Mag-log inTatlong taon kong binuhat ang sumpa ng pagiging baog, ang lamig ng kama, at ang unti-unting paglayo ng asawang si Nathaniel. At sa araw na binigyan ako ng Diyos ng himala—isang dalawang pulang guhit—doon din gumuho ang aking mundo. Nahuli ko siya sa piling ng iba. Sa isang iglap, dahil sa selos at karahasan ng kanyang kalaguyo, dumanak ang dugo sa semento. Nalaglag ang aking anak. Ang masakit, sa harap ng aking pagluluksa, mas pinili ni Nathaniel na kampihan at protektahan ang babaeng pumatay sa aming supling kaysa sa akin. Tumakas ako. Lumipad patongong ibang bansa dala ang sirang kaluluwa, walang kamalay-malay na may kambal palang natira sa aking sinapupunan. Pitong taon ko silang itinago. Pitong taon kong pinalaki ang galit upang bumalik at durugin ang kumpanya ni Nathaniel. Gusto ko siyang makitang gumapang sa putik. Ngunit kung kailan dapa na siya at handa ko nang isaksak ang huling higanti, doon ko natuklasan ang pinakamalupit na biro ng tadhana: ang tatlong taong kataksilan niya ay ang tanging paraan upang iligtas ang aking pamilya mula sa mga halimaw. Hinayaan niyang kamuhian ko siya, hinayaan niyang mamatay ang sarili sa pangungulila sa isang pekeng puntod na iniyakan niya gabi-gabi, bastat manatili lang akong ligtas. Paano ko bubuhayin ang lalaking pinatay ko sa sarili kong mga kamay, ngayong alam ko nang ako ang dahilan ng lahat ng kanyang sugat?
view morePOV: Khendra
Ilang taon na ang nakalipas simula nung malaman kong may PCOS ako. Dahil doon, nasanay na akong hindi regular ang dalaw ko. Minsan buwan ang binibilang bago ako muling duguin. Kaya nung mapansin kong tatlong buwan na akong walang dalaw, hindi ako natakot. Sanay na ako.
Ngunit sa pagkakataong ito, may iba sa katawan ko.
Lagi akong pagod. Konting bagay lang, naiiyak na ako o kaya ay nagagalit. Akala ko dahil lang sa stress. Hindi na rin naman kasi maganda ang turingan namin ng asawa kong si Nathaniel nitong mga nakaraang buwan.
Palagi siyang abala sa trabaho, habang ako naman ay laging naiiwan mag-isa sa bahay. Unti-unti kaming nagkakalayo. Hindi namin pinag-uusapan, pero nararamdaman ko ang lamig sa pagitan naming dalawa.
Isang umaga, dahil hindi na ako mapakali sa kaba, bumili ako ng pregnancy test.
Pagdating sa bahay, diretso ako sa banyo.
Nanginginig ang mga kamay ko habang hinihintay ang resulta. Ilang segundo lang naman 'yon, pero pakiramdam ko, huminto ang mundo.
At pagkatapos...
Dalawang pulang guhit.
Malinaw. Walang kaduda-duda.
Napatakip ako sa bibig ko habang nag-uunahang pumatak ang mga luha ko.
"Buntis ako..." bulong ko sa sarili ko.
Hindi ako makapaniwala. Tatlong taon kaming naghintay ni Nathaniel. Ang daming gabi na umiyak ako sa unan dahil sa takot na baka hindi ko siya mabigyan ng pamilya. Dumating pa sa punto na kinwestyon ko ang sarili ko kung babae pa ba ako dahil hindi ko magawa ang pinaka-simpleng tungkulin ng isang asawa.
Pero ngayon, hawak ko na ang sagot. Binigyan ako ng Diyos ng himala.
Napangiti ako habang hinahaplos ang tiyan ko. May buhay na sa loob ko. At ang unang taong gusto kong pagsabihan ay ang tatay ng sanggol na ito—si Nathaniel.
Agad akong nag-ayos. Gusto ko siyang surpresahin. Alam kong malamig ang pagsasama namin ngayon. Para kaming nasa isang tahimik na gabi kung saan walang nag-aaway, pero walang nag-uusap. Umaasa ako na ang balitang ito ang magbabalik sa amin sa dati.
Pumunta ako sa kusina at nagluto ng paborito niyang kare-kare. Maingat kong inihanda ang bawat sangkap, pati ang bagoong na gustong-gusto niya. Habang nagluluto, hindi ko mapigilang mangarap.
Iniisip ko ang mukha niya kapag nalaman niya. Baka yakapin niya ako nang mahigpit. Baka umiyak din siya sa tuwa. Baka sa wakas, sumaya uli kami.
Inilagay ko ang pagkain sa lalagyan at mabilis na lumabas ng bahay. Habang nagmamaneho, mahigpit ang hawak ko sa manibela. Kinakabahan ako na natutuwa. Halo-halo ang emosyon sa dibdib ko.
Pagdating ko sa opisina ni Nathaniel, nagulat ang receptionist nang makita ako.
"Madam!" gulat niyang bati sabay tayo.
Ngumiti ako. "Nasa itaas ba si Nathaniel?"
"Opo, Madam. Nasa opisina niya."
"Salamat."
"Matagal na po kayong hindi nakakapunta rito," dagdag niya.
Natawa ako nang bahagya. "Kaya nga. Gusto ko nga sanang bumalik sa trabaho, kaso ayaw ng boss ninyo."
Sumakay ako sa elevator. May ilang empleyadong kasabay ko. Mga bagong mukha, kaya hindi nila ako kilala. Hindi nila alam na ako ang asawa ng may-ari ng kumpanyang pinagtatrabahuhan nila.
Abala sila sa pagkuwentuhan, at hindi ko sinasadyang marinig ang usapan nila.
"Bagay talaga sila," sabi ng isang babae.
"Sino?"
"Si Sir Nathaniel at si Ma'am Allheyn."
Napatigil ako. Biglang sumikip ang dibdib ko sa kaba.
"Oo nga," sagot nung isa. "Balita ko nga, kapag natuloy ang divorce ni Sir, pakakasalan na niya si Ma'am."
Para akong nawalan ng hangin. Divorce? Pakakasalan? Ano ang ibig nilang sabihin?
Ngunit mas nadurog ako sa sumunod na salitang binitawan nila.
"Baog daw kasi 'yung asawa ngayon, eh. Kaya naghahanap na si Sir ng babaeng makakapagbigay sa kanya ng anak."
Para akong binuhusan ng yelo. Ako 'yun. Ako ang asawang tinutukoy nila. Ako ang babaeng pinagbubulungan nilang baog.
Hindi ako nakapagsalita. Tahimik lang akong nakatayo habang unti-unting nadudurog ang puso ko sa loob ng dibdib ko.
Nang bumukas ang elevator, sabay-sabay kaming lumabas. Doon lang nila natitigan ang mukha ko. Bigla silang namutla. Agad silang yumuko at mabilis na naglakad palayo.
Hindi ko na sila hinabol. Diretso ang lakad ko patungo sa opisina ng asawa ko.
Pagpasok ko sa palapag nila, napatingin sa akin ang mga tao. May lungkot at hiya sa mga mata nila. Parang may alam silang lahat na ako lang ang hindi nakakaalam.
Lumapit sa akin si Geneva. "Madam!"
Pilit akong ngumiti kahit parang may nakadagan na sa dibdib ko. "Dadalawin ko sana ang asawa ko."
Nag-alangan siya. "Nasa loob po si Sir."
"May kasama ba siya?"
"Opo... 'yung secretary po niya."
Napakunot ang noo ko. "Hindi ba ikaw ang secretary niya?"
"Na-promote na po ako, Madam. May bago na po siyang secretary."
Tumango na lang ako, pero mas lalong lumalim ang sugat sa puso ko. Habang papalapit ako sa pintuan ng opisina niya, naririnig ko ang bulungan ng mga empleyado sa paligid ko. Naaawa sila sa akin.
At pagdating ko sa harap ng pinto, narinig ko ang mahinang tawanan sa loob. Boses ng babae. At boses ng asawa ko. Masaya sila. Masayang-masaya.
Hindi na ako kumatok. Itinulak ko ang pinto.
At doon, gumuho ang buong mundo ko.
May magandang babaeng nakaupo sa ibabaw ng mesa. Si Nathaniel naman, nakatayo sa harap nito, sobrang lapit na konti na lang ay magdidikit na ang mga mukha nila. Mukha silang magkasintahan na walang pakialam sa paligid.
Gulat na gulat silang napatingin sa akin. Mabilis na lumayo si Nathaniel.
"Khendra! Anong ginagawa mo rito?"
Tinitigan ko siya sa mata. "Ako? Ako ang dapat magtanong niyan, Nathaniel. Ano 'to?"
"May pinag-uusapan lang kaming business proposal," depensa niya.
Natawa ako. Isang mapait at masakit na tawa. "Business proposal? Kailangan ba magkalapit ang mga mukha niyo para diyan?"
Hindi nakasagot si Nathaniel. Pero ang babae, dahan-dahang bumaba sa mesa at lumapit sa akin nang may ngiti sa labi. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.
"Ikaw pala si Khendra," sabi niya sa tonong nang-iinsulto. "Akala ko naman kung sino. Ang ordinaryo mo lang pala."
"Allheyn, tama na!" saway ni Nathaniel.
"Bakit? Nagsasabi lang naman ako ng totoo," sagot ng babae sabay baling uli sa akin. "Hindi ka na nga kagandahan, hindi mo pa siya magawang bigyan ng anak. Ano pang silbi ng isang baog na asawa?"
Nanghina ang mga tuhod ko. Doon ko narealize... ang pinakamalalim kong sugat at sikreto, ikinuwento ng asawa ko sa ibang babae. Pinagtawanan nila ako.
"Khendra, umuwi ka na muna," mahinang sabi ni Nathaniel. "Sa bahay na lang tayo mag-usap."
"Hindi! Dito tayo mag-usap!" sigaw ko, kasabay ng pag-agos ng mga luha ko. "Sino siya? Bakit alam niya ang lahat tungkol sa atin?!"
Natawa si Allheyn. "Khendra, alam ng buong kumpanya na baog ka. Huwag ka nang magmalinis. Isa pa..." Humawak siya sa braso ni Nathaniel. "Kapag nabigyan ko siya ng anak, sa akin na siya."
"Allheyn!" marahas na inalis ni Nathaniel ang kamay ng babae. "Khendra, pakiusap, sa bahay na lang..."
Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya. Buong lakas kong ibinato sa kanila ang dalang pagkain. Bumagsak 'yon sa sahig, natapon ang kare-kare na pinaghirapan kong lutuin para sa kanya—gaya ng pagkatapon ng pangarap ko para sa pamilyang binuo namin.
"Wala na tayong dapat pag-usapan! Magsama kayo ng kabit mo!"
Tumalikod ako at mabilis na tumakbo palabas. Habang umiiyak, mahigpit kong niyakap ang tiyan ko. Doon ko naalala ang dalawang guhit.
Buntis ako. May anak kami. Pero wala na akong asawa.
"Khendra!" rinig ko pang sigaw niya sa likod ko, pero hindi na ako lumingon.
Lumabas na ako ng coffee shop habang mabigat ang bawat hakbang ng aking mga paa. Parang may kadena ang aking mga binti sa tindi ng mga isiping gumugulo sa akin. Sumakay ako sa aking sasakyan, ngunit sa halip na bumalik sa opisina o umuwi, pinalipad ko ang sasakyan patungo sa isang maliit at tahimik na bar sa dulo ng lungsod. Kailangan ko ng alak. Kailangan kong palamigin ang utak ko na parang sasabog na sa galit at kalituhan.Pagdating ko sa bar, naupo ako sa isang madilim na sulok kung saan walang masyadong tao. Umorder ako ng isang basong matapang na alak. Buong gabi akong hindi mapakali. Paikot-ikot kong pinaiikot ang baso sa aking kamay, pabalik-balik ang tingin sa aking cellphone, habang hinihintay ang tawag ng aking pribadong imbestigador.Eksaktong madaling-araw, nang medyo nahihilo na ako sa alak ngunit gising na gising pa rin ang aking diwa, muling tumunog ang aking telepono. Agad ko itong sinagot."Sir Nathaniel," seryosong bungad ni Felix mula sa kabilang linya. Ang boses n
Hindi ko na hinabol ang dati kong asawa matapos niyang maglakad nang mabilis papalabas ng coffee shop. Naiwan akong nakatitig sa bakanteng upuan na huling inupuan ni Khendra. Ang lamig ng kanyang boses at ang talas ng kanyang mga salita ay patuloy na umuukit sa aking isipan. Parang may kung anong mabigat na bato ang dumagan sa aking dibdib.'Kung totoo ang lahat ng sinasabi ni Khendra, saan galing ang ipinakitang lumang pahayagan sa akin nina Tito Samuel?'Malinaw pa sa aking alaala noong unang beses kaming magkita ni Tito Samuel, ang ama ni Lovely. Iyon ang panahon kung kailan bago pa lamang nagiging opisyal na modelo ng Builders si Lovely. Mayabang at buong-giting na nagpakilala sa akin si Tito Samuel. Doon niya unang isinalaysay ang kwento tungkol sa kanila ng yumaong tatay ko. Ikinuwento niya ang bawat detalye tungkol sa aksidente sa dagat, kung paano muntik nang malunod si Dad, at kung paano niya ito buong-tapang na iniligtas mula sa tiyak na kamatayan. Upang patunayan ang lahat,
"Imposible..." mahinang bulong ni Nathaniel.Nakatitig pa rin siya sa aking cellphone habang unti-unting nanginginig ang kanyang mga daliri. Ang kanyang mukha na kanina ay punong-puno ng yabang habang ipinagtatanggol si Lovely ay biglang nawalan ng kulay. Naging blangko ang kanyang mga mata, tila ba hindi kayang tanggapin ng utak niya ang mga nakikita.Malinaw na malinaw sa video ang mga ginawa at sinabi ni Lovely. Ang kanyang mapang-aping mukha, ang marahas na pagtrato sa akin sa banyo, at lahat ng iyon ay nakaladkad sa harap ni Nathaniel.Hindi ko na siya kinausap. Mas pinili kong huwag sayangin ang laway ko sa isang taong tulad niya. Kalmado kong kinuha ang aking tinidor at sumubo ng masarap na cheese cake. Sa katunayan, dahil sa labis na kasiyahan sa aking mga natutuklasan, nakuha ko pang magtaas ng kamay upang umorder ng isa pa sa waiter.Napakasarap sa pakiramdam. Ang sarap sa pakiramdam na napagmumukha kong tanga sa sarili niyang mga paniniwala ang lalaking walang ibang ginawa
"Pangatlo, kung nasa page 4 ka na, makikita mo diyan ang mga regalong ibinigay namin sa kanya... kotse, condo, mamahaling bag, at mga libreng biyahe sa ibang bansa," sumandal ako sa aking upuan at pinagpalit ang aking mga binti sa pagkakakrus. "Ngayon, sabihin mo nga sa akin, Nathaniel... ako ba ang may problema rito? Dapat ko pa bang ibalik ang isang taong nagnanakaw na nga sa kumpanya ko, e, wala pang modo?"Tumingin siya sa akin. Sa kabila ng mga numerong nakalatag sa harap niya, nakita ko sa kanyang mga mata na nais pa rin niyang ipagtanggol ang babaeng iyon. Talagang bulag na bulag siya pagdating kay Lovely."Maaaring may mga mali sa business side, Khendra, pero hindi mo pa rin dapat ipinahiya si Lovely sa contract signing kanina," seryosong depensa ni Nathaniel, habang pilit na itinutulak pabalik sa akin ang mga papeles. "Sikat siyang modelo at sensitibo ang reputasyon niya. Paano na ang career niya pagkatapos ng ginawa mo? Sinira mo ang buhay niya sa harap ng media."Napakunot
Kailangan kong puntahan si Nathaniel. Kahit anong tigas ng aking puso at kahit anong galit ko sa kanya dahil sa mga sugat ng nakaraan, hindi ko pa rin matatanggihan ang katotohanan na sinalo niya ang saksak na para sa akin. Sisilipin ko lang siya nang mabilis. Gusto ko lang makitang ligtas siya par
Pagkarating na pagkarating ko sa bahay, tila ba nabawasan ng kaunti ang bigat sa aking dibdib nang bumukas ang pinto. Hindi ko pa man tuluyang nailalagay ang aking bag sa ibabaw ng maliit na lamesa sa may pinto, agad na akong sinalubong ng aking mga anak. Ang kanilang presensya ang nag-iisang natit
Bumuka ang ilong ni Lovely at nanlisik ang kanyang mga mata sa aking sinabi. Halos lumuwa ang kanyang mga ugat sa leeg sa tindi ng gulat at poot. "Walanghiya ka, Khendra! Sino ka para mag-alaga sa lalaki ko?!"Tiningnan ko siya nang nakakaloko, sabay kibit ng aking mga balikat. "Sabi nga ng doktor,
"Hindi ka makapasok sa loob, no?" mayabang at mapang-asar na sabi sa akin ni Lovely Aragon habang dahan-dahans siyang humahalukipkip sa aking harap. "Kawawa ka naman. Kahit anong iyak mo rito, hinding-hindi kita papayagang makita si Nathaniel.""Ako? Iiyak ako?" natatawa kong tanong sa kanya, haban
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Rebyu