Share

Chapter 5

Author: Naya06
last update publish date: 2026-02-20 10:34:09

TRIGGER WARNING: This chapter contains violence and blood that is not suitable for minors. Please read at your own risk.

ADRIENNE

  Dalawang araw ang lumipas mula nang magising ako sa condo ni Amber. Ngayon araw na ng Lunes at nagkalat na ang mga estudyante. Nandito ako sa opisina ni tita Shanaia upang ipaalam sa kanya na nagkabit ako ng mga mahigit sampung hidden cameras sa bawat sulok ng 10'th floor.

  Today I am not going to let this day nang hindi nahuhuli ang kumitil sa buhay ng anim na estudyanteng sa pagkakaalam ko ay puro scholars ng university. Ngayon sigurado na akong mga scholars ang tinatarget ng killer. Hiningi ko kay tita Shanaia ang lahat ng impormasyon ng mga iskolar ng unibersidad. Nasa trenta pa ang natitira sa kanila sa lahat ng departamento. Ngunit sa Medisina ay tatlo na lamang ang natitira kung kaya at sa kanila ngayon ang focus ko.

  Habang kasalukuyan ang klase ay nanatili muna ako sa opisina ni tita Shanaia. Sa rooftop ang opisina ni tita. Nag iisa lamang ito rito at malawak samantalang ang faculty at deans office naman ay nasa ground floor nitong building. Nakaharap ako sa laptop ko. Pinapanuod ang labin isang camera footages na kinabit ko. Ang isa ay sa loob mismo ng lecture room. Kitang kita ko mula rito sa screen ng laptop ko ang panakaw nakaw na sulyap ng isang lalaking estudyante sa isang babaeng focus na focus sa harapan. I zoom in my screen and there he was, ang lalaking nakasabayan namin sa elevator. Ang lalaking may kalmot sa leeg at kamay. Sinulyapan ko si tita sa lamesa niya.

Abala sa mga papeles sa kanyang harapan. Seryoso. Nakakunot pa ang noo na tila ba hirap intindihin ang nilalaman ng papeles sa kanyang harapan. Pinapaikot ikot niya sa dalawang daliri ang isang stainless pen na halatang mamahalin. Nilalaro laro niya ito habang tutok ang mga mata sa papel na hawak ng isa niyang kamay. Her lips were pressed tightly together. Her freckles were visibles in her smooth and flawless skin. She has fair skin unlike Asher na sobrang puti.

  Bumuntong hininga ako at naalala na naman ang anak niyang bumihag sa puso ko dalawang dekada na. Kuhang kuha ni Asher ang tangos ng ilong ni tita. Maging ang hugis ng kanyang mukha at mga mata. Perpekto ang pilantik at nakaluhod nilang mga pilikmata. Bente tred na si Asher at si tita naman ay nasa mid 40's na. Asher and I have the same age. Mas matangkad ako kay Asher. Sa taas kung limang pulgada at sampung sentimetro ay humihigit ako ng limang sentimetro kay Asher. Asher's 5 feet and 5 inches if I am not mistaken. Naramdaman niya yata ang titig ko kung kaya at lumingon ito sa gawi ko at ngumiti. Ang tamis at ang lambing ng ngiti niya. She's looking at me like I am from her blood and flesh.

  "Do you need something iha? I can feel your eyes here. Is there a problem? You know, you can tell me anything" she asked sweetly which I immediately dismissed with a shook. Nag init ang pisngi ko. Fudge. Bakit kasi magkamukha sila ni Asher. Hindi ko tuloy mapigilan ang sarili kong lalong mamis ang anak niya. Ang sabi ni tita ay hindi pa niya nababanggit kay Asher ang trabaho ko rito at lalo na ang tungkol sa pagbabalik ko sa syudad.

  "Wala po tita. I am just thinking about something lang po" I said and smile sweetly back at her. Tinatapatan ang lambing ng kanyang boses at mga tingin. Tumango siya isang beses and "humm" as response to me. Muli niyang binalik ang mga mata sa hawak na mga papeles. Nawala na sa halos pagdidikit na ang kanyang mga kilay.

  I cleared my throat and straightened my back. Muli kong binalik ang mga mata ko sa monitor. Nagsisilabasan na ang mga estudyante at halos nakalabas na ang lahat. Kumabog ang dibdib ko sa hindi malamang dahilan. Hinanap ko ang pigura ng lalaki. Wala na. Nilipat ko sa ibang footages and there he was. Sinusundan ang babaeng kanina lamang ay tinititigan niya sa loob ng klase. Tinawag ko si tita.

  "tita?" taking her attention which she immediately turned to me. Kinuha ko ang laptop ko at dinala s kanyang harapan. Kumunot ang noo niya at sinundan ang bawat kong galaw. Pumunta ako sa tabi niya na mabilis namang dumapo ang mga mata sa screen ng laptop ko pagkalapag ko sa lamesa niya. Kita ang mga cctv footages na kinabit ko kaninang madaling araw. Mayroon sa loob ng lab, sa comfort room ng mga babae, sa hallway sa pagitan ng lab at ladies locker. Bawat sulok at kwarto sa 10'th floor ay may cctv. Tita look up at me with her confusing eyes.

  Inangat ko ang kanang kamay ko at tinuro ang pigura ng lalaki na sinunod naman agad ng mga mata ni tita. I heaved out a sigh. Kumakabog ang dibdib ko hindi dahil kinakabahan ako sa maaring mangyari o dahil sa takot. Marahil dahil ayaw ko nang may masaktan pang muli. Ayaw kong may mawalan na naman ng buhay dahil sa baliw na naghahasik ng lagim sa building kung saan ko unang nakilala ang babaeng minamahal parin ng puso ko. Malawak ang sakop ng lupain ng St.Claire. Hiwalay ang college building, High School building, Grade School Department at ang Pre School building.

  "I am going down tita. I have access in my phone too but I need your help on this." I said seriously but she did not say anything. But I could feel the sudden tension. Naramdaman niya marahil ang tensyon sa akin kung kaya nanatili ang mga mata niya sa screen na tinuro ko at tuloyan nang binitawan ang papel at ballpen na hawak hawak niya. Tinuon ang mata at atensyon sa screen ng buong buo.

  "This man is my suspect tita. I am not sure yet but I have this gut that it's him. I am going now so if ever, I could take immediate action but I need you to watch and keep your eye on him." she nodded immediately. Not removing her serious eye at the screen. Tutok ang mga mata sa screen ng laptop ko sa mismong pigura ng lalaking tinuro ko.

  "Please be careful iha. I don't want you to get hurt". She said looking at me with her soft and caring eyes. I nodded and gave her my sweetest smile I could have give.

  "Please call the police tita when you see needed" I informed before living her office. Binuksan ko ang access ko ng cctv sa phone ko. Bumaba ako sa 10'th floor which next to tita's office. Hinanap ko ang pigura ng lalaki. Namataan ko ang estudyanteng babae papunta sa bathroom. Nagfocus ako sa footage sa loob ng comfort room. May limang cubicle roon pero hindi ko na nilagyan iyon isa isa. For their privacy narin. Kita lamang ang limang sink at salamin sa nasasakop ng camerang kinabit ko. Walang tao roon kundi siya lamang. Mag aalas siyete na ng gabi at pauwi na ang mga estudyante. Pumasok ang babae sa loob sa isa sa mga cubicle.

  Hindi ko inalis ang mga ko sa screen ng phone ko. Inaabangan at tila binibilang ang minuto ng pagtagal ng babae sa loob ng cubicle. Nagpakawala ako ng mabigat na hininga. Umarko ang kilay ko.

  Maya't maya ay bumukas ang main door ng bathroom at dahan dahan na pumasok ang lalaki. Bingo. Pinasok ko ang phone ko sa bulsa ng uniform ko ng housekeeping at patakbong tinungo ang comfort room. Malapit lamang ako at ilang metro lamang iyon sa hagdan sa opisina ni tita kaya ilang hakbang lamang at narating ko na ang pintuan.

  "Anong ginagawa mo dito?this is ladies comfort room" dinig kong sita ng babaeng estudyante. Hindi muna ako pumasok ngunit ang kamay ko ay nasa dahon na ng pintuan. Walang lock ang main door ng bathroom kaya narinig ko ang baritonong boses.

  "I am here to get rid one of the trash from this university" ani ng lalaki na nagpakunot ng noo ko. I knew it, it's really him. Kinuha kong muli ang cellphone ko at nagtipa ng mensahe kay tita. I asked her to call the police now that I already confirmed it was really him.

  "W-what do you mean?" the girl stuttered. I could sense that she's nervous already. Hindi ko na hahayaan na may masaktan pa siyang muli. This time I will make sure I will catch him red handed and put in him prison. Bumigat ang hininga ko. Umigting ang panga ko at kumuyom ng mahigpit ang dalawang kamao ko. Huminga ako ng malalim at pinikit ng madiin ang mga mata. Kinakalma ang sarili.

  "Do you know that I hate trash lingering around me? Nasusuka ako kapag may malapit sa aking basura na kahit magsuot ka ng malinis na damit at magwisik ng mumurahing pabango umaalingasaw parin ang baho ng pinanggalingan mo and it irritate the hell of me." he paused. I heard foot steps. Isa. Dalawa. I gritted my teeth. My blood is boiling now in anger. I could feel the rage in man's voice and so I am. I hate how he said those words like he owned the world.

  "H-Huwag kang lalapit." I could feel the fear in her voice. Hindi ko pa man siya nakikita ay alam kong nanginginig na sa takot ang babaeng nasa loob ng comfort room. Narinig ko ang mahinang pagtawa ng lalaki sa loob. Tila ba nasisiyahan sa nakikitang takot mula sa dalaga. Puting puti na ang palad ko sa diin ng pagkakakuyom ko nito. Ramdam ko na ang dulo ng kuko ko sa aking namumuting palad. Nanggigil ako sa inis at galit.

  Nakarinig ako ng mahinang kalabog. Wala nang estudyanteng natitira. Nagsibaba na marahil lahat dahil tapos na ang lahat ng klase. Marahil ay sila na lamang dalawa ang natitira dito sa ika-sampung palapag. Naririnig ko ang mahihinang kaluslos mula sa loob.

  "Don't worry I will make it quick. Hindi mo mararamdaman ang sakit because I have no plan of prolonging your life either. I cannot even stand being this close to a trash like you. " I tilted my head and clench my jaw. I heared him muttered tssk like he was really irritated.

  "P-Please d-don't. I didn't do anything wrong to you. P-please w-wag" she's pleading for her poor life. The man laugh like a crazy mad man. Narinig kong tumili ang babae at ang marahang kalabog mula sa loob. And so I didn't waste any time anymore and barged in. Natigilan ang lalaki sa akmang pagsampal sa babaeng ngayon ay tila nanghihina na. Namimilipit ito sa sakit at sapo sapo ang sikmura.

  Nagsalubong ang kilay ko ramdam kong umakyat ang init ng dugo sa ulo ko. Tumalim ang mga mata ko sa lalaking ngayon ay nakatingin na rin sa akin ng matalim at nakangisi. Binitawan niya ang namimilipit na babae at tuloyan akong hinarap. Ang mga mata niya ay namumula. Sinalubong ko ang mga mata niyang nanlilisik at tinapatan ng parehong intensidad.

  "My bad" I said grinning. I crossed my arms and titled my head like I was testing his patience. Peeking behind him to see the lady whimpering in pain. My eyes dropped at the woman silently crying behind him. Massaging and supporting her aching stomach. Rage rose through me.

  "But I won't allow that to happen again. Not under my watch boy" I muttered matter of factly. I was meeting his raging eyes. He tssk and widen his grin. Like he was enjoying my sudden appearance. He turned to me fully. Facing me with his demonic grin and bloody eyes. He scanned me from head to toe. Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang pandidiri sa kanyang mata habang tila ba ini-scan niya ang buong pagkatao ko.

  "Ohhh Hi beautiful cleaner. I don't mind if you want to surrender your not so important and disgusting life to me though. Sakto para mas maganahan ako ngayong gabi" he said grinning like a demon who was ready to kill in this instance. Tumaas ang isang kilay ko sa sinabi niya at marahang natawa. Sa nakikita ko ay magkasing tangkad lamang kami. Malaki ang katawan niya na para bang batak sa gym. Bumaba ang mga mata ko sa porma ng mga paa niya. Binabasa ang galaw na maari niyang gawin anumang oras.

  Ngumisi siya at sinimulang humakbang palapit sa akin. I didn't flinched nor move. I just wait for his next move toward me. Watching him walking slowly towards my direction.

  "Scared little kitten?" sabi niya habang tila demonyong nakangisi. Tinaasan ko siya ng kilay at saka ako nagpakawala ng marahang tawa. Me? scared of him? I am agent pink. Rank 3 from underground organization. I can kill him right now if I wanted too. Tila siya lalong nainis at nagalit sa marahang pagtawa ko. Lalong gumuhit ang galit at pamumula sa nanlikisik niyang mga mata. Hindi nagustuhan ang nakikitang reaksyon mula sa akin.

  Nang ilang pulgada na lamang ang pagitan namin ay umangat ang kamay niya at inundayan ako ng malakas na suntok sa sikmura na mabilis ko namang nacounter attack at sinundan ng mabilis at mabigat na suntok sa kanyang tagiliran na nagpaigik sa kanya at mapaatras. Ngumisi ako nang makita ang bumalatay na gulat at sakit sa kanyang mukha.

  Shocked was written on his face as he again meet my eyes. He swallowed and stepped backward. I tilted my head and heaved a shallow sigh. I crossed my arms. Lowly laughing. What a satisfying. He's weak I must say.

  "Tangina sino ka?" dumagundong ang galit niyang boses. Ang kamao niya mariing nakasara. Sinubukan niyang tumayo ng tuwid ngunit napaigik siya sa sakit kung kaya halos matumba siya at napakapit ng mariin sa edge ng lababo. Humakbang ako isang beses at nakangising tinitigan siya sa mga mata. I bit my lower lip.

  "You don't want to know who I am boy. But let me give you a clue. Let's just say I can kill you right now without your filthy hands gets the chance to touch not even a strand of my hair." I said without any hint of fear but only amusement on how his adams apple moved like a scared cat.

  Sige matakot ka dahil hindi mo alam kung ano kaya kong gawin sayo. Dapat nga nakabulagta kana ngayon kung hindi lang ako nautusang hulihin ka at isuko ng humihinga. Kung ako lang ang masusunod ay hindi kana dapat binibigyan pa ng pagkakataong huminga at mabuhay pa. Kulang ang makulong ka lang sa mga buhay at pangarap ng mga babaeng binawian mo ng buhay hayop ka.

  He swallowed. Nanginig ang kamay niyang nakakapit parin sa lababo. Tinitigan niya ako ng matalim at maya't maya ay ngumisi na para bang tila nagising muli ang demonyo sa kanyang sistema. Tumayo na siya ng tuwid ngunit mababakasan parin ng panginginig at sakit sa kanyang katawan. Lihim akong natawa dahil sa kanyang hitsura. Sinusubukan niyang itago ang takot sa pamamagitan ng pagtalim ng kanyang mga mata.

  Bigla mabilis at mabigat niyang inangat ang kanyang kanang paa para sipain ako sa mukha ngunit mabilis ang repleksyon ng aking mga kamay at tinabig ko ito ng buong lakas at mabilisang inundayan siya ng mabigat na suntok sa sintido. Hindi niya napaghandaan ang counter attack na ginawa ko kung kaya ang bigat ng kamao ko ay sapat na upang mawalan siya ng balanse at matumba. Tumama ang ulo niya sa edge ng lababo. Sa lakas ng impact ay napadaing siya sa sakit. He groaned in pain as the blood coming from his head spilling out now at the white tiled floor.

  He was groaning. Sinusubukan niyang gumalaw at tumayo ngunit hindi niya magawa marahil dahil nahihilo siya sa lakas ba naman ng pagkakabagok ng kanyang ulo sa lababo. Umaagos ang dugo mula sa likod ng kanyang ulo.

  Humakbang ako at nilapitan ang babaeng ngayon ay takip takip ang bibig habang wala paring tigil sa pag agos ng kanyang mga luha. Nanginginig siya sa takot at ang mga luhaan niyang mga mata ay nakapirmi sa lalaking ngayon ay hindi na magawang bumangon at dumadaing na lamang sa sakit. Inabot ko ang kanang kamay ko at ngumiti. Like I was telling her that she's safe already and that the killing in this university is now done.

She looked up at me. Eyes swollen. Trembling with so much fear in eyes. Nagtagal ang tingin niya sa akin. Titig na titig. Pabalik balik ang mata niya sa mukha ko at sa kamay kong inabot sa kanya. Bumalik ang mata niya sa lalaki sa likuran ko. Nanlaki ang mga mata niya at tinuro ang lalaki sa likuran ko.

Lilingon pa lamang sana ako but then a stinging pain ran through my body. A sharp object is now inside my back. Sa tagiliran ko ay naramdaman ko ang matalim na bagay na naisaksak na sa aking laman. Nagulat ako ngunit ang repleksyon ng mga kamay ko ay mabilis ding umamba. Hinuli ang kamay niyang may hawak ng kutsilyo at pinilipit ito ng mariin. Napaigik siya sa sakit. Tinuhod ko siya sa mukha dahilan upang mapaluhod siya sa ataking ginawa ko. Hindi ko ininda ang sakit sa aking tagiliran. Yumuko ako at muli siyang inundayan ng suntok sa mukha at sunod siyang sinipa sa batok. Bumagsak siya sa sahig at nawalan na ng malay. Nanginig ang kamay ko at dinama ang kutsilyong nakasaksak parin sa aking tagiliran. Fuck.

  Hawak hawak ko ang kutsilyong nakasiksik parin sa aking tagiliran. Umaagos ang dugo sa namamantsahan na aking uniporme. Bumukas ang pinto ng bathroom at niluwa niyon ang dalawang unipormadong pulis at si tita Shanaia na nanlalaki ang mga mata. Nasa akin siya nakatingin. Sa dugong umaagos sa aking tagiliran.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Hidden Affection   Chapter 17

    ADRIENNE Two weeks. It has been two weeks since I was last with Asher. That was the day she brought me to her office. We didn't get to eat that day because of a call from someone who could make her rush with just a single phone call. She scrambled to leave the cafeteria that day without even saying goodbye to me. She just left without a word, as if a single call made my existence in front of her vanish. Like I was nothing but a nobody in front of her. Hanggang ngayon sa tuwing naaalala ko ang nangyaring iyon sumisikip parin ang dibdib ko. I felt neglected and unwanted. It feels good to love. LOVE is just a four-letter word, yet it means so much. Loving really does feel wonderful, but the pain that comes with it never truly goes away because not all love is returned equally to what you are able to give. Humigpit ang hawak ko sa baseball bat na kanina pa nasasakal sa higpit ng hawak ko. Kung nakakapagsalita lamang siguro ito ay kanina pa ito nagreklamo. Pakiramdam ko nabubuhos k

  • Hidden Affection   Chapter 16

    ADRIENNE An hour has passed since Asher went out for the meeting and until now she hasn't return back yet. I also wanted to see her at the meeting. I want to witness how she faces and talks with her business partners and investors, but I thought maybe that's already too much to ask of her. I'm afraid that next time, she might not bring me here to her office anymore. I let out a sigh and crossed my legs. In front of me were neatly stacked magazines. I leaned forward and looked through them one by one. I was halfway through when a beautiful photograph caught my attention. It was Amber, featuring her very own Amber's Height. It turns out they added new rides and activities like a cable car and sky bike. They launched it just last month. She looked beautiful and radiant in here. So it’s no wonder she completely captured Asher's heart. I bit my lip as a pang of pain hits my soul. I am not insecure of her but I won't deny that I am envious of her. That she has the eye of Asher. Tiniti

  • Hidden Affection   Chapter 15

    ADRIENNEA week has passed and Blue still hasn't woken up. She was shot in the chest which almost killed her. Amber and Asher's engagement has also been canceled too. Asher chose to let go. I admire her for letting the woman she loved go even though she is struggling and hurting right now. I stared at the woman who is now peacefully sleeping in front of my eyes. Looking so pale and lifeless. Mouth partly agape as she cutely snorts slowly. She was wasted. I can't take my eyes off of her. Her wound is now healing but the trauma keeps on haunting her every night whenever she is asleep as she told me. She looks fragile and delicate and I love her so much that it hurts. It hurts seeing her in pain.She doesn't speak. She doesn't say how she really feels but I can feel her pain. She's trying and I know she does. Kung ako nalang sana. That's what I always ask god, but because I'm just a mere sinner to him, he doesn't grant it, he seems to never listen to any of my pleas. A

  • Hidden Affection   Chapter 14

    ADRIENNE Dalawang araw ang nilagi ni Blue sa hospital. She was supposed to stay there for a week pero dahil si Blue siya ay walang nagawa ang doctor kundi ang payagan siyang lumabas. Two days have passed and we still have no leads about Amber and Asher's whereabouts. With each passing day and hour I feel like I'm going to lose my mind. Red and I have done everything to trace their whereabouts but it looks like Aira has everything planned well. That phsyco bitch. It turns out that she only befriended Blue so that she could keep her away from Amber. Well, she succeeded, but maybe when she found out that there was another woman in Amber's life after everything she did, she came back. And the bad thing is that we all have no idea that she has been obsessed with Amber for a long time. Obsessed to the point that she was able to keep Caitlin away and locked her up for over a year. How crazy she is. Pathetic phsyco. Nandito ako ngayon sa karinderya sa mismong harapan ng kumpanya

  • Hidden Affection   Chapter 13

    ADRIENNE I wince in pain. My head is throbbing like hell. I massage my temple and groan. I slowly open my eyes and fuck I am very much familiar with this room. Freaking hell not again. Damn it, no no no not again. I tried to recall why I am here..... but I don't remember anything. Sapo sapo ang ulo kong bumangon at umupo sa malambot na kama. Bumaba ang kumot sa katawan ko kaya bumaba ang mga mata ko sa suot. Iba na ang suot ko. I am now wearing a navy blue cotton pajama. Who changed my clothes? darn it..I should stop drinking na talaga. Nagkaka-amnesia ako kinabukasan and I hate that I couldn't remember any single details on how I got here again. Ang natatandaan ko lang ay may lalaking lumapit sa akin at hinawakan ako then may babaeng......fuck don't tell me it was Amber again who found me in the same situation just like the first time she saw me a month ago?? Tangna talaga. I shook my head but ended up groaning dahil sa pagpintig ng sintido ko. Bumangon ako at tinungo ang

  • Hidden Affection   Chapter 12

    ADRIENNEPinagmasdan ko sila and I couldn't deny the fact that they're really look good together. They are both holding a glass of wine as they're sweetly talking to each other. I could see from here the eyes of Asher, how she looked at her woman. Looked that I wished was given to me.Makikita sa bawat mukha ng lahat ng nandito ang galak sa nangyayari. Bakas sa mga mukha nila ang saya. Mga mahihinang halaklak at kalansing ng mga plato at palitan ng salita ang nagsisilbing ingay sa aking pandinig.Binaba ko ang hawak na kupita at muling nagsalin. Nakalahati ko na pala itong wine na dinampot ko kanina. Gusto ko nang umalis rito dahil pakiramdam ko hindi ako makahinga.All their reactions are suffocating me. Am I bad to feel this way? Am I bad that I am hurt seeing them this happy? tangna, I should be happy coz Amber accepted her but why now I wish that this should not the result..why in my mind I wish Amber had rejected her instead.A bitter smile tugged at my lips. Playing the gl

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status