تسجيل الدخولNapatingin si Blair sa kanya. Hindi niya alam kung bakit, pero bigla siyang nailang sa paraan ng pagtitig nito. Hindi naman masama ang ekspresyon ng matanda, ngunit may kakaibang emosyon sa mga mata nito... parang may gustong sabihin ngunit pilit lang na itinatago. Pakiramdam niya ay may malalim itong iniisip."Accidents happen. Sana lang ay hindi malala ang lagay ng anak ko." malungkot nitong sabi."Pero, Uncle, I think hindi po aksidente ang nangyari kay Lewis."Biglang napatingin si Blair sa kanya. "What do you mean?""Noong nag-usap po kami, sinabi niya na may humahabol sa kanya."Nanlaki ang mga mata ni Blair. "Ano pa ang pinag-usapan ninyo ni Lewis, iha?" Bahagya siyang napalunok bago sumagot. "Ahm... sinabi lang po niya na may importante raw siyang sasabihin sa akin."Agad na nagbago ang ekspresyon ni Blair. "Sinabi ba niya kung ano iyon?"Umiling siya. "Hindi po. Ayaw niyang sabihin sa telepono. Gusto niya raw pong sabihin nang personal."Natahimik si Blair. Unti-unting tumig
Napatingin siya kay Tyler. Inaasahan niyang makikita ang galit o selos sa mukha nito, pero kabaligtaran ang nakita niya. Pag-aalala... pag-aalala para kay Lewis."Hindi ka galit?" mahina niyang tanong.Bahagyang ngumiti si Tyler bago siya sinulyapan. "I trust you, love."Napatitig siya rito."I may not be able to stop men from being attracted to you because you are such a wonderful person." Saglit itong tumigil bago nagpatuloy. "Pero ang importante, ako ang mahal mo at may tiwala ako sa'yo."Bigla siyang natahimik. Hindi niya alam kung ano ang isasagot.Ang ibig bang sabihin ni Tyler ay iniisip nitong magtatapat ng nararamdaman si Lewis kaya gusto siyang makausap nito nang pribado?Pero kahit anong pilit niyang isipin, hindi iyon ang pakiramdam niya. Kung pag-ibig lang ang dahilan, hindi ganoon kaseryoso ang tono nito kanina. May kakaiba sa boses nito, parang may gustong ipaalam, parang may lihim na matagal nang kinikimkim.Hindi niya alam kung bakit, pero pakiramdam niya ay may mas m
JOLIE'S POVKasalukuyan silang nanananghalian sa isa sa mga mamahaling restaurant sa loob ng Blacksmith Hotel. Nasa tapat niya si Tyler, habang magkaharap naman sina Aria at Clarkson sa kabilang bahagi ng mesa. Masayang nagkukuwentuhan ang mag-asawa, paminsan-minsang nagtatawanan, pero siya ay tahimik lang na nakatutok sa pagkain.Hindi niya man lang nililingon si Tyler. Hanggang ngayon ay naiinis pa din siya.Hmp! Bahala ka diyan mapanisan ng laway. Hindi kita kakausapin!… Sambit niya sa isip.Hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang inis niya dahil sa pambabastos nito kay Lewis kanina sa café. Wala sa lugar ang pagseselos nito dahil alam niyang wala naman siyang ginagawang masama.At kahit saang anggulo niya tingnan, hindi niya kailanman naramdaman na may romantikong interes si Lewis sa kanya. Mula pa noong una, malinaw na pakikipagkaibigan lang ang intensyon nito.Sa katunayan, hindi niya maipaliwanag kung bakit napakagaan ng loob niya rito. Parang kuya ang turing niya kay Lew
Hindi na nagkaroon pa ng oras si Lewis na mag-isip nang matagal nang tawagin siya ng staff. "Mr. Mackenzie?" Agad siyang tumayo at lumapit sa babae. "Kailangan lang po namin ang mga sample." Tahimik niyang inilabas ang dalawang hibla ng buhok na kinuha niya mula sa kanyang ama at kay Jolie. Iniabot niya iyon sa staff bago muling bumalik sa waiting area. Naupo siya sa isang sulok at napabuntong-hininga. Habang naghihintay, hindi siya mapakali. Paulit-ulit na umiikot sa isip niya ang usapan nina Catriona at Frazer. Kaagad niyang inilabas ang cellphone at tinawagan ang kanyang ama. Makalipas ang ilang segundo ay sumagot ito. "Hello, Dad." "Yes, anak. Kumusta? May resulta na ba ng DNA test?" "Wala pa, Dad. Naghihintay pa lang ako." Sandali siyang tumigil bago muling nagsalita. "Pero guess what ang nakita ko rito." "What?" "Nandito sina Catriona at Uncle Frazer. Nagpa-DNA test din sila." "What?" "At hindi lang iyon, Dad. Narinig ko mismo ang pag-uusap nila. Plano nilang pekei
Pagkatapos ng mainit na pagtatalo sa library, walang sabi-sabing hinila ni Frazer ang braso ni Catriona palabas ng silid."D-Dad, ano ba? Nasasaktan ako!" reklamo niya habang pilit na sumasabay sa mahahabang hakbang nito.Pero tila wala itong naririnig. Nanatiling matigas ang ekspresyon ng kanyang ama hanggang sa marating nila ang silid nito.Pagkapasok na pagkapasok nila, mariing isinara ni Frazer ang pinto at agad itong ini-lock."Dad..." mahina niyang tawag. "Totoo ba ang sinabi mo kanina? Totoo bang anak mo talaga ako?"Ilang segundong nanahimik si Frazer. Tumalikod muna ito at tumingin sa malaking bintana ng silid bago humugot ng malalim na hininga."It's not true, anak."Parang may kung anong kumurot sa puso ni Catriona. Kahit alam niyang imposibleng mangyari iyon, may maliit na parte ng kanyang pagkatao ang umasa na sana ay totoo ang lahat. Na baka, kahit paano, may dugong Mackenzie ngang dumadaloy sa kanyang mga ugat.Unti-unti siyang napaupo sa gilid ng kama. "Kaya... ampon l
CATRIONA’S POVMackenzie EstateMabigat ang katahimikan sa loob ng library ng Mackenzie estate. Tanging ang mahinang pagpitik ng apoy mula sa fireplace at ang tunog ng orasan sa dingding ang maririnig. Nakaupo sa harapan ni Catriona ang kanyang ama na si Frazer, si Uncle Blair, at ang kanyang lolo na si Craig.Pero sa kabila ng marangyang silid na kinalakihan niya, pakiramdam ni Catriona ay para siyang isang estranghero."Dad... ano ba talaga ang plano mo?" tanong ni Frazer kay Craig, bakas ang pagkainip sa kanyang mukha. "Bakit hindi mo pa rin sinasabihan ang mga Blacksmith tungkol sa kasal?"Mariing ipinatong ni Frazer ang dalawang kamay sa mesa."Hindi ka ba naaawa sa apo mo? Puro kahihiyan na ang natatanggap niya dahil paulit-ulit na tinatanggihan ni Tyler ang kasal. Anong klaseng pamilya ang mga Blacksmith? Wala silang isang salita."Humugot ng malalim na hininga si Craig bago dahan-dahang nagsalita."Nag-usap na kami ni Sebastian. Hindi na matutuloy ang alliance."Parang tumigil
Pagdating nila sa police station, agad niyang tinungo ang records section. Si Bert naman ay dumiretso sa intel room para i-check kung may nakalap nang bagong impormasyon tungkol sa black Montero.“Boss, eto,” tawag ni Bert matapos ang ilang minuto, hawak ang folder na makapal na puno ng mga dokumen
Habang binabaybay niya ang kalsada, ramdam niya ang pagdaloy ng dugo mula sa kanyang dibdib. Sumasakit na ang ulo niya at medyo lumalabo ang paningin, pero pinipilit niyang mag-focus sa daan. Hindi siya pwedeng mawalan ng malay sa gitna ng kalsada, lalo na ngayon na hawak niya ang ebidensyang magpa
Abala siya sa pagtatrabaho nang hindi napansin ang oras. Kinatok siya ni Willow sa opisina niya. "Ma'am Rosabel, hindi ka pa ba uuwi? 6 PM na po." "Huh? Ganoon ba?" Marahil ay wala nang tao sa labas ng opisina. Naawa siya kay Willow, naghihintay ito malamang na makauwi na siya para makauwi na ri
ROSABEL DIMAKULANGAN's POV:Sakay siya ng bus papuntang Manila, galing siyang Baguio. Pinapapapunta siya ni Mam Jenna sa mansion sa hindi niya alam na kadahilanan. Mayordoma sa mansion ng mga Enriquez ang nanay niya. Ang mga Enriquez din ang nagpapaaral sa kanya sa kolehiyo at nagpapasalamat siya d







