LOGINHindi pa rin makapaniwala si Arah sa nangyari sa conference room.
Buong araw siyang halos hindi makagalaw sa desk niya habang paulit-ulit bumabalik sa isip niya ang mga sinabi ni Edison. “The child she’s carrying is mine.” Parang hanggang ngayon, naririnig pa rin niya iyon. At mas lalong hindi niya maintindihan— bakit ginawa iyon ng lalaki. Pagkatapos ng meeting, halos lahat ng empleyado ay nag-iba ang pakikitungo sa kanya. Wala nang bulungan. Wala nang lantarang panghuhusga. Sa halip— takot. Pag-iingat. Dahil ang babaeng dati nilang pinagchichismisan… biglang naging babaeng konektado sa CEO. Pero imbes na gumaan— mas lalo lang bumigat ang pakiramdam ni Arah. Pakiramdam niya, lalo siyang nalulunod sa gulong hindi niya na kayang kontrolin. Nang mag-alas singko ng hapon, dahan-dahan siyang tumayo para umuwi. Pero bago pa siya makalabas ng department— lumapit ang secretary ng executive floor. “Miss Arah?” Napalingon siya. “Sir Edison wants to see you.” Nanlamig agad ang katawan niya. “Ngayon po?” Tumango ang babae. “He’s waiting.” Parang lalong bumilis ang tibok ng puso niya. Tahimik siyang sumunod papunta sa private elevator ng executive floor. Habang pataas— mas lalo siyang kinakabahan. Hindi niya alam kung bakit pakiramdam niya, bawat hakbang niya palapit kay Edison… mas lalo niyang nawawala ang kontrol sa buhay niya. Pagbukas ng elevator, bumungad agad ang napakatahimik at eleganteng floor. Glass walls. Modern interiors. Mamamahaling paintings. At sa pinakadulo— ang office ng CEO. Agad siyang pinapasok ng secretary. At pagpasok niya— doon niya muling nakita si Edison. Nakatayo ito malapit sa floor-to-ceiling window habang nakatanaw sa city lights. Nakaalis na ang coat nito. Bahagyang nakatiklop ang manggas ng polo. Pero kahit ganoon— nandoon pa rin ang intimidating na aura nito. “Sit.” Diretso. Walang emosyon. Tahimik na umupo si Arah. Hindi niya alam kung bakit parang lagi siyang kinakabahan kapag kaharap ang lalaking ito. Dahan-dahang humarap si Edison sa kanya. At doon niya napansin ang isang folder sa mesa. Maitim. Makapal. At tila handa na. “I called you here because we need to settle this issue immediately,” malamig nitong sabi. Napayuko si Arah. “About po doon sa sinabi niyo kanina…” “I meant every word.” Napatingin siya rito. Hindi niya mabasa ang emosyon ng lalaki. Parang bato. “Hindi niyo po kailangang gawin ’yon para sakin,” mahina niyang sabi. “Mas lalo lang pong gumugulo.” “Too late,” diretsong sagot ni Edison. “The rumors already stopped.” Tahimik si Arah. Kasi tama ito. Sa isang araw lang— nabawasan agad ang panghuhusga ng mga tao. Dahil sa pangalan ni Edison. Dahil sa kapangyarihan nito. “At hindi iyon sapat,” dagdag nito. Bahagyang kumunot ang noo ni Arah. “Ano pong ibig ninyong sabihin?” Tahimik muna si Edison. Pagkatapos— dahan-dahan nitong itinulak ang folder papunta sa kanya. “Read it.” Nag-aalangan niyang binuksan ang folder. At agad siyang nanlamig. MARRIAGE AGREEMENT. Parang biglang tumigil ang mundo niya. Dahan-dahan siyang napatingin kay Edison. “A-anong ibig sabihin nito…?” “Magpapakasal tayo.” Diretso. Malamig. Parang normal lang ang lahat. Nanlaki ang mata ni Arah. “Ano?!” “Civil marriage first,” kalmadong sabi nito. “Then we’ll announce it publicly.” Hindi agad siya nakapagsalita. Pakiramdam niya, nawawalan siya ng hangin. “Bakit…?” nanginginig niyang tanong. “Bakit kailangan umabot dito?” “Because the situation is no longer simple.” Tahimik si Edison habang nakatingin sa kanya. “People already believe the child is mine. If we don’t make this legal, mas lalaki lang ang scandal.” “Pero kasal…?” halos pabulong niyang sabi. “Contract marriage,” malamig nitong paglilinaw. “Temporary.” Mas lalong sumikip ang dibdib niya. Temporary. Parang may kumurot sa puso niya. “Until Adrian comes back,” dagdag ni Edison. “Pag bumalik siya at gusto niyang akuin ang responsibilidad, we’ll end the marriage.” Napayuko si Arah. Parang unti-unting nadudurog ang natitira niyang lakas. Kasal. Sa kuya ng lalaking minahal niya. Sa lalaking halos hindi niya kilala. Sa lalaking walang emosyon habang pinag-uusapan ang buhay niya. “Bakit mo ginagawa ’to?” mahinang tanong niya. Tahimik si Edison. Pagkatapos ay malamig itong nagsalita. “Because I clean up problems.” Parang may kung anong masakit sa paraan ng pagsabi nito. Parang issue lang siya. Parang obligasyon. Hindi babae. Hindi tao. Problema. “Hindi ako obligasyon…” mahina niyang sabi. At sa unang pagkakataon— tila bahagyang nagbago ang tingin ni Edison. “Hindi ko sinabi ’yan.” “Pero iyon ang pinaparamdam mo.” Tahimik ulit. Mabigat. “At ano pong mangyayari kapag pumayag ako?” tanong niya. “Your child will carry my name.” Nanlamig siya. “You’ll be protected from public scandal.” Tumayo si Edison at dahan-dahang lumapit sa kanya. “Your family’s reputation will remain intact.” Huminto ito sa harap niya. “At walang maglalakas-loob na yurakan ka.” Napayuko si Arah habang mahigpit na hawak ang kontrata. Hindi niya alam kung ano ang mas masakit. Ang katotohanang iniwan siya ni Adrian— o ang realidad na kailangan niyang magpakasal sa lalaking hindi niya mahal para lang mailigtas ang pangalan nila. “Paano naman ikaw?” mahinang tanong niya. “Ano makukuha mo dito?” Tahimik si Edison. Pagkatapos ay diretso siyang tiningnan nito. “Control.” Isang salita. Pero sapat para kilabutan siya. “Kapag kasal tayo,” malamig nitong sabi, “makokontrol ko ang issue bago pa ito lumala.” Tahimik si Arah. Parang gusto niyang tumanggi. Tumakbo. Umiwas. Pero paano? Kapag tumanggi siya— ano mangyayari sa pamilya niya? Sa anak niya? Sa trabaho niya? Sa reputasyon nila? Unti-unting namuo ang luha sa mata niya. Napansin iyon ni Edison. Pero tulad ng dati— wala pa ring emosyon sa mukha nito. “Hindi kita pipilitin,” sabi nito. “Pero kailangan mong magdesisyon agad.” Dahan-dahang tumayo si Arah habang hawak ang kontrata. Parang ang bigat-bigat nito sa kamay niya. Hindi iyon simpleng papel. Kundi desisyong kayang baguhin ang buong buhay niya. Pagdating niya sa pinto— bigla siyang napahinto. “Kapag bumalik si Adrian…” mahina niyang tanong habang nakatalikod, “iiwan mo rin ba ako agad?” Tahimik ang buong opisina. At ilang segundong walang sumagot si Edison. Pagkatapos— mababa nitong sinabi— “That depends on him.” At doon tuluyang nanlamig ang puso ni Arah. Kasi ngayon lang niya tuluyang na-realize— sa kontratang ito… wala siyang kasiguraduhan. Kundi isang pansamantalang lugar lang sa buhay ng lalaking nasa likod niya.Paglipas ng dalawang linggo, bumalik si Edison sa Pilipinas. Ang kaniyang mukha ay bakas ang matinding pagod at pagkadismaya. Ang biyahe niya sa Canada ay naging isang malaking bangungot—wala siyang nakitang Arah, walang bakas ng kaniyang asawa sa anumang hotel o dokumento. Ang "Arah" na nakita ng tauhan niya sa airport ay isang estranghero na binayaran lamang para maglakad nang mabilis, at nang harapin niya ito sa Canada, wala itong alam sa nangyayari.Naloko siya. Nilinlang siya.Pagpasok pa lamang ni Edison sa mansyon, sinalubong siya ni Kate na nakasakay sa kaniyang wheelchair, mukhang nag-aalala. "Edison? Nakabalik ka na? Nasaan si Arah? Nahanap mo ba siya?"Hindi sumagot si Edison. Ang kaniyang mga mata ay madilim, parang isang bagyong nagbabadyang sumabog. Nilampasan niya si Kate nang hindi man lang ito tinitignan. Ang kaniyang puso ay mabigat, hindi dahil sa pagod, kundi dahil sa pangungulila na pilit niyang itinatago.Dumiretso siya sa kwarto ni Leo. Pagbukas niya ng pin
Habang payapang naninirahan si Arah sa tahimik na bahay sa Palawan, puspusan naman ang ginagawang paghahanap ni Edison sa siyudad. Hindi siya natutulog, hindi siya kumakain nang maayos. Ang kaniyang buong atensyon ay nakatuon lamang sa paghahanap kay Arah. Hindi niya alam na ang bawat hakbang niya ay bahagi na ng matalinong plano ni Julian para iligaw siya.Si Julian, na pamilyar sa bawat galaw ni Edison, ay nag-abang ng tamang pagkakataon. Alam niyang kapag nagpakita siya ng anumang hinala, agad siyang babantayan ni Edison. Kaya naman, gumamit siya ng isang "pain" o pain para akalain ni Edison na nasa airport si Arah.Isang babaeng may katulad na pangangatawan at suot ni Arah ang dinala ni Julian sa airport. Ang babae ay binigyan ng pekeng pasaporte na may pangalan ni Arah. Ginalaw ni Julian ang mga CCTV footage sa airport para magmukhang pumasok ang babae sa terminal ng mga flight pa-Canada.Bandang hapon, nakatanggap si Edison ng balita mula sa isa sa kaniyang pinagkakatiwalaa
Ang pagtakas mula sa mansyon ay hindi lamang simpleng pag-alis; ito ay isang desisyong na magbabago sa buhay ni Arah. Habang mabilis na binabaybay ng sasakyan ni Julian ang madilim at paliku-likong kalsada papalayo sa siyudad, ang isip ni Arah ay hindi mapakali. Nakatingin siya sa bintana, pinagmamasdan ang mga puno at poste ng kuryente na mabilis na lumilipas sa dilim. Ang bawat metrong nalalampasan nila ay nagpapagaan nang kaunti sa kaniyang dibdib, ngunit ang pangamba ay nananatiling nakadapo sa kaniyang puso."Saan tayo pupunta, Julian?" tanong ni Arah sa mahinang boses. Ang kaniyang mga kamay ay mahigpit na nakahawak sa kaniyang pitaka, na tila doon nakasalalay ang kaniyang kaligtasan.Sumulyap si Julian sa kaniya, bakas ang sinseridad at pag-aalala sa kaniyang mga mata. "May maliit na bahay ang pamilya ko sa probinsya, sa Palawan. Tahimik doon, malayo sa ingay at gulo ng mansyon. Hindi ka mahahanap ni Edison doon dahil hindi iyon nakalista sa anumang ari-arian ko. Kahit ang m
Si Edison, na kakagising lang mula sa isang napakaikling pahinga dahil kagagaling lang niya ospital, ay nakaramdam ng pagtataka.Karaniwan, bago pa man tumunog ang alarm niya, naririnig na niya ang mga yabag ni Arah sa pasilyo. Si Arah ang laging nauunang bumaba para asikasuhin ang pagkain ni Leo at siguraduhing maayos ang lahat bago magsimula ang araw. Ngunit hanggang sa oras na ito, nananatiling tahimik ang mansyon."Arah?" tawag ni Edison, ang boses ay rehistrado sa buong sala.Walang sumagot. Lumingon siya sa mga katulong na abala sa paglilinis. "Nasaan si Arah? Bakit hindi pa siya bumababa?"Nagkatinginan ang mga katulong, nag-aalangan. Si Manang elena ang sumagot. "Hindi ko po alam, Sir. Hindi pa po lumalabas si Ma'am Arah sa kanyang kwarto simula kagabi."Kumunot ang noo ni Edison. "Anong hindi pa lumalabas? Sige, ako na ang titingin."Mabilis na umakyat si Edison sa ikalawang palapag. Hindi niya inaasahan na magiging ganoon kabilis ang pintig ng kaniyang puso habang papa
Ang gabi sa loob ng mansyon ay tila walang katapusan. Sa loob ng kaniyang silid, hindi makatulog si Arah. Ang bawat pag-ikot ng orasan ay tila nagpapaalala sa kaniya na paubos na ang kaniyang panahon. Alam niyang kapag nakabalik na si Kate mula sa ospital, mas lalong magiging impyerno ang buhay niya."Kailangan ko nang umalis," bulong niya sa dilim.Ang plano niya ay masakit sa kanyang kalooban: iiwan niya si Leo. Alam niyang kay Edison ang tanging ligtas na kanlungan ni Leo sa ngayon. Hindi niya pwedeng isama ang bata sa kaniyang pagtakas dahil hindi niya alam kung ano ang naghihintay sa kaniya sa labas. Delikado para sa kalusugan ni Leo ang sumama sa kanya at hindi niya mapapatawad ang sarili kung madamay ang bata sa kaniyang kapahamakan.Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto ng kaniyang kwarto. Dahil gabi na, sigurado siyang tulog na ang mga guwardiya sa labas, o kaya naman ay nakabantay sa malayo. Gamit ang kaalaman niya sa bawat sulok ng mansyon, lumusot siya sa madidilim na
Ang hallway ng ospital ay napakatahimik, tanging ang tunog lamang ng mga yabag ni Edison ang umalingawngaw. Papunta siya sa kwarto ni Kate ng makasalubong ang doktor na tumigin kay Kate na nakakagaling pa lang sa kwarto ni Kate. Ang mukha ng doktor ay bakas ang matinding pag-aalala. Ngunit nang magsalita ang doktor, tila gumuho ang mundo ni Edison."I’m sorry, Mr. Edison. Hindi namin naisalba ang sanggol. Masyadong malakas ang impact ng pagkahulog ni Kate, at dahil sa komplikasyon, tuluyan na siyang nakunan," malumanay ngunit diretsahang pahayag ng doktor.Napatungo si Edison. Ang kaniyang mga kamay ay nanginginig sa matinding pagsisisi. "Dapat... dapat hindi ko na lang siya pinatira sa mansyon. Sana hindi ko na lang siya inuwi roon. Hindi sana ito nangyari kung naging mas maingat ako."Sa kaniyang isipan, pilit niyang binubuo ang mga piraso ng pangyayari. Bilang matagal na kababata ni Kate, pakiramdam niya ay responsibilidad niya ito. Iniwan si Kate ng boyfriend nito at nalubog
Nang lumabas si Joan mula sa opisina ni Edison, sinalubong siya ng tahimik at tila nagmamatyag na mga mata ng sekretarya. Ngumiti lang si Joan nang matamis—isang ngiting nagpapakita kung sino ang may kontrol, kung sino ang totoong nakakaalam ng takbo ng laro.Naglakad siya pabalik sa corridor hab
Tahimik ang loob ng sasakyan habang mabilis itong umaandar palabas ng Axion Prime Holdings.Sa labas ng tinted window, abala pa rin ang siyudad—busina, traffic, at mga taong nagmamadaling umuwi o pumasok. Normal na eksena ng Maynila.Pero sa loob ng sasakyan, ibang mundo ang naroon.Tahimik.Mabiga
Chapter 15Mabagal ang pagmulat ng mata ni Arah.Sandaling naguluhan siya kung nasaan siya, hanggang sa maramdaman niya ang lambot ng kama at ang malamig na hangin mula sa aircon ng private room sa offce. Tahimik ang paligid, pero hindi nakakabingi—kundi nakakapanatag sa isang kakaibang paraan.Hin
Pagkabukas ng elevator, agad na bumungad ang malamig at tahimik na hallway ng executive floor.Tahimik.Pero ramdam pa rin ni Arah ang mga matang nakasunod sa kanila mula lobby hanggang dito.Hindi siya sanay.Hindi siya sanay sa tingin ng mga tao.Mas lalong hindi siya sanay na katabi si Edison ha







