เข้าสู่ระบบ“Yan na nga ba ang sinasabi ko! You are not listening to us! Masyadong matigas ang ulo mo! Lahat na lang ng gusto mo, gusto mong gawin! Ni hindi mo na kami inisip! We just want the best for you, then suddenly you run away just because of that guy?! Ano bang nakita mo sa lalaking ’yun?! Ni wala nga siyang trabaho at ikaw pa ang pinagtatrabaho!”
Galit na galit na turan ng kanyang ina habang paulit-ulit itong naglalakad pabalik-balik sa malawak na sala.
Halos hindi na ito mapirmi sa kinatatayuan, tila ba ang bawat hakbang ay may kasamang sama ng loob na ilang taon ding kinimkim. Nanginginig ang mga kamay nito habang nakapamaywang, at ang boses ay halos pumiyok sa pagitan ng galit at pag-aalala.
Si Natalia naman ay tahimik lang na umiiyak habang nakaupo sa sofa. Hindi na rin siya nagulat nang marinig mula sa ina niya na alam nitong walang trabaho si Darius at siya lang ang nagtatrabaho sa kanilang dalawa.
Hindi na niya maitaas ang ulo niya. Pakiramdam niya ay mas mabigat pa sa katawan niya ang bawat salitang ibinabato ng ina. Nakapulupot ang mga daliri niya sa laylayan ng damit niya, pilit pinipigilan ang sarili na tuluyang bumigay.
Ang ama niya ang nasa tabi niya at marahang hinahaplos ang likod niya, paulit-ulit—parang batang kailangang patahanin. Ang ama niyang si Rafael… isang lalaking kilala sa pagiging istrikto at halos walang kinatatakutan sa mundo ng negosyo… ngayon ay tila isang simpleng ama lamang na nag-aalala sa anak.
“Isabella, your daughter is not okay. Can’t you see that? Maupo ka na lang at maging masaya tayo na bumalik na ang anak natin dito at iniwan na ang lalaking ’yun,” malumanay na sambit ni Rafael sa asawang hindi pa rin mapakali.
Bagamat isang kilalang malupit sa trabaho, pagdating sa pamilya ay masyado itong malambot. Sa kanilang dalawa bilang magulang ni Natalia, ang ama ang palaging pumapayag sa lahat ng gusto ng anak.
Siya ang unang kakampi, unang nagtatanggol, at unang handang magbigay ng pangalawang pagkakataon.
“Yan! Yan ang problema sa’yo!” mabilis na sagot ni Isabella, agad na itinuro si Rafael. “Kung hindi mo sana hinayaan ang anak mo na magdesisyon, hindi sana hahantong sa ganito! Ilang taon ang nasayang sa buhay niya? Dalawang taon? That was too fvcking long to waste her time with that guy!”
Halos hindi na nito makontrol ang emosyon. Para bang sa bawat salitang binibitawan niya ay may kasamang takot…takot na muling masaktan ang anak, takot na maulit ang pagkakamali.
Sumasakit na ang batok nito kaya napahawak siya roon sandali, pero hindi pa rin tuluyang kumalma.
“Isabella—” babala ni Rafael, bahagyang tumataas ang boses.
“You shut up, Rafael! You’re the one who should be blamed here—”
“I’ll accept the arranged marriage that Lolo arranged when he was still alive. Are you happy now?”
Biglang pumutol ang boses ni Natalia sa gitna ng kanilang pagtatalo.
Hindi na niya iyon napigilan. Habang humihikbi, halos pabulong ngunit malinaw ang bawat salita, sinabi niya iyon na parang hinugot mula sa pinakamasakit na bahagi ng puso niya.
Natigilan ang ina niya. Parang biglang nawala ang lahat ng galit sa mukha nito at napalitan ng gulat. Samantalang ang ama niya ay nanlalaki ang matang tumingin sa anak, hindi makapaniwala sa narinig.
“Natalia Sofia, you don’t need to rush things. Kasunduan ’yun ng Papa at ni Don Alfonso noon. You have the right to say no,” mahinahon at nag-aalalang sambit ni Rafael. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ng anak at pinilit itong tingnan sa mata, naghahanap ng alinlangan, kahit katiting na pag-aatubili.
Samantala, natahimik si Isabella at tila napako sa kinatatayuan.
Oo, galit siya. Pero parte iyon ng pagiging ina niya dahil sa ginawa nitong pagtalikod sa pamilya para sa isang lalaki. She felt betrayed. Nasaktan siya hindi lang bilang ina, kundi bilang taong piniling iwanan ng sariling anak para sa isang lalaking hindi naman pala kayang panindigan si Natalie.
But then… she was genuinely shocked to hear that. Hindi niya inasahan na ganoon kadali para sa anak niya na tanggapin ang isang desisyong matagal na nilang ipinipilit noon.
“Bumalik ako rito at alam kong sa pagbabalik ko, I need to face what I’m bound to do. I’ll marry the grandson of Don Alfonso,” humihikbing sambit ni Natalia saka bahagyang yumuko. Para bang sa bawat salitang binibigkas niya ay may unti-unting nawawala sa kanya.
“I-I’m sorry, Mom. Naiintindihan ko kung bakit ka galit. But I also want to thank you… that I am still welcome here after what I did,” she said without even looking at them. Hindi niya kayang salubungin ang mga mata ng mga magulang niya. Pakiramdam niya ay wala siyang karapatang humingi pa ng higit.
“You are my only daughter. Of course, you are welcome here,” mabilis na tugon ng ama. Tipid na ngumiti si Natalia, ngunit nanatili pa rin ang bigat sa kanyang dibdib.
“Galit ako, pero hindi mo kailangang magdesisyon agad—” mas mahina na ngayon ang boses ni Isabella. Hindi na ito puno ng galit, kundi ng pagkalito at pag-aalala, pero muli nang nagsalita ang ina niya.
“My decision is final. I’ll marry that Valderrama,” she said, forcing herself to stand up kahit nanginginig ang mga tuhod niya.
Pinilit niyang ngumiti sa kanila, ngunit hindi iyon umabot sa mga mata niya. It was a broken smile, one that hid exhaustion, heartbreak, and quiet surrender.
“I’ll go to my room na, Mom, Dad. I’m tired,” she said softly.
Nagkatinginan ang mag-asawa. Pareho silang napabuntong-hininga, parang pinipigilan ang sarili na magsalita pa dahil alam nilang anumang sabihin nila ngayon ay maaaring hindi na magbago ang desisyon ng anak nila.
Hindi na hinintay ni Natalia ang kung ano pang sasabihin nila at agad nang umalis doon upang pumunta sa kanyang kwarto.
Nilibot niya ang tingin sa buong lugar at saka kinagat ang labi niya dahil hindi siya makapaniwala na bumalik na siya, na magbabalik pa siya dahil ang buong akala niya ay magpapakasal na siya, na maikakasal na siya kay Darius.
Naalala nanaman niya ang nasa letrato at sa mga katagang tinuran ni Darius sa kanya, mahal niya ito, pero masyado na siyang napuno. Palagi na lang siyang ganoon at para na siyang nauntog sa katotohanan na hindi naman siya mahalaga kay Darius.
Wakas“Emilio Alejandro Valderrama Jr.!”Malakas ang sigaw ni Natalia na halos umalingawngaw sa buong mansion. Pati ang babaeng umiiyak sa harap niya nila ay halos mapatalon sa gulat, pero sunod ay muli naman din nagpatuloy sa pag-iyak.Napapikit si Natalia habang mariing hinihimas ang sentido, pakiramdam niya'y anumang oras ay aatakihin na siya sa sobrang stress na dulot ng anak nilang lalaki.“Relax—”“How can I relax when your son keeps making this kind of trouble?!” halos mapasigaw na muli si Natalia habang nakaturo kay Emilio. “Susko! Kaka-twenty-one pa lang ng anak mo, pero ilang babae na ang pumupunta rito sa bahay para sabihing buntis sila! Hindi ko pinalaking ganyan ang anak mong 'yan, Emilio! Ikaw kasi! Masiyado mo siyang ini-spoil!”Sa halip na mataranta, napatawa lamang si Emilio. Mahina sa umpisa, ngunit tuluyang lumakas ang tawa niya dahilan upang mas lalong kumunot ang noo ni Natalia.“At natatawa ka pa talaga?” iritang tanong niya habang nakapamewang. Napailing si Emil
Chapter 186Muntik nang mabitawan ni Emilio ang hawak niyang sandok sa sobrang gulat nang bigla na lang niyang makita ang anak niya na nakatayo sa tabi niya at tahimik na nakatitig sa kanya.Halos tumalon ang puso niya dahil hindi man lang niya narinig ang pagpasok nito sa kusina at pagbaba nito sa hagdan."Uh?" All Emilio could say at napakamot pa sa ulo dahil sa hindi niya alam kung ano ang sasabihin.Nakahalukipkip pa kasi ang anak niya habang seryosong-seryoso ang mukha, bahagyang nakakunot ang noo at tila ba matagal na siyang pinagmamasdan. Napalunok si Emilio bago marahang ibinaba ang sandok sa kawali.Tulog pa si Natalia kaya naisipan niyang bumangon nang maaga para magluto.Gusto niyang paggising ng mag-ina niya ay may nakahanda nang mainit na almusal sa mesa, kahit simpleng pagkain lang. sa ngayon.Ni hindi niya mapigilang mapangiti habang nagluluto dahil pakiramdam niya ay napakagaan ng umaga niya. Hindi pa rin siya makapaniwalang kasama na niyang muli ang asawa niya at ngayo
Chapter 185Their suite had already been upgraded.Hindi alam ni Natalia kung paano nangyari iyon, pero hindi na niya kailangang magtanong pa. Alam niyang si Emilio ang may kagagawan noon. Knowing him, isang utos lang ay sapat na para maasikaso agad ang lahat.Nang makarating sila sa Presidential Suite, hindi niya napigilang mapalinga sa paligid.It was spacious.Mas mukha pa itong isang mamahaling bahay kaysa isang hotel room. Malawak ang living area na may eleganteng couch at glass center table. Ang mataas na kisame at floor-to-ceiling windows ay nagbibigay ng mas marangyang pakiramdam sa buong lugar. May mini dining area, maliit na kitchen, at dalawang magkahiwalay na kuwarto.Tahimik ang buong suite.Pagod na rin ang lahat matapos ang mahabang araw.Nang mahiga si Drake Jr. sa kama, hindi na ito kinailangang pilitin pang matulog. Ilang minuto lang ang lumipas ay mahimbing na ang tulog nito dahil na rin sa pagod din sa lahat ng nangyare.Napangiti si Natalia habang marahan niyang i
Chapter 184Everything was happening too fast, but Natalia couldn't stop smiling because of the happiness filling her heart. However, she also couldn't ignore the exhaustion slowly catching up to her. Wala pa siyang naging maayos na pahinga simula nang bumalik siya sa Manila, at ngayon pa lang niya unti-unting nararamdaman ang pagod na kanina pa niya binabalewala.Nang umalis siya sa room ni Emilio, agad niyang pinuntahan ang mga magulang niya.They all looked completely shocked the moment they saw her.Sino ba naman ang hindi magugulat? Lahat sila ay inakalang patay na siya, pero maliban sa pinsan niya na agad na umiyak at niyakap siya nang makita siya nito.Halos wala nang nakapagsalita sa sobrang gulat. Maya-maya pa ay sabay-sabay silang napaiyak. Mahigpit siyang niyakap ng mga magulang niya habang paulit-ulit na humihingi ng tawad.They kept saying sorry because they had tried to marry Emilio to someone else... because they truly believed that she was already dead.But for Natalia.
Chapter 183Halos buong biyahe ay walang imik si Emilio.Tahimik lamang siyang nakaupo sa loob ng sasakyan habang nakatingin sa labas ng bintana.Sunod-sunod na dumaraan ang mga gusali, mga sasakyan, at mga taong abala sa kani-kanilang buhay, ngunit ni isa ay wala siyang tunay na nakikita.Masyadong magulo ang isip niya.Masyadong mabigat ang dibdib niya.At habang papalapit nang papalapit ang sasakyan sa venue ay mas lalo lamang siyang nakararamdam ng pagod.Hindi pisikal na pagod.Napapikit siya sandali.At gaya ng nakagawian niya sa nakalipas na mga taon...Muli na namang sumagi sa isip niya ang mukha ni Natalia. Mabilis niya iyong itinulak palayo.Ngunit gaya ng dati… Bumabalik pa rin. Palagi itong bumabalik. Parang hindi na yata niya kayang mabuhay nang hindi ito naaalala. Ilang segundo pa ay huminto na ang sasakyan.Naputol ang iniisip niya. At bago pa man siya makapag-react ay bumukas na ang pinto sa kabilang bahagi."What the?"Napakurap siya nang marinig ang boses ni David. Pa
Chapter 181 (Part 2)Tahimik na nagsara ang pinto sa likuran ni Natalia.Ngunit hindi niya agad magawang umalis.Nanatili siya roon nang ilang segundo habang nakahawak pa rin sa doorknob.Nakapikit.Pinipigilan ang sarili na muling bumalik sa loob.Napakabigat ng bawat hakbang na inilalayo siya mula kay Emilio.Pakiramdam niya ay muli na naman niyang iniiwan ang asawa niya.Ngunit alam niyang iba na ngayon.Hindi tulad noon. Hindi tulad ng mga taong nawala siya sa buhay nito nang walang paliwanag. Sa pagkakataong ito ay babalik siya. At babalik siya para manatili.Huminga siya nang malalim bago tuluyang tumalikod at naglakad palayo.Habang papalayo siya sa silid ay hindi niya napansin ang mahinang paggalaw ni Emilio sa loob.Parang may naramdaman itong pagkawala.Parang may hinahanap ang puso nito kahit tulog pa ang katawan nito.Ngunit muli rin itong natahimik at nakatulog.At ilang oras pa ang lumipas bago tuluyan itong nagising.Mabigat ang pakiramdam ni Emilio nang magmulat siya ng
Lalo na tuwing gabi na sinusubukan niya itong halikan, pero umaatras ito, na para bang kahit na limang taon na silang magkasama ay hindi pa rin sapat. Natawa nang mahina si Natalia at napailing sa lambing na ipinapakita ng Drake, ramdam ang init ng yakap nito, pero kahit na ganoon ay hindi pa rin
Chapter 146: Ang Pagkakatulad “Siya yung bumili ng lahat ng paninda niyo?” Tanong ni Drake habang isinusuot na ang tshirt niya. Kakaligo lang nito at amoy na amoy ang bango ng sabon na humahalo sa malamig na hangin ng gabi. Malapit na ring mag-alas otso, at ibig sabihin ay kailangan na nilang
Bahagyang bumaba ang boses niya at sinubukang gawing mas mahinahon ang paraan ng pagsasalita para magmukhang totoo ang hiling niya. Alam niyang kakaiba ang hinihingi niya, kaya kailangan niyang magmukhang desperado para paniwalaan siya.Bahagyang nagulat si Natalia sa narinig. Hindi niya inaasahan
Sa sandaling iyon ay napakurap si Natalia at hindi agad nakapagsalita, dahil parang may kung anong bumigat sa dibdib niya nang marinig ang salitang iyon.Napalingon siya sa loob kung nasaan si Emilio bago sumama ang timpla ng mukha niya at halos hindi niya yun maitago.Nandoon sa loob ang lalaking a







