Mag-log inSa ramdom moment sa office habang busy kami ni Lanie. Lumapit siya ng upo sakin sabay bulong. "Girl, kayo ba ni D?". Nagpantig ang aking pandinig sa narinig kon iyon. Na para bang may bumagsak na eroplano sa tapat ko. Agad agad akong namula at na-tense.
Ang inaasahan ko ay isang work related question. Ako ang naging buddy or back up ni Lanie sa team. Although, mas nauna siya sakin ng tatlong taon sa company. "Oh bawal magdeny, kabisado na kita". Pasunod na pabulong niya. Na kulang na lang ay kurutin niya ako sa tagiliran. "Mi, you know?" Tanong kong may pag aalinlangan. "Hmmm! Pero wala kaming label". Pagkumpirma ko. "Ay! Finally! Lumandi din ang gaga!" Malakas niyang sabi sabay halaklak. Tumayo at pumalakpak pa nga ang babaita. Agad ko siyang inawat at kinuyog paupo. "Shhhh! Ang ingay mo mi, rinig ka na sa buong floor". pag-awat ko. "Mare, sa tagal tagal na nating magkasama never kita nakitaan ng kalandian".. masaya niyang pabulong ulit. "Pero wait! Aware ka naman di ba?" pagkumpirma niya. Hindi ko alam kung ano ang gustong tumbukin ni Lanie. About what? About Diego's status?. First of all, hindi naman kami. Pangalawa, nagsabi ba siya? Umamin ba siya? Oh wait! Chukchakan lang pala. Walang kayo Sandra! Aniya ko sa sarili. "Hmmm!" Pabuntong hininga kong sagot kay Lanie. "Hayaan mo na! Hindi kami, walang namamagitan samin". Pagkumpirma ko sa kaniya. "Ano yan girl? Fuck buddy lang ganern!" Kantyaw niya sakin. Hindi na ako umimik sa pagkasabing ganon ni Lanie. Para akong nahimasmasan sa pagkakadinig ko. Para akong sinabuyan ng nagyeyelong tubig. Gising na gising na! Pagkatapos nang ilang sandali ay pinutol na namin ang conversation at bumalik na sa kaniya kaniyang work. Hindi pa din mawala sa isip ko ang mga sinabi ni Lanie. I know she's in favor. But, it can't be. Maya maya ay ngchat na sa teams itong si D. "Sabay tayo uwi!" Sabi niya. Agad kong nireplyan ng "Nope, uuwi ako sa Probinsya". Palusot kong ganon. "Eh di hatid na kita" mensahe niya ulit. Seriously? Nasabi ko lang iyon para maiwasan ko siya. Mukhang seseryosohin na naman ng loko. Minarked at unread ko ang message niya sabay update ng status to DND (Do not disturb). Nahalata ni Lanie ang naging reaksyon ko at ngumingiti ngiti lang siya na para bang nang iinsulto. Laking gulat ko nang biglang lumapit itong si D sa station namin ni Lanie. Nakatayo na pala siya sa likod. "Uy Diego, ano sa'tin?" Sambit ni Lanie sa kaniya, "Ah wala nag-uubos oras lang malapit na end of shift" sagot niya. Eto na naman at bakit natetense na naman ako. Hindi naman ako ang kinakausap niya. Nag-chikahan na sila ni Lanie hanggang uwian. Isasadiya kong magpalate ng uwi nang hindi niya ako antayin. Nang mapansin kong nag ansibalutan na sila pauwi. Binilisan ko na din ang paggayak at nagpaalam na ako kay Ms.Gie. Dadaan ako sa fire exit then lalabas ako sa 2nd Floor which is connected palabas patungong grocery store sa building ng office. This is the best way para matakasan ko siya. Paglabas ko sa grocery store.. "Hayyy! Salamat" na para ba akong nakatakas sa kulungan. Away from Diego. This is the best feeling ever. Maya maya ay sumakay na ako ng jeep. Dalawang sakay ako pauwi sa bording house. Minsan kapag ramdam ko ang pagod ko nagbobook ako ng angkas para mas mabilis. Di na ako ngcheck ng phone. Ayaw kong mabasa ng message. It's about to 8PM nang makarating ako ng bording house. Dumaan pa kasi ako saglit sa drug store kasi medyo masakit ang ulo ko. Pagbukas ko ng gate, may bumusinang blue pick-up. Hindi ko ito pinansin agad dahil baka napadaan lang at patuloy akong pumasok sa loob. Hindi naman siguro si D yon. Black na SUV ang sasakyan niya. Aniya ko sa sarili. After a while, tumunog ang cellphone ko. Hinanap ko ito sa bag at nakita ko agad sa notification ang message ni Diego. "Sands, labas ka pls!". Oh why! Akala ko natakasan ko na siya. Agad akong lumabas at nakita ko ang blue na pick-up. Nang mapansin niyang nasa labas na ako. Agad siyang nagmessage "come! Get inside the car". Then nagbukas siya ng ilaw na tamang kita ko saglit ang mukha niya. Naglakad ako patungo sa sasakyan at binuksan ang kaniyang pinto tsaka naupo sa tabi niya. "Di ba I told you na wag na wag mo akong pupuntahan dito?" Sabi ko na medyo pagalit. "I know, sino bang tumakas?" Sagot niya. "Been trying to call you para ihatid sana" paliwanag niya. Then maya maya nilakasan ko ang loob ko at kinumpronta ko siya. "Hindi naman tayo dba?". Sabi ko. "Tsaka may alam na si Lanie" sambit ko ulit. "And so what kung alam niya, edi totohanin na natin". matapang niyang sagot. "Gusto kita Sandra!" Sambit niya. "I think I'm already fallen" mahina niyang sabi sabay yuko. I"m so speechless at this moment. I don't know how to react. Do I need to answer him back? Oh girl, come'on. Nakatulala lang ako sa harapan ng bigla niyang linapit ang mukha niya sakin sabay kiss sa pisngi ko. "I know you're not ready for this". "It's okay if you won't answer me back". "Bsta nasabi ko na ang feelings ko sayo Sands, sapat na yun" palinawag nito. "Makakatulog na ako ng mahimbing" pabiro nito.After namin sa condo ni Diego, napag isip isip nya na we're gonna spend the sunday in tagaytay - sa bahay ng tita nya. He decided this kasi nga gusto lang niya ay masolo niya ako. Magkahawak kamay kaming naglakad patungo sa main door. Kita ang sayang sa aming mga mukha. Nilapat niya ang kanyang thumb at kusang nagbukas ito. Pareho kaming nakangiti sa isat isa hanggang may umagaw sa atensyon namin na siyang ikinagulat naming dalawa. Ang kaniyang tita Karla na nakaupo sa malaking sofa habang hawak hawak niya ang kaniyang red wine na nasa slim wine glass. Nakacross-leg ito at iniikot niya ang laman ng glass. "A-auntie?" Bigla siyang bumitaw sa hawak ko at agad siyang lumapit tsaka binigyan ng halik sa pisngi ang kaniyang tita Karla. "Kelan ka pa dumating?. Di ka man lang nagsabi at sana nasundo kita sa airport" sambit ni Diego sa kaniya. "I just had an urgent meeting this early morning sa Hyatt and I think it's best that I didn't let you know kasi mukhang abala ka sa iba" prangka
Dumiretso kami ni Diego sa tinutuluyan niyang Condo somewhere in Makati. Nasa panglabing limang palapag siya. Isang two bedroom na may balcony. Bilang lang ang mga gamit nito tulad ng mga pangkaraniwang appliances. Napakaminimalist ng area halatang well-maintained. Mayroon din itong mini living room. Isang sofa na pangtatlong upuan at center table na nakaharap sa 55" na TV. Di ko din maiwasang mamangha sa lugar. Dahan dahan kong nililibot at pinagmamasdan. Pagkatapos magbihis ito ng pambahay, napansin ni Diego ang reaksyon ko. "Soon dito ka na din titira, Mrs.Lopez" sabay ngiti sa sakin. Sa isip isip ko - Mrs.Lopez? Ang gandang pakinggan. Mangyayari kaya ito? Maya maya ay "gusto mong magshower?" Alok nito. "Dito ka na magweekend ha, please?" Lambing na pakiusap niya. Binuksan ko ang aking working bag sabay kuha sa damit kong gawa sa chalis na terno. Ito ang dinala ko para di maumbok sa bag. "Akala mo ah!" Payabang kong sabi. "Aba, nagready ka yata" nakatawang tugon sa a
Mag one week na kami ni Diego since I officially answered him. Araw araw hatid sundo niya ako. Hindi ko naman ito hinihiling subalit napakapersistent talaga niya. During Lunch bumababa kami para kumain together at dumadayo sa karinderya. Kung hindi naman ay nagyayaya siya sa parking tuwing small breaks. Ang dating nilulunod ang sarili sa trabaho, ngayon nakakapag chill out na din kahit papaano dahil kay Diego. Naalala ko pa nung nakaraan pinagbaon niya ako ng sinigang na baboy. Sa parking kami kumain. Tuwang tuwa ako kasi paborito ko nga ito. Dinalhan din niya ako ng patis at kalamansi. Grabe kuhang kuha talaga niya ang kiliti ko. Kahapon nga bigla ba naman ako chinat ng "pinapatawag ka ni Gie sa conference room". Ako naman agad naman akong pumunta. Nang binuksan ko ang pintuan, agad niya ako hinila patago sa sulok kung saan hindi kita ng cctv tsaka niya ako sinunggaban ng halik. Kinabahan ako don ng very very light. Hayy napakakulit talaga. Ngunit lingid sa kaalaman n
Sarap ng gabing pinagsaluhan namin ni Diego. Di ko pa man mawari ang mga susunod na kaganapan ay sinagot ko na si Diego nang walang pag aalin langan. Sa totoo ay masaya ang puso ko. I feel loved. I feel settled. And I feel safe. Wala nang hihigit pa sa nararamdaman ko ngayon. Nagising kaming dalawa na parehong nakangiti. Tanging ang kumot lang ang nakabalot sa aming mga katawan. Ang mga saplot namin ay nagkalat sa baba ng air bed. Papatirik na din ang haring araw. "I love you Sands!" Sambit ni Diego nang nakangiti sabay dampi ng halik sa aking noo. Nakaunan ako sa kaniyang braso habang magkayakap kami. "I love you,too!" Tugon ko tsaka binigyan ng smack kiss. "Ano gusto mong breakfast?" Aniya. "Ano bang baon natin?" Nakangiting tanong ko. "Gusto mo ba ng champurado at tuyo?" Tanong nito. "Wow may dala ka?" Tsaka tumango si Diego ng nakangiti. Ang bilis ng mga pangyayari. Magkasintahan na kami ni Diego. Tila ba isang panaginip lang. "Teka papainit muna ako ng t
"Nandito na tayo Sands" sabi ni Diego. Medyo hilo pa din ako sa mga oras na ito dahil sa mga dinaanan naming steep road. Halos kapos ako sa paghinga habang dumadaan kami dito. Pero ang View? Panalo!!! Pumasok kami sa isang liblib na lugar. Tiniketan ng isang mama ang sasakyan para sa parking fee. Agaw pansin sakin ang pangalan ng pasyalan na "Bahay-bahayan Camp Site". Isa lang ang pumasok sa isipan ko - Camping.. Tamang tama at medyo maulap ang panahon. Mag aalas nuebe na din ng umaga nang marating namin ang camp site na ito. "Tara sa loob?" Alok ni Diego. "Wala na naman akong dalang gamit" reklamo ko. "Kung saan saan mo kasi ako dinadala, wala ka man lang pasabi nang nakapaghanda man lang sana ako" sabi ko. "Sus! Wag mo na intindihin, pasok na tayo" ngiting sambit ni Diego tsaka bumaba ng sasakyan. While hindi pa ako bumababa, pumwesto siya sa tapat ko "teka lang ha, tawag lang ako ng magbubuhat" tsaka ito pumasok. Mga ilang sandali, bumalik na siya ng may kasam
"Tita Sandra!" Natutuwang pagsalubong ni Luigi sa akin nang makarating kami sa bahay nila Lanie. Lanie's husband is an OFW, isang seaman. Kada anim na buwan o mahigit pa bago siya magbakasyon. Nataong out of the country siya kaya malakas ang loob nitong si Lanie magyaya ng inom sa bahay nila. "Lalo kang gumaganda Tita Sandra" nagagalak na puri ni Luigi sa akin. Natutuwa ako sa batang ito kasi lagi niya sinasabi tuwing dadalaw ako na he will gonna merry my Chloe someday. Hay! bata nga talaga! Pinakita ko kasi ang picture ni Chloe sa kaniya minsan. At sobrang ganda nga daw kagaya ko. One time nga nasabi din niya "I'm gonna merry your daughter so you can also be my Mom". Di ko makalimutan itong sinabi niya na parang tumatak din sa akin. Nakakatuwa talaga siya. Sinalubong ko siya ng yakap tsaka kinarga. "You're getting taller na" sabay gigil ko sa kaniya habang karga karga. May kabigatan na din na halos di ko na matagalan na kargahin. Naglaro kami saglit ni L
Pagkatapos mag inom nila Eric at Diego after shift ng Monday. Nagsick leave si Diego ng 3 days at nakabalik sa office ng Friday. Hindi pa din siya ganon kumikibo at nakatutok lang siya sa kaniyang monitor. Nagteam huddpe din kami ngunit dun ko lang siya nakitaan ng pagiging seryoso sa trabaho na
Nagbabalak akong magsick leave lunes na lunes. Ano kaya ang ire-reason out ko? Pagkatapos ng lahat ng pangyayari sa weekend, wala akong mukhang maihaharap lalo na't nasa iisang team lang kami ni Diego. Nakailang text at missed calls siya pagkatapos niya ako ihatid sa bording house. Ngunit ni is
Mga 2 hours of driving nakarating kami sa tagaytay. Mag aalas singko na nang umaga at kita na ang sun rise. Bagamat mejo ramdam ko pa ang bigat sa aking ulo.. Pumasok kami sa isang exclusive village. May mga pine trees at halatang puro mayayaman at malalaking tao ang mga nakatira. Presko ang hangi
"Tara! Sands sabay ka na sakin".. sambit ni Deigo. Huminto siya sa tapat ko habang tinatangka kong magbook ng grab. Alas dos na ng umaga nang magkahiwa hiwalay kami ng team. Nahirapan na din akong magbook ng driver at pangalawang beses nang nacacancel. Lumabas kami ng buong team para icelebrate a







