Mamahalin mo Kaya?

Mamahalin mo Kaya?

last update最終更新日 : 2026-07-12
作家:  JoRivers 連載中
言語: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
1 評価. 1 レビュー
88チャプター
2.0Kビュー
読む
本棚に追加

共有:  

報告
あらすじ
カタログ
コードをスキャンしてアプリで読む

概要

Secret Love

Badgirl

Drama

Contemporary

Hidden Identity

First Love

Third-Person POV

Dominant

Love-Triangle

Hindi sukat akalain ni Marisse na dahil sa isang pangyayari ay magbabago ang pananaw niya sa buhay . Kung kaylan pinili niya ang magpakatino ay saka naman niya malalaman na puro lang pagkukunwari ang pinakita at pinaramdam ng taong nagkakaroon na ng puwang sa kaniyang puso. Makakaya ba niya ang magpakabait para lang mahalin nito o babalik ang dating siya na inaayawan ng lahat?

もっと見る

第1話

Chapter 1

"Ano ang ginawa mo kay Dilan ?" naiinis na sigaw sumbat ni Marisse kay Ella anak ng katulong nila na naninilbihan na rin ngayon sa kanila ng maabutan ito sa may pinto papasok .Nang maisip na galing itong university na pareho nilang pinapasukan at gabi na nakauwi ay lihim siyang natuwa.Tama talaga ang ginawa niyang hindi ito isinabay pauwi.

Dahil may sarili na siyang sasakyan na regalo ng kaniyang parents a few months ago for her 19th birthday. Dahil doon hindi na niya kailangan magtiis na kasabay sa pagpasok at pag-uwi ang katulong .Na ewan ba niya kung bakit ganoon ka-espesyal ang turing dito ng mga magulang ,tuloy lalo siyang naiimbyerna rito.

"Anong ibig mong sabihin Senyorita?" napangisi siya sa narinig na pagtawag nito sa kaniya ,ganiyan nga matuto kang gumalang sa kaniya dahil katulong ka lang ani niya sa isip.

"Nagmagandang-loob nang inihatid ka ng tao pagkatapos magagawa mo pang pagisipan siya ng masama?Napakayabang mo naman ng katulong ka."nanggigil niyang patuloy .

"Pero yun naman ang totoo Senyorita pinagtangkaan akong gawan ng masama ng kaibigan mo."

"Wow ang taas din naman ng tingin mo sa sarili mo."at tinitigan niya ito mula ulo hanggang paa .

"Kung ayaw mong maniwala bahala ka!"at tinalikuran na lang siya pagkatapos.

"Hindi pa tayo tapos mag-usap!"talagang may pagkabastos ang katulong na ito na tinitigan lang siya ng marinig ang kaniyang mga sinabi akmang maglalakad pa palayo. Dahil doon ay nainis siya at hinila ang buhok nito ",huwag mo kong tatalikuran pag kinakausap pa kita."

"Ano ba Marisse,bitawan mo ang buhok ko." at tinitigan siya nito na tila ba may pagbabanta.

"Hindi porke pinapaboran ka nila Mom ay puwede mona kong sagut-sagotin,tandaan mo katulong ka rito ,mga magulang ko ang dahilan kung bakit nakakapag-aral ka!"

"Ikaw na ang may sabi Senyorita Marisse ,sa mga magulang mo."dahil doon ay lalong kumukulo ang dugong kinaladkad niya ito papunta sa may pool kung saan nagkakasayahan sila kanina ng mga kaibigan .

Sa halo-halong emosyon lalo na ang galit na nadarama sa naging sagot nito ay hindi nag-iisip na naitulak niya na lang ito sa may pool.

Noong una nakikitawa pa siya sa mga kantyaw dito ng mga kaibigan. Para kasi itong batang inenjoy ang tubig dahil naroon itong nagpapalubog lutang lang .Pero ng makita niyang tila hindi ito nagkukunwari na mukhang hindi na ito makahinga at malulunod na ay may kabang sumilip sa kaniyang loob .

Handa na sana siyang lumusong para sagipin ito ng may nauna sa kaniya .Isang lalaki.Si Jeff anak ng isang business partner ng kaniyang Daddy at nais silang i-arrange marriage.

Inangat ni Jeff si Ella na wala ng malay at nilapatan ng CPR.Habang nakikita niya ito na wala pang malay ay hindi nawawala ang kaba sa kaniyang dibdib.

Sa ilang ulit nitong pagbuga ng hangin sa bibig ni Ella at pag-pump sa dibdib nito ay nakita niyang napaubo ito at nagkamalay rin pagkatapos.

Hindi niya namalayan may ngiting sumilay sa kaniyang mga labi ng marinig itong nagsalita.

もっと見る
次へ
ダウンロード

最新チャプター

続きを読む

読者の皆様へ

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


レビュー

JoRivers
JoRivers
Hello po Chapter 76 is updated..Thank you po sa mga nagbabasa ng story na to..You can add your comment here.
2025-08-01 16:28:48
0
0
88 チャプター
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status