LOGINNag excuse ako sa kanila at hindi na sila sinagot at baka kung ano pa ang sabihin ni Cheska sa akin. Tumingin siya sa likod ko at nakakunot ang noong nakatingin doon pero hindi naman nagtanong kaya hinayaan ko na lang. Pumasok kaming dalawa sa loob at kanina pa daw naghihintay si Jam.
"Don't be surprise ok, ang gwapo ng kanyang pinsan. Hindi ko nga alam na may ganoon siya kagwapong pinsan. Type ko na sana pero mukhang mga bata pa sila, may kasama silang mga kaibigan daw ng kanyang pinsan din." Paliwanag niya na ikinataas ng aking kilay.
"Sure kang hindi mo type? Lahat naman ata ng mga gwapo type mo eh!" Pang aasar ko na ikinalaki ng mata niya.
"Grabe ka naman Aya, friend ba talaga kita"...sabi niya naman na ikina ngiti ko.
"Hindi nga ba, diba gwapo gusto mo," dagdag ko pa na pang iinis sa kanya.
"Mahilig talaga ako sa gwapo, ikaw lang naman ang mahilig sa pangit sa ating magkakaibigan"...ganti niya kaya sinimangutan ko siya.
"Pero alam mo girl, ang ganda mo ngayon...akala ko nga hindi ikaw yan kanina. Tumingin pa nga ako sa likod mo dahil baka namamalik mata lang ako pero I got shock talaga," arte niyang dagdag.
"Hindi ba nakakahiya ang suot ko...ikaw nga ang sexy sexy mo kaya hindi ako makapaniwala na wala ka pang boyfriend hanggang ngayon," I said. Ang ganda niya kasi at ang sexy, napaka kinis ng balat halatang may lahing chinese. Always flaunting her curves dahil natural na payat, hindi tabain na kagaya namin ni Jam na kinokontrol ang aming kinakain dahil mabilis kaming tumaba.
"Correction, wala akong magustuhan at walang pasok sa standard ko kaya I am still single and availabe," pagmamalaki niya sa akin.
"Sige ka ta lalagpas ka ng kalendaryong wala pang karanasan kahit sa boyfriend lang," sabi ko sa kanya na ikinatawa niya.
"Aba at nakapagsalita ang magaling, diba nga kaya ka iniwanan ni Jake dahil sa hindi mo maibigay yang katawan mo sa kanya masyado kang makaluma kaya napag iwanan ka na rin," sagot niya kaya hindi ako naka imik. May point naman siya sa kanyang sinabi, hindi na ako nagsalita pa at nawala na ako sa mood.
"Sorry girl if na offend kita," sabi niya ng makitang hindi na ako umimik pa.
"We are here," she said at nag ayos ng sarili kaya nangunot ang aking noo at napatanong sa aking sarili " kaylangan bang mag ayos muna bago magpakita sa kanila.
"Anong ginagawa mo?" sabi ko ng huminto siya sa gilid at nag aayos.
"May mga gwapo silang mga kasama kaya kaylangan nating maging handa," sagot ng haliparot kong kaibigan.
"Akala ko naman kung ano na, tara na nga...asan na ba sila," I said at napatingin sa paligid pero dahil sa napakaraming tao kaya hindi ko makita. Nanlaki ang aking mata ng may makita akong naghahalikan sa isang table. Halos lantad na sila sa mga tao pero parang walang pakialam, naka kandong pa ang babae sa kanya.
"Shit na shit...Ginagawa talaga nila yan sa harap ng maraming tao," sabi ko sabay hablot sa aking kaibigan.
"Yes, normal lang yan dito ano ka ba...masyado kang ginawang katulong ng pamilya ng iyong boyfriend kaya yan wala kang ka alam alam. Thankful na rin kami dahil hindi mo naibigay ang katawan mo dun sa impaktong yun. He's not worth it you know! Halika at pakilala ka namin ni Jam sa mga kaibigan ng kanyang pinsan. Marami pa daw darating na kanyang kaibigan. Tatlo pa lang ang kaibigan niyang nandun wala pa ang iba. Narinig kong mga anim daw silang lahat at yung tatlo kanina nakita ko na...sobrang gwapo nila pero may isang mukhang may lahing British ata yun, matangkad siya pero hindi ko type dahil napaka seryoso ng mukha at nakakatakot. "Mahaba niyang paliwanag na halos sumigaw na dahil sa lakas ng tugtog.
"Tara na," maikli kong sabi dahil wala akong pakialam sa mga kaibigan ng kanyang pinsan or what so ever pa yan. Gusto kong uminom at wala na akong paki alam pa sa mga pinagsasabi ng babaeng to.
"Ok...lets go...sagot naman at nagpatiuna na. Sumunod lang ako at nakipagsiksikan sa mga taong nadadaanan namin lalo na't dumaan kami sa mga nagsasayaw. Tumaas kami at pumasok sa isang kwarto, napangiti ako ng masilayan ko ang aking kaibigan.
"Jammmm...I said na iiyak na sana ng makita ko siya pero nawala bigla ng mapansin kong nagsipag tinginan ang mga taong nandoon din. Nakalimutan kong nandito nga pala ang pinsan niya kaya napangiti na lang ako ng napaka awkward.
"Aya, best friend...sabi niya rin. Tumayo siya at sinalubong ako ng yakap. Napayakap na rin ako, hindi na alintana ang mga tao doon. I don't care about them sa isip isip ko.
"Halla, bakit siya lang? " Drama naman ng kaibigan kong isa kaya natawa kaming dalawa ni Jam. Ang arte talaga ng babaeng to. Yayakapin ko na rin sana siya ng inawat ako at siya na lang daw ang yayakap sa amin.
"Ako na at baka tataas ang damit ko," sabi na naman kaya tiningnan ko siya ng nakakaloka.
"Sino kasi ang nagsabi sayong mag suot ng ganyan? Next time mag bikini ka na lang," nakapamaywang kong dakdak.
"Aba at nagsalita ang manang sa amin"...palaban ding sagot niya.
"Tumigil nga kayong dalawa halina kayo dito at ipapakilala ko kayo sa aking mga pinsan," awat sa amin ni Jam kaya tumigil kami. Humarap si Jam sa kanila ni Cheska at ng humarap din ako napatingin ako sa paligid. Ngayon ko lang napansin na may kasama pa pala silang mga babae at may apat na lalaki. Pinakilala niya kami sa kanila isa isa at nagulat ako ng sabihin niyang pinsan niya rin ang dalawang babae na nandito. Twin daw sila pero hindi sila magkamukha not identical. Magaganda silang dalawa at sexy, napatitig ako ng mapansin kong may kakaiba sa mga aura nila. Lumapit kami at makikiapag kamay sana ng bigla akong hatakin ng isang kambal sabay yakap na kinagulat ko.
"Hi, I'm Angel and this is my twin sister Maya...Nice meeting you gorgeous," sabi niya at ng ilalahad ko sana ang aking kamay bigla akong hinatak.
"What happen here? Rein anak anong nangyari sayo," ani ng boses na kakilalang kakilala ko. Iisang tao lang ang tumatawag nito sa akin at hindi ko yun makakalimutan ang taong mahalaga sa buhay ko na walang iba na si Mang Kanor.Napa angat ako ng tingin at nagulat ng makita si Mang Kanor at Aling Nora na alalang alala sila sa amin. Tinakbo ako ni Mang Kanor at niyakap ng mahigpit habang buhat buhat. Napa iyak ako sa kaniyang ginawa, kitang kita ko ang kaniyang pag aalala sa akin. Nang makita ko siya doon ako naging emotional. Umiyak ako ng umiyak, hindi ko mapigil ang aking sarili ng maramdaman kong safe na ako dahil nandti na siya. Nang maramdaman ko ang mahigpit niyang yakap doon rumagasa ang lahat ng alaala ko sa kaniya. Kung sino siya sa buhay ko at lahat ng turo nito sa akin at pag aalaga niya hanggang sa lumaki ako. Galit at gigil ang nararamdaman ko sa kaniyang sarili ng makita niya ang nakakaawa kong kalagayan."Who did this to you?" Aniya sa galit na tono, kumalas siya sa pag
Kaya ang ginawa ko hinintay ko na matapos sila sa kakatingin sa aking laptop. Hanggang sa magsawa sila, mga laruan lang na mga offline game ang mga nandoon. Nagtatawanan nga sila ng makita ang laro kong plant zombie."Clear ma'am...no issues...only pure game here. Mukhang libangan niya ata," pahayag ng IT man ni mam. Napahiyaw si mom at napasabunot sa kaniyang ulo. Mukhang hindi niya ata matanggap na wala itong mahuthot sa akin. Natuwa ako sa kaniyang reaction, ganiyan nga para hindi ka mamihasa sabi ko sa aking isipan.Gusto niya pang kunin ang mga pingahirapan ko ng ilang araw samantalang ang napakalaking pera ko kinuha nila lahat. Mukhang hindi na ako kaylan man lalapit sa kanila kapag gumaling ako. Ang sakit sakit niyang magsalita sa akin. Tagos tagos lahat yun sa puso't isip ko.I am physically and emotionally hurt sa kanilang ginawa. Mukhang hindi ko na ito magagawang patawarin pa, sagad na sagad na sila sa akin. Nagwala siya lalo at ang hindi ko lalo matanggap ay ang ibato niy
Ganon lagi ang aking ginagawa kaya naging maaliwalas na rin ang aking mukha. Napatunayan ko sa aking sarili na kaya ko rin pala kahit na nawala man ang ibang alala sa aking isipan atleast may magandang dinulot din ito. Sa hirap ng pinagdaanan ko, naka survived pa rin ako. Patunay lang na hindi ako pinabayaan ng may kapal. At dahil na rin sa talino kong ito, hindi ko nga alam kung isa ba akong genius talaga or talagang marunong lang talaga ako nito. Nag sisimula na rin kasi akong ma stress ng malaman kong isang daang libo na lang ang natitira naming pera sa banko.Halos mawalan na ako ng bait, mabuti na lang ng isang araw nakatitig ako sa pinapanuod ni Manang Maria at nakita ko ang isang advertisement at by instinct nasabi ko sa aking sarili na kaya ko yun. Kaya nagpabili ako ng laptop at sinubukan yun.Na memorize ko naman ang ad na yun kaya alam ko na agad. Napakabilis gumana ng utak ko lalo na ng makita ko ang maraming mga kumpanyang naghahanap ng ganitong trabaho. Hindi naman ako
"Ok lang yan dahil nakagawa na ng paraan si Sir Steve. Hijo sabihin mo na sa kanila or ako na ang magsasabi," ika ni Aling Nora."Kayo na po ang bahala Aling Nora basta pagkatapos ninyong ma-isanla ang alahas na binigay ko. Ipagawa ninyo ang aking cellphone na ito," pahayag ko."Ok hijo...pagkatapos nating kumain mamaya...balik ulit tayo sa mall at ibenta natin ang alahas na bigay ni Steve sa akin. Masosolved na lahat ng problema natin pagka nabenta natin ito," masayang pahayag ni Aling Nora.Masayang masaya sila pagkatapos nilang kumain. Natuloga ako ng araw na yun at hinintay ang kanilang pagbalik. Yun nga pagbalik nila nasanla nila yun ng tatlong milyon. Sinabi ko kila Aling Nora na maghanap ng pwede naming tirahan sa natitirang pera na pinagbentahan ng alahas. Sinabi ko na kung pwede silang maghanap malapit lang sa hospital na ito. Hindi ko alam kung kaya ba ng budget pero may hawak pa naman akong ibang alahas kaya yun ang gagamitin na lang namin.Una sa lahat kaylangan ng matiti
Nanginginig akong kinuha ito ng iabot niya sa akin. Tinambol ako sa narinig na kaniyang sinabi. Hindi ko maalala kung kanino ito galing pero alam kong sa importanteng tao ito galing."Aling Nora alam niyo po ba kung kanino galing ang phone na to," tanong ko."Hindi mo rin ba naalala kung sino nagbigay niyan. Pinaka iingatan mo yan dahil yan ang kauna unahang regalo na natanggap mo mula kay Sir Kanor," aniya.Nagulat ako sa kaniyang sinabi, naluha ako ng marinig ko ang Kanor na yun. Hindi ko pa tuluyang naalala ito pero ramdam ko na importante siya sa akin kaya dali dali kong kinuha ang box na parang laruan at nilabas doon ang isang bagay na pinaka iingatan ko simula ng bata pa ako."Isanla mo muna ang diamond na to Aling Nora. Tawagan mo sila Manang Maria at Mang arthur para isanla niyo ito. Tutubusin ko na lang ito kapag naka recover na ako. Sa ngayon kaylangan na muna natin para sa mga kakaylanganin natin," ani ko dito."Dios ko naman hijo...natatakot naman ako sa singsing na diamon
"Kaylangan mong magpagaling hijo, kami na ang bahala sa mga babayaran dito sa hospital. Utang namin sayo ang aming buhay noon kaya hindi ka namin iiwanan. Ikaw na ang pamilya namin nila Arthur at Maria kaya huwag mo na kaming ipagtabuyan," ani Aling Nora.Naiyak ako sa kaniyang sinabi lalo na ng yakapin nila akong tatlo. Nahihiya ako dahil napaka baho ko na. Mapanghi narin ako dahil sa ilang araw na akong hindi pinapalitan ng caregiver na yun at sa tuwing nagagalit ako pinaparusahan niya ako. Kaya lalo akong nagkaroon ng matinding galit sa kanila at sa hospital pati na rin sa mga staff nila dun. Kaya nangako ako sa aking sarili na kapag naka recover ako at nakabalik ako sa dating ako babalikan ko silang lahat.Nahihirapan kaming tatlo ng palayasin kami ni mom sa sarili kong pamamahay. Kinuha niya lahat ng aking mga pera at araw araw daw itong nasa casino at nasa shopping. Yun ang na kwento nila Manang sa akin. Lalo akong nakaramdam ng galit dahil doon. Akala ko nga hindi na kami mak
Kinabukasan ginising ako ni Isay at tinawag kaming mag uusap lahat sa study room. May sasabihin daw sila sa aming magkakaibigan. Pagdating namin doon nakita ko ang aking mga kaibigan na antok na atok pa habang nakaupo at naghihintay sa akin. Inumpisahan agad ni Ate Roda ang pag uusap namin pagdatin
Wala akong ka-idea idea na siya pala ang binabanggit ni Boss sa amin. Nagtaka ako dahil sa kwento ni Boss isa itong ampon dito sa pilipinas na pinadala sa america at iniwan doon. Ibang iba naman sa kwento nila tita at tito sa amin. Sa kwento ni Boss doon ako nagduda, hinding hindi magkwekwento si B
Pagkababa namin sinalubong agad ako ng aking dalawang kaibigan. Kakagising daw nila, inaasar kaming dalawa ni Steve. Napaka fresh daw naming dalawa samantalang sila daw amoy bagoong na daw. Nanghihina daw silang dalawa kaya wala pa sa mood na maligo. Gusto ko sana silang tanungin kong kagaya ko din
Nagising ako sa lakas ng cellphone na tumutunog, napatingin ako sa buong paligid pero hindi ko ito makita. Hahayaan ko na lang sana pero nairita ako sa lakas ng huni nito. Tumayo ako bigla pero nagulat ako ng mapansin ang aking sarili na ok na. Naglakad lakad ako pabalik balik, ok na talaga. Napati


![Just One Night [Tagalog]](https://yfbwww.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)




