Mag-log inCHAPTER 5
Sa sobrang pagka-palikero ng boss niya, pati siya ay hindi pinatawad sa kalandian nito. Sinubukan siyang h alikan at akit-akitin nang minsang nalasing.
Sa inis ni Jillian ay pinatikim niya tuloy ng kamao ang pisngi nito at saka dinagukan ng matindi. Nagdadasal na siya para sa matinding sermon ni Jensen at pagkawala ng trabaho, kinabukasan ngunit ganon na lang ang gulat niya nang humingi ito ng paumanhin sa kanya.
“I’m sorry I wasn’t thinking straight last night. Hindi ko dapat ginawa ang bagay na ‘yon. Napagkamalan kita na ibang tao at— pasensya na. Hindi na mauulit.”
Agad niya naman pinatawad lalo pa’t bakas pa sa pisngi ng boss niya ang suntok niya. Simula nang araw na iyon ay hindi na lumampas si Jensen sa linya. Propesyonal na at ramdam ni Jillian na nire-respeto rin siya nito bilang tao.
Natigil sa pagbabalik-tanaw si Jillian nang may lumalagatak na takong palapit sa mesa niya. Kulot ang buhok ng magandang babae at bagay na bagay ang suot nitong fitted red dress kung hindi lang parang torong manunugod.
Malamang isa ito sa mga babae ng boss niya. Napabuntong-hininga na lang si Jillian na tumayo si Jillian, tanggap sa sarili na kasama na sa trabaho niya ang ganitong eksena dahil hindi na yata magbabago ang boss niya.
“Nasaan si Jensen?!” mataray nitong tanong sabay bagsak ng palad sa mesa niya.
“Hello, Ma’am. Wala po rito si Sir Jensen. May meeting po siya sa—”
“Oh shut the hell up! Alam kong pinagtatakpan mo ang lalaking iyon,” sikmat nito sa kanya at saka siya nilampasan papuntang opisina ng boss niya.
Nagmamadaling sumunod siya. “Ma’am, hindi po kayo pwedeng basta pumasok na lang basta.”
“Get out of my way!” Malakas siya nitong itinulak nang sinubukan niyang humarang sa daan nito.
Muntik na siyang mangudngod sa sahig kung hindi lang siya maagap na nahawakan sa braso ni Jensen na biglang lumabas sa opisina nito. Tinulungan siyang makatayo ni Sir Jensen bago malamig ang mga matang tiningnan ang bagong dating.
“Anong kailangan mo?”
“Ang kapal ng mukha mong bumalik rito! Sino ka para agawin ang posisyon na dapat ay kay Kuya Kalix? Wala kang karapatan dahil bastardo ka lang naman. Kung may dignidad ka pang natitira, bitawan mo ang posisyon at bumalik ka sa lusak na pinanggalingan mo!”
Natahimik ang buong palapag sa galit na boses ng babae. Hindi naman sikreto sa buong Chase & Co company na si Jensen ay anak sa labas ng Chairman. Hindi rin lihim na kaya nasa Cagayan si Jensen nitong mga nakaraang taon ay dahil takot ang unang pamilya ng Chairman na agawin ni Jensen ang kompanya.
Bumalik lamang si Jensen sa Maynila dahil sa nangyari kay Kalix—ang panganay na anak ng unang pamilya ng Chairman.
“Kate, si Daddy ang nagpabalik sa akin dito,” wika ni Jensen sa bunsong anak ng Chairman na kilala na sakit ng ulo ng pamilyang Chase.
“Wala akong pakialam! Ang sabihin mo, matagal mo na itong hinihintay na mangyari. Para kang asong naghihintay na tapunan ng kaparasong buto at mananakmal agad,” sigaw nito.
“Watch your mouth, Kate,” mas lumamig ang boses ni Jensen.
“Bakit, anong gagawin mo? Bastardo ka lang naman kaya wala kang karapatan sa kahit anong posisyon sa kompanyang ito.”
Sa halip na sumagot, ay inilabas ni Jensen ang cellphone at may tinawagan. Hindi pa man sumasagot sa kabilang linya ay tumunog na rin ang hawak-hawak na cellphone ni Katelyn.
“Hindi pa tayo tapos!” singhal ni Katelyn sa kapatid bago umalis.
Wala naman kahit anong reaksyon si Jensen bagkus ay nakipag-usap na lang ito cellphone at pumasok sa sariling opisina. Ilang minuto ang nakalipas, ay muling lumabas at dumiretso sa mesa niya.
Agad siyang tumayo sa iuutos nito subalit nakatitig lang sa kanya si Jensen na parang may gustong sabihin.
“Sir, may kailangan po kayo?”
Sa halip na sagutin siya ay lumingon ito sa isa pang sekretarya nito. “Get ready, you’ll come with me at Wolfgang Empire.”
Nasundan na lang ng tingin ni Jillian ang boss at ang isa pang sekretarya na papuntang elevator. Sa tatlo nitong sekretarya, siya ang mas pinakapinagkakatiwalaan ni Jensen dahil mas matagal silang magkasama kumpara sa dalawang sekretarya na dating ang boss ay si Sir Kalix.
Siya palagi ang sinasama ni Jensen sa mga importante nitong lakad katulad ng sa…Wolfgang Empire. Bakit nagdadalawang-isip ito kanina kung siya ang isasama?
Sa kabilang banda, nakahinga ng maluwag si Jillian dahil pabor sa kanya ang nangyari. Ayaw niyang makita si Zacharias Wolfgang!
[ZACHARIAS]
“Sir, Mr. Chase from Chase & Co., Group is here,” wika ng sekretaryang si Rafael.
Sandaling natigilan si Zacharias sa pagpirma sa mga dokumento. Humigpit ang hawak niya sa sign pen bago malamig na sumagot.
“Tell them to wait at longue room.”
“Yes, Sir.”
Halos kinse-minutos ang nakalipas bago pa tumayo si Zacharias para puntahan ang mga dumating. Pagpasok niya sa Longue Room ay mas lumamig ang kanyang mga mata nang makita ang kasama ni Jensen Chase.
“Mr. Wolfgang, nice to see you again,” bati nito sa kanya.
Tinanggap niya naman ang pormal nitong pakikipagkamay ngunit agad din bumitaw sabay upo sa pang-isahang couch.
“We are hoping for a collaboration with the Wolfgang Empire. This is our proposal for the Palawan Project.”
Kinuha ni Zacharias ang inabot nitong folder subalit, hindi man lang pinagkaabalahan na basahin. Sa halip ay inilapag lang sa mesa. Hindi naitago ni Jensen ang pagkagulat sa ginawa niya ngunit wala siyang pakialam lalo pa’t ipinaliwanag naman nito sa kanya ang laman ng proposal.
Halatang-halata na walang interes si Zacharias. Isang-tanong, isang sagot. Ilang minuto lang ay biglang tumayo si Zacharias.
“You explained enough. This meeting’s done!” kaswal niyang wika at bumalik sa opisina, mas lalong nabwisit.
[JILLIAN]
NAHULAAN agad ni Jillian na hindi maganda ang kinalabasan ng meeting ng boss niya Wolfgang Empire dahil nakasimangot ito nang bumalik sa opisina.
“Alam mo ba, nakakainis iyong CEO ng Wolfgang Empire,” kwento sa kanya ni Maria na siyang kasama kanina ng boss nila.
“Bakit, anong nangyari?”
Pumalatak ito. “Ang arogante. Ang taas ng tingin sa sarili. Hindi man lang sinilip ang pinaghirapang proposal ni Jensen. Nong nagpapaliwanag naman si Sir ay harap-harapan na pinapakita na wala siyang interes. Kaya nainis din si Sir Jensen kasi mantakin mo ba na bigla na lang sinabing ng CEO na iyon na tapos na ang meeting.”
Hindi na lang nagsalita si Jillian dahil dahil alam na alam niya ng iba na talaga ang ugali ng dating nobyo.
Kinabukasan, may ibinigay sa kanyang folder ang boss niya nang ipinatawag siya nito sa opisina. “Ano po ito, Sir?”
“Recised proposal of Palawan Project.”
“Po? Di ba naibigay na ito kahapon sa Wolfgang Empire.”
Kumusot ang mukha ni Jensen. “May pinabago sila. I want you to deliver it personally to CEO Wolfgang.”
“A-Ako po?” Itinuro pa niya ang sarili dahil, utang na loob!, ayaw niya ngang makita si Zacharias!
“Who else? May iba pa bang Jillian Aguillar dito? May problema ba kung ikaw ang magdadala? I thought CEO Wolfgang was just a mere former co-worker? May hindi ka ba sinasabi sa akin, Ms. Aguillar?”
“O-Opo, dadalhin ko na, Sir. Ito na po, aalis na. Ngayon na po.” Nagpapanik siyang lumabas ng opisina dahil baka kung anu-ano na naman itanong.
Ang lakas-lakas ng tibok ng puso ni Jillian habang sakay ng taxi. Ilang beses niyang pinaalalahanan ang sarili na maging propesyonal kung magkaharap man sila ni Zacharias. Ang plano niya ay ibigay na lang sa sekretarya nito at sisibat na siya paalis.
“Dito na po, Ma’am. Bawal pumasok sa compound,” wika ng driver.
Literal na napanganga si Jillian nang makita kung gaano kaganda ang Empire Building na nasa harap niya. Mula sa malaking gate na may mga bantay, ay kailangan niya pang baybayin ang mahabang walkway para makapunta sa mismong lobby ng building.
“Hi, I’m from Chase & Co. May ihahatid po akong dokumento sa opisina ng CEO,” wika niya sa dalawang receptionist.
Sinuri siya ng mga ito ng tingin bago siya hiningian ng Company ID. Kapagkuwan ay nag-dial ang isa sa telepono. Ilang sandali lang ay bumaba na ang pamilyar na lalaking sekretaryo ni Zacharias.
Sakto!
“Hi, Sir. Secretary po ako ni Sir Jensen Chase. Nagkita na tayo sa dinner party noong nakaraan,” halos magniningning ang mga mata niya. Inabot niya rito ang folder. “Pinapabigay po pala ni Sir Jensen, revised proposal ng Project.”
Sa halip na kunin ay umiling ang pormal na sekretaryo. “Importante ang proposal na iyan, Miss Aguillar. Mas makakabuting ikaw mismo ang mag-abot kay CEO Wolfgang.”
Napawi ang ngiti niya.
“This way please.” Inilahad pa nito ang kamay papuntang elevator na para sa CEO lang.
Walang nagawa si Jillian kundi sumunod dito. Pagdating nila sa palapag na pakay ay agad siyang pinapasok nito sa mismong opisina ng CEO.
“Nasa meeting pa si Sir Zacharias. Madali na iyong matapos. Please wait for a bit here,” wika nito at inilahad na naman ang mga palad para paupuin siya. Nahihiya naman siyang tumanggi.
Bahagya itong yumuko sa kanya bago naglakad papuntang pinto. Magsasabi sana siya na sa longue area na lang siya maghihintay nang malakas na sumara ang pinto.
Nakurap si Jillian.
Bakit pakiramdam niya ay pinipigilan siya ng sekretaryo na makatakas kaya ikinulong na siya sa mismong opisina.
Inilibot niya ang tingin sa paligid ng malaki, maaliwalas, at malamig na opisina ng CEO. Sa karangyaan pa lang niyon, ang laki-laki na ng agwat nila ni Zacharias.
Ang sabi, madali lang ngunit inabot siya ng bente minutos na nakaupo lang sa sofa dahil ayaw niyang maglibot o mangialam sa kahit anong bagay na naroon.
Inip na sumulyap siya sa suot na relo. Tatayo na sana siya para tanungin ang sekretaryo sa labas nang bumukas ang pinto at pumasok si Zacharias.
CHAPTER 123 Napatakip siya ng sariling bibig. Bakit ba kasi niya nasabi iyon? Alam niya namang seloso si Zacharias kapag si Jensen ang usapan. Sa halip na kumalma ay mas lalo pang nagalit. “Hindi! Ano…ahm..wala akong sinabi.” Bigla siyang hinawakan ni Zacharias sa leeg. Hindi naman madiin o masakit, pero napaurong pa rin siya. “He did f ucking what? Don’t lie to me, Jillian!” “Wala lang iyon. Misunderstanding lang.” “Tell me!”"Kasi... kasi...""Jillian, dalawa ang pagpipilian mo. Sasabihin mo sa akin o pasasabugin ko ang bungo ni Jensen Chase.”“Oo na! Oo na! Sasabihin na!” Nakakatakot talaga si Zacharias kapag ganito ito kaseryoso. “Noong nasa Cagayan pa kami, minsang nalasing si Sir Jensen. Pinagkamalan niya akong ibang babae. Nagalit ako tapos binugbog ko siya. Langgo siya sa alak kaya hindi siya nakalaban sa akin.”Lumabi si Jillian at sinilip ito sa ilalim ng kanyang mga pilik-mata.“Huwag ka naman ng magalit kay Sir Jensen. Nag-so
CHAPTER 122 Nagsalubong ang kanyang mga kilay at pasimpleng sinundan ang mga ito. Hindi siya napansin dahil panay ang bunganga ni Katelyn. “Gusto ni Jensen si Jillian noon pa. Ikaw lang itong tatanga-tanga na gusto siyang pakasalan.” “Hindi ako naniniwala sa ‘yo.” “Kaya nga pumunta na tayo sa taas dahil nandoon ang pruweba.” Pagbukas ng elevator ay agad pumasok ang dalawa. Nagulat si Katelyn nang pumasok rin siya. Subalit, sandali lang iyon dahil ngumiti ito nang malaki. “Buti nandito ka, Zacharias! Sumama ka sa amin. Ipapakita ko sa ‘yo ang tunay na ugali ni Jillian.” Nag-igtingan ang kanyang panga at kumuyom ang mga palad. Si Lyndel na nakatingin sa kanya ay medyo lumayo. Kabaliktaran ni Katelyn na dahil nagbubunganga ay hindi napansin ang dilim ng mukha niya. “Nasa room 8088 sila. May keycard ako!” “Give me the key,” malamig niyang wika sabay lahad ng kamay. Nakangisi pa si Katelyn nang
CHAPTER 121 PAGDATING niya sa Chase & Co., nakasabayan niya si Jensen sa parking lot. Kita niya ang bahagyang pagkunot ng noo nito. “Bakit po, Sir?” “Smudge ang lipstick mo,” kaswal nitong sagot na ikinamilog ng kanyang mga mata. Hiyang-hiya na bumalik siya sa loob ng kanyang kotse para ayusin ang sarili. Mabuti na lang nauna ng pumasok si Sir Jensen sa elevator. Bwisit talagang Zacharias! Kung h umalik kasi parang kakainin siya ng buo. Hindi man lang nagdahan-dahan. Mabuti na lang, makapal na ang mukha ni Jillian sa loob ng ilang taon na sekretarya siya ni Sir Jensen. Kaya nang umakyat siya sa opisina at may pinapirmahan dito ay pormal na siya na parang hindi nito nahalata na nakipagh alikan siya kay Zacharias. “This is for you, Maria. Here for you, Shane. Binili ko ang mga iyan sa paborito kong café. Enjoy!” Kababalik pa lang ni Jillian galing sa finance department nang marinig niya ang boses ni Miss Lyndel. Sa mesa nina
CHAPTER 120 “Jil, I’m hungry,” nahihirapan nitong wika at hinaplos ang kanyang pisngi pababa sa leeg niya bago siya siilin muli nang mainit na halik. “Zacharias,” tawag niya ulit. “I’m here.” Umawang ang kanyang bibig nang humaplos ang mainit na kamay ni Zacharias hanggang sa makapasok iyon sa loob ng kanyang pantulog. Bawat hagod ng labi nito sa kanyang leeg ay nagpapawala ng kanyang katinuan. Ang kamay ni Zacharias ay nasa ibaba ng kanyang dibd ib, para siyang sinisilaban. Subalit, biglang may tumunog. Parang alarm clock na nagising siya sa kahibangan. Malakas na naitulak niya ito sabay bangon. Akmang ihihiga siya ulit ni Zacharias nang pigilan niya ito. “May tumatawag sa ‘yo.”"Hayaan mo. Tuloy natin.""Anong tuloy?! Hindi!” Buong pwersa niya itong itinulak sabay takbo papasok ng kwarto. Sumubsob siya sa mga unan at impit na nagsisigaw. Rupok! Rupok rupok ng fokfok! Kung walang tumawag, malamang bibigay talaga
CHAPTER 119“Sir, iyon po ang gusto niya dahil bumalik ka po rito sa Maynila kahit walang kasiguruhan. Hindi ka po sana nagtitiis at nagpapakapagod dito sa kompanya habang alam mong pwedeng mawala sa ýo ang pagkapresidente sa oras na magising ang kapatid niyo,” seryoso niyang sagot.Tumuwid ng tayo si Jensen at tumango bago siya tinalikuran. Nasundan na lamang ito ng tingin ni Jillian nang maglakad papuntang elevator. Nakapamulsang nagda-dial sa cellphone at may tinawagan “Gusto mo ng Japanese? I’ll see you an hour. Magdinner date tayo.” Bahagyang nakahinga nang maluwag si Jillian nang marinig ang sinabi ng kanyang boss. Siguradong si Miss Lyndel ang kausap nito. Totoong gusto niya na maging sucessful ang boss niya bilang pasasalamat sa pagbibigay nito ng trabaho sa kanya nang mga panahong kailangan na kailangan. Pasado alas-otso na nang natapos ni Jillian ang mga tinatrabaho. Dahil pagod ay nagdisisyon siyang mag-order na lang ng pagkain sa online
CHAPTER 118 “Hindi! Hindi totoo!” Humagulgol si Gisselle. “Niloloko niyo lang ako.”“I don’t care if you believe it or not,” wika ni Zacharias at p inatay ang sindi ng sigarilyo nang dumating na ang mga pulis.Nagpaalam si Jillian sa boss niya na sasama siya sa police station para magbigay ng statement. Magkasama sila ni Zacharias nang pumunta sa presinto. Dahil kilala ang pamilyang Wolfgang at may mga koneksyon sa matataas na opisyal ng gobyerno ay agad inasikaso ng mga pulis ang kaso. Ikinulong si Gisselle. Nagsampa siya ng kasong attempted murder. Kalalabas pa lang ni Jillian sa police station nang tumawag sa kanya si Jensen. “What happened? Ngayon ko lang nabasa ang text mo. Are you okay? Where are you? I’m going back now.” “Hindi na po, Sir. Hanggang alas-singko ang meeting niyo di ba? Okay lang po ako.” “Are you sure?” “Hindi naman po ako nasaktan. Dumating si Zacharias. Tapos na po ako magbigay ng statement. Babalik n
CHAPTER 34 Kung maganda na ang labas ng Manor ay mas nakakamangha sa loob. Pakiramdam niya ay nasa unang panahon siya kung saan ang disenyo ng gusali ay nililok ng magaling na iksultor. Maaliwalas at elegante! “Nagpalinis talaga ako sa buong bahay kasi unang bese
CHAPTER 32 Pagkasara ng pinto ay nakarinig si Jillian nang tila sumara rin ang pinto ng kwarto ni Kai. Subalit, nang silipin niya ang anak ay naglalaro ito ng LEGO blocks. Nang nagtaas ng tingin ay malaki ang ngiti at nagniningning ang mga mata. “Mommy!” Mabilis
CHAPTER 31[ZACHARIAS] Sumakay si Zacharias sa kotse para sana habulin si Jillian paglabas nito ng Club subalit, naalala niyang nakainom siya. Wala siyang nagawa kundi hampasin ang manibela dala ng frustration. Tumunog ang cellphone niya. Hindi tinitingnan kung
CHAPTER 29 Nagtaasan ang mga balahibo niya sa batok nang dumako ang matalim na tingin ni Zacharias sa kamay ni Jensen na nakaakbay sa kanya. Wala sa loob na inalis niya iyon at inalalayan na lang sa braso ang boss niya. Bakit pakiramdam niya, nakagawa siya ng kas







