Share

Kabanata 4

Author: Miss A.
last update publish date: 2025-03-08 12:44:45

3rd person's POV

“mukhang malalim ang iniisip mo ah.” puna sakanya ni Dark. Nasa loob sya ngayon ng opisina nito at hinihintay itong matapos pirmahan lahat ng dokumentong binabasa pa nito.

Pwede naman sana na tawagin na lang sya nito ulit kapag tapos na nitong aralin ang mga yon at pirmahan, pero kakaiba din ang trip ng amo nyang ito. Ang gusto nito ay maghintay sya kung kelan nito matatapos pirmahan ang mga iyon. Saka pa lang sya pwedeng lumabas ng opisina. Nasasayang tuloy ang oras nya sa pag tanga sahalip na makapag trabaho pa sya.

“Wala, may ini-isip lang ako.” wala sa mood nyang sagot dito.

“Ano namang iniisip mo?” mukhang mas naging interesado pa ito sa iniisip nya kesa basahin ang mga dokumentong hawak nito.

“Basahin mo na yang mga yan ng mapirmahan mo na. Marami pa akong kailangan tapusin sa table ko.” pag iiba nya ng usapan pero makulit talaga ang amo nya.

“Ano nga munang iniisip mo? Diko to babasahin hanggat di mo sinasabi sakin.” napabuntong hininga naman sya sa kakulitan nito.

“Chismoso ka din noh? Iniisip ko lang yung pinag usapan namin ni lola kagabi. Gustong gusto nya na kasing magka jowa ako.” napasandal naman si Dark sa kanyang swivel chair at mataman syang tiningnan.

“So anong balak mo?” seryoso nitong tanong sakanya.

“Yon na nga eh! Para bang ganon lang kadali ang gusto ni lolang mangyari! As if naman parang item lang yon sa isang mall na pwedeng bilihin.” tumaas naman ang sulok ng labi ni Dark.

“Masyado ka kasing chosey! Napaka pihikan mo.”

“Eh sa wala pa akong nakikitang lalaki na pasok sa standards ko.”

“Ano ba kasing gusto mo sa lalaki?” seryoso nitong tanong sakanya.

Nag isip naman sya. "Gusto ko syempre yung gwapo, matured mag isip at may maayos na trabaho. Responsable at higit sa lahat ay hindi babaero." wika nya na tila pinatatamaan ang kanyang Boss. Pagak namang natawa si Dark.

“Eh ako naman yang denidescribe mo.”

“Kilabutan ka nga! Ang sabi ko hindi babaero sir!” paglilinaw nya.

Sa totoo lang pasok na sana si Dark sa criteria na gusto nya sa isang lalaki maliban na lang talaga sa pagiging babaero nito.

“Correction Aia, hindi ako ang lumalapit sa mga babaeng sinasabi mo. Sila ang lumalapit saakin at nag hahain ng sarili nila saakin. May kasabihan nga na palay na ang lumalapit sa manok. Lalaki din ako may sexual na pangangailangan-”

“Hay! Oo na sir! Bahala ka na nga dyan.” putol nya sa sasabihin nito. Tumayo na sya para lumabas ng opisina.

“Hoy! San ka pupunta?” Sita nito sakanya.

“Sa pantry sir igagawa kita ng kape para naman kabahan ka sa pinagsasabi mo.” lumabas sya sa opisina. Hindi na nya talaga kinakaya ang mga kalaswaan sinasabi ng Boss nya. Ayaw na ayaw nyang pinag uusapan ang sex life nito, naiinis lang sya dito.

Sa pantry area muna sya nagpalipas ng kanyang oras bago napag pasyahan na igawa ng kape ang kanyang amo. Nakapag isip narin sya ng ilang solusyon sa problema nya.

Dala nya na ang kape sa opisina nito. Mukhang tapos na rin naman itong pirmahan yung mga documents na kailangan nya dahil sa laptop na ito naka focus.

Inilapag nya ang kape nito sa mesa.

“Sir Dark..” tawag nya dito para kunin ang atensyon nito. Tumingin naman ito sakanya.

“what?” tanong nito sakanya. Nakita nito ang kape na Inilapag nya kaya kinuha nito iyon para inumin.

“What if magpa buntis na lang ako?” naibuga naman ni Dark ang kape dahil sa sinabi nya. Maagap naman syang lumapit dito at pinunasan ang kumalat na kape sa table nito.

“Ano ka ba naman! Bagong kulo lang kasi yan!” pa galit nya dito.

“Ano ba kasing pinagsasabi mo Aia? Kanino ka naman magpapabuntis? Nababaliw ka na ba?” galit ang tono nito at salubong ang mga kilay.

“Kahit kanino. Naisip ko kasi Sir Dark, na ang iniisip lang naman ni lola ay yung may makakasama ako sa pag tanda. Eh, kung ang ikinakatakot nya ay yung hindi na ako makapag buntis dahil sa edad ko, edi magpapabuntis na lang ako. Ayoko rin naman kasi na mag asawa lang dahil na pe-pressured ako sa sitwasyon. Baka mamaya yung mapangasawa ko eh, maging sakit lang ng ulo ko diba?” mahaba nyang paliwanag dito na tila hindi naman natutuwa si Dark sa mga sinasabi nya.

Hindi maipinta ang pagmumukha ni Dark. Salubong ang mga kilay nito.

“Itigil mo na yang kalokohan mo Aia. That's not a good idea! Bumalik ka na sa cubicle mo!” galit na Saad nito na ipinagtaka nya naman.

Ano bang problema non?

“Eh bat ba nagagalit ka dyan?” inis nyang tanong dito.

Iniabot nito sakanya ang ilang papeles. “Aralin mo yan at i-sumarized mo! I need that before 5pm.” Pag iiba nito ng usapan. Nakita nya naman kung gaano kakapal ang mga iyon kaya napatanga sya.

“Seryoso ka ba? eh, ang kapal kapal nito. Imposibleng matapos ko ito agad.” reklamo nya pa rito. Tila naman wala na sa mood ang kausap nya kaya tinapunan sya nito ng masamang tingin.

“Mukha ba akong nagbibiro sayo Aia? Pumunta ka na sa table mo at gawin mo na yan. Hindi yung kung ano-anong katangahan ang iniisip mo dyan!” galit nitong saad. Sa tagal ng panahon ay ngayon lang sya nito napag sabihan ng hindi magandang salita, kaya naman masyado syang na offend sa sinabi nito.

Padabog nyang kinuha ang mga papeles at lumabas ng opisina ni Dark.

Dahil tinambakan sya nito ng gawain ay hindi na nya naisipan pang mag lunch. Kailangan daw kasi nyang matapos i-summarize ang mga yon before 5pm. Magagawa nya lang iyon kung hindi sya mag be break time. Buti na lang at kahit papano may dala sya palaging crackers sa bag nya. Iyon na lang ang kakainin nya.

Habang nag eencode ay isang paper bag ang Inilapag ng isang tao sa harapan nya. Nang mag angat sya ng tingin ay si Dark iyon.

“Past one na. Wala ka bang balak kumain ng lunch?” kumpara kanina ay mahinahon na ang boses nito. Hindi nya ito pinansin at nag tuloy lang sa kanyang ginagawa. Hindi naman umalis ang lalaki sa harapan nya.

“Busy ako sir Dark. Kailangan ko pang ipasa sayo ito bago mag 5pm.” sarkastiko nyang sagot dito.

Dahil sa sinabi nya ay kinuha nito ang laptop nya at itiniklop. Inalis rin nito ang mga gamit na nakapatong sa table nya. Napa awang ang bibig nya. Ano na namang trip nito?

“Kumain ka muna.” matigas nitong utos saka binuksan ang paper bag at inilatag sa harap nya ang mga pagkaing binili nito. Napatanga naman sya dito ng makita nyang puro paborito nyang pagkain ang binili nito. Kumuha ito ng isa pang upuan at naupo sa harap nya. Kumalam naman ang sikmura nya ng maamoy ang ulam na ihinatag nito sa lamesa.

Nainis sya sa sarili nya dahil unti-unti syang ginugupo ng karupukan. Kahit kasi gusto nyang magmatigas at wag kumain ay hindi nya kayang pag labanan ang masarap na aroma ng pagkaing nasa harapan nya, lalo na at gustong gusto nya ang mga iyon.

“Wagka ng magpakipot. Gutom na rin ako kaya kumain na tayo.” anito.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (16)
goodnovel comment avatar
Caren Rendon
bumabalik ako sa pag teenager...
goodnovel comment avatar
Savannah Jean Orilla
ang ganda na story
goodnovel comment avatar
8514anysia
ayieeee, grbe kilig q s chap n to🫶🫶🫶🫶🫶🫶🫶🫶🫶🫶🫶🫶🫶🫶
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • My Playboy Boss   Kabanata 1254

    Lumakad siya palapit sa entrada ng kusina at doon ay natanaw niya ang nakatalikod na binata na abalang-abala sa pagluluto. Nakasuot na lamang ito ng white shirt na pinatungan ng apron at cotton short. Hindi niya maiwasang hindi humanga dito! Bukod sa pinagpala na kasi ito sa hitsura ay mahusay din

  • My Playboy Boss   Kabanata 1253

    3RD PERSON'S POV “Salamat, Bro. Makakaalis ka na.” taboy ni Dark Angel sa kaniya nang mailapag nila ng mga kasama niyang staff ang mga kahon na naglalaman ng kanilang pinamili sa super market. Napapaawang ang bibig ni Von na tumayo ng tuwid saka inilagay ang dalawang kamay sa magkabilang bewang.

  • My Playboy Boss   Kabanata 1252

    “Aba, mukhang ibabahay mo na talaga si Jamaica, ah?” tudyo nya kay Dark Angel sabay siko sa tagiliran nito. “I told her to stay at my condo unit for a while. Sa ngayon, alam kong wala pa siyang matutuluyan.” sa halip ay sagot nito habang patuloy pa rin sila sa paglalakad patungo sa parking area. “

  • My Playboy Boss   Kabanata 1251

    3RD PERSON'S POV “Girlfriend ba sya ni Kuya Daniel?” naninikip ang dibdib na tanong ni Serina habang kuyom ang mga kamay. “Ahahaha... S-San mo naman nakuha ang chismis n-na yan, baby girl?” alanganing tanong ni Von. Pakiramdam niya ay nasa isang hot seat siya kasama ng isang interrogator. Oras na

  • My Playboy Boss   Kabanata 1250

    “Don't worry about him. Walang sakit ang Kuya Daniel mo. Hindi para sa kaniya ang resetang iyon. Kung kanino man iyon ay hindi ko pwedeng ipagsabi.” anito na lumakad na patungo sa sarili nitong lamesa. Nahulog naman sa malalim na pag-iisip si Serina. Kung hindi ito para kay Dark Angel, para kanino

  • My Playboy Boss   Kabanata 1249

    3RD PERSON'S POV “Ano bang iniisip mo? Doktor ako Daniel. Walang malisya sa 'kin ang gagawin ko. Masyado ka namang OA.” napapailing na palatak ni Dr. Alden. “Ayoko.” tanggi din naman ni Jamaicah. Nahihiya siyang ipakita dito ang pribado niyang katawan. Napapabuntong hininga na lang na napatango

  • My Playboy Boss   Kabanata 699

    Umiling si Aia. “Bakit nga ba?” “Well, tao din naman kami na may damdamin. Nakakaramdam ng awa sa mga empleyado pero hindi namin iyon pwedeng ipakita most of the time, kasi may mga empleyadong kagaya nila Brenda. Walang hiya at mapagsamantala! We are the CEO. Naka-atang sa balikat namin ang tagu

    last updateLast Updated : 2026-04-01
  • My Playboy Boss   Kabanata 700

    3RD PERSON'S POV “OMG! Napatakip si Selena sakaniyang bibig ng mapanood ang live telecast sa Business News ng Marriage proposal ni Dark kay Aia. Nakipag uganayan si Dark sa isang broadcast journalist ng isang Business News Channel upang makuhanan ang kaniyang pinaplanong marriage proposal kay Ai

    last updateLast Updated : 2026-04-01
  • My Playboy Boss   Kabanata 712

    AIA'S POV “Love, labas tayo?” aya saakin ni Dark ng papahiga na sana kami para matulog. “Saan naman tayo pupunta ng ganitong dis-oras ng gabi?” tanong ko sakaniya saka muling bumangon. “Talagang wife material ang asawa ko eh! Alam mo bang buhay na buhay ang syudad sa ganitong oras? Marami pang

    last updateLast Updated : 2026-04-01
  • My Playboy Boss   Kabanata 737

    “Tss! Kwento sa pagong!” irap ni Ashley sa nobyo. “James, how could you do this to me? Why, nagsasawa ka na ba saakin dahil preggy ako?” nagtatampong sumbat ni Selena sa aswa. Muling sinubukang yakapain ni James ang asawa ngunit muli lang siya nitong sinampal. “I hate you!” asik ni Selena sak

    last updateLast Updated : 2026-04-01
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status