Share

Chapter 33

Author: Writer Zai
last update publish date: 2025-02-17 08:09:33

KASAMA ang magkapatid na Ramon at Rodolfo, nilibot ni Aedam ang buong lupain. Malawak nga iyon, at ang malaking bahagi ay nakaharap sa kanayunan. Marami silang napag-usapan. Mataas na ang araw nang makabalik sila sa bahay ng Hidalgo. Dumiretso agad siya sa silid, balak niyang maligo. Pakiramdam niya'y nanlalagkit ang katawan dahil sa mainit na panahon. Bubuksan na sana niya ang pinto nang makarinig ng kaluskos sa katapat na silid. Bahagyang nakaawang ang pinto at dala ng kuryusidad ay pumihit s
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Val Erie
kung si meadow yan bakit sila nagkaroon ng anak nung lalaki
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • INSTANT DADDY    Chapter 149

    PILIT na pinakakalma ni Meadow ang sarili. Katatapos lamang niyang kausapin ang tunay na asawa. Sa maikling oras na nagkausap sila, ipinaliwanag nito kung ano ang nangyari sa aksidente at kung sino ba talaga ang kasama nilang mag-ina ngayon. Si Rex... Ang lalaking pinagkatiwalaan niya noon at ngayon ay nasira dahil sa ginawa nito. Kaya pala, may similarity ang ikinikilos ng inaakala niyang Aedam kay Rex. Kaya pala may kakaiba siyang kutob. "Tama pala 'yon," anas ng isipan niya. Pinahid niya ang panghuling luhang dumaloy sa magkabilang pisngi niya at hindi na muli pang hinayaang bumalong. Magkahalong takot at tuwa ang nararamdaman niya kaya siya lumuluha ngayon. "At galit na rin..." Sukdulan hanggang langit ang galit niya kay Rex. Papaano nito nagawa ang bagay na 'yon? Nakuha pa nitong ilagay sa mental hospital ang kaniyang asawa at kinuha ang pagkatao nito. Dapat ito ang ilagay sa mental hospital! Napasulyap siya kay Drake. Naririnig niya ang tunog ng phone nito. Si Rex ang tu

  • INSTANT DADDY    Chapter 148

    WALANG narinig na boses mula si Drake sa kabilang linya, pero alam niyang hindi makapaniwala ang kaniyang kaibigan Wala sa plano nito ang ginawa niya. Si Meadow, bakas sa mukha nito ang pagkalito. Hindi malaman kung ano ang sasabihin. Pabalik-balik sa kaniya at sa phone na hawak nito ang tingin. "Meadow, my Meadow..." Narinig niya ang paghikbi ni Aedam sa kabilang linya. Parang may sumakal na kamay na bakal sa puso niya. Sa tagal na nilang magkakaibigan, bibihira niya itong makitang ganito. Alam niyang sobra na ang pinagdaanang hirap ng dalawa, magmula pa kay Brenda. Ang matagal na pagkawala ni Meadow at ngayon naman ay muntik na ring mawala ang kaniyang kaibigan dahil sa isang taong may sira ang utak. Kumuyom ang kaniyang kamao, at para mawala ang galit sa dibdib niya'y lumabas siya, pero hindi siya lumayo sa silid. Sumandal siya sa malamig na wall malapit sa pinto. Mabuti na ring lumabas siya, para malaman kung paparating na ba si Rex. Tatlong minuto ang lumipas, matapos l

  • INSTANT DADDY    Chapter 147

    PUMARADA ang mamahaling sasakyan sa parking lot ng hospital, may pagmamadali sa kilos ni Drake, hindi siya dapat magsayang ng oras. Kailangang malaman na ni Meadow ang katotohanan. Bawat hakbang niya sa kahabaan ng pasilyo ng pagamutan, bumibigkas ang isipan niya. Hinihiling na sana'y wala pa roon si Rex, dahil tiyak na hindi na siya makahahanap ng magandang tiyempo para makausap ng sarilinan ang babae. Pero ayon kay Avi, wala pa roon ang ama nito, ngunit kahit ganoon ay hindi siya dapat makampante. Malapit na siya sa silid nang maisipan niyang tawagan ito. He stopped and quickly dialed Rex's number. He will pretend not to know, to find out where he is."Hello, p're!" sabi agad nito. "Napatawag ka."Malamig siyang ngumisi. Hindi kailanman siya tinawag na 'p're' ni Aedam. N'ong una niya itong narinig ay sobra siyang nagtaka at doon pa lang ay naghinala na siya. "Nasa hospital ka ba?" tanong niya. Matalim ang titig sa kung saan, na para bang nandoon ang kausap."Wala e. May inaasikaso

  • INSTANT DADDY    Chapter 146

    NAKABUNGISNGIS si Drake, katatapos lang niyang tawagan si Meadow, ginawa niya 'yon dahil may plano siya. Nakuha na niya ang sagot sa tanong nila pareho, kung bakit tila ba'y may nagbago sa kasulukuyang Aedam na kasama nito. At tama nga ang kutob nila, may kakaibang nangyari. Ngayong kaharap na niya ang tunay na Aedam, naiinis siya rito. Nasa kaniya na ang rights at may pruweba na sila kung sino talaga ito, pero ayaw pa ring kumilos. "Sir, bakit ayaw mo pa pong magpakita sa asawa mo?"Bumaling ang paningin niya sa babaeng nakaupo sa dulo ng sofa na kinauupuan din niya. Maging ito ay naguguluhan din sa desisyon ng kaibigan niya.Umangat ang likod ni Aedam. "Dahil hindi pa natin nahuhuli kung sino ang kasabwat ni Rex," seryosong saad nito. Napaisip din siya, at may punto ito. "Si Brenda?" patanong niyang sagot. Segundong nagkatitigan sila ni Aedam. Pero sa huli ay umiling ito. "May posibilidad na kakampi niya si Brenda, lalo na ngayong nakatakas ito. Pero bukod dito, palagay ko'y may

  • INSTANT DADDY    Chapter 145

    MADALING nabuksan ni Aedam ang lock ng unit niya at ngayon ay nasa loob na sila. Kapwa silang magkaibigan nag-iisip ng tamang takteka para mabuko si Rex. Samantalang si Danica ay nililibot ang buong room. Amaze na amaze ito sa nakikita, lalo na sa tanawin sa ibaba. Para itong batang pumapalakpak. "She's so annoying!" Marahas na bumuga ng hangin ang kaibigan niya. "You know what, bagay kayo," saad niya, sakay isinandal ang likod sa ulo ng sofa. Umismid ang kaibigan niya. "Hindi ako pumapatol sa isip-bata." Sa sinabi nito'y hindi niya napigil ang matawa. "E, bakit gusto mong ligawan ang anak ko?" "Avi is different, hindi 'yon isip-bata," seryosong tugon nito, saka'y sinimsim ang beer na nakuha niya sa ref. Buti na lang may stock pa siya ng pagkain at hindi pa expired. They looked at each other and suddenly laughed together. Naalala na naman niya ang kakulitan ng anak. Ang walang humpay nitong katanungan, at ang kadaldalan nito. "I really missed my daughter, Drake." Mabilis

  • INSTANT DADDY    Chapter 144

    NASA malalim na pag-iisip si Aedam, iniisip kung anong hakbang ang gagawin para matiklo si Rex. Kinuha nito ang lahat sa kaniya, napaniwala ang mga mahal niya sa buhay na siya ito. Ito ang kapiling ng kaniyang asawa sa kama, ang kayakap gabi-gabi, maging ang anak niyang si Avi. Ang mga kaibigan niya at ang ama. Ito rin ang pumapasok sa opisina niya. Ngunit, aad na nagsalubong ang kilay niya, what if may pipirmahan itong papeles? Paano nito naitawid yun? Kung ganoon, maging ang pirma niya'y ginaya nito. "Mahusay!" anas ng isipan niya. Mahabang panahon ang inilaan nito para perpektong magaya siya. Pero, siguradong hindi ito nag-iisa. May kasabwat ito, at sisiguraduhin niyang pagbabayaran nito ng mahal kung sino man ang taong kasabwat ni Rex. "Dude..." Nahinto ang paglalabay ng diwa niya. Nilingon ang kaibigang tumabi sa kaniya. Ang mukha ay hindi na halos maipinta."May isa pa pala akong balita na hindi nasasabi sa iyo," seryosong sabi nito. "What is it?"Bagama't kinakabahan ay na

  • INSTANT DADDY    Chapter 65

    WALANG pagsidlan ang kasiyahan ni Aedam habang pinagmamasdan ang dalawang babaing importante sa buhay niya. Nangangapa pa si Meadow, pero alam niyang babalik din sa dati ang lahat kapag nakaalala na ito. Ipina-check-up niya na rin ito sa isang espisyalista. Nakita rin niya ang marka ng bala na tuma

    last updateLast Updated : 2026-03-25
  • INSTANT DADDY    Chapter 62

    MAGKAHARAP si Aedam at Meadow. Kapwa nakatitig sa isa't isa. Hanggang sa ito na ang sumuko."Uhm, S-sir--" "Aedam. I told you tawagin mo ako sa aking pangalan." Pinong kagat sa labi ang ginawa nito. "S-sorry po." Sa halip na sumagot ay ngumiti siya. Inihaba niya ang kamay para maabot ang pisn

    last updateLast Updated : 2026-03-24
  • INSTANT DADDY    Chapter 59

    NAKAHAIN na ang almusal nang bumaba si Meadow. Hindi man siya gasinong nakatulog ay maaga pa ring nagmulat ang kaniyang mata. Dati pa naman siyang maaga kung gumising dahil siya ang naghahanda ng almusal ng mga Hidalgo, isa pa'y pumapasok sa school si Jun-jun. Bigla siyang tumamlay nang maalala

    last updateLast Updated : 2026-03-24
  • INSTANT DADDY    Chapter 60

    "BULLSHIT!" "Fvck!" "T*ng-ina!" Ilang mura na ang pinakawalan ni Rex, pakiramdam niya'y sasabog na ang dibdib niya sa sobrang inis. Hindi na niya matagpuan si Meadow. Nang makita niya ito kahapon ay ginawa niya ang paraan para makuha ito. Alam niya ang nangyari rito dalawang taon ang lumipa

    last updateLast Updated : 2026-03-24
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status