LOGINBEATRICE POV
“SHITTTT! bulalas ko at nayanig ang aking ulirat ng muntikang sumalpok ang minamaneho kong motor sa Isang itim na Lamborghini na nakasalubong ko. Bahagyang tumigil ang tibok ng aking puso at napapikit sa sobrang takot. Mabuti na lang kahit papaano pareho kaming experts sa pagmamaneho kaya nagawa pa naming ma control ang preno. Binuksan ko ang visor ng aking helmet at tiningnan kung sino ang nagmaneho. THIRD PERSON POV “What the hell!” Isang matalim na pagmumura ang nagmula sa lalaking nakaupo sa backseat ng Lamborghini. Sa edad na apatnapu, taglay niya ang aura ng isang taong makapangyarihan—naka-de-kwatro, balot ng eleganteng itim na suit, at may boses na tila nag-uutos ng respeto sa gitna ng tensyon. “Si—sir, meron kasing motor na bigla na lamang sumulpot,”nangangatog na paliwanag ng tauhang nagmamaneho ng kotse. Naningkit ang mata ni Emilio ng tiningnan niya ang unahan at sumalubong sa kanyang paningin ang Isang babaeng naka suot ng puting uniporme ng nakaupo sa big bike nitong motor. Tumaas ang sulok sa labi ng ginoo, ng kaagad nitong itinaas ang visor sa suot nitong helmet. At doon bahagyang tumigil ang kanyang mundo, nang matanaw ang kaka-ibang ganda ng dalagang nasa kanyang harapan. Kahit na mata at ang kalahati lang nitong ilong ang nasilayan niya, siguro siyang maganda ito. “Pasensya na po!”paumanhin ng dalaga, ang kanyang boses na malamyos at medyo paos. “Wait!”kaagad niyang pigil ng mabilis itinutok ng isa niyang tauhan ang armas na kanina pang nasa kamay nito. BEATRICE CONTINUES….. Nanlaki ang aking mata ng makita ang Isang kulay gintong baril na tumutok sa aking direction. Sunod sunod akong napalunok habang ang kamay at paa kong naka handang tumakas. “Anong klaseng tao ang muntik ko ng ma disgrasya!”bulong ko sa sarili, at nakahinga ng maluwag ng binana na ang baril dahil pinigilan ito ng lalaking medyo may katandaan na. Kitang-kita ko na, kasi silang lahat dahil bukas ang visor ng kotse. Nangangatog ang aking paa at kamay, habang mabilis pinaandar ang aking motor. Panay ang lingon ko sa aking likuran, baka kasi nakasunod paren ang mga ito. “Thank you Lord!”wala sa sariling sabi ko ng malapit na akong makarating sa mansion. “Oh senyorita. Anong nangyari sayo? Bakit para kang hinahabol ng multo, halos banggain mo na ang bakod,”nag-alalang tanong ni manang sabel, ang isa naming kasambahay. “Muntik napo akong ma disgrasya manang,”habol hininga kong tugon. “Linda. Kunan mo ng tubig ang senorita,”kaagad nitong utos sa kasama nito. Bagsak akong naupo sa sopa at napahilamos sa aking mukha. “Mabuti naman at hindi ka hinayaang ma disgrasya ng panginoon hija,”bakas rin sa boses ni manang ang pag-alala sa akin. “Heto na po senyorita,”wika ng isa at kaagad inabot ang Isang basong tubig sa akin. “Salamat,”wika ko at ininom na ang tubig. Medyo gumaan-gaan ang aking pakiramdam ng maka-inom na ako ng tubig. CASPIAN POV “Chief!” napa-lingon ako sa isa kong kasamahan ng biglang pumasok sa aking office. “Yes.Serge?”tanong ko habang nanatili ang aking paningin sa screen ng aking laptop. “Basahin mo ito, from unknown number,”bakas sa boses ni Serge ang pagmamadali kaya pinag-toonan ko na ito ng pansin. “Baka isa lamang itong bitag?”kunot noo kong sabi matapos kong mabasa ang nakasulat. “But wait,”bahagya akong natigilan sa aking iniisip. “Baka totoo ito, kailangan nating actionan pero we have to be careful. Gather your men,” mariing kong utos at pumasok sa aking private room upang kunin ang aking mga armas. “Wala ng Oras, but before anything else. This is the plan. Ako at si Roman, mauna kami sa Lugar na sinasabi ng nasa text kung saan doon sila mangdudukot ng mga bata. Kung totoo ngang doon sila maghahasik ng lagim, maging alerto kayo and wait for my cignal para sa magiging backup. Okay!” mariin kong sabi. “Noted chief!”sagot nilang lahat sa akin. Ako at si Roman ay mabilis tumalima at kanya-kanya na kami ng lakad patungo sa mga motor naming naka parking sa hindi kalayuan. Kaagad kong binuhay ang makina at mabilis pinaharorot patungo sa location. Nilingon ko si Roman at nakasunod ito sa akin, Hindi naman gaano kalayo ang location, kaya mabilis lamang kaming nakarating. Huminto ako sa tindahan at tinanggal ang suot kong sunglasses. Habang si Roman naman ay doon pumwesto sa kabilang kanto. Nang maka baba ako mula sa motor kaagad kung iginala ang aking paningin. Nag agaw na ang liwanag at dilim kaya kaunti na lang ang mga taong naglalakad sa kalye. “Pabili ngang Yusi manang,”wika ko sa tindera. “Heto po sir,”kaagad kong inabot ang Isang stick at muling luminga sa paligid. Sisindi na sana ako ng mapatingin sa Isang puting van na huminto mula sa hindi kalayuan ng tindahan. Dahan-dahang bumaba ang kamay ko patungo sa aking bewang at kinapa ang baril na nakatago doon. Nakita ko si Ramon sa hindi kalayuan at nakatingin rin ito sa direction ng van. Ilang sandali na ang lumipas wala pareng bumaba mula sa loob ng van. Kaya mas lalo talagang lumakas ang aking kutob na totoo ang nakasulat na mensahe na iyon. Bumaling ang paningin ko ng merong Isang babaeng naka uniform ng pang teacher ang naglalakad sa kabilang kanto kung saan naroon si Roman at nagtago katulad ko. Since tuluyan ng naagaw ng kadiliman ang liwanag, kaya medyo madilim na ang buong lugar dahil walang gaanong ilaw ang kinabit sa bawat Kanto. Dahan-dahan kung inihakbang ang aking paa papalapit sa van at ganon narin ang ginawa ni roman habang nakatago parin kami, upang isipin nilang wala ng ibang tao. Na alerto ako ng biglang bumukas ang van at doon lumabas ang dalawang armadong lalaki. “Ahhhhhhh! Tulong!”sigaw ng babaeng naglalakad kanina. Kaagad kong hinawakan ang suot kong Acoustic Tube Earpiece at tumawag ng back up. Habang si Roman ay nakigpagbuno na sa Isang armadong lalaki. Mabilis ang aking paang tumakbo patungo sa Isang lalaking papasok na sana sa loob ng van habang hawak hawak paren nito ang babae. “Pakawalan mo yang babae!”mariin kong utos habang nakatutok ang aking baril dito. Ngumisi lamang ito ng nakakaloka. Biglang bumukas ang driver seat at lumabas ang Isang lalaki. Hindi pa nga ito tuluyang makababa bumulagta na ito sa sahig dahil mabilis ang aking kamay na kinasa ang baril na hawak ko at tinamaan ito sa ulo. “Opsss!”tumaas ang sulok ng aking labi ng makitang nanlaki ang mata ng lalaking nakahawak sa babae. Marahil nagulat ito sa bilis ng aking kamay. “C—cge…iputok mo….at papatayin korin itong babae na ito!”putol putol nitong sabi sa akin. Tiningnan ko lamang siya ng malamig habang ang aking mata na nakatuon sa daliri nito. “If I were you….sumuko ka nalang,”matalim kong utos. Sa Isang kisap mata kinasa ko ang riffle, at tumama iyon sa ulo ng armadong lalaki. Bumulagta sa sahig ang lalaki at naliligo ito sa sariling dugo. Kaagad kong binuhat ang babaeng walang malay at inilapag sa tagong lugar. “Chief dapa!”narinig kong sigaw ni Roman, Isang itim na kotse ang dumating at pinaulanan kami ng bala. Sakto namang dumating rin ang back up namin. Wala silang nagawa dahil mas marami kami, kaya mabilis lamang humupa ang barilan. Hinipan ko ang dulo ng aking baril bago ibinalik sa aking baiwang. TO BE CONTINUED….THIRD PERSON POV “Damn it! Damn it! Stupido!”umalingaw-ngaw ang galit na galit na boses ni Emelio at inubos ang natirang bala sa kawawang aso na dumaan. “Kanina sana yon boss, kung lumapit tayo!”sumalobong ang kilay ni Emelio at nag-aapoy ang mata na binalingan ng tingin ang tauhan niyang nagsasalita. “Isa ka rin! Eh kung matamaan si Beatrice!?”lumuwa ang mga ugat sa leeg ni Emelio at mabilis sinakmal ang kanyang tauhan.“Eh, boss. Sa dami natin, kaya. Siguraduhin rin sana naming hindi masaktan ang nurse,”katwiran ng kanyang tauhan, nagtangis sa galit ang bagang ni Emelio. “Are you.. blaming me? Huh!”tumalsik ang laway ni Emelio sa mukha ng kanyang tauhan, nanginig sa takot ang tauhan at mabilis na umiling-iling. “Hi—hindi po boss…si-nasabi ko lang,”nanginginig na paliwanag ng tauhan ngunit huli na.. tuluyan ng nilamon ng galit si Emelio, and since wala ng bala ang kanyang kalibre 45. Mabilis na hinugot ni Emelio ang matalim na dagger sa gilid ng kanyang bewang. Sa Isang iglap,
BEATRICE POV Mabilis ang tibok ng puso ko. Ramdam ko pa rin ang dampi ng malambot na labi ni Caspian sa aking noo. Huminto ang mundo ko. Napalunok ako. Napa Kurap-kurap sa dilim habang kusang umawang ang aking labi para sa isang ngiti.Ilang araw na akong nagwawala sa pananabik. Gusto ko siyang hilahin. Gusto kong lasapin ang labi niya. Pero matigas siya, pinanindigan niya talaga ang sinabi niya sa akin na tsaka niya lamang ako hahalikan kapag nasa simbahan na kami at tapos ng ikasal.Sino ang mag-aakalang ang lalaking masungit at mapang-asar ay magpapakita ng ganitong klaseng pagpapahalaga? Doon ako tuluyang natunaw. Sa kabila ng mapang-asar niyang ngisi, ang respeto niya sa akin ay nananatiling pader na hindi niya tinitibag.Idinilat ko ang aking mga mata sa sandaling lumayo ang kanyang labi. Salubong ang aming paningin. Nag-uumpugan ang mainit naming hininga sa espasyong halos walang distansya. Magkadikit ang aming mga ilong. Ang namumungay niyang mga mata ay may kung anong magnet
BEATRICE'S POV “Ihatid na kita!”napa-lingon ako sa aking likuran ng marinig ang boses ni Caspian. Nandito na ako ngayon sa garage ng mansion at sinuri ang motor ko. “Ihatid na kita, papunta rin kasi ako sa mga kaibigan ko,”untag ni Caspian sa aking likuran, hindi siya pinansin at nagpatuloy sa pag suri sa makina ng aking motor. Nang masigurado kung walang sira ang motor ko sinuot ko ang gloves ko. Akmang aabutin ko ang helmet ko ng mabilis iyong kinuha ni Caspian, kaya napapikit ako sa inis at nakasimangot na humarap dito. “Akin na ang helmet ko!”irritadong sabi ko at pinukol siya ng nakakamatay na tingin. He just smirk at nanghahamon ang mata na tumingin sa akin. “Kanina pa kita kinakausap eh, pero para kang bingi,”katwiran niya, tinaasan ko siya ng kilay at akmang aagawin ito sa kanyang kamay ng mabilis niyang itinaas sa ere. Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo ko sa ulo. Since, hanggang dibdib niya lang ako kaya nahihirapan akong abutin sa kanyang kamay. “Akin na k
BEATRICE'S POV Nagulat silang lahat sa naging plano ko, pero kalaunan, pumayag rin basta mag-iingat lang ako. Pagkatapos kumain agad kong tinawagan ang dalawa kong kaibigan. Una kong tinawagan si Tricia. Palakad-lakad ako sa balcony at napatingin sa malawak na garden ni mommy. Ako lang mag-isa dito dahil silang lahat naroon sa living room at nagkukwentuhan. “Betty..”sumalubong ang makapal kong kilay ng marinig ang garalgal na boses ni Tatty na sinagot ang tawag ko.“Tatty, what's wrong? Bakit ka umiiyak huh?”nag-alala’ng tanong ko dito.“Bakit ka nga pala napa tawag Betty?”mahina akong napabuntong hininga ng tinanong ako nito pabalik, imbes na sagutin ang tanong ko.“I'm getting married Diba? Kaya mamaya are you free? Bachelorette party ko,”informa ko habang sumandal sa gilid ng balcony.“Betty. ano kasi, kaya ako umiiyak dahil ngayon ngayon agad pupunta na kami sa turkey. Sinundo ako ni kuya dito, hohoho!”nawindang ako sa binalita ni Tatty sa akin.“Ano?! Ba-bakit naman kailangan
BEATRICE'S POV Nakasimangot ako habang naka-upo sa passenger seat, at napatingin sa kawalan. Nakakabingi ang katahimikan sa loob ng kotse, walang ni isa sa amin ang gustong magsalita. Minsan sumulyap ako kay Caspian na tahimik at nasa daan ang mata nito. Paano ba kasing hindi mapasimangot eh, ang aga ni mommy na binulabog ang tulog ko, gusto ko pa nga’ng matulog, dahil sobrang napuyat ako ka gabie. Hindi ko napigilang napahikab saka napahawak sa aking tiyan ng magreklamo ang mga alaga kong bulate sa loob. “You're starving Right?”napa-lingon ako ni Caspian ng magsalita ito, ngunit hindi man lang ako binalingan ng tingin kahit sulyap kaya napa-irap ako. Iwan ko ba hindi ko maintindihan ang situation namin, minsan comfortable sa isat-isa, minsan naman parang tangang hindi nagpapansinan at nagka-ilangan sa isa't-isa.“Ikaw ba naman ang walang dinner, tapos hindi man lang nag breakfast,”nakangusong sagot ko.“Wala tayong magagawa, eh maaga tayong tinawagan nila mommy mo, dahil doon na
BEATRICE'S POV Nanginginig paren ang kalamnan ko sa takot habang nakaupo ako sa sofa at mahinang humikbi.“Here,”nag-angat ako ng tingin, Kay Caspian ng inabot niya ang Isang basong tubig sa akin.Napalunok ako at nanginginig ang aking kamay na tinanggap ang binigay niyang tubig. Agad kong ininom dahil tuyong-tuyo na rin ang lalamunan ko, kaka sigaw at iyak ko kanina.Tahimik siyang umupo sa aking tabi habang marahang hinagod ang aking likuran.Walang kahit anong boses ang lumabas sa kanyang bibig. Tanging ang mahina niya lamang na hiningang tumama sa gilid ng aking pisngi, marahil nakatingin ito sa akin habang umiinom ako ng tubig. Kahit paano kumalma ako ng nakainom ako ng tubig.“Hmmm,”tumikhim ako at dahan-dahang sinalubong ang malamig na titig ni Caspian. Sa lamig, ay parang nanunuot iyon sa aking puso dahilan upang kumalabog iyon ng mabilis.“Thank– you for saving me,”nahihiyang tugon ko habang nilaro ang aking mga daliri. Napa Kurap-kurap ako at lihim na bumontong hininga ng
CASPIAN POV“Hahays, anong Oras na ba?”humihikab kong tanong habang nanatili paren akong nakasandal sa swivel chair ko. Madaling araw na pala, hindi ko man lang namalayan. Marami kasi akong case na inasikaso kaya naman nawala na sa aking isip ang uuwi sa condo upang magpahinga. Niligpit ko muna ang
A FRIENDLY REMINDERS TO MY READERS!! THIS STORY IS RATED SSPG ‼️ BAWAL SA BATA. READ AT YOUR OWN RISK! 😉 BEATRICE POV “Shittt damn it! Merong check point nakalimutan kong dalhin ang driver's license ko. Paano na to?” Isang pigil na mura ang kumawala sa aking mga labi nang matanaw ang mga ilaw
BEATRICE POV Natapos ang party at heto ako ngayon sa gitnang bahagi ng harden. Nalilito at nakatingin sa kawalan. Hindi ko lubos maisip na magagawa ito nila mom at dad sa akin. Gusto akong kausapin ni mom kanina, but I refuse. I wanna be alone, gusto ko silang kamuhian pero, hindi maari. Hindi nam
BEATRICE POV“Hija huwag mong kalimutan huh, ang assignments mo!”pahabol na sigaw ni mommy habang nakatingin sa akin mula sa ikalawang palapag ng aming mansion. “Yes mommy! Hindi ko po iyan makakalimutan!”balik sigaw ko ni mom habang sinusuot ang aking helmet. Birthday kasi ni Daddy bukas at gusto







