too."Inulan sila ng palakpakan at hiyawan… tila ba, huminto ang oras at ang tanging silang dalawa lang ang naroon… ninanamnam ang bawat sandali.Mayamaya
WILL YOU MARRY ME?Nabigla siya sa narinig, gulong-gulo siya at hindi malaman ang sasabihin. "W-Wait… Sandali lang, Marcus. Hindi naman—" bago pa niya matapos ang sasabihin ay bigla itong lumapit at may binulong na nagpagimbal sa kanya.Nang muli siyang tingnan ni Marcus ay nakita niya ang assurance sa mga mata nito. "You don't have to worry. Akong bahala, I'll keep you safe."Nanlabo ang mga mata ni Caitlyn dahil sa luha pero ilang sandali pa ay tumayo, pilit ang ngiti ng sabihin ang, "Y-Yes… I'll marry you."Tumugtog ang malamyos na musika, napuno sila ng palakpakan sa mga staff na naroon.Napatingin si Caitlyn sa mga ito bago muling binalik ang tingin kay Marcus, na isinusuot na ang singsing sa kamay niya. Matapos ay tumayo ito at niyakap siya nang mahigpit.Ngiting-ngiti ang binata nang bigla na lang mapangiwi matapos kurutin sa tagiliran. "A-Aray ko naman," bulong niya, naroon pa rin ang ngiti.Kailangan nilang umakto hanggang sa mapaniwala nila ang lahat."Kinikilabutan ako sa g
HINDI na nagsalita pa ang co-worker matapos ipaliwanag ang lahat. Samantalang hindi naman makapaniwala si Marcus, na planado lahat.Mula sa airport ay hindi sila dumiretso sa ospital. Sa halip ay nagtungo sa isang gusali, halos isang oras ang layo mula sa paliparan."What are we doing here?" tanong ni Marcus, habang nakatingin sa gusali, tila isang dating warehous nang maayos pa ang kalagayan ng building.Pagpasok ng kotse ay agad niyang napansin ang isang itim na van mula sa hindi kalayuan."Por seguridad, Sir." —"For safety, Sir."Napakunot-noo siya si Marcus. "¿Seguridad? Mi padre está en el hospital." —"Safety? Nasa ospital si Papa."Sinabi lang nito na hindi siya magiging ligtas kung pupuntahan nito ang ama. Kailangan nilang madala sa ligtas na lugar nang magkahiwalay. Ang bilin ni Antonio sa kanilang mga tauhan nito ay panatilihing ligtas si Marcus kahit na anong mangyari kahit pa manganib ang buhay nito.Dagdag pa nito ay may ibang tauhan ng naipadala sa ospital upang kunin ang
MAG-ISANG bumiyahe si Marcus pabalik sa siyudad, minamaneho niya ang dalang sasakyan ng assistant habang naiwan ito sa baryo upang masigurong magiging ligtas si Caitlyn at hindi na mabihag pang muli ng mga dumukot.Mabilis ang pagpapatakbo niya nang sasakyan. Patungo siya ngayon sa airport para makaalis agad. Kailangan niyang bumalik matapos sabihin nang assistant na may nangyaring masama sa ama.Hindi na nito masiyadong dinetalye at kailangan na niyang makaalis. Ang naiintindihan lang niya ay inambush ng hindi kilalang grupo ang sasakyan ng ama. Ngunit sa halip na ito ang mapahamak ay si Teresa na kasalukuyang sakay ng naturang vehicle.Naniniwala siyang ang ama ang pakay ng grupo, minalas lang na si Teresa ang sakay ng mga panahon na iyon.Napanatag si Marcus sa balita ng assistant na walang nangyaring masama sa ama ngunit hindi pa pala ito tapos…Dahil may nangyari naman na hindi maganda kay Antonio habang nasa kompanya. Ang sabi ay bigla raw itong nahirapang huminga matapos na mab
NABULABOG ang buong bahay dahil sa pagdating ni Lando. Marahas nitong itinulak ang pinto at pasuray-suray na pumasok. Namumula ang mukha at amoy ang alak. Halata na maraming nainom dahil hirap itong panatilihing diretso ang katawan.Dahil sa ingay, si Amor na gising pa ng mga sandaling iyon ay lumabas ng kwarto. Napakunot-noo siya nang makitang dumiretso ang bayaw sa kusina at kumuha ng itak. "Anong gagawin mo diyan?" tanong niya kay Lando.Pero hindi ito sumagot. Mas lalong nagtaka si Amor nang mahigpit nitong hawakan ang itak at naglakad palabas."Hoy! Lando!" sigaw niya sabay lapit. "Lasing ka ba? Saan ka pupunta?" Ganoon pa rin, hindi siya pinansin.Hanggang sa maglakad na ito palabas ng bahay kaya tumakbo na siya sa kwarto para gisingin ang asawa. "Joey, gising!"Napabalikwas ng bangon si Joey. "Bakit?" Halatang wala pa sa wisyo."Pigilan mo si Lando at may hawak na itak! Mukhang may binabalak na naman masama!"Sa narinig ay biglang nawala ang antok ni Joey. Mabilis siyang tumayo
NAGPALINGA-LINGA muna ang matandang babae bago bahagyang lumapit upang bulungan si Marcus, "May nakita kasi ako noon… Parang… minomolestiya niya 'yung pamangkin niya na may sakit daw sa pag-iisip."Natigilan si Marcus, biglang kumuyom ang mga kamay at tila may kung anong kumulo sa loob-loob niya. Para siyang sasabog ng mga sandaling iyon."Sinabi ko agad sa kapitan 'yung nakita ko," patuloy ng matanda. "Sinugod namin sa bahay nila, pero todo tanggi ang pamilya. Kami pa ang napasama, pinalabas na gumagawa ng kuwento."May isang babae pa ang lumapit nang marinig ang sinabi ng mantanda. "Totoo 'yun," anito. "Minsan pa nga, nagsumbong kami sa pulis. Kaso wala ring nangyari." Bakas sa mukha ang pagkadismaya habang nagkukwento. "Ewan ko ba kung anong ginawa ng pamilyang 'yun at napaniwala nila ang pulis. Hindi na tuloy kami makapagsumbong ulit kasi na-warning-an na kami ng pulis.""Kaya 'pag may nakikita o naririnig ay tumahimik na lang kami," dagdag ng matanda. "Pati ang mga taga-rito, wal
NAHABAG si Meriam sa anak at niyakap niya ito nang mahigpit, isipin pa lang niyang may mawawala isa man sa kanyang mga anak ay hindi na niya kakayanin.Siya ang unang masisiraan ng bait. “Ano ba ‘yang pinagsasasabi mo?! ‘Wag kang magsalita ng ganyan!”“Hindi!” hiyaw ni Fiona, nagpupumiglas. “Gusto
PINARADA ni Caitlyn ang kotse sa isang gusaling natatanggal na ang pintura. Sa loob matatagpuan ang opisina ng taong kausap kanina.Pangalawang beses na niyang nakapunta sa lugar kaya hindi na siya takot kahit madilim ang hallway at nasa dulong bahagi pa ng gusali ang sadya.Nang makarating ay kuma
PINAGMASDAN ni Meriam ang natutulog na anak. “Hindi naman malubha ang sakit niya, tama? Pero si Fiona, mas higit akong kailangan ng anak ko rito,” aniya, pinipili ito kaysa kay Caitlyn—ang sariling anak. “Maaari bang ikaw na muna ang bahala sa kanya?” Saka niya ito nilingon.Hindi umimik si Ezekiel
NAISUGOD sa tamang oras si Fiona kaya agad siyang nailigtas ng doctor. Bukod roon ay mababaw lang din ang sugat at malayo sa pulso kaya walang panganib na dulot ang nagawa nito sa sarili.Ngunit dahil marami-raming dugo ang nawala ay kinailangan na obserbahan, iyon ang sabi ng doctor.Matapos matah







