LOGINSamantala, habang nasa silid si Scarlett. Hindi siya mapakali habang hinihintay si Joshua. Pakiramdam niya ay sobrang tagal nito. At mas lalong lumalala ang gutom niya. Bigla siyang nag-dial. Agad namang sumagot si Joshua."Ano na naman 'yon?""Nakabili ka na ba?""oo, nakabili na po ako.""Bumili ka rin ng mainit na siopao na may chicken filling!"Napakunot ang noo ni Joshua."Siopao?""Oo!""Saan ako bibili niyan?""Magtanong ka!"Napabuntong-hininga si Joshua. "Pwede naman kitang ipagluto pag-uwi.""Ayaw ko!""Bakit?""Gusto ko ng siopao!"Napailing siya. Hindi naman mahilig si Scarlett sa siopao dati. Ngayon, parang iyon lang ang gusto nitong kainin."Sige na nga.""Huwag kang matagal!""Oo na po."At bago ibaba ang tawag ay muling nagsalita si Scarlett. "Bilisan mo.""RWL."Natigilan si Scarlett."Ano?""RWL."Namilog ang kanyang mga mata."Ha? Relationship without label? Pinapatamaan mo ba tayo?" Biglang natawa si Joshua."Hindi naman po, ma'am scarlett""E ano?"Ilang segundo
"Manahimik ka nga!" inis na sigaw ni Joshua kay Romy na tawa nang tawa sa kabilang linya.Agad niyang pinatay ang tawag at napailing."Talagang baliw na 'yon," bulong niya habang natatawa. "Pero teka... anong damo nga ba ang gusto ni Scarlatte na tabasan ko? Maiksi pa naman lahat ng damo sa hardin."Napakamot siya sa ulo. Makalipas ang ilang segundo, bigla siyang natigilan."Sira na talaga ako! Ano ba'ng mga naiisip ko? Pati damo ng asawa ng iba, iniisip ko na!"Napailing muli si Joshua bago tuluyang sumakay sa kanyang motor. Ipagpapaliban muna niya ang pamimitas ng mangga. Pagkatapos bumili ng pinapabili ni Scarlett ay saka na lang siya babalik para mamitas ng mangga. Samantala, nasa kanyang silid naman si Scarlett. Habang hinihintay si Joshua, pumasok siya sa banyo upang maligo. Pagharap niya sa salamin, napansin niya agad ang ilang pagbabago sa kanyang katawan.Napakunot ang kanyang noo."Bakit parang iba?" bulong niya.Muli niyang sinuri ang sarili. May mga pagbabagong hindi ni
Pagkatapos ng nangyari, agad na tumayo si Joshua mula sa tabi ng kama ni Scarlett. Ayaw na niyang gambalain pa ang pahinga ng babae."Sige, magpahinga ka na. Aalis na ako," mahina niyang sabi bago tuluyang lumabas ng silid.Maya-maya'y narinig ni Scarlett ang pagsara ng pinto. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata. Hindi pala siya tuluyang nakatulog. Napalingon siya sa pintuan at napansing wala na nga si Joshua.Tahimik siyang umupo sa kama at isinandal ang likod sa headboard. Hindi namalayang bumaba ang kanyang tingin sa sariling tiyan.Sa tiyan na ilang sandali lang ang nakalipas ay marahang hinaplos at hinalikan ni Joshua.Napangiti siya. Hindi niya maintindihan kung bakit. Napakabihira namang gumawa ng ganoong bagay, si Joshua lang. Pero sa kung anong dahilan, hindi iyon nakapagbigay sa kanya ng inis.Sa halip...May kakaibang init siyang naramdaman sa dibdib.Napapikit siya. Napakasarap isipin na kahit pilit siyang iniiwasan ni Joshua, may mga sandaling hindi nito maitago ang
Makalipas ang halos labinlimang minute, nakarating na sina Joshua at Scarlett sa mansyon.Pagkaparada pa lamang ng sasakyan, agad na bumaba si Joshua at binuksan ang pinto para kay Scarlett. Kitang-kita sa mukha ng lalaki ang pag-aalala habang pinagmamasdan ang babaeng tila nawawalan ng sigla sa bawat minuto."Ayos ka lang ba?" mahinang tanong niya habang marahang hinahawakan ang kamay nito.Ngumiti nang pilit si Scarlett."Ayos lang ako. Medyo nahihilo lang. Gusto ko nang magpahinga."Pagkasabi niyon ay agad siyang naglakad papasok ng bahay. Tahimik lamang na sumunod si Joshua.Napansin niyang pa minsan-minsan napapahawak si Scarlett sa kanyang sentido. Para bang pilit nitong nilalabanan ang matinding pagod na nararamdaman. Kahit paakyat na ito sa hagdan, hindi pa rin siya lumalayo. Handa siyang saluhin ito anumang oras.Hindi napansin ni Scarlett na nasa likuran pa rin niya si Joshua. Akala niya ay bumalik na ito sa sariling silid. Ngunit biglang umikot ang kanyang paningin. Napaawa
“Hindi puwede ’yan!”Agad na tumutol si Joshua sa sinabi ni Scarlett.“Dapat mabuntis ka na sa lalong madaling panahon. Kung hindi mangyayari ’yon, hanggang kailan tayo magpapatuloy sa ganitong sitwasyon?”Nakasandal si Scarlett sa likurang upuan ng sasakyan. Mahina ang katawan niya at halatang pagod, pero matigas pa rin ang kanyang desisyon.“Kung ako ang masusunod, ayokong matapos ito,” mahina ngunit matatag niyang sagot. “Ayokong umalis ka, Joshua. Kapag nabuntis ako, siguradong aalis ka rin at babalik sa probinsya. Ayokong mangyari ’yon.”Napabuntong-hininga si Joshua. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o mas lalo lamang gugulo ang lahat.Tahimik siyang nagmaneho habang dahan-dahang umaandar ang sasakyan sa kalsada. Sa rearview mirror, kitang-kita niya ang mukha ni Scarlett.Namumutla. Pagod. At tila may iniinda. Nakapikit lamang ito habang nakasandal sa upuan. Nag-aalala si Joshua. Hindi niya gustong nakikitang nahihirapan ang babae.“Sigurado ka bang okay ka lang?” tanong niy
“Gagawa ako ng mainit na inumin para sa’yo,” mahinang sabi ni Scarlett habang marahang hinihimas ang likod ni Joshua.Ngunit imbes na bumitaw, lalo pang humigpit ang yakap ng lalaki.“Sandali lang... limang minuto pa,” bulong nito.Napailing si Scarlett.“Kahit kailan talaga, ang kulit mo.”Ngunit hindi niya itinulak palayo si Joshua. Sa halip, hinayaan niya itong manatili sa kanyang tabi. Hindi niya maintindihan kung bakit, pero tuwing nakikita niyang nanghihina ang lalaki, parang may kung anong sumisikip sa kanyang dibdib.Parang ayaw niyang makitang nasasaktan ito. Parang ayaw niyang mawala ito. Ilang minuto pa ang lumipas bago tuluyang bumitaw si Joshua. Napansin ni Scarlett na bumalik na ang kulay sa mukha nito. Kanina ay halos hindi makatayo.Ngayon naman ay parang wala nang nangyari.“Mas mabuti na ba ang pakiramdam mo?” tanong niya.Ngumiti si Joshua.“Mas okay na.”“Totoo?”“Oo.”Pinagmasdan siya ni Scarlett.“Ang bilis mo namang gumaling.”Napangisi ang lalaki.“Mabisa kasi
“Ha? Puwede ring mag-request?” tanong ni Scarlett habang dahan-dahang umaatras kasabay ng paglapit ni Joshua.“Siyempre naman, Ma’am. Simulan na natin para umabot tayo bago mag-alas nuwebe,” sagot ni Joshua nang may kumpiyansa.Lalong kinabahan si Scarlett at hindi niya alam kung paano magsisimula.
Hindi namalayan ni Scarlett na nakasandal na pala siya sa dibdib ni Joshua. Mukhang komportable siya, na para bang nakalimutan niyang kasama niya lamang ang isang kasambahay.Dahan-dahang hinaplos ni Joshua ang braso ng babae upang pakalmahin ito. Alam niyang pareho sila ng sitwasyon—napipilitang g
Umuwi si Scarlett na dala ang galit, sama ng loob, at matinding pagkadismaya. Magkasama silang umuwi ni Joshua sakay ng isang taxi.Hinayaan na lang si Rafael na manatili sa hotel kasama ang babaeng iyon.Wasak na wasak ang damdamin ni Scarlett. Naisip nia na mukhang matagal nang magkakilala ang d
Ngayon ay naunawaan na ni Scarlett kung bakit nilagyan ng unan sa ilalim ng kanyang balakang. Mas malalim pala at mas matindi ang pakiramdam. Lalo niyang ibinuka ang kanyang mga hita at binigyan si Joshua ng mas malaking pagkakataong ipagpatuloy ang ginagawa nito.“Yeah, Joshua... napakasarap ng sa







