Compartir

KABANATA 2

last update Fecha de publicación: 2025-01-10 00:48:44

MARIANNE

Nagising ako na hindi ko halos maigalaw ang katawan ko. Hindi ko rin alam kung nasaan ba ako. Nahihilo ako kaya muli akong pumikit at sa muling pagmulat ng aking mga mata ay isang gwapong mukha ang bumungad sa akin.

“Yanne,” sambit niya sa pangalan ko kaya mabilis na kumunot ang noo ko.

“Who are you and where's my dad?” Tanong ko sa kanya habang pilit na ginagalaw ang katawan ko at nagtagumpay naman ako. 

“I’m your Ninong Andrew,” sagot niya sa akin na ikinagulat ko.

Ang buong akala ko kasi ay matanda na ang ninong ko. Hindi ko man lang alam na ganito pala siya kabata. Oh my g! Tao ba siya o bampira? Bakit ang gwapo niya? Ang bata pa niya? Hindi ko tuloy alam kung same age lang ba sila ng daddy ko. 

“Hindi ka ba na naniniwala sa akin?” Tanong niya sa akin habang nakatingin sa mga mata ko. Pero bigla kong naalala ang daddy ko.

“Nasaan po ang daddy ko?” Tanong ko sa kanya habang nagsisimula ng kumalabog ang dibdib ko dahil naalala ko ang huling nangyari sa amin. 

“Ang daddy mo ay….”

“Ay….”

“N–Ninong, tell me. Nasaan po ang daddy ko?” parang naiiyak na tanong ko sa kanya.

“Wala na ang daddy mo,” sagot niya sa akin na nagpatigil sa mundo ko. Para akong nabingi sa narinig ko mula sa kanya.

“W–What? No! No! It’s not true, buhay pa ang daddy ko. Hindi niya ako iiwan, mahal na mahal niya ako kaya hindi niya ako iiwan.” sigaw ko dahil hindi ako naniniwala sa kanya.

“I’m sorry, I’m sorry pero wala na siya,” sagot niya sa akin kaya naman bumuhos na ang luha ko.

“No, no! Hindi niya ako kayang iwan. Ang sabi niya gagawa kami ng maraming memories, ang sabi niya sa akin ay babawi na siya sa akin. Gusto ko po siyang makita, hayaan mo po akong makita ang daddy ko. Please, please po, ninong.” sabi ko sa kanya.

“Okay, dadalhin kita sa kanya.” sagot niya sa akin at binuhat niya ako para makaupo ako sa wheelchair. 

Lumabas na kami sa room na kung nasaan ako kanina. Tinutulak niya ang wheelchair ko habang walang tigil sa pagpatak ang mga luha ko. Gusto kong makita ang daddy ko. Gusto ko dahil hindi ako naniniwala sa kanya. Hindi totoo na wala na ang daddy ko.

Hindi niya ako iiwan ng ganun lang. Mahal na mahal niya ako at pupunan pa namin ang mga taon na hindi kami magkasama. At kapag wala na siya ay paano na ako? Paano na ako? Ayaw kong mag-isa, hindi ko kayang mabuhay na wala na ang taong mahalaga sa buhay ko.

Napahagulhol ako dahil papasok na kami ngayon sa morgue.

“Ninong, wala dito ang daddy ko diba? Wala siya sa loob? Diba? Hindi totoo ang lahat ng ito diba? Please, maling daan po ito diba? Wala siya dito,” umiiyak na tanong ko sa kanya dahil ayaw ko sa daan na tinatahak naming dalawa.

“I’m sorry, Yanne pero nandito ang daddy mo.” sabi niya kaya napahawak ako sa dibdib ko dahil parang hindi ako makahinga.

Hanggang sa nakita ko ang daddy ko na nakahiga at wala ng buhay. Mabilis akong tumayo at lumapit ako sa kanya. Niyakap ko ang malamig niyang katawan. 

“Daddy!”

“Daddy! Wake up, please. Please, please. Don’t leave me. Hindi ko po kaya na mag-isa. Please, bumangon ka na.” umiiyak na sambit ko habang nakayakap sa kanya.

Wala akong pakialam sa mga tao na narito dahil ang daddy ko lang ang mahalaga sa akin. Hindi ko gusto ang nakikita ko. I don’t like this. Hindi ko gustong nakahiga ang daddy ko dito. 

“You made a promise. You said that babawi ka, babawi ka sa akin. Sinabi mo ‘yon kaya nga ako umuwi na dito eh. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari ay hindi na dapat ako umuwi pa. Sana nanatili na lang ako sa kung saan ako. I’m sorry, daddy. I’m sorry,” kausap ko sa kanya habang bumubuhos ang masagana kong luha.

“Yanne, let’s go.” sabi sa akin ni ninong.

“Dito lang po, sasamahan ko ang daddy ko. Alam ko na nilalamig siya, kailangan niya ako. Kailangan po niya ng kasama,” sagot ko kay ninong.

“We need to go, aasikasuhin na nila ang daddy mo. Para maiuwi natin siya sa bahay niyo,” sabi niya sa akin.

“Ayaw ko po siyang iwan–”

“Kailangan na nating umalis,” sabi niya sa akin at binuhat na niya ako.

Hindi na niya ako pinasakay pa sa wheelchair dahil siya na mismo ang nagbuhat sa akin. Dahil sa ginawa niya ay napasubsob ako sa dibdib niya at dito ako umiyak ng umiyak. Wala na akong pakialam pa sa ibang tao dahil ang sakit ng puso ko. Ang sakit ng nararamdaman ko ngayon. Nakarating kami sa room kung saan ako kanina.

Maingat niya akong ibinaba sa kama. Nang akmang aalis siya sa tabi ko ay hinawakan ko ang kamay niya.

“Dito ka lang po, please.” sabi ko sa kanya.

“Okay, I’ll stay here. Hindi ako aalis,” sabi niya sa akin.

“Ninong, ano na po ang mangyayari sa akin ngayon? Mag-isa na po ako,” tanong ko sa kanya.

“You’re not alone dahil kasama mo ako.”

“Baka po may mangyari rin sa ‘yo. Dahil sa tingin ko ay ako talaga ang malas. Ako rin ang dahilan kaya nawala ang mommy ko at ngayon ang daddy ko naman–”

“Don’t say that, I’ll protect you. Hindi ko hahayaan na may mangyari sa ‘yo, Yanne. Alam ko na masakit at malungkot na wala na ang daddy mo. Pero nandito ako, ako na ngayon ang kasama mo.” sabi niya sa akin at niyakap niya ako.

Niyakap ko rin siya. Naramdaman ko ang paghaplos niya sa buhok ko. Hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising ulit ako at this time ay pinayagan na kami ng doktor na umuwi na kami. At tulad nang sabi ng ninong ko ay hindi siya umalis sa tabi ko.

Kasama ko siya ngayon at nasa loob kami ng sasakyan niya. Tahimik lang akong nakatingin sa labas ng bintana. Sa tingin ko ay naubos na ang mga luha ko sa kakaiyak. Dahil wala ng pumapatak sa mga mata ko. Sa tingin ko rin ay namamaga na ang mga mata ko sa kakaiyak ko kanina.

Nang makarating na kami sa bahay namin ay nawala na ang excitement na nararamdaman ko noong tumungtong ako sa airport. Hindi rin pala maganda na sobrang excited ako sa pag-uwi ko dito sa bahay. Dahil ngayon ay wala ng kulay ang bahay namin. 

“Kumain ka muna,” sabi sa akin ni Ninong Andrew.

“Busog pa po ako,” sagot ko sa kanya.

“Pero hindi ka pa kumakain. Kailangan mong kumain kahit kaunti lang,” sabi niya sa akin.

“Wala po akong appetite, ninong. Hindi ko po kayang kumain ngayon,” sabi ko sa kanya.

“Okay, kung talagang wala ka pang ganang kumain ay magpahinga ka na lang muna sa room mo. Aalis muna ako, dahil may mga kailangan akong asikasuhin. Pupunta dito mamaya ang lawyer ng daddy mo.” sabi niya sa akin.

“Okay po,” sagot ko sa kanya.

Nandito ako ngayon sa silid ko. Ang ganda, paboritong kulay ko pa talaga ang nandito sa room ko. Halatang pinaghandaan ng daddy ko ang pag-uwi ko. Kaya naman ang sakit lang, ang sakit na hindi na niya nakita ang reaksyon ko. Napatingin ako sa larawan na nasa pader. Ang larawan naming dalawa noong graduation ko.

Ang saya naming dalawa sa larawan na ito. Pareho kaming nakangiti, pero ngayon ay mag-isa na lang ako. Lumabas ako sa may balcony ko dahil kailangan kong huminga. Pakiramdam ko ay sobrang sikip ng room ko para sa akin. Habang nakatayo ako dito sa balcony ay nakabalik na ngayon ang ninong ko at may kasama siyang tao na sa tingin ko ay ang abogado na sinasabi niya.

Naglakad ako para puntahan silang dalawa sa baba. Nagtagpo ang mga mata namin ni ninong habang pababa ako sa hagdan pero ako ang unang umiwas sa kanya. Pinakilala niya sa akin ang lawyer ni daddy.

“Nakalagay sa last will and testament ng daddy mo na ang mag-aalaga sa ‘yo kapag nawala ka ay ang Ninong Andrew mo,” sabi niya sa akin na ikinagulat ko.

“Po? Pero legal age na po ako.” sabi ko sa kanya dahil ayaw kong maging pabigat sa kahit na sino.

“Hindi safe para sa ‘yo na mag-isa ka.” biglang sabi sa akin ni ninong.

“Papat*yin rin ba nila ako?” tanong ko sa kanya.

“Hindi ko hahayaan na mangyari ‘yon.” sabi niya sa akin at kitang-kita ko na bigla na lang siyang naging seryoso.

*******

Dumating na ang labi ng daddy ko dito sa bahay namin. At nagtagal lang ng limang araw ang burol niya. Wala namang pumunta na kamag-anak kaya wala ng dahilan para magtagal pa ang burol dahil kahit masakit ay ayaw ko ng nakikita ang daddy ko dahil feeling ko anytime ay gugustuhin ko ng sumama sa kanya. Hinayaan ako ni ninong Andrew na dumito na muna sa bahay namin. May mga kasama ako dito hanggang sa bigla na lang may mga dumating dito sa bahay namin.

“Ninong, nandito po sila.” sabi ko sa ninong ko dahil tinawagan ko siya.

“Magtago ka at ‘wag na ‘wag kang lalabas. Papunta na ako,” sabi niya sa akin.

“Hihintayin kita,” sabi ko sa kanya bago ko ibinaba ang tawag.

Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App
Comentarios (7)
goodnovel comment avatar
mercy villafuerte
nasaan na si Yaya,ano ang nangyari sa kanya
goodnovel comment avatar
Rick Dela Cruz
Bakit ang Daddy nya lang ang binanggit na namatay, nasaan na si Yaya? Bakit may gusto ding pumatay sa kanya?
goodnovel comment avatar
Lie Zl
Ang Ganda Ng kwento po
VER TODOS LOS COMENTARIOS

Último capítulo

  • NINONG MAYOR (SPG) Alcantaria Series   ANG MADRE NA HACKER 7

    GENE“Ano ang ibig mong sabihin? Bakit?” sunod-sunod na tanong ko sa kanya.“Dahil my loves kita,” nakangisi na sabi niya sa akin kaya sinamaan ko na talaga siya ng tingin dahil naiirita na naman ako.“Kasasabi ko pa nga lang sa ‘yo na ‘wag mo akong tawagin ng ganyan tapos nagsisimula ka na naman,” sabi ko sa kanya.“Masama bang tawagin ka ng my love? Ano ang gusto mo? Baby loves? Sweety pie? Mahal?” nakangisi na sabi niya sa akin.“Kung hindi ka naman makausap ng matino ay aalis na lang ako,” sabi ko sa kanya.“Matino naman ako at–”“May matino ba na lalaki na tatawaging my loves ang kausap niyang madre?” tanong ko sa kanya.“Nagpacheck ka na ba ng bp mo?”“Hindi ako highblood,” sabi ko sa kanya.“Tinatanong ko lang, ang bilis kasing uminit ng ulo mo.”“Bahala ka na nga!” aalis na sana ako nang hawakan niya ang kamay ko.“Stay, hindi pa nga tayo tapos mag-usap,” sabi niya sa akin.“Hindi tayo matatapos dahil nakakainis ka,” sabi ko sa kanya.“Umupo ka na, sorry na,” sabi niya sa akin

  • NINONG MAYOR (SPG) Alcantaria Series   ANG MADRE NA HACKER 6

    GENEWala naman talaga akong balak na mangialam pero ayaw ko naman na mapahamak ang bata na kasama namin. Wala akong ibang nasa isip ngayon kung hindi si Vryan. Gusto ko na maging ligtas siya. “Ang dami mong pera pero hindi mo man lang kayang ipa-bulletproof itong sasakyan mo,” naiinis na sabi ko sa kanya.“Bago lang ito kaya hindi ko pa naipagawa,” sagot niya sa akin. “Magpalit tayo ng posisyon. Ako na lang ang magmamaneho dahil hindi na ako puwedeng humawak ng baril,” sabi ko sa kanya.“Okay,” sagot niya sa akin kaya naman nagpalit na kaming dalawa ngayon. Mabuti na lang at hindi siya mahirap na kausap.Ako na ang nagmamaneho ngayon at siya itong nakikipagpagpalitan ng mga putok ng baril sa mga kalaban hanggang sa dumating ang mga tauhan niya. Kaya nakahinga naman ako ng maayos dahil hindi naman nagtagal ang laban at safe ang batang kasama namin. Ako pa rin ang nagmamaneho hanggang sa nakarating kami pabalik sa kumbento.Bumaba agad ako at pumasok na ako sa loob. Hindi ko na siya

  • NINONG MAYOR (SPG) Alcantaria Series   ANG MADRE NA HACKER 5

    GENEWala naman talaga akong plano na sumama sa kanila kaya lang naawa naman ako kay mother superior kaya ako na lang ang pumalit sa kanya. Kasama naming lumabas ang mga madreng may pagka-chismosa. Alam ko na naiilang na sila sa akin dahil hindi na nga sila makatingin sa mata ko. Si Vryan naman ay kasama namin at nasa tabi ko siya. Si Sir Val ang nagmamaneho ng sasakyan.May mga kasama siyang tauhan at mga bagong agent ang mga ito. Ibang-iba na talaga ang mga bagong agent niya kaysa sa amin noon na batak kaming lahat sa training. Ngayon kasi ay hindi na gano’n ka higpit ang lalaking ito sa mga kinukuha niya kaya hindi kami nagtataka na may mga bumabaliktad.“Sister Gene, ang tahimik mo po?” tanong sa akin ni Vryan.“Ano naman ang sasabihin ko?” tanong ko sa kanya.“Puwede po ba akong magtanong?”“Ano ba ang gusto mong malaman?”“Nagkaroon ka na po ba ng boyfriend noon?” tanong niya sa akin.“Wala pa,” sagot ko sa kanya.“Pero nagkagusto ka po ba sa lalaki noon?” tanong niya sa akin.“O

  • NINONG MAYOR (SPG) Alcantaria Series   ANG HACKER NA MADRE 4

    GENE“Good morning, my loves.”“Good morning, tita,” malambing na bati niya kay mother superior.“Good morning, Val. Ang aga mo naman yata dito?”“Diba, sabi mo ay maggrocery tayo para sa mga bata ngayon.”“Wala ka bang trabaho ngayon?”“Tita, ako po ang boss kaya kahit anong oras ay puwede ako lumiban sa trabaho ko. At isa pa, hindi naman ako makakapagtrabaho na wala ang isa sa mga pinagkakatiwalaan ko.”“Puwede naman kasing maghanap ng iba bakit kailangan pa akong hintayin,” pabulong-bulong na sabi ko.“May sinasabi ka ba, Sister Gene?” tanong niya sa akin.“Wala po,” nakangiti na sagot ko sa kanya pero lumapit na talaga siya sa akin.“Miss ko na ang lips mo, wala bang good morning kiss d’yan?” pabulong na sabi niya.Pasaway talaga ang lalaki na ‘to. Gusto talaga niya akong bigyan ng kasalanan. Umagang-umaga pa lang ay gusto na yata niya na may labagin na naman ako. Talagang pinapaalala niya sa akin ang tungkol sa kasalanan na ginawa niya kagabi. Lumayo ako ng kaunti sa kanya dahil a

  • NINONG MAYOR (SPG) Alcantaria Series   ANG HACKER NA MADRE 3

    GENE“You belongs to me at may kasunduan ‘yan. Kaya kailangan mong sundin ang kasunduan na ‘yon,” putol niya sa mga sasabihin ko.“Nababaliw ka na.”“Matalino ka, pero hindi mo man lang binasa ng maayos ang kontrata mo sa akin. Nakalagay diyan na wala kang magagawa kahit pa habang-buhay ka sa akin. Ako ang magsasabi kung aalis ka ba o hindi. Pinayagan lang kita sa mga trip mo pero kailangan ka sa trabaho mo. Kaya sa ayaw o gusto mo ay sa akin ka lang, Gene. Sa akin ka maglilingkod dahil iyon ang nakalagay sa kontrata mo,” saad niya na naging dahilan para kumunot ang noo ko.“Marami na akong kasalanan sa araw na ito at dahil ‘yon sa ‘yo kaya tigilan mo na itong mga kalokohan mo. Hindi ko alam ang mga sinasabi mo. Ano’ng habangbuhay? Nagpasa na nga ako ng resignation letter ko dahil gusto ko ng umalis. Hindi na ako masaya na mag-isa ako. Ayaw ko na mag-isa na lang ako sa trabaho na ‘yon dahil ang mga kaibigan ko ang naging dahilan ko para magustuhan ko ‘yon. Kung hindi mo pa talaga na na

  • NINONG MAYOR (SPG) Alcantaria Series   ANG HACKER NA MADRE 2

    GENEPuwede ba akong magalit? Syempre hindi! Ngayon na narito ako sa kumbento ay kailangan palagi akong kalmado kahit pa sa totoo lang ay malapit ng kumulo ang dugo ko. Oo, kukulo ang dugo ko sa epal kong boss. “Sorry po, Lord. Siya kasi e, ang kulit niya.”Halatang kinukuha niya ang loob ng mga bata at ng mga madre dito. Ang kuripot kong boss ay galante ngayon sa mga bata. Pero maganda rin naman ang ginagawa niya dahil sa sobrang yaman niya ay dapat lang na magbigay siya sa mga ito. Hindi naman niya puwedeng dalhin ang kayamanan niya kapag namatay siya. “Sister Geneva, baka naman po matunaw na si kuya sa kakatitig mo?” tanong na naman sa akin ng makulit na bata.“Iniisip ko lang kung kailan kaya siya aalis.”“Bakit naman po?”“Dahil hindi siya dapat nandito. Sa sobrang dami ng trabaho na mayroon siya dapat inuuna niya ‘yon.”“Pero nakakatulong naman po siya sa mga katulad namin. Mabait naman po siya kaya gusto siya ng mga bata dito.”“Kung magsalita ka ay parang ang tagal niyo ng ma

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status