LOGINA/N: Dahil nagkamali po ako ng lapag ng chapter, ipa free chapter ko po itong Chapter 31. Chapter 32-33 po kasi ang na update ko at walang Chapter 31. Enedit ko siya at nag double ang Chapter 33. Wala akong idea kung kailan ma approve ang modifications na ’yon. Kaya ito po ang Chapter 31. Pasensya na po.
CHAPTER 31
Parang lito si Amara. Ano ba ang balak ng lalaking ito? Ano ba ang ibig sabihin nito?
Pero malinaw niyang nararamdaman—ang kamay na humahawak sa kanya ay nanginginig, kasing-lamig ng yelo, at tila hindi mapakali.
Dahil ba sa nakita siyang hinihiya kaya nagkaroon ito ng kaunting awa sa kanya?
Mabilis niyang itinakwil ang isipang iyon. Maraming taon na siyang nagpapakabaliw sa sariling mga hinala. Anumang ekspektasyon na mayroon siya noon ay matagal nang naubos. Anumang katapatan na ibinigay niya ay matagal na niyang binawi.
Natutunan niya ang isang mahalagang leksyon sa mahirap na paraan: kung wala kang aasahan, hindi ka mabibigo—at hindi ka masasaktan.
Kaya sa halip na mag-isip ng kung ano-ano, ang atensyon niya ay bumalik sa pera. Ang one hundred thousand pesos na iyon.
Bahagya siyang kumunot ang noo at sinabi, “If you don’t need anything else, babalik na ako doon para kunin ’yung pera.”
Pagkatapos ng lahat, tiniis niya ang kahihiyan at ininom ang alak. Hindi naman pwedeng aalis siya nang wala man lang napala, ’di ba?
Nanigas si Lucien. Tila tumigil ang daloy ng kanyang dugo sa isang saglit, bago muling bumuhos nang marahas sa sumunod na segundo.
“Amara,” paos niyang sabi, nanginginig ang boses sa kabila ng pagsisikap na kontrolin ito. “Can you at least have some dignity? Kailan ba ako nagkulang sa’yo?”
Bago pa siya makasagot, hinablot nito ang kanyang phone at agad na sinubukang i-transfer ang pera. Masyado itong mabilis—hindi siya nakapagreak agad. Mabuti na lang at naging matalino siya na hindi iwanan ang countdown note na nakikita sa screen sa pagkakataong ito.
Pero ang phone na binili niya kanina ay mura lang at pansamantala. Sobrang bagal ng system nito.
Nagsalubong ang mga kilay ni Lucien habang paulit-ulit na pinipindot ang screen, nauubos na ang pasensya. Bilang doktor, maging ang kanyang mga kuko ay maayos na nakagupit, pero ngayon, ang bawat galaw niya ay matalas at puno ng inis.
Walang rumeresponde.
Lalong nadagdagan ang kanyang iritasyon. Halatang hindi pa siya nakahawak ng ganito kababang kalidad na device sa buong buhay niya.
Nang sa wakas ay mabuksan niya ang banking app at mailagay ang halaga, may lumabas na notification—transfer limit exceeded.
Mahinang sinabi ni Amara, halos reflex na, “Ang personal account ay may daily cumulative transfer limit na five hundred thousand pesos kapag naka-monitor…”
Isa itong standard na security restriction para sa anti-money laundering. Pero ang paliwanag niyang iyon ay parang nagbuhos lang ng langis sa apoy.
Tuluyang nagdilim ang mukha ni Lucien. Sa sumunod na segundo, marahas niyang ibinagsak ang phone.
Umalingawngaw ang tunog ng pagkabasag sa loob ng silid.
Napa-igtad si Amara, nanigas ang kanyang buong katawan. Hindi ang account ni Lucien ang may problema—kundi ang sa kanya.
Ilang taon siyang hindi nagtrabaho. Hindi man lang siya kwalipikado para sa isang high-limit credit card. Ang tanging account na magagamit niya ay ang supplementary card na nakakonekta sa black card na ibinigay nito sa kanya noon.
Mukhang totoo nga—kapag wala kang financial independence, kahit ang bank card ay palamuti lang.
Naging nakakasakal ang presensya ni Lucien. Nang bigla itong lumapit, likas siyang napaatras. Ang galaw na iyon ay lalong nagpagalit sa lalaki. Bigla siyang hinila nito sa mga bisig nito.
“Why are you backing away?” matalim nitong tanong. “Akala mo ba sasaktan kita?”
Sa pagkakataong ito, hindi siya nanlaban. May kakaiba sa boses nito—masyadong tensyonado, masyadong hindi stable. Hindi niya maintindihan kung bakit ganito kalakas ang reaksyon nito. Hindi ba’t siya naman ang hinarap sa kahihiyan?
Higit sa lahat, naramdaman na naman niya iyon—ang lumalaking kawalan ng kakayahang intindihin ang lalaking ito. Minsan, hindi na niya matukoy kung seryoso ba ito o sadyang nang-uuyam lang sa kanya
Bumalot ang katahimikan sa silid. Matapos ang mahabang sandali, binitawan din siya ni Lucien sa wakas.
Tiningnan nito ang basag na phone, kinumpirmang hindi na ito maaayos, bago itinapon sa tabi at iniabot sa kanya ang sarili nitong phone.
“Use mine for now.”
Nag-alangan si Amara. Ang phone nito ay hindi lang basta phone—naglalaman ito ng mga kompidensyal na datos ng ospital at personal na impormasyon. Ayaw niya itong hawakan, at lalong ayaw niyang masisi sa huli kung may mangyari man.
Nang hindi siya kumilos, muling sumiklab ang galit ni Lucien.
“Are you trying to drive me crazy?”
Hinablot nito ang kanyang kamay at sapilitang itinakda ang kanyang fingerprint access, bago inilagay ang phone sa kanyang palad. Noon lang bahagyang gumaan ang ekspresyon nito nang tumigil na siya sa paglaban.
Nagpakawala ito ng hangin at muli siyang niyakap, mas maingat na sa pagkakataong ito
“Stop doing this,” mas mahina nitong sabi. “Let’s go home, alright?”
Biglang may kumatok sa pinto
“Lucien… nandiyan ka ba?” mahinang tawag ng boses ni Lysandra.
Bahagyang bumukas ang pinto. Ang ilaw mula sa pasilyo ay pumasok sa madilim na silid.
Nakatayo sa labas si Lysandra, maputla at mukhang marupok, ang mga mata ay nangingilid ang luha. “Uulan na yata… Lucien, sobrang sakit na ng mga binti ko.”
Walang pag-aalinlangan na binitawan ni Lucien si Amara.
Likas na tumalikod si Amara, naghahandang umalis nang tahimik. Pero pinatigil siya ni Lucien
Muli ay naging flat ang boses nito. “Huwag mong kalimutang uminom ng stomach medicine. Hindi ka naman naparami ng inom ng alak kanina.”
Pagkatapos ay tumalikod na ito at umalis kasama si Lysandra.
Nanatiling nakatayo si Amara hanggang sa tuluyang mawala ang tunog ng kanilang mga hakbang. Noon lang siya nagmamadaling bumalik sa orihinal na private room.
Hindi niya sigurado kung bakit—marahil ay iniisip pa rin niya ang pera.
Bakante na ang silid. Nakaalis na ang lahat. Tanging ang mga tumpok ng pera ang natira sa mesa, hindi nagagalaw, na tila ba walang sinuman ang nag-abalang kunin ito.
Natigilan siya nang sandali, bago humakbang pasulong at kinuha ang lahat ng pera sa kanyang mga bisig. At doon, ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan ay tuluyan nang bumuhos.
Dahan-dahan siyang naupo nang pabaluktot, yakap ang sarili habang umiiyak nang walang hinto.
--
Nang matapos siya sa trabaho noong gabing iyon, may hilo pa ring nananatili sa kanyang ulo. Gabi na siya nakaalis. Sarado na ang subway, kaya nag-taxi na lang siya pabalik sa Aurea Bay.
Mahal ang pamasahe—pero dahil sa perang nakuha niya ngayong gabi, hindi na ito ganoon kasakit sa bulsa.
Gayunpaman, ang alak kanina ay hindi pa tuluyang nawawala. Umiikot pa rin ang kanyang paningin, medyo mapurol ang kanyang pakiramdam, at tila ba laging huli ng isang segundo ang kanyang bawat galaw
Nagawa niyang buksan ang pinto at pumasok nang pasuray-suray. Kabisado na niya ang ayos ng bahay—pero natisod pa rin siya. Ang upuan na binili ni Alyssa kanina ay nasa mismong daanan niya.
Sumubsob ang kanyang katawan pasulong. Akma na siyang babagsak nang mukha ang una—
“Careful!
Isang malakas na braso ang biglang humila sa kanya pabalik. Tumama pa rin ang kanyang noo sa isang matigas na bagay. Pero hindi ito parang pader. Pakiramdam niya ay… malambot ito.
“Hindi ka man lang makalakad nang maayos nang hindi natutumba. Ano pa bang kaya mong gawin?”
Ang pamilyar at matalas na boses na iyon ay agad na bumasag sa kanyang pagkalasing. Napilitang imulat ni Amara ang kanyang mga mata.
Lucien. Siya nga talaga.
Suot pa rin ang parehong damit mula sa hapunan. Siguro ay inihatid muna nito si Lysandra sa ospital bago pumunta rito.
Nagsalubong ang kanyang mga kilay. “Sino’ng nagpapasok sa’yo?”
Nang makita ang kanyang namumulang mukha at hindi matatag na tayo, agad na bumalik ang iritasyon ni Lucien.
“Lagi mong nakakalimutang isara nang maayos ang mga bintana mo kapag naglalaba ka. Aren’t you afraid na may pumasok dito?”
Hindi niya ito pinansin at naglakad patungo sa sofa, doon lang niya napansin ang dalawang bagay sa coffee table.
Isang bagong phone. At isang bote ng gamot.
Lumapit si Lucien at dahan-dahang hinawi ang kanyang buhok. Namamaga ang kanyang pisngi. Ang maputing balat ay laging mabilis kakitaan ng marka—alam niya iyon nang higit sa kanino man.
Walang salita, binuksan nito ang ointment, inilagay sa kanyang mga daliri, at maingat na idiniin sa balat ng babae.
“Hiss—
Napa-aray siya at tumingin dito. Bahagyang nakakunot ang mga kilay nito. Ang ekspresyon nito ay seryoso—halos malambot. Sa isang sandali, nagmukha itong si Lucien noong unang panahon.
Mainit ang kanyang mga daliri habang dahan-dahang ipinapahid ang gamot. At sa loob ng isang maikling segundo, naramdaman ni Amara na may kung anong lumuwag sa kanyang dibdib.
Pagkatapos—nagsalita ito.
“Stop stirring trouble against Lysandra.”
Agad na nagbago ang kanyang tono
“She’s had a sensitive background simula bata. Lagi siyang tinatawag ng kung ano-anong pangalan. She hates being called an illegitimate child.”
“Alam ko ang nangyari sa inyong dalawa, pero nasa nakaraan na ’yun.”
“You’re sisters. You should know your limits.”
Ang init sa kanyang dibdib ay tuluyang nadurog. Dahan-dahang tumayo si Amara. Naging malamig ang kanyang tingin—matalas, walang laman, at malayo. Parang tumitingin siya sa isang estranghero.
Ngunit ngayon...Kung gaano man katamis ang mga alaalang iyon noon...Ganoon na lang kakarimarim ang pakiramdam nito ngayon.Nang walang pag-aatubili, binuksan ni Amara ang settings menu.Pumili siya ng isang simpleng puting imahe at pinalitan ang lumang lock screen.Puro.Malamig.Walang laman.Ganap na walang emosyon.Ang huling bakas ng mga damdaming iyon ay naglaho.Walang makakaalam kailanman na minsan niyang iningatan ang anino ng isang tao sa pinakasikretong sulok ng kaniyang puso.Matapos matanggap ang mga dokumento mula kay Theo, hindi nagmadali si Journalist Borromeo,na kilala ni Alyssa, na ilathala ang kwento.Siya ay isang bihasang investigative reporter.Hindi siya mag-uulat ng mga paratang na batay lamang sa sabi-sabi.Nang hapong iyon, personal siyang pumunta sa ospital upang kumpirmahin ang lahat.Kinuhaan niya ng litrato si Anna Pineda habang nagda-dialysis.Ang kamay ng maliit na batang babae ay tadtad ng marka ng karayom.Ang mga malulusog na ugat ay halos imposible
Inside the ElevatorSa selpon, maikling ipinaliwanag ni Amara ang lahat ng nangyari.Natahimik si Theo nang isang sandali bago nagsalita.“I do know ang Regional Director ng Department of Health, pero hindi kami masiyadong malapit. Besides, kung may nagmanipula nga ng transplant priority, then it’s likely na isang mas makapangyarihang tao ang nag-apruba nito.”Agad na lumubog ang puso ni Amara.“Still, tama ang ideya mo,” patuloy ni Theo sa isang kalmadong boses. “Public opinion na lang ang tanging paraan para mailantad ito. I know a few journalists na maaaring pumayag na mag-imbestiga.”“kailangan ko ng maraming impormasyon tungkol kay Anna Pineda—ang kaniyang medical records, kung gaano na siya katagal sa waiting list, at lahat ng matching records.”Ang kaniyang boses ay nanatiling matatag at mahinahon, na nagbigay kay Amara ng pakiramdam ng kasiguraduhan.Naramdaman niya ang pagpapakalma sa kaniyang sarili at maingat na nakinig sa bawat tagubilin.Matapos ang tawag, bumalik siya sa
Isang makabagong medical park ang naglalaman ng pinakamalaking exhibition at sales center ng bansa para sa mga advanced medical equipment.Nauupo si Lucien sa loob ng kaniyang kotse, habang nag-aantay para sa kaniyang itinakdang pagpupulong sa procurement manager.Ang kaniyang matalas na mga mata ay sumusuri sa impormasyon sa kaniyang tablet, binabasa ang mga file na ipinadala ng kabilang panig kaninang umaga.Habang nag-aantay, hindi niya inaasahang makita ang isang pamilyar na pigura.Si Theo.Hindi naman ito ganap na nakagugulat.Ang mga kagamitan na bibilhin sa pagkakataong ito ay pinagsasama ang advanced medical sensors at isang drone platform, kaya natural lamang na lumahok ang mga biomedical engineering companies sa proyekto.Bagamat nagdilim ang ekspresyon ni Lucien nang isang sandali, mabilis niyang pinilit ang kaniyang sarili na magtuon sa gawaing kailangang tapusin.Ang pangunahing layunin ng business trip na ito ay ang bumili ng isang espesyal na medical device na mahalaga
Chapter 92: The Anonymous ThreatThe School Grounds“Remember to come home early for dinner tonight.”Ang boses ni Lucien ay kalmado, halos banayad.Natigilan si Amara.Marahil dahil ito sa lamig ng hangin ng nagbabadyang taglamig, ngunit isang pamilyar na kalungkutan ang tahimik na dapo sa kaniya.Matagal-tagal na rin nung huling nagsalita sa kaniya si Lucien nang ganoon.For a fleeting moment, tila ba bumalik sila sa kung ano sila noong una.Hindi nagbago ang boses nito.Ngunit wala na itong dalang init para sa kaniya.Saka lamang isinara ni Lucien ang pinto ng kotse nang tuluyan na siyang mawala sa paningin.Tumingin siya kay Lyndon sa upuan ng driver.“I have a business trip tonight, kaya hindi ako uuwi. Stay here at ihatid mo siya sa bahay mamaya.”–Binilisan ni Amara ang kaniyang lakad patungo sa silid-aralan, habang ang isang hindi mapakagandang pakiramdam ay namumuo sa kaniyang dibdib.Ang relasyon niya sa kaniyang kapatid sa ama ay palaging kumplikado.Ito ang unang pagkaka
Nang bumalik si Lucien sa silid-tulugan, maingat niyang sinuri ang nakabandaheng sugat sa noo ni Amara. Pagkatapos ay kinuha niya ang telepono nito at tahimik na tinanggal ang kaniyang sarili mula sa blocked list sa contact ng babae. Nakatulog na si Amara. Kahit sa kaniyang pagtulog, ang kaniyang mga kilay ay nanatiling magkakasalubong habang ang mga tahimik na luha ay umaagos sa kaniyang mga pisngi. Nakabalot sa ilalim ng kumot, mukha siyang nakatutunaw ng pusong payat. May isang mapagpalang buntong-hininga, kinuha ni Lucien ang isang tissue at banayad na pinunasan ang mga luha nito. Ngunit patuloy ang mga ito sa paglaglag, nang sunod-sunod, na tila mga perlas na nadudulas mula sa isang naputol na kuwintas. Kahit gaano karami ang punasan niya, hindi mapigilan ang pag-agos. Sa huli, naupo na lamang siya sa tabi ng kama, pinapanood ang babae sa gitna ng katahimikan. Hindi niya alam kung gaano karaming oras ang lumipas bago tuluyang kumalma ang paghinga nito at huminto
Hindi nagtagal matapos siyang dalhin sa ospital, nagkamalay muli si Amara, na tila ba bigla siyang nagising mula sa isang mahaba at nakababahalang panaginip. Ang pamilyar na amoy ng disinfectant ay napuno ang hangin. Hindi niya na kailangan pang magtanong kung nasaan siya. “You're awake.” Isang batang nars ang nakatayo sa kaniyang tabi, habang tinatanggal ang IV needle matapos maubos ang huling patak ng gamot. Nakararamdam ng pagkahilo, likas na nag-angat ng kamay si Amara upang hawakan ang kaniyang noo at naramdaman ang makapal na gasa na nakabalot doon. “Nasuri ka na po namin,” banayad na paliwanag ng nars. “You suffered a mild concussion. Kahit nag-deploy ang airbag, tumama pa rin ang noo mo sa nasirang steering wheel. Ang sugat ay nangailangan ng ilang tahi.” Naglagay ang nars ng isang mainit na compress sa paligid ng IV line upang hindi masiyadong malamig ang pakiramdam ng gamot sa kaniyang ugat. “Salamat,” paos na bulong ni Amara. “You really scared us,” nakangiti
Hi/Hello, my dear all kyuties readers.Ngayong May po ay mag-se-set na po ako ng schedule sa pag upload o pag update po ng chapters, sa kadahilanan po na magiging busy na po ulit ako dahil back to work po ako—Bilang ina na may trabaho rin ay hinihingi ko po ang pag-uunawa ninyo. Maraming Salamat po
Pagkalipas ng ilang sandali, sa wakas ay sumagot si Alyssa.‘I checked… pero I think accidentally ko siyang na-delete.’Nakatitig lang si Amara sa screen nang ilang sandali, bago nanatiling tahimik. Pinatay niya ang kanyang phone, sumandal sa upuan, at nagpakawala ng isang malalim na buntong-hining
Dahil hindi uminom ng gamot sa sikmura noong gabing iyon, mas gumaan ang pakiramdam ni Amara. Mas naging malinaw ang kanyang isip habang nagbabalik-aral, at mas payapa ang kanyang tulog kaysa sa mga nakalipas na araw.Kinaumagahan, pagkatapos mag-almusal, nag-log in siya sa kanyang unang online cla
Matapos ang press conference, hindi agad umalis si Theo. Hinatid niya muna si Amara sa hotel para kunin ang mga gamit nito, bago tinulungang lumipat sa isang lugar sa labas ng sentro—mga maliliit na two-story villas na nakatago sa isang tahimik na residential area.Kanina sa tanghalian, ipinakita na







