LOGINFrance’s POV
Nakasandal ako sa kinauupuan ko noon. Nasa biyahe na kami pauwi sa bahay ni Denmark. Humikab pa ako dahil bigla akong inantok sa panahon. Malamig na dahil sa ulan tapos malamyos pa ang awitin na pumapailanlang sa stereo ng saskyan.
Akmang pipikit ako nang mahagip ng mata ko si Denmark.
“Manong, pahinto saglit!” pasigaw ko pa na ikina-preno naman niya.
Napatitig ako kay Denmark na papunta ng parking lot. Nandito lang pala siya malapit sa university pero ang sabi, busy siya. Grabe siya. Hindi man lang ako pinuntahan.
Natigilan ako mayamaya nang makita ang papalapit at nakangiting babae. Nilingon pa iyon ng asawa na noo’y nakangiti rin. Kinabig din niya kaya nakapakagat ako ng labi.
Ang girlfriend niya pala ang kasama niya kaya hindi niya ako masundo.
Kahit na kasal na kami, sila pa rin pala.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatitig sa kanila. Basta namalayan ko na lang may pumatak na luha sa aking mata.
“Ma’am?” untag sa akin ng driver.
“T-tara na po,” malungkot na sabi ko kay Manong.
At habang paalis ang sasakyan ay nakasunod ako nang tingin sa dalawa na naglalandian pa mismo sa pintuan ng sasakyan ng asawa.
Sana all nayayakap ni Denmark. Ako kaya, kailan?
Pumasok ako sa bahay ni Denmark na bagsak ang balikat. Bumati pa sa akin ang kasambahay namin pero hindi ko na pinansin. May sinasabi siya pero hindi ko naiintindihan dahil parang naghiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko.
Napahinto ako nang matapat sa silid ni Denmark.
Simula nang dumating ako rito, never pa akong nagtagal sa silid niya. Madalas niya akong pinapaalis kapag nakikita niya akong pumapasok.
Lumapit ako sa silid niya at pinihit ang seradura niyon.
Natigilan ako nang bumukas iyon. Nagtatalo pa ang isipan at puso ko kung papasok ba ako. Sa huli, inihakbang ko ang paa ko papasok.
Masuyo kong hinaplos ang malambot na kama ng asawa.
Ang girlfriend niya kaya nadala na niya rito?
Sa isiping iyon, may kumurot sa dibdib ko.
Kailan kaya ako mapapansin ni Denmark?
Sumampa ako sa kama kapagkuwan. Hinila ko ang unan ni Denmark at inamoy-amoy iyon. Ang bango-bango. Parang siya lang ang inaamoy ko. Ganito na ganito ang amoy niya talaga.
Tinanggal ko ang backpack ko at pinatong ko ang librong mahuhulog na pala.
Nahiga ako at niyakap ang unan ni Denmark kapagkuwan.
Sa ganitong paraan man lang mayakap ko siya. Napangiti ako pero napalis din nang maalala ang babaeng kayakap niya kanina.
Hindi ko akalaing makakatulog ako sa kama ni Denmark. Isang malakas na yugyog ang gumising sa akin.
“Damn it! Anong ginagawa mo rito?!” Galit na boses ni Denmark ang nagpamulat sa akin.
“D-Denmark,”
“Get out!” Sabay kuha niya ng gamit ko at basta na lang pinatong sa aking kandungan. Nakaupo na ako noon.
Akmang bubuka ang bibig ko nang unahan niya.
“Isang beses pa na pasok, France, iiwan kita rito sa bahay!”
Natakot ako sa banta niya kaya nagmadali akong bumaba ng kama.
“S-sorry.” Yumuko pa ako bago mabilis na iginiya ang sarili palabas.
Saktong paglabas ko ang malakas na paglapat ng dahon ng pintuan nang malakas. Muntik ko pang mabitawan ang bag at libro ko sa pagkagulat. Hindi ko na tuloy mapigilang mapaluha na naman.
Mabilis kong iginiya ang sarili papunta sa silid ko.
Hindi ko naman sinasadyang makatulog sa silid niya. Wala naman akong balak na gawin iyon.
Napatingin ako sa relong pambisig ko. Alas dos na pala ng madaling araw.
Ibig sabihin, kapag inaabot si Denmark nang ganitong oras, girlfriend niya ang kasama niya? Talaga bang pambahay lang ako? Kailan ba niya ako ipapakilala sa mga kaibigan niya?
Kaya dapat gawin ko ang lahat para mapa-inlove siya.
Sa isiping iyon, binabad ko ang sarili ko sa online kaka-research kung paano ba mapa-inlove ang lalaki sa mga gaya ko.
Natigilan ako nang mabasa ang isa sa suhestyon. Dapat daw marunong magluto? Paano ‘yan? Hindi naman ako marunong magluto. Kailangan ko bang matuto na talaga? Hanggang prito at saing lang ang alam ko. Pero yong mga putahe na paborito ng asawa, hindi ako marunong. Kaya paano siya mai-inlove sa akin?
Kahit na antok, maaga pa rin akong nagising para tumulong sa kasambahay namin. Pero nang sabihin kong gusto kong ipagluto ulit ang asawa, hinayaan niya ako. Kahit simpleng breakfast lang. Sana magustuhan ng asawa.
Kakatapos ko lang mag-ayos ng mesa nang pumasok si Denmark. Humihikab pa siya. Pero nang makita ako, napatigil siya. Kasunod niyon ang paglukot niya ng mukha niya. Tiningnan pa niya ang mga inihanda ko.
“K-kain na. Luto—”
“Manang, patimpla nga po ng kape,” putol niya sa mga sasabihin ko. “Padala na lang sa kwarto ko.” Sabay talikod niya. Hindi na niya hinintay na sumagot ang kasambahay.
Napalabi na lang ako habang tinatanaw siya na papalayo.
Inabangan ko na matapos si Manang. Nagprisinta ako na magdala baka sakaling inumin niya.
“Sigurado po kayo, Ma’am?”
Tumango ako sa matanda.
“I-ikaw ang bahala, iha.”
Kabado ako habang dala ko ang tray na may tasa ng kape. Nagbuga pa ako ng hangin para paisin ang kaba.
Kumatok ang tatlong beses bago siya nagsalita.
“Come in!”
Pinihit ko ang seradura at nilakihan ang awang. Nakatalikod si Denmark, may kausap sa cellphone.
“Palapag—”
Hindi na natuloy ng asawa nang mabalingan ako. Mabilis na tinigil nito ang tawag na iyon.
“Si Manang ka ba? Bakit ikaw ang may dala?”
“M-may ginagawa kasi siya kaya nag… nagprisinta ako.”
“Ikaw ang nagprisinta?” Napailing siya. “Hindi ba kumpleto ang araw mo na hindi ako ginagalit?”
Napalunok ako. “I-I’m sorry.”
Mabilis na nilapag ko ang kape niya sa side table at nagmadaling lumabas.
Nilingon ko ang silid niya.
“Kailan kaya maayos ang pakitungo mo sa akin?” tanong ko na para bang nasa harap ko siya. “Mag-asawa na tayo. Hindi ba pwedeng bigyan mo ako ng chance na pagsilbihan ka?”
Alam ko naman ang sagot pero natanong ko pa rin iyon. Wala namang sasagot niyan. At kung nasa harap ko naman siya, sigurado akong hindi maganda ang ilalabas ng bibig niya.
Pumasok ako sa unibersidad na wala sa mood. Tahimik lang ako sa gilid. Kahit na paborito ko ang subject, hindi ako nakikinig dahil na kay Denmark ang isip ko. Pakiramdam ko rin bumigat ang dibdib ko.
Sa totoo lang, simula nang magsama kaming dalawa ni Denmark, doon ito nagsimula. Hindi ko alam kung paano ito pagaanin. Pero alam ko, siya lang ang solusyon nito.
France's POVDumiin pa ang hinlalaki niya sa aking hiwa kaya bahagyang umaawang ang labi ko. Hindi ko tuloy siya masagot agad-agad.“Sino bang… hindi maaapektuhan sa ginagawa mo, Denmark?” tanong ko. “God… kung alam mo lang matagal ko nang pinapanalangin ito. Ang mayakap at mahaplos mo nang ganito.” Kita ko ang pagkatigil niya. “Mas lalo na ang sambahin ako nang ganito. Gusto kong maranasan mula sa ‘yo.”Ngumiti ang asawa mayamaya, nakaangat pa rin nang tingin sa akin. “Hindi ko alam kung sapat pero sorry dahil hindi ko sinubukan na ayusin ang sa atin. Gawin ang mga dapat gawin ng mag-asawa. I’m so… sorry.” Ramdam ko sa mga huling salita niya ang sinseridad niya.Bahagya akong ngumiti. “Okay lang, Denmark. Naiintindihan naman na kita. Pero sa ngayon, gusto kong panindigan mo ang ginagawa mong ito sa akin. Hindi ako makakapayag na hindi ito matuloy.”“Masusunod, mahal kong asawa.” Kasunod niyon ang matamis na ngiti niya kaya tumugon ako. ‘Pleasure me para kahit papaano makabawi man l
France’s POVHINDI ko maiwasang mapahanga sa mga nakita habang binabaybay namin ang islang itinuro ko kay Denmark nitong nakaraan. Mas lalong gumanda iyon nang makalapit kami. Nakangiting tumingin sa akin si Denmark. Kasalukuyang pinapatay na niya ang makina ng yate na gamit namin.“Hindi nga ako nagkamali, ang ganda rito.” Hindi mawala-wala ang ngiti sa aking labi ng mga sandaling iyon.“Yeah.”Saglit akong sumulyap sa kanya bago muling pinagsawa ang mata sa paligid.Ang mga buhangin na sobrang puti at ang tubig naman ay sobrang linaw rin na para bang salamin.“May magandang spot akong nakita na pwedeng pagtayuan ng tent natin.”Actually, kahit saan naman pwedeng magtayo ng tent. Mukha namang friendly ang kagubatan kaya kahit saan siguro pwede.Tumulong ako sa asawa sa mga dadalhin sa pagbaba. Pagkatapos niyang patayin ang makina at ibaba ang Ayaw man niya pero hindi rin niya ako napigilan. Talagang kailangan niya nang tulong ko talaga.Nakangiti kami sa isa’t-isa nang matapos kami
France’s POVKAGAT ko ang labi ko nang maupo. Nakaalalay pa rin ang asawa sa akin. Ramdam ko na naman ang puson kong masakit. Lagi na lang akong ganito kapag dinadatnan. Ang hirap naman talagang maging babae “Masakit pa ba? Gusto mo bang dalhin ko ang hot compress dito?”Tumingin ako sa asawa. “‘Wag na. Mawawala din ‘to mamaya.”Tinitigan muna ako ng asawa bago tumango.Nasa resthouse kami noon mag-asawa para magpahangin. After nga naming mag-almusal talagang dinatnan na ako. Ilang oras ko ring ininda ito. At nang medyo kumalma nang kaunti, niyaya niya akong lumabas para magpahangin. Iilan na lang ang nasa labas dahil mukhang nagpapahinga sila.Ngayon lang ako naka-experience ng reunion ng ganito katagal, pero masaya naman. Kitang-kita naman sa mga mukha nila. Talagang yearly talaga sila nagse-set nito para sa abuela nila.Naging maalaga sa akin si Denmark ng sumunod na mga araw. Ang tiyaga niyang gumising sa madaling araw para ipaalala sa akin na kailangan kong magpalit ng napkin
France’s POVMAS lalo yata akong nahilo nang maglakad si Denmark na pangko ako. Kapag tumitingin ako sa baba, pakiramdam ko, umiikot ang paningin ko. Kaya naman ang ginawa ko, pumikit ako saka inihilig ang ulo sa dibdib niya. Gusto kong matulog pero hindi ko magawa dahil nadi-distract ako sa amoy ng asawa. Ang bango niya talaga. ‘Yong normal na amoy niya.Nakabisado ko na dahil sa madalas na magkasama kami rito. Hindi ako mapakali tuloy kaya inamoy-amoy ko siya. Naramdaman ko naman ang paggalaw ng dibdib niya kaya hindi ako tumigil sa ginagawa. Pumikit pa ako.“Wait for my punishment later, hon,” halos mamaos niyang sabi.Hindi ako nagsalita, pinagpatuloy ko lang ang ginagawang pag-amoy, pero napatigil din ako nang tumigil siya sa paglalakad.“Kapag ‘di ka tumigil, I’ll claim you. Right here, right now.”Napamulat ako ng mata.Paano kung gawin niya nga ang sinasabi niya? Eh ‘di, maraming makakakita?No! ‘Wag naman dito sa labas!Kasalanan ko ito. Dahil ito sa epekto ng alak. Nagigi
Denmark’s POV“Okay na po?” tanong ko kay Granny nang tulungan siyang sumandal. “Salamat, apo.” Ngumiti ako kay Granny at naupo sa kama niya.“Hindi naman po kayo napagod ngayon?” “Napagod pero sulit naman, apo. Masaya akong makita kayong lahat na nag-enjoy sa mga palaro.” Ngumiti pa ang abuela. “Minsan lang sa isang taon pero sulit naman.”Bakas sa mukha niya ang kasiyahan talaga kaya masaya ako.Si Granny talaga ang dahilan kung bakit may reunion ang mga Mondragon talaga taon-taon. Sayang lang at maagang nawala ang lolo namin. Siguro nagbibinata pa lang ako nang mawala ang Lolo. Eh ‘di sana mas lubos ang kasiyahan na makikita sa mukha niya.“Mabuti naman po at masaya kayo.”“Ikaw ba apo, masaya ka?”Ngumiti ako nang matamis bago ng, “opo. Sobra.”“Dahil kay France?”Natigilan ako sa tanong ng abuela.Masaya talaga ako ngayon. Hindi ko ma-explain ang saya. Basta, hindi siya ordinaryong sayang nararamdaman ko.Ngiti lang ang isinagot ko sa kanya.“Nakikita ko sa mga mata mo kapag na
France’s POV HINDI mapalis ang ngiti ko habang nasa biyahe kami pabalik ng resort. Masigla rin si Denmark. Kapag bumabaling sa akin nakangiti siya. Napalabi ako nang dalhin niya ang kamay ko sa labi niya. Parang ayaw kong matapos ang mga sandaling ito. How I swish na hindi na kami bumalik ng Manila. Dito na lang kami. Para masaya ako lagi. “Nakailang text na si Granny sa akin,” natatawang sabi ng asawa. “Ni-replyan mo na ba?” “Yeah.” “Mukhang malapit naman na tayo, hubby.” “Dalawang kanto na lang.” Tumango ako. Pagdating namin, naglalaro pala ang halos ng mga kamag-anak nila. Kaya pala panay si Granny. Gusto niyang sumali kaming mag-asawa. Bring me at egg relay naabutan namin. Akala ko, huling laro na ang mga iyon dahil pagod na sila. Hindi pa pala. Pero bakas naman ang kasiyahan kahit na mukhang pagod na. May mga tawanan pa kaya nakakatuwang tingnan kapag malaking pamilya. Hindi ganito kalaki ang pamilya namin. Parehas na nag-iisang anak lang kasi ang magulang ko. Mer
Denmark’s POV SHOCK ako sa sinabing iyon ni France. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ang hirap i-digest ng kanyang sinabi. Ganyan naman ang plano ko. Pero bakit parang hindi ko nagustuhan? Kaya nga tinanong ko siya kung sigurado siya, oo naman. Ano kaya ang nagtulak sa kanya para m
France's POV “ASAWA MO?” tanong ni Brent. Napangiti ako nang matamis. Tumayo ako kapagkuwan. “You heard me right. He. Is. My. Husband.” Binigyang diin ko pa bawat mga salita. Humarap ako kay Denmark. Nakasimangot siya kaya alam kong naiinis na siya. “Right?” Yumakap pa ang braso ko sa leeg ni
France’s POVMASAYANG lumapit ako kila Jamiel matapos ang laro ng team niya. Again, panalo sila laban sa isang sikat at prestihiyosong unibersidad din. May mga reporter na lumapit para mag-interview kaya umiwas muna ako. Pinatapos ko muna iyon bago tuluyang lumapit.“Congrats, guys!”“Thanks, France
France’s POVPADAPA akong nahiga sa kama ng oras na iyon. Inabala ko na naman ang pakikipag-chat kay Jamiel. Ang dami niyang kwento kahit sa chat na ikinakatawa ko. Nakakalibang siya talaga. Kahit talaga sa text, nandoon ang humor niya.May bumagsak sa tabi ko mayamaya kaya bumaling ako sa kanya. Na




![SOLD and OWNED by the BILLIONAIRE [R18]](https://yfbwww.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)


