LOGINPagsapit ng alas singko ay agad na lumabas ng Sevilla Hospital ng magkaibigan na si Max at Shandy.
“Mauna na ako sa'yo, Shan!” Pinindot niya ang remote ng kaniyang sasakyan. “Gusto ko sanang tumambay sa condo mo pero nakapangako ako kay Mommy na magdi-dinner kami sa labas.” Sumimangot ito. Tumunog ang phone ni Max sa loob ng kaniyang bag, kinuha niya 'yon nang makita na ang unknown number ulit 'yon. Sumilip si Shandy at nag-hugis 'o' ang labi nito. Napabuntong hininga na lamang si Max nang nagkatitigan sila ng kaibigan. “Pagkatapos ka niyang pahirapan ng dalawang linggo at tinanggihan, bigla-biglang tatawag na mag-aaya ng kasal? Marami pang ibang paraan para maisalba ang hospital. Huwag mong pansinin 'yan! At kung talagang mapilit siya, kailangan niyang paghirapan!” Pinatay ni Max ang kaniyang phone bago ibinalik sa bag. “Gusto ko ng magpahinga, Shan. Ikamusta mo na lang ako kay Tita.” “Okay! Mag-iingat ka!” Yumakap si Shandy kay Max. “Ikaw rin.” Nagbeso sila. “Basta, ipangako mo na hindi ka papayag sa alok ng gagong 'yan! Maghahanap tayo ng ibang paraan, okay?” “I'm done with him.” Kumaway si Shandy sa papalayong sasakyan ni Max. Nang mawala ito sa paningin saka lamang siya sumakay sa kaniyang sasakyan. °°° Alas syete na nang gabi nakarating si Max sa condo building. Agad siyang bumaba ng sasakyan. Kinuha niya ang bag bago tinungo ang elevator paakyat sa 13th floor ng building kung na saan ang kaniyang unit. Pin padlock ang condo ni Max, kaya tinipa niya ang anim na numero. Bumukas ang pinto. Awtomatikong bumukas ang ilaw ng makapasok si Max sa loob. Maliit lamang 'yong condo unit ni Max at sapat 'yon para sa kaniya lalo pa't mag-isa lamang siya. Sa ibaba ay naroon na ang sala maging ang kusina at may ikalawang palapag 'yon kung saan ang nag-iisang kwarto. Huminga ng malalim si Max nang bumungad sa kaniya ang maaliwalas na paligid ng kaniyang condo, purong puti 'yon maging ang mga kagamitan niya, elegante iyong tingnan. Nawawala ang pagod niya kapag ganu'ng katahimikan ang bumubungad sa kaniya, 'yon ang lugar na nakakapagpahinga siya. Iniwan ni Max ang bag sa center table bago umakyat sa kaniyang silid habang hinuhubad ang suot niyang long sleeve. Tanging pulang lace cage bra ang pang-itaas tila naging pares 'yon ng suot niyang pulang trouser. Lantad ang kaniyang kaputian at mas lalo pa 'yong nabigyan diin dahil sa kasuotan niyang pula. Kitang-kita rin magandang hubog ng kaniyang katawan at ang katamtang laking dibdib na palaging nakatago sa doctor's coat. Binuksan niya ang pinto ng kuwarto at bumungad sa kaniya ang madilim silid. Kinapa niya ang switch ng ilaw na malapit lamang sa pinto ngunit bago niya pa man 'yon mapindot ay bumukas ang lampshade sa tabi ng kaniyang kama. Nanlaki ang mata ni Max nang maaninag na may lalaki na prenteng nakaupo sa couch sa tabihan ng kaniyang kama. Kahit hindi niya makita ng malinaw, malakas ang dating nito. “Sino ka?!” Lumiwanag sa buong kwarto dahilan para makita ito ni Max ng malinaw. Napaawang ang labi niya dahil wala sa listahan niya ang binata na bibisita sa kaniya at mas lalong hindi inaasahan na maghihintay ito sa loob pa ng kwarto niya! Nakaupo ito sa couch na animo'y isang hari, ang kasuotan nitong purong itim ay isinisigaw ang kapangyarihan at kapangyarihan na mas lalong nagbibigay diin sa angkin nitong kagwapohan at kakisigan. Hindi maikakaila ni Max na ubod ng gwapo ang isang LV Rutherford! “Anong ginagawa mo dito?” Napasinghap si Max at nagpalinga-linga sa paligid upang hanapin kung saan ito dumaan. Walang bakas na nasira sa unit niya at walang ibang daan kundi ang pinto pero naka-lock 'yon! “Paano ka nakapasok dito?!” Nagkatitigan silang dalawa. Bumaba ang mata ni LV sa katawan ni Max, hinagod ng malagkit na tingin ang kabuohan nito. Kumunot ang noo ni LV. Sa dalawang linggo nilang palaging nagkikita, ngayon niya lang ito nakitang nakasuot ng nakalantad ang makinis na katawan dahil madalas itong nakasuot ng long sleeve and trouser. “Is that a proper wear of a professional doctor?” His voice was deep and baritone. Nanlaki ang mata ni Max at agad itinakip ang kaniyang mga braso sa kaniyang dibdib bago inabot ang long sleeve at muling isinuot 'yon. Nakasanayan niyang maghubad bago pumasok sa kaniyang silid lalo pa't alam niyang mag-isa lang siya, malaya siyang gawin ang gusto niya! “Ano ba kasing ginagawa mo dito? Paano mo nalaman na nandito ako nakatira?” Namula si Max sa kahihiyan. “I have my ways.” Nakatingin si LV kay Max habang isinasara nito isa-isa ang butones ng long sleeve. Hindi man lang umiwas ng tingin ang binata kay Max tila nasisiyahan pa 'to na pinapanuod 'yon. “Pwede kitang kasuhan ng trespassing sa pagpasok mo dito sa condo ko ng walang pahintulot!” Naging marahas ang mga mata ni LV. “Why would you do that? This is LV Rutherford, your future husband!” “Future husband my ass! Gago! Umalis ka na bago pa ako tumawag ng security!” Binuksan ni Max ang pinto ng kaniyang kuwarto habang nakatingin kay LV. Nagkatitigan silang dalawa ngunit imbes na lumabas ay isinandal ang likod sa couch. “Umalis ka na at huwag na huwag ka ng babalik dito! Ayoko na makikita pa 'yang pagmumukha mo!” Sumulyap si LV sa pambisig niyang relo. “I'm almost 2 hours here. You heard what I've said earlier over the phone yet you keep ignoring my calls.” Mainit ang ulo ni LV kay Max dahil kung sinagot lang sana nito ang tawag niya hindi siya mapupunta sa loob ng condo nito! Pinakaayaw niya ang maghintay! Hindi niya nga alam kung paano siya nakatagal ng dalawang oras na nakaupo lamang sa couch sa loob ng kwarto nito. Marahil, nagustuhan niya ang amoy sa loob ng kwarto nito na tila 'yon ang nakapagpakalma sa kaniya ngunit sumasakit ang ulo niya sa kakaisip kung saan niya nga 'yon naamoy dahil pamilyar sa kaniya. “Ano bang kailangan mo at pumunta ka pa dito? Sabihin mo na upang makaalis ka na!” “You've been insisting it for a weeks so, let's get married as soon as possible!” Natigilan si Max sa kaniyang narinig. Tinaasan niya pa ito ng kilay dahil sa pag-aakala na mali siya nang pandinig pero seryoso ang mukha ng binata. “Nauntog ka ba? Dalawang linggo akong naging sunod-sunod sa'yo. Kung tutuusin ay hindi ko dapat na ginawa ang mga bagay na 'yon dahil 'yong Daddy ko at Lola mo ang may gusto na maikasal tayo. As far as I remember, you turn me down and now... you're here to ask me to marry you. Do you think I will agree?” Umarko ang kilay ni LV. “There is no room for you to refuse. You should be thankful that it's already in your favor.” Napuno ng pagtataka ang mukha ni Max. Sa dalawang linggo niyang pagkumbensi dito, halos magmakaawa na siya at lumuhod sa harapan nito upang pakasalan lamang siya at matigas na hindi pa rin ang natanggap niya. Alam niya kung gaano nito hindi gusto na magpakasal sa kaniya. Ngunit ibang-iba ang binatang nasa harapan niya ngayon tila desperado ito na makasal sila at kung hindi siya nagkakamali ay agad-agad! Hindi niya tuloy maiwasang magtaka kung ano ang dahilan nito kung bakit bigla-biglang nag-aya na magpakasal silang dalawa. Alam ni Max na sa pagpapakasal nila, malaking benipisyo ang makukuha niya lalo pa't ang hospital nila ang usapan na ibabangon at wala siyang makitang benipisyo na makukuha nito. Iyon ang nais niyang malaman dahil hindi ito papayag ng ganu'n-ganu'n lang, sigurado siyang may malaki itong dahilan! Pinag-cross ni Max ang mga braso sa kaniyang dibdib. “What made you change your mind, Mr. Rutherford?” Umalis si LV sa couch at nilapitan niya si Max. Dalawang hakbang ang pagitan nilang dalawa. Namulsa si LV bago nagbaba ng tingin kay Max habang si Max naman ay bahagyang tumingala sa binata. Nasa anim na talampakan at tatlong pulgada ang tangkad ni LV habang nasa limang talampakan at limang pulgada lamang ang taas ni Max. “You don't have a right to questioned me. As long as this marriage is done I'll pay all the debt of Sevilla Hospital in return you have to quit to your job and be a good wife of mine.” Hindi biro ang utang ng Sevilla Hospital sa bangko, kaya nga nag-alisan na rin ang ilang investor dahil ayaw namadamay sa paglubog ng hospital. Kung noon niya 'to narinig sa binata no'ng hindi pa siya pinahirapan at tinanggihan malamang nagtatalon na siya sa tuwa at baka nayakap niya ito. Ang totoo niyan, matagal niya ng pinag-isipan ang pag-resigned sa hospital dahil sa loob ng dalawang taon, araw-araw niyang nakasalubong ang dalawang taksil na walang iba kundi ang dating kasintahan at kapatid. Totoong nakakatuksó ang alok ni LV tapos nag kapalit lang ay maging mabuting asawa? Ano kaya ang pakiramdam na maging asawa ng isang LV Rutherford? Ngunit nangingibabaw sa kaniya na huwag pumayag dahil kahina-hinala ang mabilisang pagbago ng isip nito. Malay niya ba kung may pinagtataguan itong babae? Paano kung nakabuntis pala ito? Sa gwapo nito hindi 'yon imposible! “What a generous offer, Mr. Rutherford but no, thanks!” Itinulak ni Max palabas ng kaniyang kwarto si LV. Nang nakalabas sila pareho nauna siyang bumaba at tinungo ang pinto upang pagbuksan ito. “Makakaalis ka na, Mr. Rutherford, wala na tayong dapat pag-usapan pa.” Walang kahit katiting na tuwa ang bumukas sa mukha ni Max, sa katunayan mas nakita ni LV hindi ito interesado. “Have you forgot the situation of Sevilla Hospital?” Pagpapaalala niya. “Hindi ko nakakalimutan, Mr. Rutherford! Alam mo? Hindi lang naman ikaw ang lalaki makakatulong sa akin! Madami pa diyang iba na gugustuhin na magpakasal sa akin upang tulungan ang Sevilla Hospital ng hindi ako pinahirapan!” Naging marahas ang titig ni LV kay Max. Iniisip niya pa lang na magpapakasal ito sa iba upang isalba ang Sevilla Hospital ay may namumuong galit sa kaniyang dibdib na hindi niya malaman ang dahilan. ‘Bakit hihingin niya 'yon sa ibang lalaki na kayang-kaya ko namang ibigay sa kaniya? Anything, everything!’ Sa isip ni LV. “Really?” Sarkastikong ngumisi si LV. “I will make sure that you have no other choice but to marry me.” Mapaklang ngumiti si Max. “It's not that easy.” LV lick his lower lips. “What do you want then?” “Anong gusto ko? Hmm... Madami!” Namulsa si LV. “Name it.” Sumilay ang nakakalokong ngiti sa labi ni Max. Ito na ang pagkakataon niya para makaganti sa pagpapahirap nito sa kaniya ng dalawang linggo. “Una, sabihin mo sa akin ang dahilan kung bakit gusto mo akong pakasalan? Siguraduhin mo lang na makukumbinse ako niyang rason mo! Pangalawa, kung nagsisisi ka sa pagpapahirap sa akin ng dalawang linggo . . . Ligawan mo ako. Pangatlo, bigyan mo ako ng public wedding proposal. Iyong mapapahangga at paniwala ang lahat na nagmamah—” “Are you fucking insane?” Bakas ang iritasyon sa mukha nito. “Maybe.” “This is just fucking arrange marriage!” Mas lalong sumama ang timpla ng mukha nito. “Well . . . Good luck, Mr. Rutherford!” Nakangiting kumaway si Max kay LV bago isinara ang pinto. Ngiting tagumpay na umakyat si Max sa kaniyang kwarto dahil hindi maalis sa kaniyang isipan ang pikon na mukha ng isang LV Rutherford...HELLO! I HOPE YOU WILL ENJOY READING LV RUTHERFORD...
“Do you really want to feed me?” Hindi makapaniwalang tanong ni Zhakiya pagkatapos tanggapin ang iniumang ni LV.Ngumiti si LV, “If you don't want to use your own hand, why not?” Tuwang-tuwa si Zhakiya na kumakain sapagka't pakiramdam niya'y isa siyang maliit na bata na inaalagaan ng Kuya.She doesn't have a brother that's why she's wondering what does it feels.Napailing si Maxine dahil kung umakto ito ay daig pa ang may sakit na hindi maigalaw ang mga kamay.Pinandilatan ni Maxine ang kapatid, “Zhakiya, eat by yourself.” Bago nilingon si LV. “Bakit hindi ka maupo at kumain? May pag-uusapan tayo. . .”Sumimangot si Zhakiya at kinuha ang kutsara kay LV, “Fine. I’ll do it, brother-in-law, you eat too.”Sinulyapan ni LV si Maxine at umiling. Tinaasan ni Maxine ng isang kilay si LV kung kaya't naiiling na naupo si LV sa bakanteng silya.Sumandal si LV sa silya, “What do you want to talk?” Sinulyapan ni LV si Shandy, “Is it still all about earlier?”Nagkibit-balikat si Shandy at naglagay
Sa ARYCHX Restaurant na pag-aari ni Amary na isang Italian Cuisine—kasalukuyang nakahanda ang VIP table na puno ng masarap na almusal para lamang kina Scott, Renzi at Cyrus.Sa Pendilton El Dorado inabutan ng umaga ang tatlo. Napagdesisyunan na bago maghiwa-hiwalay kumain na muna. Nakondisyunan ang mga ito; si Scott ang mamimili ng restaurant, si Renzi ang mago-order at si Cyrus ang magbabayad.Kumikinang ang mga matang pinasadahan ni Scott ng tingin ang mga masasarap na best seller ng ARYCHX. Habang si Renzi at Cyrus pinupukol ng masamang tingin si Scott.“Ano ba! Tititingan mo na lang ‘yan o papakainin mo na kami?” inis na turan ni Renzi.“Sandali! Pinag-iisipan ko pa kung anong pwedeng i-share ko sa inyo. Kaso, wala talaga e. . . Paborito ko ang lahat ng ‘to!” Scott favorite cuisine is Italian and always choose to eat at Amary’s restaurant.Kukuha na sana si Renzi ng pagkain nang tapikin ito ni Scott. “Subukan mong hawakan ‘yan, magpaalam ka na sa kamay mo!”“Hoy! Ako nag-order ng
“That is supposed to be earlier before Lorraine interrupted us.” LV huskily whisper between their lips and give her a smack again before he walk towards Maxine's room.Dumiretso si LV sa loob ng banyo. Agad na pumailalim sa malamig na shower habang isa-isang tinatanggal ang basang dadamitItinapon sa loob ng laundry basket na malapit sa shower room. Napahilamos si LV sa kaniyang mukha at hindi maiwasang mapangiti. Muntik pa siyang mahuli nito na lumabas mabuti na lang at agad siyang nakaisip ng paraan.Hindi nais ni LV na malaman ni Maxine ang tungkol doon dahil ayaw niyang mag-alala ito sa tuwing magkasama sila.Paglabas ni LV ng shower room, dumeretso si LV sa pinto ng marinig ang mga katok. Binuksan iyon ni LV at agad na pumasok ang kamay ni Maxine na inaabot ang gray towel.“Here's your towel,” ani Maxine ng hindi nakatingin sa banyo.Bahagyang sinilip ni LV si Maxine, mahinang natawa si LV nang makitang hindi ito makatingin sa kaniya.“Why don't you look at me? I'm naked and the
Nagmamadaling bumangon si Maxine at niyakap ang sariling nababalot ng kumot. Naupo sa kama at binuksan ang lampshade.“Who are you?” Kumunot ang noo ni Maxine nang naaninag ang gwapong mukha ni LV na tila matutulog sa ganu'ng posisyon. “L-LV?! What are you doing here?!” singhal ni Maxine.“I'm trying to sleep here. Mind your own business. I didn't disturb your peace, you shouldn't disturb mine.” ani LV habang nanatiling nakapikit ang mga mata.“Ganiyan ka ba kawalang tiwala sa akin para bantayan mo ako na parang isang pasyente?” Matatanggap pa ni Maxine na manatili ito sa condo niya ngayong gabi pero hindi sa loob ng kaniyang kwarto.“If you're thinking Rabin will come, do you think I will let him in? For God's sake! I don't want to see that asshole!” She explain like it was required.Nanatiling tahimik si LV at walang reaksyon. Kahit pagmulat ng mata ay hindi nito ginawa.“I'm talking to you!”Nangigigil na dinampot ni Maxine ang isang unan at galit na ibinato kay LV. Tumama iyon s
Nang makita ni LV ang pangamba sa mukha ni Maxine ay binilisan niya ang pagpapatakbo ng sasakyan.Ayaw ni LV na may mangyari habang kasama si Maxine, hindi dahil sa takot siya kundi dahil ayaw niyang makita nito ang karahasan niya.Nanatiling kalmado at walang emosyon ang gwapong mukha ni LV.Nakahinga ng maluwang si Maxine nang huminto ang sasakyan sa harapan ng kaniyang condominium building—she was safe and sound, thank god!Nilingon ni Maxine si LV, “Thanks for tonight and also for the ride, Mr. Rutherford.”Sinubukang buksan ni Maxine ang pinto ng sasakyan ngunit naka-lock ‘yon. Kung kaya't muling sinulyapan ni Maxine si LV.“Don't forget your gifts.” mahinahong sambit nito.Mas lalong nadagdagan ang inis ni Maxine kay LV dahil may nakasunod na nga sa kanila na hindi malaman kung ano ang pakay nito, ang regalo pa rin ang iniisip nito.LV acts like it's nothing!“Don't forget that we are just arrange marriage, Mr. Rutherford. I don't want to take those gifts so, take care of it unti
Sa kabilang banda, pagpasok ni Fierro sa loob ng Pendilton El Dorado bumungad sa kaniya ang eksena na akay-akay ni LV ang kaniyang asawa na si Lorraine.Napako si Fierro sa kaniyang kinatatayuan habang ang mga mata ay nakatutok kay LV at Lorraine. Hindi nakawala sa paningin ni Fierro ang pagkapit ni Lorraine sa braso ni LV. Napakalambing nitong tingnan.Kinain ng matinding selos at galit si Fierro dahil alam niya namang noon pa man ay may pagtingin si LV sa kaniyang asawa.Nang marinig ni Fierro ang sinabi ni LV ay mas lalong nadagdagan ang galit kay LV. Naisip ni Fierro na kahit asawa niya na si Lorraine ay hindi pa rin tumitigil si LV. Patuloy pa rin itong lumalapit sa kaniyang asawa kung kaya't madalas nila itong pagtalunan.“What did you just say, Rutherford?” Naglakad si Fierro papalapit kay LV.Nanlaki ang mata ni Lorraine nang makita si Fierro, kinusot pa ang mata nito at ipinikit ng ilang saglit. Agad na tinanggal ni Lorraine ang kamay sa braso ni LV nang makitang totoo ito.“F
Walang salitang itinaas ni Klinton ang kamay at sumenyas iyon. Limang waitress ang lumabas, pare-parehong may dala-dalang stainless tray ang pinagkaibahan lamang ay iba-iba ang nakapaloob sa mga tray.“I'm Renzi Reichenstein, owner of HP Sailor. If you love the sea, feel free to visit me. Will you b
“Welcome, brother!” Sinalubong ni AKAS ng yakap si LV.“Thanks, King.”Sunod na yumakap si Zarchx. “Welcome, man!”“Thanks.”“At nakarating ka rin!” Lance greet with a hug.“Oh yeah.”“Lord!” Inilahad ni Cyrus ang kamay at agad namang kinamayan ni LV. “King.”“Bro!” Kinabig ni Renzi ang batok ni LV
“Just kidding!” Maxine chuckle. “Nakakatuwa kang asarin, Mathias. Anyway, thanks.” Nakahinga ng maluwag si Mathias. Napailing si LV. Tinungo niya ang kaniyang sasakyan at binuksan ang backseat para kay Maxine. Papasok na sa loob si Maxine pero lingonin niya si LV nang bigla niyang maalala na ma
Pagkatapos makausap si Attorney Dominguez. Lumabas na si Maxine sa restaurant na parang binuhusan ng napakalamig na tubig. Parang robot na naglakad patungo sa parking lot habang kinukuha sa loob ng bag ang susi ng sasakyan. Wala sa sariling sumakay si Maxine sa driver seat at ipinatong sa passenge







