LOGINSamantala...Naka-park ang isang itim na sedan sa madilim na bahagi ng parking lot ng ospital.Sa loob nito ay tahimik na nakaupo si Tiffany. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa manibela. Halos mamuti ang kanyang mga daliri sa sobrang diin habang nakatitig sa gusaling kinaroroonan nina Tyler at Jolie.Nanlilisik ang kanyang mga mata. "That bitch..." gigil niyang sambit.Parang gusto niyang sugurin ang ospital at kaladkarin palabas si Jolie. Hindi niya matanggap ang lahat ng nangyari. Bumalik siya ng Pilipinas na puno ng pag-asa.Bumalik siya para pakiusapan si Tyler. Umaasa pa din siyang mapapabago niya ang desisyon nito na iwan ang babaeng yun at balikan siya. After all, she is Tyler's first love. Tyler was madly in-love with her back then. Ngunit kabaligtaran ang nangyari. Sa halip na mapalapit si Tyler... Lalo lang itong napalayo sa kanya. Lalo pa nitong pinili ang babaeng matagal na niyang kinamumuhian.Mariin niyang ipinikit ang kanyang mga mata. Kasabay noon ay muling bumalik sa
TYLER'S POV:Kinagabihan, dalawa na lang sila ni Jolie sa loob ng VIP room ng ospital.Ilang oras na ang nakalipas mula nang umuwi sina Lolo Gregore at Lola Beth. Siya mismo ang nagpumilit na pauwiin ang mga ito. Matatanda na ang kanyang mga lolo't lola at ayaw niyang mapuyat o magtagal pa sa ospital. Bukod sa baka mapagod ang mga ito, ayaw rin niyang malagay sa panganib ang kanilang kalusugan. Isa pa, panatag na rin ang kanyang loob dahil ligtas na sina Jolie at ang kanilang sanggol.Bago umalis ang matatanda ay dumalaw rin ang kanyang mga pinsan... sina Ate Lilly, Kuya Finn, Kuya Gray, at Ate Rosabel. Isa-isa siyang niyakap ng mga ito at binati."Congratulations, Daddy-to-be!"Hindi niya napigilang mapangiti sa bawat pagbati. Ngayon lang tuluyang nagsi-sink in sa kanya ang lahat. Magiging ama na siya. Hanggang ngayon ay tila panaginip pa rin iyon.Tahimik na ang buong ospital. Madilim ang silid maliban sa mahinang ilaw na nagmumula sa banyo. Ang malamlam na liwanag nito ang tanging
"Baby..." halos pabulong na sabi ni Tyler habang hindi inaalis ang tingin sa kanya. Halatang hindi pa rin nito lubos na Naunawaan ang narinig."Are you sure about this? Hindi pa din ako makapaniwala. Noon... noong gusto kong magkaanak na tayo, lihim kang umiinum ng pills para hindi ka mabuntis. Ngayon naman, lihim kang hindi uminum ng pills para mabuntis ka?" naguguluhan nitong tanong. Unti-unti siyang tumango. Sandaling namasa ang kanyang mga mata. Naalala nya... iyon ang dahilan kung bakit sila nagkahiwalay ni Tyler noon... dahil hindi pa siya handa. Marami pa siyang plano at gustong gawin.Pero ngayong nakuha na niya ang mga gusto niya ay wala na siyang mahihiling pa. Ang gusto nalang niya ay si Tyler at ang buhay sa piling nito. "It was really my plan."Bahagyang kumunot ang noo ni Tyler. "Ano'ng ibig mong sabihin?""Tama ka... sadya akong tumigil sa pag-inom ng pills."Namilog ang mga mata nito. "W-What?"Huminga siya nang malalim bago marahang hinawakan ang kamay nito. "Mataga
Dahan-dahan siyang nagkamalay nang maramdaman ang banayad na pagpisil sa kanyang kamay. Mabigat pa ang kanyang mga talukap, ngunit pilit niya iyong iminulat. Ilang sandali siyang napatitig sa puting kisame bago unti-unting nilingon ang kanyang kaliwa.Nandoon si Tyler, nakahiga rin ito sa katabing hospital bed. Maputla pa ang mukha, at ang kaliwang balikat ay balot ng makapal na benda.Ngunit sa kabila noon ay mahigpit pa rin nitong hawak ang kanyang kamay, na para bang ayaw na itong bitawan kahit kailan.Tahimik lamang itong nakatingin sa kanya, tila kanina pa hinihintay ang sandaling magising siya. Nang magtama ang kanilang mga mata ay agad itong ngumiti."Sa wakas..." mahina nitong sambit. "Nagising ka na rin."Napakurap siya. "T-tyler..." paos niyang tawag."Andito ka rin sa ospital, love," malumanay nitong sabi. "Nahimatay ka raw kasi."Doon lang bumalik sa kanya ang lahat ng alaala na habang nag-aalala siya sa kalagayan ni Tyler ay siya naman ang nawalan ng malay. Agad siyang n
JOLIE'S POV:Sa kabutihang palad, hindi naman malubha ang tama ni Tyler. Bagama't sa dibdib ito tinamaan, sinabi ng mga doktor na hindi naapektuhan ang alinman sa mahahalagang organs nito. Malaki ang naitulong ng mabilis na pagresponde ng mga medic at agarang pagdadala sa kanya sa ospital.Sa kasalukuyan ay nasa operating room pa rin ito. Samantalang silang lahat ay naghihintay sa VIP room kung saan ito dadalhin pagkatapos ng operasyon.Naroon na ang buong pamilya. Tahimik ang bawat isa, ngunit kitang-kita sa kanilang mga mukha ang pag-aalala. Kahit pa paulit-ulit nang sinabi ng doktor na wala nang panganib sa buhay ni Tyler, hindi pa rin mapanatag ang kanyang kalooban.Paroo't parito siya sa paglalakad habang mariing pinipiga ang sariling mga kamay. Hindi niya mapigil ang panginginig ng kanyang katawan."Mag-relax ka muna, iha," malumanay na saad ng kanyang lola. "Ikaw rin ang dapat magpatingin sa doktor. Tumawag na ako ng magsusuri sa'yo. Hindi natin alam kung anong ipinasinghot sa'
"Tifanny... please..." garalgal nitong pakiusap. "Bumalik ka na sa asawa mo... para mailigtas na si Jolie."Parang may pumunit sa dibdib niya. Ngunit... mas matimbang pa rin ang sarili niyang kalayaan."NO!!!" Malakas na sigaw niya.Nagulat ang lahat. Pati si Victor ay napatingin sa kanya. "Ano'ng sinabi mo?" malamig nitong tanong.Mas lalo nitong hinigpitan ang pagkakasakal kay Jolie. Napangiwi ang babae habang pilit na kumakapit sa braso ni Victor."Victor..." nanginginig ang boses ni Tiffany, ngunit matatag ang kanyang mga mata. "Hindi na ako babalik sa'yo."Tahimik ang buong rooftop, halos hindi makapaniwala sa narinig. Ngunit wala na siyang balak umatras."Oo! May relasyon kami ni Tyler!"Nagulat si Tyler. "Tiffany!""Nobyo ko siya!" pagpapatuloy niya habang pilit na pinapaniwala si Victor. "Mahal namin ang isa't isa! Kaya tama na! Hayaan mo na ako! Hayaan mo na akong sumama kay Tyler!""Shut up, Tiffany!" galit na sigaw ni Tyler. Halatang nauunawaan nito ang maaaring mangyari ka
“Sige. Babayaran ko rin ang ransom niya.”Unti-unti itong ngumisi. “Hahaha… salamat naman kung gano’n, Miss Blacksmith.”“Akin na ang bag ko,” sambit niya. Agad namang umalis ang lalaki at pagbalik nito ay dala niya ang bag niya.Kinuha niya ang kanyang checkbook at sinulat ang malaking halaga para
“Kamusta na pala yung dad mo? Yung negosyo niyo?”“Bakit mo natanong?” nagtatakang tanong Ben“Hindi ba nga nauna kang umuwi dito sa Scotland dahil sabi mo may problema ang negosyo at kailangan ka ng daddy mo?”“Ah ayon, okay na. Nagawa na namin ng paraan. The business is doing fine. In fact, plano
CLARKSON'S POV:Nagmulat ng bahagya ang mga mata niya nang maramdaman ang mahinang pagpisil sa kanyang kamay.“Clarkson…” paos na tawag ni Aria. "Naririnig mo ba ako?”Marahan siyang kumurap, bahagya niyang iginalaw ang mga labi, tila hirap pa ring magsalita dahil sa epekto ng operasyon.“A–Aria…”
"Mam Aria..." pukaw nito sa kanya.“Ahm, Phern, bakit ikaw ang nagdala dito?” aniya saka pinapasok ang secretarya.“Hihihi... wala naman, Madam, gusto ko lang makita ulit ang kagwapuhan ng brother-in-law mo... sayang at married na siya!”Sila naman ni Clarkson ang nagkatinginan at agad na tumawa.“







