Lustful Nights With My Ruthless Boss (SPG)

Lustful Nights With My Ruthless Boss (SPG)

last updateTerakhir Diperbarui : 2026-07-14
Oleh:  Duskara MorvaneBaru saja diperbarui
Bahasa: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
3 Peringkat. 3 Ulasan-ulasan
5Bab
13Dibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

Lustful Nights With My Ruthless Boss (SPG) “Submit yourself to me, Ellen. Not because I'm your boss… but because you know I'll never let anything happen to what's mine.” *** Isang mahirap na dalaga si Maria Ellen Sapungan na nangangarap lamang makapagtapos ng kolehiyo at mailigtas ang kanyang pamilya sa napakalaking utang. Nang maging katulong siya ng makapangyarihan at walang pusong billionaire na si Conrad Chase Montefalco, isang alok ang tuluyang nagpabago sa takbo ng kanyang buhay. Kapalit ng malaking halaga, pumayag si Ellen na maging parausan ni Conrad. Para sa binata, isa lamang siyang kasunduan. Isang magandang laruan na maaaring angkinin anumang oras. Ngunit habang lumilipas ang mga gabi, unti-unting nabasag ang pader sa pagitan nila. Ang relasyong nagsimula sa isang kasunduan ay nauwi sa damdaming pareho nilang pilit itinatanggi. Nang matuklasan ni Ellen na buntis siya sa anak ni Conrad, pinili niyang lumayo at mawala na lamang. Naniniwala siyang hindi kailanman matatanggap ng isang Montefalco ang anak ng isang hamak na katulong. Mas gugustuhin niyang palakihin ang kanyang anak nang mag-isa kaysa maranasan nitong ituring na pagkakamali. Ngunit nang malaman ni Conrad na dinadala ni Ellen ang kanyang anak, huli na ang lahat. Ang lalaking dating walang pakialam sa pag-ibig ay handang baligtarin ang buong mundo upang mahanap ang babaeng pinakawalan niya. Handa siyang pakasalan si Ellen at buuin ang pamilyang matagal niyang hindi inakalang gugustuhin. Ngunit paano kung ang sugat sa puso ni Ellen ay mas malalim kaysa sa pagmamahal na ngayon lang natutunang ipaglaban ni Conrad? Kapag hinabol na ng isang ruthless billionaire ang babaeng minsang itinuring na parausan, sapat pa ba ang pag-ibig upang burahin ang sakit ng nakaraan?

Lihat lebih banyak

Bab 1

Kabanata 1

Kabanata 1

Maria Ellen's POV

“Tama na po!”

Halos mapunit ang lalamunan ko sa pagsigaw habang pinapanood ko ang tatlong lalaki na walang tigil sa pambubugbog kay Papa.

Bawat suntok na tumatama sa mukha at tiyan niya ay parang dumadagdag sa hirap na matagal na naming dinadala bilang pamilya.

“Maawa naman po kayo!” umiiyak kong sigaw. “Hindi pa namin nababayaran ang utang dahil wala pa po kaming mahanap na pera. Bigyan n'yo pa kami ng kaunting oras!”

Sinubukan kong kumawala sa pagkakahawak ng dalawang lalaki sa magkabilang braso ko, pero masyado silang malalakas. Kahit anong pilit kong sumipa at magpumiglas, lalo lang nilang hinihigpitan ang pagkakahawak sa akin.

“Bitawan n'yo ako!”

“Tumahimik ka,” malamig na sabi ng isa bago ako marahas na itinulak.

Napasubsob ako sa sahig ngunit agad ding bumangon.

Paglingon ko, nakita kong muling sinuntok si Papa sa panga.

“Pa!”

Napaluhod siya sa sahig habang umaagos ang dugo mula sa gilid ng labi niya.

“Pakiusap...” hirap niyang sabi. “Kaunting panahon pa... makakabayad din kami...”

“Tatlong buwan na naming naririnig 'yan!” sigaw ng lalaking tinatawag nilang Armando. “Palagi na lang kayong may dahilan!” Naglakad siya papunta sa maliit naming kuwarto at walang pakundangang itinulak ang p***o.

“Mama...” bulong ko.

Nakita niyang nakahiga si Mama sa lumang kama.

Halos buto't balat na siya dahil sa ovarian cancer. Hirap na hirap na siyang huminga at halos hindi na niya maidilat ang mga mata niya.

Tumulo ang luha ko nang makita kong umiiyak siya.

Alam kong naririnig niya ang lahat.

Alam niyang binubugbog na naman si Papa dahil sa utang na ginawa para lamang maipagamot siya.

“Huwag...” mahinang sabi ni Mama.

Ngunit hindi siya pinansin ni Armando.

Lumapit ako.

“Huwag n'yo pong sasaktan ang mga magulang ko. Hahanap po ako ng paraan para makapagbayad kami sa inyo.”

Paos na ang boses ko kakaiyak.

Bigla niyang hinablot ang buhok ko.

“Ah!” Napayuko ako sa sakit. “Tama na—”

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko.

Napaling ang mukha ko. Ramdam ko agad ang hapdi.

“Ang tapang mong magsalita.” Hinawakan niya ang baba ko at pilit akong pinatingin sa kanya. “Tingnan mo nga naman. Ang ganda ng anak mo, Fernando.” Napangisi siya. “Kung siya ang ipambabayad ninyo, baka pwede pa tayong magkasundo.”

Nangilabot ako.

Unti-unti niyang inangat ang tingin mula sa mukha ko pababa.

“Mukhang wala pang nakakahawak sa batang 'to.”

Napahigpit ang pagkakahawak ko sa palda ko.

“Ayos 'yan.”

Lumapit pa siya.

Hindi ako makagalaw. Parang nanigas ang buong katawan ko.

Pagkatapos ay dumila siya sa leeg ko.

Napalakas ang hikbi ko.

Diring-diri ako.

“Tumigil kayo!”

Pilitan kong itinulak ang dibdib niya kahit alam kong wala akong laban.

“Walanghiya ka!” sigaw ni Papa.

Pilit siyang gumapang papunta sa amin kahit halos hindi na siya makatayo.

“Armando! Huwag mong gagalawin ang anak ko!” Tumayo siya kahit nanginginig ang mga tuhod. “Kahit ako na lang. Ako na lang ang saktan n'yo.”

“Pa...”

Ngunit agad siyang sinipa ng isa sa mga tauhan ni Armando.

Bumagsak siyang muli sa sahig.

“Fernando!”

“Mahal...” mahinang tawag ni Mama mula sa kama.

Hindi na niya mapigilan ang pag-iyak.

Lumuhod ako sa harapan ni Armando.

“Pakiusap.” Humawak ako sa laylayan ng pantalon niya. “Bigyan n'yo kami ng tatlong araw.”

Tahimik siyang nakatingin sa akin.

“Tatlong araw lang. Mangungutang ako. Maghahanap ako ng trabaho. Gagawin ko ang lahat.”

“Ellen!”

Napatingin ako kay Papa.

“Huwag kang lumuhod sa kanila.”

“Papa... wala na tayong ibang paraan.”

“Huwag.”

“Nagmamakaawa ako.” Humarap akong muli kay Armando. “Tatlong araw lang.”

“Tingin mo ba madaling kitain ang tatlong daang libo?”

“Hindi po.”

“Alam mo bang dalawang daang libo lang ang inutang ng pamilya ninyo?”

“Opo.”

“Pero dahil hindi kayo marunong magbayad sa oras, lumaki ang interest.”

Napayuko ako.

Alam kong sobra ang tubo nila. Pero wala kaming magawa.

“Magbabayad kami.”

“Saan ka kukuha?”

Hindi ko alam ang isasagot.

Graduating student pa lang ako.

May natitira pa akong tuition at graduation fees.

Ang kinikita ni Papa bilang tricycle driver ay halos hindi na sapat kahit pambili ng gamot ni Mama.

“Hindi ko pa alam.”

“Tingnan mo nga naman.” Napangisi siya. “Wala ka palang plano.”

“Maghahanap ako ng paraan.”

“Kanino?”

“Sa mga kaibigan ko.”

“Nakakatawa ka.”

Nagtawanan ang mga kasama niya.

“Sa tingin mo may magpapautang ng tatlong daang libo sa isang estudyante?”

Napakagat ako sa labi.

“Susubukan ko.”

“Anong ipambabayad mo?”

Hindi ako nakasagot.

“Ellen.”

Mahina ang boses ni Papa.

“Huwag mo nang isipin ang utang.”

“Papa...”

“Hayaan mo na kami.”

“Hindi.” Napailing ako habang umiiyak. “Hindi ko kayo pababayaan.”

Tumulo ang luha ni Papa.

“Anak...”

“Ako na ang bahala.”

Huminga ako nang malalim bago muling humarap kay Armando.

“Pangako. Sa loob ng tatlong araw, makakabayad kami.”

Matagal niya akong tinitigan. Pagkatapos ay muli niyang hinawakan ang mukha ko. Halos madiinan ang pisngi ko sa lakas ng pagkakahawak niya.

“Makinig kang mabuti.”

Napapikit ako.

“Kapag hindi ninyo nabayaran nang buo ang utang sa loob ng tatlong araw...” Huminto siya sandali. “...ikaw ang kukunin ko.”

Nanginginig ang buo kong katawan.

“Hindi.”

“Katawan mo ang magiging kabayaran.”

Napahagulhol ako. “Pangako.” Mabilis akong tumango. “Magbabayad kami.”

“Siguraduhin mo.”

“Hindi ako magsisinungaling.”

“Dahil kapag bumalik ako rito at wala pa ring pera... hindi na kita tatanungin.”

Napalunok ako.

“Maiintindihan mo ba?”

“Opo.”

Binitawan niya ang mukha ko.

Bago sila tuluyang lumabas, malakas niyang sinipa ang p***o ng bahay namin.

Nanginginig pa rin ako nang tuluyan silang mawala.

Agad kong inalalayan si Papa.

“Dahan-dahan lang.”

“Pasensya ka na, anak.”

“Papa, huwag kayong humingi ng tawad.”

“Kasalanan ko 'to.”

“Hindi.”

“Tatay mo ako pero hindi ko kayo maprotektahan.”

Niyakap ko siya. “Makakahanap ako ng paraan.”

“Paano?”

“Hindi ko pa alam.”

“Anak...”

“Kahit anong trabaho papasukin ko.”

“Hindi mo kailangang gawin 'yon.” Pinunasan ko ang luha ko. “Ako na ang bahala.”

Tahimik siyang umiyak.

Maya-maya ay napabuntong-hininga ako.

“Papa... bakit hindi na lang tayo magsumbong sa pulis?”

Umiling siya.

“Mas mapapahamak tayo.”

“Pero sobra na ang ginagawa nila. Kahit gano'n...”

“Ellen.” Hinawakan niya ang kamay ko. “Mas gusto kong mabuhay ka kaysa makipagsugal tayo.”

Hindi na ako nakapagsalita.

“E-Ellen...”

Agad kaming napalingon ni Papa kay Mama.

“Mama!”

Mabilis kaming lumapit sa kanya.

Hinawakan ko ang malamig niyang kamay.

“Mama, nandito lang ako.”

Pinilit niyang idilat ang mga mata niya.

Napakahina na ng kanyang paghinga.

“Anak...”

“Opo, Ma.”

“Magtapos ka...”

“Ma, huwag po kayong magsalita.”

“Pangarap ko... makita kang... grumadweyt...”

Napahagulgol ako.

“Makikita n'yo po. Pangako.”

Umiling siya nang bahagya.

“Patawad...”

“Huwag n'yo pong sabihin 'yan.”

“Mahal...” Tumingin siya kay Papa. “Mahal na mahal ko kayo.”

Napayakap si Papa sa kanya. “Mahal, huwag mo kaming iwan.”

Hindi na sumagot si Mama.

Napansin kong bumilis ang paghinga niya.

“Mama?”

Mas hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya.

“Mama, nandito lang ako.”

Unti-unti niyang ipinikit ang mga mata niya.

“Mama?”

Hindi siya sumagot.

“Mama!”

Hinawakan ko ang pulso niya.

Nanginginig ang mga daliri ko.

Paulit-ulit kong hinanap ang tibok nito.

“Hindi...”

“Mama...”

“Hindi...”

Tuluyan akong napahagulhol.

“Papa... wala na si Mama.”

Nanigas si Papa. Pagkatapos ay mahigpit niyang niyakap ang katawan ni Mama habang walang tigil sa pag-iyak.

“Mahal… Bumalik ka… pakiusap...”

Hindi ko na napigilan ang sarili ko.

Lumuhod ako sa tabi ng kama at tuluyang bumigay.

Matagal na naming alam na hindi na magtatagal si Mama.

Inihanda na namin ang mga sarili namin.

Pero walang naghahanda sa sakit na mararamdaman kapag tuluyan nang nawala ang isang taong pinakamamahal mo.

Hindi man lang niya ako nahintay na makatanggap ng diploma. Hindi man lang niya nakita ang araw na matagal naming pinangarap.

Habang yakap ko ang malamig niyang kamay, may malakas na katok na biglang umalingawngaw sa labas ng bahay.

Sunod-sunod.

Kasabay ng pamilyar na boses na dahilan para manginig ang buo kong katawan.

“Ellen! Buksan mo ang p***o! May magandang balita ako para sa 'yo.”

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


Ulasan-ulasan

Lavender Skye
Lavender Skye
Highly recommended
2026-07-18 00:33:16
0
0
Duskara Morvane
Duskara Morvane
Book two po ito ng Dumped by My Boss, Claimed by the Ruthless Billionaire
2026-07-17 12:31:17
0
0
Duskara Morvane
Duskara Morvane
Signed: July 17, 2026
2026-07-17 12:30:56
0
0
5 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status